Chereads / DEMOLITION LOVERS / Chapter 2 - CHAPTER 2

Chapter 2 - CHAPTER 2

MARI

Tanghali na akong nagising kinabukasan, napasarap ang tulog ko kaya't hindi na ako nakasama sa kanila kaninang agahan, they didn't wake me up though.

Nahihikab akong bumaba sa hagdanan, inaayos ang magulo kong buhok. I could her Dad's and Lolo's loud voices in the living room. That's why I headed there, wanting to greet them good morning.

Napansin agad ako ni abuelo sa may hagdan, sinalubong niya ako ng malapad na ngiti.

"Mari apo, mabuti't nagising kana akala nga namin hapon ka na babangon. Must be the long travel, napagod ang apo ko." He said while chuckling.

Tumango nalang ako at nagmano sa kanya, si Dad naman hinalikan ako sa noo.

"Good morning po, lo siento mucho Papa, abuelo. Hindi na po ako nakasabay kumain sa inyo." nahihiya kong hayag sa kanila.

Tumawa lang sila ni Papa. "Nieta no need to say sorry, malamig ang klima dito pag gabi kaya alam kong masasarapan ka sa iyong pagtulog. Mabuti nga ang hindi ka namahay."

Umiling naman ako saka napangiwi, hindi nga ako namahay pero may nakikita naman akong hindi ko maintindihan, kaya nga hindi agad ako nakatulog kahapon, iniisip ko ang nangyari sa salamin para akong nasa tiktok, yong wipe it out.

Pero- wala naman akong cellphone pero ang imahinasyon ko grabe. Mas malala pa sa katotohanan, who could be that woman?

Why did she show herself in me?

How can I help her? Ligaw ba siyang kaluluwa? Pero wala akong six sense, impossible namang ghost whisperer ako! Iniisip ko kasi kung bakit sa akin siya nagpakita- o baka hindi naman talaga yon totoo?

Kahit ako naguluhan na bigla, may kaunting pangamba sa isip ko. May takot na baka sign na to na malapit na akong mabaliw.

Hala- baka nga!

"Oh nieta huwag ka nang matulala diyan at hinihintay ka na ni Hima, sabay na kayong kumaing dalawa."

Nagising ako sa aking pagkikipag debate sa aking sarili, napasulyap sa kinakaupuan nila Daddy.

Si Hima ang nagsalita. "Magandang umaga, senyorita. Halika ka na po sa kumedor at baka gutom na po kayo."

Magalang na wika sa akin ni Hima, sumunod naman ako sa kanya.

We ate in silence, panaka-naka akong napapatingin kay Hima habang marahan siyang kumakain, tila naninibang sa presensiya ko.

I cheekily smiled at her, wanting to break the awkaward atmosphere between us. "Eherm- ahm, Hima."

Tawag pansin ko sa kanya, kimi siyang napatingin sa akin. Giving me her a small smile.

"B-bakit po senyorita Mari?" Nauutal niyang hayag.

"Drop the senyorita, Mari nalang Hima, masyado naman yatang napakapormal noon para sa akin, we're same age or your younger?"

"Sa pagkakaalam ko po mas matanda kayo sa akin ng tatlong taon, 14 pa lang po ako, uhm- M-Mari."

Malapad naman akong napangiti sa kanya.

"Yan, I like it better than calling me senyorita, pero you can also drop the po and opo, I felt like I'm too old!" I laugh.

"So saan ka nag-aaral? Highschool ka din diba?"

I saw her nodded shyly. "O-opo, sa may bayan po, Linabuan Norte Integrated School. Doon nadin ako nag elementarya saka po ngayong highschool."

Napuno namana ng kuryusidad ang aking isipan. "So uwiian ka ba dito? Malayo ba ang bahay sa school sa niyo?"

"Oho malayo, isang oras po ang biyahe kong mula dito kaya nga po doon ako nagsi-stay pag may pasok tapos uuwi lang ako dito pagweek-end na kasama ko ang isang iskolar nila Tiya Salvi na isang kolehiyala."

Napatango naman ako noong marinig ko ang mahabang paliwanag niya sa akin.

Doon na nagumpisa ang aming kuwentuhan, medyo nawala na rin ang pagkailang sa akin ni Hima habang masaya kaming naguusap na dalawa.

Hanggang sa may maisipan akong itanong sa kanya nagbabakasali na may alam siya sa tanong ko. Mataktika kong iniba ang usapan.

"Ahh- Uhm may itatanong sana ako Hima- kung, ahm paano ko ba sasabihin to?"

Napakamot pa ako ng noo ko, nahihirapan paano ko sasabihin sa kanya ang nakita ko kahapon na hindi ako mapagkakamalang nababaliw.

"A-ano iyon M-Mari?"

Bigla nalang nangiti ako sa narinig ko. "Ano kasi may ano, ahmn."

Napangiwi nalang ako sabay iling. Wala akong salitang angkop para ilarawan ang nasaksihan ko kahapon- huwag nalang.

"Pwede mo ba akong samahan maglibot dito sa asyenda? Kung okay lang sa iyo."

Iyan nalang ang naisatinig ko imbes na ang itanong kong meron pa bang ibang tao dito sa bahay pwera na lamang sa amin at mga kasam-bahay.

"Sige po, tamang-tama at pupunta kaming niyugan mamaya, ang plantation ng Lolo mo. Maganda don."

Maganang tugon ni Hima sa akin habang nililigpit na ang platong pinag-kainan namin. Tumayo narin ako pagkatapos kong uminom ng tubig.

"Ako na dito M-Mari."

"Nope, I'll help you ikaw ang magsabon tapos ako naman ang magbabanlaw. How's that?"

Pakikipagdeal ko sa kanya, kiming tango naman ang naging tugon niya.

"Saka para makapag-ayos tayo agad at makaalis, I'm so excited kung gaano kalawak ang lupain ni Lolo." Patili kong usal habang nagbabanlaw ng baso.

Ang pamilya kasi nila Dad ay nangangasiwa ng ekta-ektaryang lupain kung saan ang pangunahing produksyon ng niyog, mais, mangga at pinya.

Iniexport pa ang mga ani ng aming asakahan. Asyendero ang Lolo ko na namana pa niya mula sa aming kanunu-nunuan, pinagpasasapasahan lang ng mga miyembro ng angkan!

Isang kilalang pamilya ang aming pinagmulan, may sinasabi sa buhay kung kaya naman maraming tao ang nakakakilala at nakakasalamuha ng aking Lolo o even Dad kahit nasa Spain kami.

They were like celebrity, popular here and abroad.

"Halika na Hima!" I announced in glee, nakapaglaalam na kami kila Dad, they agreed.

Naglakad kami ng mga ilang kilometro bago marating ang sakahan, ang daan kasi'y medyo makipot hindi makakadaan ang sasakyan, matiyaga naman akong gina-guide ni Hima habang nagkwe-kwentuhan kami.

"Ah etong malaking puno na to ay ang puno ng Pajo, ilang daang taon nadin itong nakatanim dito, isa sa mga matatandang puno kaya ganyan na kayabong."

Pagkukwento niya noong madaanan namin ang puno ng pajo bago pumasok sa koral ng aming lupain, hindi ko alam ngunit tila napapako ang aking tingin doon, sa punong tila ako'y ini-engganyong lumapit.

Mari, Mari.

Para bang may tumatawag sa pangalan ko, tila gusto kong mapansin. Pabulong na dumadampo sa aking tenga.

Napatingin ako kay Hima. "Ano iyon Hima? May sinasabi ka?"

"Wala po, naglalakad lang po ako kasabay niyo."

Mari! Mari! Nieta!

Napatingin ako sa gawi ng puno ng Pajo, tila doon nanggagaling ang tunog ng aking pangalan.

Napalaki ang aking mata nang mapansin akong nakatayong pigura doon ng isang babae! Hindi ako pinaglalaruan ng paningin ko, nakikita ko talaga ang babaeng nagpakita sa akin sa harap ng espijo, may malapad siyang ngiti habang kumakaway sa aking kinatatayuan.

Hindi ako makagalaw sa pagkagimbal, unti-unti akong nabalot ng pangamba, ang sasal ng dibdib ko'y tila may hinahabol, mabilis, malakas.

She's Real!

Hindi ako pwedeng magkamali, ganoob parin ang kanyang suot na damit. Ang kupas na baro't saya.

Mari ven aca, nieta. Solo por un rato, te mostraré algo. I heard her again.

Wala sa sarili akong napahakbang pabalik, tinutumbok ang daan palapit sa puno ng Pajo, kung saan naroroon ang babae.

Mari, come here, apo. Just for a while, I will show you something. That what she said, I know her voice.

"Mari- sandali, saan ka pupunta?"

Hinabol pala ako ni Hima sabay hablot ng kamay ko, pabalik sa koral hacienda. "Hindi dito ang daan."

"Pero pupuntahan ko lang ang babaeng naroon." Paturo kong hayag kay Hami sa puno ng Pajo.

"Kanina niya pa ako tinawag palapit sa punong iyon. Hindi mo ba siya naririnig? Ayon oh, ayon siya."

Napatingin din si Hami sa puno ng Pajo, kunot noong nakamasid.

Nakikita ko paring ang babaeng hinihimok akong lumapit, hahakbang na sana ako palapit sa kanya noong naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Hima sa kamay ko, pinipigil ako sa aking pag alis.

Napatingin ako kay Hami na puno ng takot ang mata habang nakatitig sa akin.

"Bakit?"

. "W-wala M-Mari. " Nangunot ang noo ko noong mabilis siyang umiling.

"W- walang tao sa puno ng Pajo, wala rin akong narinig na ibang boses bukod sa ating dalawa."

"H-HUH?!" Ako naman ang napatda- wala?

Pero nandoon siya, napabaling ulit ang tingin ko sa puno ngunit gaya nga nangsabi ni Hima wala nang tao doon, pero nakita ko! Siya iyon! Napuno ng pagtataka ang isipan ko.

Hala paanong?!

"May babae diyan nakatayo kanina Hima, I swear. Kinakawayan at tinawag niya ang pangalan ko palapit. She will show me something." I said trembling.

Frantic kong paliwanag kay Hima, na sa tingin ko'y hindi ako pinapaniwalaan sa ngayon

Natampal ko nalang ang noo ko. It can't be!

Ako pang ang nakakakita sa kanya? Ganoon ba iyon? I watch Hima's scared face, she wasn't lying when she said she didn't see someone.

"Wala kang nakita?" I asked softly.

I described her feature. "A girl, she's wearing an old fashioned clothes, waving at us a while ago, she's under that old Pajo tree, standing and smiling."

Napabuntung-hininga lang ako noong umiling si Hima sa akin bilang pagtugon. I stared back at the old tree.

Nothing's in there, she's gone.

I shake my head in disapproval, calming myself as I spoke to Hima. "Forget it! Namali lang ako ng nakita, maybe it was my hallucination. Sorry, Hima."

Hinging paumahin ko sa kanya habang inaakay na siya paalis doon, diretso papuntang koral.

"Sigurado ka pong okay ka lang? Namumutla ka yata Mari. Gusto mo bang umuwi nalang?" Naninimbang na gagad ni Hima sa akin.

Nagaalala sa aking nawalan ng kulay na mukha, sinong hindi kakabahan sa natuklasan mong exclusive lang pala sa mata ko ang babaeng iyon? Sa akin lang siya nagpapakita o ako lang talaga ang nakakakita sa kanya?

"Okay lang ako Hima! Mainit lang." Tipid akong ngumiti sa kanya.

Tumango naman siya at nagsimula na kaming maglakad papasok sa maraming hilera ng puno ng niyog, nagtataasan, nagtatayugan, bawat puno ay hitik sa bunga, maberde ang kapaligiran.

Malamyos ang bagsak ng hangin sa aking balat.

Napalalim ang aking pag-iisip sa aking namasdan kaninang puno, anong meron doon?

Bakit gusto niya akong lumapit? Bakit siya ulit nagpakita sa akin? Ano ba talaga ang kailangan niya?

Nieta? Apo? Apo niya ako?

Sino at paano siya sangkot sa miyembro ng angkan namin? Am I really be the bridge to have her so called forever? Paano? I don't know her! Bakit ako pa?

"Oh si Senyorita Mari pala halika dito ihja at magmeryenda tayo. Hima sabayan niyo kami."

Naputol ang aking pagkukuro noong may babaeng nagsalita at namalayaan ko na lamang na nasa isang maliit na barong-barong na pala kami sa may silong ng maraming puno ng manga.

"Oh salamat Tiya, Huling. Mari sila Tiya Huling, aling Herma."

Isa isang pinakilala sa akin ni Hima ang mga katiwala nila Lolo sa sakahan.

"Si Mari po pala anak ni Senyorito Simoun, apo ni Senyor Plarico!"

"Magandang hapon po sa inyo, ginagagalak ko po kayong makilala. Pasensiya na po't nakaistorbo kami sa pamamahinga niyo, nayaya ko kasi si Hima na ipasyal ako sa plantasyon."

"Naku- walang anuman yon Mari, mabuti ngat napasyal kayo may minatamis akong saging na niluto, galing to sa plantasiyon, pinong masasarapan ka."

"Oo ihja, maupo kayo. Aba-y kay gandang bata ang anak ni Simoun. Mabuti't nauwi kayo dito sa hacienda hija." May galak na salita ni Aling Huling.

Sinangayuna din siya ni Aling Malyete. "Abay oo nga, maraming kabinataang mapapaiyak mo kong sakali hija, kay gandang bata talaga."

Nahihiya akong napangiti sa kanila, nakipagkwentuhan din habang nilalantakan ang masarap na minatamis na saging.

"Uhm, ano po, nagbabakasiyon lang kami nila Dad, ilang buwan din siguro kaming paparito bago bumalik sa Espanya. Nandoon po kasi ang trabaho ni Dad, tapos si Kuya naman sa Maynila pa muna kasi may inaasikaso pero baka ilang araw din at naririto na siya."

Mahabang paliwanag ko sa kanila nong matanong nila kong hanggang kailan kami maglalagi sa hacienda. Hindi kami pwedeng magtagal dito, ilang buwan lang kaming magbabakasyon.

Pagbalik namin sa Espanya, gugugulin ko ulit ang aking sarili sa pag-aaral.

Si kuya Anton naman ay patapos na sa kolehiyo. Siya ang mamamahala ng kompanya ni Dad kaya grabe ang tutok nito sa pag-aaral para mas mapadali sa kanya ang kanyang gawain pagnagkataon.

"Ah ganoon ba hija, sayang naman, wala ng kahalili si Senyor sa sakahan, wala na siyang maasahang nakapangasiwa ng kanyang lupain, ang kanyang tagapagmana. Si Salvi naman kasi, oo nga't siya'y malaking tulong sa pagpapatakbo ng plantasiyon ngunit hindi niya masyadong gamay ang trabaho dito hindi tulad ni Senyorito Simoun na mula pa pagkabata ay nahulma at lumaki na sa gawain ng sakahan, lagi siyang tinuruan ni Senyor Paric sa pasikot sikot sa plantasyon. Pero dahil lamang siya'y nakapag-asa-"

"Hoy ano ba yan Resusta yang bibig mo, huwag mong intindihin ang sinasabi ng babaeng to Mari, hala kain pa hija, gusto mo bang mamitas ng bunga ng mangga? Abay matatamis ang ani natin ngayon-"

Pilit nilang pinagpagtakpan ang hindi natapos na salita ni Aling Resusta patungkol kay Daddy.

Napangiti at tango nalang ako sa kanila at binalewala na ang tanong sa aking isipan dahil sa hindi paghalili ni Dad kay Lolo.

"Sige po salamat po talaga, pihong matutuwa si Lolo nito dahil andami kong bitbit na mangga!"

Buong galak kong wika habang nagpapaalam sa trabahanteng nag- asikaso sa amin ni Hima habang naglilibot at namimintas kami ng bunga.

Napakalawak pala talaga ng aming lupain hindi na yata maabot ng aking balintataw ang ibang parte nito.

"Walang anuman Mari, hija. Balik ka lang dito pag gusto mo ulit mamasyal, hala sige na't mag gagabi na ihja, baka maabutan kayo ng dilim sa daan gusto niyo bang pasamahan ko kayo kay Kaloy? Sa apo ko?"

"Ay naku huwag na po Aling Paser maglalakad naman po kami ni Hima, saka malapit lang naman po."

Magalang na pagtanggi ko nong mapansing kong hindi sang-ayon si Hima sa naisal ni Aling Paser sa apo nitong si Kaloy.

Mukhang nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi ko.

"Ganoon ba? Oh sige magiingat kayo ha?"

"Opo, salamat po ulit."

Paalam namin ni Hima sabay lakad na paalis, tinutumbok ang daan pauwi.

Dahil narin sa pamimilit ko kay Hima naiba ang aming daan, imbis na sa short cut kami minungkahi kong sa mayor na daananan nalang kami dadaan.

Ayaw ko lang na makita ulit ang puno ng pajo, baka ano na naman ang aking matanawan.

Kaya medyo malayo-layo ang aming nilakad palabas ng sakahan bago kami nakarating sa sementadong kalsada, ang daanan ng mga malalaking truck na nagaangkat ng parodukto namin palabas ng hacienda.

May manaka-nakang sasakyang dumadaan pero wala sa aming nagpapasakay kaya wala kaming choice kundi patuloy na maglakbay.

Total ginusto ko to, malalim akong napabuntung hininga.

"Hay kapagod!" Naiusal ko na lamang.

Natawa naman sa akin si Hima na hindi katulad kong pawis na pawis na siya kasi parang wala lang sa kanya ang haba ng nilakad namin.

"Hindi ka napapagod Hima?" Naibulaslas ko at napatigil sa paghakbang.

"Hindi pa, Mari. Sanay kami dito sa mahabang lakaran, bihira lamang ang sasakyang magawi dito, kung mayroon man tiyak na bisita yon ng Senyor o kaya naman ng Mayor ng bayang to."

Napatango nalang ako. "Talaga? Tagadito din yong mayor sa atin? Malapit lang kila Lolo?" Nacucurious jong tanong.

"Hindi, ilang ektarya din ang pagmamay-ari ng pamilya Del Luces, kaya kaibayo ng hacienda nila sa lupain ng Lolo mo."

"Ah ganoon ba? Ang layo ng agwat ng mga bahay bahay dito no?"

Napapansin ko kasi kanina mula noong mahlakad kami na ang kunti ng bahay dito.

"Ah oo, ang mga trabahador lang ang pinapayagang tumuntong sa lupain ng Crisostomo at Del Luces, ang karamihan talaga ng tao ay nasa bayan naninirahan."

"Kaya pala."

Masaya kaming naguusap ni Hima habang nakamasid sa mapupulang kulay ng kalangitan, tila ba minamalas ang kagandahan ng araw na papalubog na.

Ang malalakas na huni ng mga ibon na umuuwi na sa kani-kanilang mga pugad. Maririnig mo din ang mabining pagagos ng tubig sa irigasyon, na nakalagay sa gilid ng kalsada.

Si Hima naman ay namimintas ng mga bulaklak sa may tabi, iba-ibang uri. Napangiti nalang ako sa aking tanawing na mamatayigan.

Napakaganda, walang polusyon, maaliwalas at payapa-. "AHHHHH!"

Sabay pa kaming napasigaw ni Hima noong may bigla na lamang na sumulpot na humahagibis na sasakyan sa palikuan ng daan, nakakagulat ang biglaang nitong pagbusina ng malakas.

Kaya pareho kaming natakot.

Napaatras pa ako sa kalsada kaya hindi ko namalayan na meron palang nakausling sanga ang naapakan ko kaya nawalan ako ng panimbang, ako'y natumba at muntikan pang mahulog sa irigasyon kung hindi ako nahabol ni Hima at nahila.

"Hala senyorita may sugat ka!"

Nahintatakutang sabi ni Hima habang naktingin sa bisig kong nagasgas at dumugo ganoon din ang akong tuhod.

Napangiwi naman ako nong sumugid ang kirot ng akinf sugat. Inalalayan akong makatayo ni Hima at pinagpag ang damit kong nadumihan.

"HALA ANG MANGGA KO!"

Napasigaw ako ulit noong mamataan ko ang mangga sa supot na bitbit ko kanina na palutang-lutang na sa tubig, may kalayuan sa aming kinakatayuan, inaanod palayo.

Napalingon naman ako noong may yapak na humahagibis papunta sa aming direksiyon.

"Miss I'm so sorry. Nasaktan ba kayo?"

"Ano sa tingin mo? Mukha ba kaming nasiyahan sa ginawa mo?" Pagmamaldita ko sa kanya.

Ang mangga ko, nawala ng dahil sa kanya.

Nakita ko namang napangiwi siya sa pagtataray ko. "Well, I'm so sorry talaga, nagulat lang din ako sa pagsulpot niyo." He reasoned out.

"Ikaw ang napakabilis magpatakbo- nakadisgrasya ka tuloy ng tao. Inabala mo ang aming paglalakad, kung hindi ka ba naman kasi hindi tumitingin sa daanan, hindi sana mahuhilog ang mangga ko! Ikaw ang may kasalanan nito, ikaw! Nakakainis ka! Hindi ko tuloy natikm-"

Naputol ang paglilintaya ko nong nagsalita si Hima.

"S‐senyorita M-Mari tama na po, umuwi na po tayo. Halikana!" Natatarantang wika niya at pilit akong nilalayo sa lalaking to.

Binalingan ko ulit ang tingin ang lalaking to matapos kong tingnan si Hima. Dinuro-duro ko pa ang lalaking tahimik lang na nakikinig sa pagkaasar ko.

"Hindi- hindi pa kami tapos magusap Hima. Kung hindi ba naman kasi to kaskasero edi sana hindi nabulahaw ang lakad natin-"

Nagulat naman ako noong tinakpan ni Hima ang bibig ko. "Pasensiya na po kayo, Senyorito. Nasugatan po kasi si Senyorita Mari kaya lang po siya nagagalit sa inyo. Pasensiya na po sa abala."

Nagkakanda utal pa si Hima habang nanghihingi siya ng tawad sa lalaking nanakit sa amin. Todo ang kunot- noo ko at hindi makapaniwala!

Why would she say sorry to him? It was his fault not ours! Who is he?! Pepeng sigaw ng utak ko.

Lumalabas ang pagkaamazona ko dahil inaapi kami ng lalaking to! Hindi makatarungan! Nagpupumiglas akong makawala sa kamay ni Hima.

He darted his stare at me giving me his apologetic smile. "Ako ang dapat humingi ng paumanhin sa inyo, lalo na sa kaibigan mo Hima."

Napataas ang kilay ko- so magkakilala sila? Binitawan nadin ako ni Hima, napaayos ako ng tayo.

"Sorry talaga miss- bago ka ba dito?"

He curiously asked. Tumango nalang ako.

"Sorry talaga hindi ko sinasadya. Shit! Your bleeding!"

Nagulat nalang ako noong bigla niyang inenspection ang braso kong may sugat, naglibot din ang mata niya hanggang makita niya ang duguan ko rin tuhod. He curse again.

Napaigik nalang ako sa sakit nong dampian niya ng panyolito ang sugat ko. Hindi ko maalis ang kamay niyang nakadikit sa balat ko.

He dragged me inside his car, pati si Hima pina angkas niya. Hindi siya nakinig sa pagtutol ko.

"Come, ihahatid ko kayo! Kay Don Plarico ba kayo tutuloy? Ako na ang magdadala sa inyo doon. Medyo madilim na rin at baka maabutan kayo ng gabi sa daan."

Wala kaming nagawa kundi ang sumige nalang tahimik kaming nakasaloob ng sasakyan.

Wala akong planong magsalita sa lalaking katabi ko sa harapan. Maingat na siyang nagmamaneho ngayon, hindi kagaya kaninang tila nakikipaghabulan siya kay satanas sa tulin ng kanyang takbo.

Ilang ulit ko siyang nahuling napatingin sa akin, nakatingin din kasi ako sa mukha niya.

Hindi ko maalis ang aking tingin sa kanya, tila may kong ano akong nakikitang pamilyar sa kanya na hindi ko maintindihan.

He was surely gaining my sole attention.

He's feature quite seems like he's not a pure local. He's 6'3 tall, I think? Mestizo, tila ba natural ang buhok nitong kakulay ang balahibo ng uwak, darkish blue to the deepest shade. He has this strong aura, rugged and mysteriously handsome. He may age 21 or above and the most unusual is his eyes he has a lighest shade of blue, palest and almost gray, hypnotic and tantalizing.

He's lips is also a quite fine sight, reddish and lower lip is a little bit fuller. Soft and-

Kusang natigil ang paggana ng utak ko noong mahalata ko nang pinagnanasaan ko siya sa aking isipan! My gosh! Nanlalaki ang matang napaiwas ako ng tingin sa kanya noong mapansin kong nakatitig din siya sa akin.

Boba! Iyang nahuhuli ka sa kabulastugan mo Mari! Kastigo niya sa sarili.

Napatingin ako sa labas noong matigil na ang sasakyan namin, nasa tapat na pala kami ng bahay ni Lolo. Wala na yata ako sa aking sarili!

"Maraming salamat po S-senyorito!"

"Walang anuman Hima, pasensiya na talaga kanina."

"Wala- nawalan ako ng mangga dahil sa iyo!"

Pabulong kong usal habang nakaiwas ng tingin sa kanya. Asar pa rin ako kahit na pinagnanasaan ko ang mukha niya.

Ang mangga ko, gustong-gusto ko pa naman yon, medyo manibalang palang kasi iyon, iyong mangangasim ka pagkinain mo, yong nakakatulo laway at nakakangilo.

Haiyst dahil sa iyo wala na akong makain!

"Maiwan ko muna kayo, Senyorita." Pagpaalam sa akin ni Hima sabay pasok sa loob.

"Hep! Wait- wala na!"

Likod nalang ang nakikita ko napabaling tuloy ako ng tinging sa lalaking to noong tumikhim siya.

"Bakit?" Mataray agad na pauna ko.

"I'm sorry really! Dahil sa recklessness ko kagalusan ka tuloy. Sorry na!"

Hindi ko man makitang sincere siya sa paghingi ng tawad kasi pomer face lang siya naririnig ko naman yong pagsisi sa boses niya.

"Okay lang!" Maikling tugon ko.

Aalis na dapat ako noong bigla niya nalang hinaklit ang kamay ko papalapit sa kanya, ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko nong bigla siyang yumukod at marahan akong binigyan ng halik sa akong noo.

Soft yet long kissed making me stiffened and stoned in my place.

"Te echo mucho de menos, mi amor." He whispered in spanish. "My Mariasha I am finally home mahal."

He added softly as he caged me in his arms, tightly and feelinh the unbelievable warmth that yielded my heart.

Making my heart beat eratically strong and fast.

Mari he's here my love, Joachim. I can hear her again in my head. I barely said this unknown name to me, yet Im sure of it, my eyes voluntarily close and whispered. "J-Joaquim!"

It took us a while after we regain our senses. Gulat akong napaatras palayo, sabay kaming napabitiw sa yakap sa isat-isa, para kaming binuhasan ng sobrang laming na tubig, yong nagyeyelo.

Napatda sa tila hindi maipaliwanag na kaganapan. Parehong asiwa sa eksanang hindi ko alam kong katotohanan.

Anong nangyayari?!

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Naririnig ko naman ang pagtikhim niya ng makailang ulit, naiilang sa nangyari sa aming dalawa.

"You know my name?" Sabay kaming napabulalas sa gulat.

So Joaquim is his name? How?! Hindi ko alam kong paano pero- pero! I don't know him I just saw him a while ago, hindi rin nabanggit ni Hima ang pangalan niya? And how the fvck I know it either? He knows mine too.

This is so unreal! Hanggang sa makarinig ako ulit ng bumubulong sa aking tenga.

Mari, finalmente está en casa, mi salvavidas. Mari, he's finally home, my lifeline.

Wait, wha—t?!

I darted my shocked stare at him, napahawak pa ako sa labi ko habang nakatitig sa mukha ng binatang nakatayo sa harapan ko.

"YOU?! Your the...?"

Iyan na lamang ang naiusal ko kasi pakiramdam koy umiikot na ang paningin ko sa nagaganap, sa pagkamangha bago pa man ako mabulagta sa lupa, naramdaman ko na agad na may brasong sumalo sa aking pagkatumba.

"Hey damn! Are you okay? Wake up!"

Sa utak koy naririnig ang mga katagang ito. Paulit ulit, nakakarindi ngunit puno ng galak at pagmamahal ang kanyang pagkakabigkas sa bawat salita.

He's here Mari, he's finally home, my lifeline. He still look so handsome up until now, he is my love, Joachim.

Él todavía se ve tan guapo hasta ahora, El es mi amor, Joachim.

*****