Chereads / Ace of Hearts (Filipino) / Chapter 3 - Chapter One

Chapter 3 - Chapter One

Chapter One

Darkness

I can feel the stares my schoolmates are giving me. I feel awckward but I can't do anything. Kasalanan ko bang kababata ko ang mga taong sikat sa school namin? Tsaka, hindi ko sila iiwanan para lang makalayas sa mga titig ng mga tao.

Like duh! It's better to walk in the darkness with your friends.

"Tigan mo, M. Blurry 'di ba?" tanong ni Sal sa akin habang naglalakad kami.

Tinignan ko naman ang phone niya. It was a mix of colors and really blurry.

"Hindi kaya!" Caleb said beside me.

Tiningnan ko siya ng hindi makapaniwala. Hindi ko siya masisi, blurry mata niya.

"Ano'ng hindi kaya? If you can't see, lemme tell you that it's blurred AF!"

"Awat na. Tumatalsik na laway mo," si Astrid na biglaang sumulpot at pumagitna sa aming tatlo.

Tinalikuran ko sila at inayos ang bag ko. Narinig ko pa ang sermon ni Astrid sa pinsan niyang weirdo. Nauna akong maglakad at dinig ko ang mga salita nina Astrid at Salana.

"Suotin mo kasi salamin mo, Cal."

"Oo nga! Tapos kung magreklamo na masakit ang ulo niya akala mo ikaw may kasalanan," sumbat pa ni Sal.

Sinalubong ako ni Jaiden na hindi ko namalayang parehas pala kami ng klase ngayong araw. He smiled at me as his dimples showed up.

He is Jaiden Hao, my crush since the first day of class. He's Chinese, kitang kita lalo pag natatawa siya. His eyes turns into slits. Mestizo and he's cute. Cute not because he's small cause he's hovering over people.

You know the feeling that when you think of him... you just smile out of the blue.

"Babe!"

Boom, sabog confetti.

He have a girlfriend he seemed so much inlove with. Kahit naman hindi siya inlove hindi parin ako manlalalandi. I'm not a linta! Ayaw kong makikabit.

This is why I need to look for a boyfriend. Kailangan ko ng mag move on kay crush.

Nilampasan ko sila at hindi na pinansin ang mabilis na yakap ng kaniyang girlfriend. I mentally rolled my eyes at them. Sobrang PDA naman nila.

"Aray, aray!"

Napatingin naman ako kay Caleb na akala ko ay nagpaparinig. He wasn't. Sinuntok siya ni Sal sa balikat. Astrid was behind them, face palmed.

Hindi ko talaga alam kung bakit naging magsyota 'tong dalawa. They're polar opposites! Tulad nina Kiya John.

Maghanap nga ako ng opposite ko't baka magkatuluyan kami.

"So, class. How's your group thesis?" tanong nung Prof namin pagkapasok niya.

Singhap ang sagot sa kaniya ng lahat. Kahit ako nga kinabahan din. Actually, he gave the work to us last Friday. Ni kagrupo ko 'di ko alam kung sino.

Pinagbigyan kami ni Prof Sandigan at iba ang diniscuss niya ngayon. It was already ten when I was done with my third block and it was the last for this day. Uuwi na sana ako nang may babaeng morena ang biglaang tumawag sa akin.

"Agdipa! Wait lang!"

She was familiar. Hinalungkat ko ang utak ko at natandaan na siya ay isa sa kagrupo ko. Alabama Silveo. May nakasunod naman sa kaniyang babaeng maputi at siguro mas mataas kaming dalawa ng tatlo o apat na pulgada.

"Tungkol sa thesis natin." humahangos niyang sinabi.

"Uh, oo nga pala. Are we gonna discuss na ngayon?" I said.

Tumango siya at may hirit pa. "Pero sorry. Hindi ko muna kayo masasamahan, punong puno ng klase ang schedule ko. Andito naman si Hera, I'm sorry I really need to go. Bye!" 

And she... ran off. I sighed and took a glance at Hera. She was getting something from her bag, which made me wait for her until she successfully got her... pen?!

Wtf?! It was almost five freaking minutes that I've spent on her and she was only getting her pen. After calming myself, I casually invited her inside a cafe.

"I'll pay, ako naman nagyaya," sabi ko when I saw her handing her five hundred pesos bill.

"Thanks," she said.

She told everything na napagusapan nila ni Alabama. What a weird name.

"Sorry, pinag usapan na namin ni Alabama. Hirap mo kasing hagilapin."

Natawa ako. Straightforward pala 'to, 'di lang naimik. I was busy last week with Ate Yen. Tinulungan ko siyang mahanap ang gusto niyang bahay. They didn't have the time na magpagawa kahit ganun ang gusto ni Kuya John. Gracey's growing, eh.

"Ang hirap pala ng pinasok natin," biglang sabat ni Salana nang nagkita kami ulit pagkatapos ng klase namin sa araw na iyon.

"Sino ba kasing nagsabi sa 'yo na mag architecture ka?!" naiinis kong tanong.

"Init ng ulo mo! Bili kang yelo, lunukin mo."

Hindi ko na siya pinansin. Naiinis ako sa mga katangahan ko. Paano ba naman, sa ilang buwan ko na sa school. Nakalimutan kong may klase pa ako sa hapon. Umuwi pa naman ako kanina pagkatapos ng usap namin ni Hera.

Nalate kasi ako. Ayun, bad trip 'yung Prof nung nakita ako. Pinagalitan pa ako. Hindi niya alam kagigising ko lang. Kung hindi ako nagpigil baka nasabunutan ko siya!

"Oo nga, MJ. Ang init init ng ulo mo, e taglamig ngayon." Astrid naman ngayon.

"Eh, kasi 'yang si Sal ngayon pa nagreklamo. Kulang na nga lang sa 'tin grumaduate, eh."

"Eh, pumasok lang naman kasi 'to dahil maganda sa pangalan niya ang architect."

"Totoo naman, ah. Architect Salana Marauez. Oh, hindi ba?"

Iniripan na lang namin siya ni Astrid at hindi na siya pinansin.

"Architect MJ Agdipa. Architect Astrid Pablo," Astrid murmured beside me.

Agad kong sinipa ang puti niyang sapatos. Gago eh. "Pati ikaw?"

"Ang pangit pala ng pangalan ko," nagkamot siya ng ulo at nilinisan ang sapatos niyang puti.

May kuto 'ata 'to. I thought as I fished my phone out of my pocket.

"Boo!"

"Oh my gosh!"

Napatili ako nang biglaang nahulog phone ko dahil sa panggugulat ni Caleb. I crouched down to get it and suddenly stopped mid air when I felt the familiar electric feeling in my chest.

My heart was already beating absurdly from what Caleb did. Only that this time, I knew it was different.

"MJ, n-namumutla ka," Astrid's voice said before it felt so hard to catch my breath.

I heard their fading voices calling my name but I couldn't respond. I even held a grasp on Caleb's jacket before the darkness consumed my sight.