"Nandito na ako sa loob ng kahon!" Maligaya kong sambit sabay lukso-lukso at nakataas sa ere ang mga kamay ko. Huminto na ako sa pagtatalon.
Habang nakangiting tinatanaw ang paligid ay napukaw ang atensyon ko sa isang espada na nakatarak sa rurok ng bundok na gold coins. May pokus na liwanag sa itaas patungo sa espada.
Napakunot noo ako. "Kakaiba, siguro espesyal ang espadang iyan. Pero, ba't ang simple lang. Dapat maganda kasi nga espesyal."
"Hay, baka naman hindi espesyal iyan. Siguro, may butas sa taas."
Payak lang na silver na bakal at may ginintuang hawakan. May mga pakurbang disenyo ang hawakan nito. Simple lang talaga siya kumpara sa mga nakikita kong espada.
Makikita rin ang naglalabasan na manipis na puting enerhiya sa silver na bakal.
Hinakbang ko ang mga paa ko papunta roon. Umakyat ako sa bundok na gold coins. Nasa sampung talampakan ata ang taas nito.
Nang makarating sa itaas ay nabaling ang atensyon ko sa bagay na nakikita ko mula rito. Isang lumang libro na umaapoy ng kulay asul.
Napakunot noo ako. "Bakit hindi ito nasusunog?" bulong ko.
Pagkalito, pagkamangha at pagkagutom sa kakaibang bagay. Pero, iwinaksi ko ang pag-iisip na iyon. Dapat kong isipin ang mabuting asal. Limang metro ang layo nito sa kinatatayuan ko.
Bumaba ako sa bundok na gold coins at hinakbang ang mga paa papunta sa patayong bato na lagayan ng libro.
May taas itong sampung talampakan. Meron din namang mga bukol na bato na nakadikit doon at may mga parte rin na patag na puwedeng maapakan papakyat sa itaas.
"Anong silbi ng elemento kong hangin kung hindi ko gagamitin?"
Ngumisi ako. "Napakaganda talaga 'pag may elementong hangin dahil maaasahan talaga sa lahat ng bagay! Hahaha!"
Nang makatapat ako sa paanan ng patayong bato ay inulutang ko ang katawan ko ng dahan-dahan paitaas. Hindi pa nga lagpas sa tuhod ko ang paglutang nang may puwersang nagpabalik ng paa ko sa sahig.
"Anong mangyayari?" nakakunot noo kong sambit at nagsalubong ang mga kilay.
Maririnig din ang tunog ng paghampas ng mga paa ko sa sahig. Inulit ko ang paglutang pero naulit lang ang nangyari.
"Kakaiba ang lugar na ito."
Dahil osyoso ako sa librong umaapoy ay wala akong nagawa at inakyat ang patayong bato. Nagsimula na akong umakyat.
"Ang hirap naman! Bakit kasi ang dudulas ng mga bato!?" reklamo ko.
"Ang layo ko pa sa mga patag na bato!" maluha-luha kong sambit. Umaagos din mula sa noo ko ang kayrami kong pawis.
"Ang hirap naman nito!" nagsisimula na kasing bumasa ang mga palad ko.
"Kaya ko ito," pagkukumbinsing sambit ko sa aking sarili. Nagpursigedo akong umakyat dahil osyoso talaga ako sa umaapoy na libro.
"Sa wakas." Napangiti ako ng mahawakan ang mga patag na bato.
Nagpatuloy ako sa pag-akyat hanggang sa nakaapak na ako sa patag na bato. Madali na lang akong naka-akyat pataas hanggang sa narating ko ang taas.
"Ngayon, masisilayan na kita ng malapitan," malapad na ngisi ko.
Dinampi ko ang dalawang palad ko sa salamin at hinimas ito. Parang nakakaramdam ako ng mumunting kuryenteng dumaloy sa aking mga palad pero iwinaksi ko iyon.
"Ano kayang mangyayari kong susuntokin kita?" makahulugang sambit ko habang nakataas ang kanan kong kilay at nakakunot noo.
Sinuntok ko sa kanang kamao ko ang harapan ng salamin na nakaharap sa akin.Bigla na lang umugong ang paligid. "Anong nangyayari!?" kinakabahan kong sambit.
May mga malalaking batong nagsisibagsakan sa itaas sa gawi ng mga bundok na gold coins. Nakita kong nagkawatak-watak ang mga ito. Puwera na lang sa kung saan nakatarak ang simpleng espada. Nananatali pa rin ito sa maayos na lagay kahit na nababagsakan na ng bato.
Ang mga bato namang bumabagsak doon ay parang naglalaho ng parang bula.
Napakunot noo ako. "Napakahiwaga naman ng lugar na 'to," hindi makapaniwala sambit ko.
May maliit rin na bato ang nahuhulog sa itaas ko. Ang kaninang maayos na inaapakan ay biglang umugong at unti-unting bumiyak.
"Hindi maaari," natatakot kong sambit. Napahawak ako sa bato na inaapakan ng glass box.
Nang tuluyan nang masira ang patag na batong inaapakan ko ay bigla na lang akong nahulog.
"Aaahhhh!" kabang sigaw ko.
Bumukas ang paanan ng patayong bato at nilamon ako.
"Aaahhh!" sigaw ko dahil sa nahuhulog ako sa itim na paligid.
"Gusto ko ng umuwi," Nagsisitayuan ang mga balahibo ko.
Maya-maya lang ay unti-unting nagkakaroon ng mumunting liwanag sa ibaba.
"Hay, salamat," unti-unti na ring bumuti ang aking pakiramdam hanggang sa rumami na ang mga maniningning na liwanag.
Napakunot noo ako sa aking nakikita. Natahimik ako at itinuon ang pagtanaw sa paligid. Bakit parang bituin ang nakikita ko o namamalikmata lamang ako? Marami ring makukulay na lagusan ang makikita sa paligid.
Totoo ba ito o nananaginip lang ako? Parang isang kalawakan ang paligid. Sinuntok ko sa kanang kamao ko ang mukha ko.
"Aw!" napangiwi ako. Kung gano'n totoo talaga 'to, hindi ako nanaginip.
Namilog ang mga mata ko. "Ang ganda!" Napangiti ako habang tinatanaw ang maningning na paligid.
Patuloy pa rin ako sa paghulog. At isang minuto na ang lumipas simulang mahulog ako. Kailan ba ito matatapos?
Paglingon ko sa ibaba ay may isang napakalaking white hole. Unti-unti akong nahuhulog doon. Nakadama ako ng kaba. Saan na ba ako? Makakauwi pa kaya ako?
Nang tumapat ang paa ko sa puting lagusan ay biglang nag-iba ang paligid. Namilog ang mga mata ko, "Ang ganda!" napanganga ako habang tanaw ang kapaligiran.
Ang kaninang kaba ay napalitan ng kasiyahan.
Isang paraiso. Natatanaw ko sa ibaba ang mga makukulay na halaman, puno, ibon na lumilipad sa himpapawid, ilog at talon.
May mga makukulay na pagsabog akong mga nakikita na kumakalat sa himpapawid. Ang mga makukulay na pagsabog ay naghuhugis bilog, puso, dyamante, palaso, at bituin..
"Grabe, ang ganda rito!" gigil kong sabi dahil sa kasiyahan.
Nawala bigla ang mga makukulay na pagsabog. Naghintay ako ng isang minuto pero hindi na ulit lumitaw. Hindi ako nababahala sa nangyayaring paghulog ko ngayon. Dahil mas nakapukaw ang atensyon ko sa kakaibang kapaligiran na nakikita ko ngayon.
Napasimangot ako ng mawala ng ang mga pagsabog. Iniyuko ko ang ulo ko at tumingin sa ibaba.
Napakapresko rin ng paligid at damang-dama ko ang napakagandang enerhiya sa lugar na ito.
Puwedeng magnilay ang adventurer dito. Sigurado akong tataas ng mabilis ang kanilang ranggo.
Napakunot noo ako. "Kakaiba, wala akong nakikitang ibang magic critter bukod sa ibon. Meron kayang ibang nilalang dito o nagtatago lamang sila?"
Bigla akong nakarinig ulit ng pagsabog. Kaya tumingala ako sa ingay kung saan ito.
"Bumalik na!" napakalapad ng ngiti ko parang aabot na sa buto-buto ng pisngi ko.
Kinikilig akong marinig at makita ang mga naggagandahang mga makukulay na pagsabog.
Ngayon ay iba na naman ang hugis. Linyang mga pakurba... Kalaunan ay nawala rin at napalitan ng iba.
Napakunot noo ako dahil numero na naman ngayon. Unti-unti kong binasa ang isa-isang nagsusulputan na numero.
"2."
"0."
"0."
"0."
2000, kahit na nagagandahan ako sa makukulay nitong alindog ay hindi ko maiwasan mapakunot noo. "Ano ang pinapahiwatig ng numerong iyan?"
Bisi ako sa pagtanaw sa kaygandang tanawin at hindi ko namalayan na bumagsak na pala ako sa isang malapot na tubig na hanggang bewang ko. Nang subukan kong itaas ang mga kamay ko ay napakabigat, parang may binubuhat ako.
"Nakakadiri." Yinugyug ko ang magkabilang kong balikat.
"Ang saklap naman. Kung gaano kaganda ang naramdaman ko sa pagtanaw sa paligid, kabaligtaran naman ang naramdaman ko paglapag. Mabuti nalang at hindi siya mabaho," nakasimangot kong sambit.
"Gggggrrrrrr!" rinig kong atungal malapit sa akin.
"Ano iyon?" Dahan-dahan kong sinundan ang atungal na mula sa itaas. Nang lumingon ako sa kaliwang itaas ko ay nakita ko ang isang...
"D-dra-gon..." Nanginginig ang katawan ko habang tinitingala ang dragon.
"Patay!" lumukot ang mukha ko.
"Aaahhhh! Tulong! Ayoko pang mamatay!" malakas na sambit ko baka sakaling may adventurer dito at matulungan akong sagipin sa dragon.
Doon ko rin napagtantong laway pala ng dragon iyong nahulugan ko. Kasi may tumutulo pang laway mula sa bibig niya at pumapatak ito sa nahulugan ko.
"Ayoko na rito!" maluha-luha kong sambit.
"Gggggggrrrrrrrr!" mas malakas na atungal ng dragon.
Dali-dali akong umaksyon para tumakbo pero parang glue ata ang laway niya dahil sa hindi ako makagalaw.
"Huwag mo akong kainin! Binabalaan kita, kapag kinain mo ako magsisi ka dahil napakapangit ng lasa ko at kung pangit ka, mas papangit ka pa. Mapait, hindi matamis at sigurado akong magsusuka ka sa lasa ko!" tarantang sigaw ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Na-blangko iyong utak ko dahil sa takot.
"Ggggggggrrrrrrrrr!" nakakabinging atungal ng dragon.
Parang nagslow-motion ang kilos ng dragon habang inilalapit niya ang kanyang ulo sa akin.
Ibinuka niya ang kaniyang napakalaking bibig. Makikita ang mga matutulis niyang mga ngipin, na alam kong isang kagat lang ay bali-bali ang mga buto ko.
'Inay, Itay at Bunso. Tulungan niyo ako!' pepeng sambit ko.
Isang metro na lang ang lapit niya at napapikit na lang ako sa mga mata ko dahil sa takot.
'Paalam Inay, Itay at Bunso.'