Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 28 - Chapter 28: Who is she?

Chapter 28 - Chapter 28: Who is she?

Hanggang pagbalik ng room ay kinantyawan pa rin ako ng mga kaklase ko.

"Iba talaga kapag maganda.." pinagloloko pa ako ng mga iba ko ring kaibigan. Tanging ngiti lang ang iginanti ko sa kanila. I'm no words to say. Masyado akong napipi. Wala pa mang tanghalian ay ang dami ng nangyari na wala talaga sa hinuha ko.

Magkasunod na dumating ang third at fourth subject namin. Pagkatapos noon ay lunch time na. "Girl tara na." kinawit agad ni Winly ang braso nya sa akin. Nag-aayos ako ng bag kaya nagawa nya agad iyon.

"Kayo nalang. Busog pa ako."

"Hay naku!. Gasgas na yang rason mo gurl. Gamit na gamit na yan ng Bamblebie.."

"Tse!. Bat dawit pangalan ko ha?." dinig kong lumapit si Bamby sa amin.

"Psh!. Totoo naman girl. Tama na ang deny. Napapagod na akong maging third wheel sa inyo.."

"Hahahaha.." natawa lang naman si Bamby sa kanya dahil daig nya pa daw ang kuya Lance nya. Paano raw nangyari na naging third wheel sya?. Loko din itong si Bamby. Binabasag trip ng bakla!.

Sa huli. Wala rin akong nagawa kundi sumama nalang sa kanila. "Saan ba tayo kakain?." tanong ko dahil nasa labas kami ng school.

"Basta." ani Winly sabay hila sa akin na para bang mauubusan sya ng laman ng mesa. LoL!.

"Oh, bat kailangan pang sumakay ng kotse?." tanong ko dahil pinauna nila akong sumakay at sa pagkakatanda ko. Sasakyan ito ni Bryan.

"Kakain nga tayo ng lunch bhe. Ano ba?. Dali na. Urong sa gitna at ng makapasok na ang dyosa.." tinulak pa ako ng bahagya. Eto lang si Bamby na natatawa sa ginagawa ng bakla sa akin. Bumulong pa nga na, Dyosa daw?. Pati ako ay di mapigilan ang lihim na pagtawa sa sinabi nya.

"Bilis na Dyosa." totoo nga na si Bryan ang may ari ng sasakyan dahil sya ang nasa may manibela. Sumunod sumakay si Jaden matapos ng bakla. "Let's go!." sensys pa nito. Para ba gang sya ang boss at kami ang kanyang alipin. Ulol! Haha.

Sa isang malapit na restaurant huminto ang sasakyan. Mabilis din kaming bumaba at pumasok na sa loob. Hinila ko ang laylayan ng uniform ni Bamby saka bumulong ng mahina sa kanya. "Sinong may birthday?." biglaan kasi itong lakad at kadalasan, sa aking opinyon. May okasyon o pagdiriwang lang sa tuwing may ganitong lakaran.

"Makikilala mo mamaya. Pasok na." isa rin itong Bamby. Sino kayang kasabwat nila at pakiramdam ko, lahat ay nililihim sa akin. Asa me!.

At hindi lang pala simpleng kainan ito kundi mamahalin pa. Sa mahabang lamesa na kumikinang pa sa kintab ay puno ng iba't ibang putahe. Mga babasaging plato at kulay ginto yatang kutsara at tinidor ang nakalagay. "Upo na po." Kailangan pa akong hilahin ni Bamby para lang makaupo. Maingay kasi ang grupo nina Winly, Bryan at Billy na iniikutan pa ang buong mesa. Mga baliw talaga! Ngayon lang ba sila nakakita ng ganito?. Susnako!.

Dumating pa ang grupo nina Kuya Lance kasama na noon si Kian na kanina ko pa hinahanap. Na sa totoo lang ay gusto kong taguan. Wag kang mag-alala. Di lang ikaw nalito sa akin. Ako rin. Alam mo yung gustong gusto mong makita ang isang tao pero kapag andyan na, nahihiya ka lang bigla. Ano bang tawag sa ganung klaseng tao?. Di naman siguro baliw noh?.

"Eto na pala ang birthday boy eh." ani Jaden. Di ko matukoy kung sinong tinutukoy nya dahil halos mga lalaki ang dumating. Malamang, sa wala akong idea. Nalito ako kung sino sa kanila iyon.

"Umupo na ang lahat at nang makakain na. Kanina pa naglalaway ang bakla. Jusko!..." halos humagalpak ang lahat sa birada ng bakla.

"Sit beside me." binulong ito ni Kian sa akin kaya bahagya akong nagulat. Nasa gitna kasi ako nina Bamby at Jaden. Nagitla pa ako ng hinawakan pa ako sa braso at tinulungang tumayo. Dinig ko ang pagtikhim ng iilan ng naunang pinaupo ako ni Kian bago sya.

"Asan na yung cake?. Aron?." para talaga itong boss kung makautos. Nagkamot nalang ng ulo si Aron at tamad na tumayo para ituro sa kanya ang hinahanap nyang nasa likod nya lang pala. Bumalik nang upuan ang Aron, umiling. "Di kasi tumitingin eh. Tsk. Tsk.."

"Gutom nga kasi. Ano ba?." di ko matandaan na kung ilang ulit na nyang sinambit. Tuloy kahit kumakain na ay natatawa pa rin ang lahat.

"Sino ba kasing may birthday?." I unconsciously ask this. Sumubo ako ng maliit na kanin at muntik nang mabulunan ng ilapag ni Aron ang maganda at nakakaakit na chocolate cake sa pagitan namin ni Kian. At duon na unti unting lumaki ang mata ko. Nakasulat lang naman ay, Happy birthday Master.

"Birthday mo?." parang tanga lang. Bat mo pa tinanong Karen?. Obvious na nga eh. Haist!....

Kagat labi lang na tumingin sakin ang loko. Susnako!. Bigla akong nahiya nang maisip lahat ng nangyari nito lang. Nakakaasar!..

"Hmmm.." iyon lang sinabi nya pero kingwa!. Para itong boses ng Anghel na bumaba para kantahan ako.

"Happy birthday to you!. Happy birthday to you!. Happy birthday Master!. Long live Master!.." kahit kumakanta sila ay di ko magaqang makisabay dahil di ko talaga alam na ngayon ang kaarawan nya. What a coincidence!. Talaga bang birthday nya o trip lang nila to?. Pero birthday nya nga gurl. May ebidensya ka na nga diba?. Bakit may tanong ka pa?.

Huminto silang lahat at sakin na sya tumingin. "Anong wish mo?." si Billy to. Sinindihan ni Ryan ang kandila sa gitna ng cake. Ang ilaw na nagbibigay ng liwanag sa mukha nya ay mas lalong naging dahilan ng kagandahang lalaki nya.

"Ang wsih ko?. Sana kantahan ako ni Karen Manalo ng happy birthday."

Hindi ko na naman inasahan iyon.

"Ohw!..." Isa sa kasama namin.

"Ay nay!..." babae to.

"Haba ng hair ni girl.." si Winly.

"Yun lang ba Master?. Baka meron pa?. Hahaha.." ani Aron.

Tumango sya't binitawan ang hawak na kutsara at tinidor bago sumandal, humalukipkip habang nakatitig sakin.

Seryoso ba sya?.

Umawang nalang ang labi ko. Anong ako?. Bat ako lang?. Tapos naman na syang kinantahan ah!.

"Go Karen!. Go Karen! Go Karen!.." tinignan ko silang lahat. Hinihintay talaga ako. Walang kamalay malay kong tinuro ang sarili. "Ako lang talaga?." di makapaniwala kong sambit. Nakanguso pa syang tumango muli.

"Yes, little clumsy.. hahaha.."

Anong gagawin ko?. Susnako!. Uuwi nalang ako. Mga buset na to!.

"Geh na Karen. May pasok pa tayo. Anong oras na oh!.." kailangan pang ipaaalala ito ni Jaden para gawin ang request ng best friend nya.

Malalim na buntong hininga.

Inhale.

Exhale..

Pikit bago kanta.

"Hap----.." nabitin sa ere ang kantang gagawin ko ng may biglang sumulpot na magandang babae. Mag-isa ito ngunit ang tindig at buong katawan at mukha ay pang mayaman. In short. Maganda nga ang dumating. Malaki pa ang ngiti nitong suot ng tignan ang lahat. Di mawala ang mata ko sa kanya dahil kahit saang anggulo, wala akong nakikita na kapintasan.

"Am I late?." naglakad sya't nilapitan si Kian. "Happy birthday." pormal nitong bati sabay halik sa pisngi nito.

Ano?. Bakit kailangan nyang humalik?. Who is she?.