CHAPTER I
"OMYGOSH!"
Bumangon agad ako at masayang nagtungo sa mini table na nasa gilid ng kwarto ko.
Tinitigan kong mabuti ang maliit na kalendaryo, naging mas malapad ang ngiti ko nang masiguradong June 9 nga ngayon.
"It's my birthdaaaayy!!!"
Nag ayos muna ko dahil espesyal ang araw na to para sa'kin, naisipan kong magsuot ng red kaya naghanap ako sa closet ko ng red dress or anything na red pero wala akong makita ni isa.
Napatigil ako nang may mapansing pula sa paper bag ng chanel, kinuha ko ito at nakitang hindi ito dress kundi crop top na jacket.
"Oh, bakit nakaganyan ka?" Bungad ni mommy pagkalabas ko ng kwarto.
Nilibot ko ang tingin ko dahil ineexpect ko na nag hahanda na sila pero nawalan lang ako ng gana nang makitang bihis na bihis si mommy.
"May work ka? Gosh." Hindi na ako nag abala pang sagutin ang tanong nya.
"Yeah, wh-"
Naputol ang kanyang sasabihin nang magring ang phone na hawak nya. Dali dali nya iyun sinagot at sinenyasan akong aalis na, tumango nalang ako at pinanood syang umalis
"Yeah, inaantay ko nalang si June. Alam mo naman, ang bagal kumilos nun." Rinig ko pang sabi ni mommy sa kausap nya.
"Goodmorning, Kaia."
Napatingin ako sa hagdan at nakita si daddy na nakapang opisina, nagmamadali rin ito gaya ni mommy.
"What's with the chanel jacket huh?" He asked.
"Goodmorning dad, today is june 9." Pagpapaala ko.
Napaisip naman sya sa sinabi ko bago tumango tango at ngumiti. Napangiti rin tuloy ako dahil sa wakas ay may babati na sa akin.
"Ah yeah, ngayon nga pala kami nag hire ng katulong. Pag may dumating, pagbuksan mo nalang." Sabi nya habang nagsusuot ng relo.
Nawala ang matamis na ngiti sa labi ko pagkarinig sa sinabi nya.
"Juneeeeee!!!!" Sigaw ni mommy mula sa parking.
"Coming."
Humalik muna si daddy sa pisngi ko bago pumunta sa parking lot kung nasan si mommy.
June pa naman pangalan ni daddy pero mukhang hindi nila alam kung anong meron sa june.
Naisipan ko nalang pumunta sa garden. Umupo ako sa may bench at tulalang inisip ang nangyare kanina.
"Whoa, lady in red."
Hindi na ko tumingin sa kadarating lang na asungot. Madalas syang pumunta dito kaya hindi na ko magtataka na nakabisado nya na itong bahay namin.
"What brings you here?"
Umupo sya sa tabi ko at pinagmasdan ang chanel na jacket ko. Ilang oras din sya dun nakatulala na parang may malalim na iniisip.
"What are you thinking? May naalala kaba ngayong araw nato?" Basag ko sa katahimikan.
"May dapat ba kong maalala? Iniiisip ko lang naman kung hindi kaba naiinitan?"
"Ofcourse. Naiinitan ako." Sabi ko at pinaypayan pa ang sarili ko gamit ang kamay.
"At duh. Wag mo ng pilitin sarili mo na makaaala, kung anong meron ngayon dahil isa lang naman itong simpleng araw." Sabi ko pa nang mapansin na may iniisip sya.
"Bakit ko naman pipilitin sarili ko? Birthday mo diba?"
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang sinabi nya, napatakip ito sa bibig. Imbes na maging masaya, mas nalungkot lang ako. Buti pa sya naalala nya.
"Alam mo?" I asked stupidly. Right, Kai. He knows, hindi ko alam na nagiging stupid pala ko pag birthday ko.
Napabuntong hininga sya bago tumango tango, napansin ko naman na parang may gusto syang sabihin dahil bumubuka ang bibig nya pero maya maya rin ay titiklop. What's wrong with him? para syang batang sinusubuan sa ginagawa nya.
"What? Aren't you going to greet me?" Nakataas na kilay na tanong ko.
"Ah yeah. Happy birthday?" Plastik na bati nya.
"Gawin mo namang natural."
Ngumiti sya ng malapad, oh gosh. Hindi maganda tignan, binigyan ko sya ng nandidiring itsura na syang ikinatawa nya. Hinila nya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.
"Happy birthday, Kaia." Bulong nya sa tenga ko.
"Eww, ano ba! Hindi ka na naman nag toothbrush, noh?" Sabi ko at lumayo sa kanya.
May narinig akong nagdoorbell. Ito na siguro yung sinasabi ni daddy na dadating, binuksan ko ng malaki ang pinto para makapasok sila.
"Goodmorning, ma'am." Bati nung isang babae na sa tingin ko ay nasa 40's na.
"Dun nyo ilagay mga gamit nyo." Turo ko sa dalawang guest room malapit sa hagdan.
Hinayaan ko na sila at nagtungong muli sa garden, naabutan ko si Sean na binubunot ang petals ng gumamela.
"She loves me n-- Oh, sino yung dumating?" Tanong nya bago itapon sa sahig ang gumamela, sinenyasan ko syang pulutin yun dahil ang dami ng kalat.
"Sean, nakakailang kalat ka na. Kunin mo yan kundi papakain ko yan sayo." Sabi ko pagkakita sa mga petals na kumakalat sa sahig.
Nagpiece sign sya at kinuha ang walis at dustpan sa gilid ng upuan, winalis nya yun kaya naupo na ako sa inuupuan ko kanina. Pinanood ko lang syang magwalis hanggang sa matapos.
"Anyways, bakit alam mo na birthday ko? Bakit sila mommy, hindi nila alam?" Tanong ko, pagkaupo nya.
"Ewan ko, susurprise ka nga namin eh kas--" Napatigil sya sa sinabi nya nang may marealize.
Okay. You're the best, Sean. Atleast ngayon, mas kampante na ko na hindi nila nalimutan ang espesyal na araw ko.
"Shh, wag mong sasabihin. Mamaya yun okay? kunware nagulat ka ha? kunware hindi mo alam? Hindi mo naman alam diba?" Mahinang sabi nya, as in mahina talaga na halos hindi ko na rin maintindihan kung hindi ko lang inintindi.
"What is it? I don't know what you're talking about."
Napangiti naman sya at pumalakpak pa "Yan, ganyan. Walang tayong alam, apir!" Tinaas nya pa ang kamay nya kaya tinignan ko lang ito. I don't do highfive, that's so cliche.
Binaba nya rito ito nang mapansing hindi ko iyun inabot "Arte ah, malinis kaya yan." Reklamo nya.
Umuwi na rin sya pagkatapos nun kaya halos wala akong ginawa sa bahay kundi manood o kaya naman magcellphone.
Nakilala ko lang si Sean dahil friend ng mommy ko ang mommy nya. Hindi gaya ko, madami syang kaibigan base sa mga nakwekwento nya. We're not in the same school, i don't have any idea kung saan sya nag aaral basta ang alam ko lang private.
Ever since i started high school, inaaya na ko nila daddy na mag aral sa private but ofcourse, tinatanggihan ko. Naalala ko pa nung grade 1 ako, nag aral ako sa private pero hindi rin ako nagtagal dahil sobrang strict pakiramdam ko lahat bawal and ayoko ng ganun.
Mas sanay akong mag aral sa public dahil pakiramdam ko mas free ako pero nung last week, nag open na naman si daddy about sa private thingy kasi raw walang magbabantay sakin pag nag public ako ngayong pasukan dahil busy sila. Naiintindihan ko naman dahil artista sila pareho but damn, di ko na kailangan ng bantay.
Madalas pa ngang umuwi sila umaga, galing sa mga shoots or interviews kaya kahit anong pagpupumilit ko, alam kong hindi talaga pwede.
Hindi ko pinangarap na maging artista gaya nila, wala akong hilig umacting. Hindi pa nila yun alam at wala akong balak ipaalam. Pinipilit na kasi nila akong magtraining pero lagi kong dahilan ay bata pa ko. Natatakot akong sabihin dahil baka madisappoint lang sila.
Alam ng lahat na anak ako ng dalawang sikat na artista kaya halos sumabog na rin ang notifications na natanggap ko kanina.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa, nagising lang ako dahil sa ingay.
"Tita, wala si Kai!" Narinig kong sigaw ni Sean, natataranta.
"You're so stupid Kuya, ayun oh! Nasa sofa." Rinig ko pang sabi ni Joul, batang kapatid ni Sean.
May nagbukas ng ilaw at nakita ko silang may dala dalang cake.
"Happy Birthday to you, happy birthday to you, happy birthday. Happy birthday, happy birthday, Kaia." Pagkanta nila.
Nagulat ako hindi sa surprise nila kundi sa daming taong dala nila.
"HAPPY BIRTHDAY, KAIA!" Sabay sabay na sabi nila.
Lumapit si daddy at mommy, dala dala ang cake na may nakalagay na happy birthday.
"Nagulat ka ba? I'm sorry." Nag aalalang tanong ni mommy, napansin siguro nito ang pageestatwa ko.
Napalunok ako at hindi sinasadyang mapatingin sa direksyon kung nasaan si Sean na umiiwas ng tingin. Natawa ako ng palihim sa itsura nya bago ibalik kina mommy ang tingin na nag aantay sa isasagot.
"Yea, i'm shock. Akala ko nalimutan nyo na." Nakangiting sabi ko.
"Pwede ba yun, nakatatak na kaya sa daddy mo ang June, diba June?" Pang aasar ni mommy, dahilan para mapatawa ang mga kasama nila.
Umupo ako at nagwish muna bago i blow, pumalakpak sila bago nagkaayaang umalis na.
Natira nalang kami nila mommy at daddy dito sa sala. Nilapag muna nila ang cake sa side table atska umupo sa katapat ko.
"Bakit umalis na sila?" Nagtataka kong tanong.
"11 na oh. Pumunta lang talaga sila para isurprise ka."
"Anyways, enrolled ka na." Excited na sabi ni daddy dahilan para makatanggap sya ng hampas kay mommy.
"June, really? Hindi mo manlang inantay ang desisyon ng anak mo."
Napabuntong hinga sya, alam ko na kung saan ito patungo kaya bago pa sila mag away ay sumagot na ko.
"Okay."
Napatingin sila sa'kin. Bakas aa mukha ni mommy ang pagkagulat habang si daddy naman ay wagas kung makangiti. Prente lang akong nakaupo, di ko alam kung saan nanggaling yung sagot na yun but there's something inside me saying na i should try new things and i hate na sinunod ko yun.
"W-What?" Tanong ni mommy. "Alam kong napipilitan ka lang, nak. Baka pwede pa naman ipacancel yun."
"Hindi na pwede, hon." Nakangising sagot ni daddy.
"Wait-- alam nilang anak nyo ko. What if, pagkaguluhan ako? Ayoko ng maulit pa yung pagbaba ko pa lang, puro mga camera na ang bubungad sakin."
Ganun kasi yung nangyari sakin nung unang araw ko sa high school pero pinagttripan ko lang sila like, prank pero naboboring na kong magprank kaya minsan iniirapan ko lang sila dahilan para wala ng maglakas loob na lumapit sakin.
"Maraming mga sikat at mayayaman dun. So, i think that's fine." Pagpapaliwanag ni daddy "You need to take care of yourself, okay?"
Napatango na lang ako "What's school again?" Takang tanong ko.
"Softbridge Academy."
+++++++++++++++++++++++ <3