❇
↪Saan aabot ang kaplastikan mo?
❇
[ADEENA DELANEY]
"Shut up Victoria! Are you serious? You're giving me this Louis Vuitton clutch bag?" di makapaniwalang tanong ni Patrice habang tinataas ang clutch bag.
"Why not Patrice.." sagot naman ni Victoria.
"You mean, pumonta ka lang ng Paris to buy this stuff pang giveaway?"
Most of my classmates gathered around her para lang makita ang mga luxury brands na pinangbibigay nya lang sa mga classmates namin.
Paano sila nakakagasto ng malaking halaga ng pera just to buy expensive luxurious things like this? Pwedi namang gumamit o bumili ng mumurahing bagay.
Sabagay lumaking may gintong kutsara sa bibig. Spoiled brats.
"Hindi naman sa pumonta 'lang' ako dun, my business deals kasi si Dad dun. Pinasama nya ako para matoto ako" saad ni Victoria habang nilalaro ang kaniyang bagong kulot na buhok.
"Nakakaingit ka talaga Vic"
"Nako wag kayong maingit, afford nyo rin naman yan eh"
"Oo nga, pero hindi naman kami tulad sayo na hindi nababawasan yung credit card"
"Haha. You're funny Ivy" tumawa lang si Victoria, pero sa totoo gustong gusto nya yang kinaka-ingitan sya ng karamihan."Adeena, this is for you"
Hindi ko namalayang lumapit pala si Victoria at iniabot nya sa akin ang isang Gucci Broadway clutch bag.
Napaangat ang tingin ko sa kanya. "Talaga?" walang ganang tanong ko.
Tumango sya at hinawi ang kaniyang buhok "It's--"
"Gucci Broadway clutch bag" hindi na nya natapos ang kaniyang sasabihin dahil inunahan ko na sya.
"Pasensya na Victoria dahil hindi mo ako mabibili" prangkang saad ko sa kanya.
Napanganga sya sa sinabi ko at tinignan nya ako ng napakaseryoso.
"Hibang ka naba? Gumagasto ka ng malaking halaga para makabili ng kaibigan? Kinarer mo na talaga yang pagiging human credit card?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya habang natatawa.
Hindi makasagot si Victoria sa mga tanong ko at naging tahimik ang silid. Wala syang kaalam-alam na tinatawag syang human credit card ng mg so-called-friend nya.
"B-bakit mo naman nasabi yan Adeena?" tanong ni Patrice sa akin dahilan upang mabasag ang katahimikan. "Tangapin mo na yan. Alam naman naming wala ka pang mamahaling gamit, wag ka nang mahiya" dagdag nya sabay tawa.
"Oh talaga?" mistulang hindi makapaniwalang tanong ni Victoria habang maarting tinatakpan ang kaniyang bibig.
"Malungkot mang isipin pero, oo" sagot naman ni Patrice and she jokingly wipe her checks as if may luha syang tumotulo.
"Anong problema nyo dun? At least nakakabili ako ng sarili kong gamit nang hindi umaasa sa iba" saad ko sabay tingin kay Patrice.
"Tumawa kayo hangang kaya nyo pang tumawa. Dadating ang panahon na kahit masaya kayo ay walang lumalabas na ngiti dyan sa mga mukha ninyo" dagdag ko sabay tayo.
Tinapunan ko ng tingin si Victoria at ang hawak nyang clutch bag. Kinuha ko ito sa kaniyang kamay at nagsalita "Sayang naman pag walang makikinabang nito..."
Naglakad patugong bandang likoran ng aming classroom kung saan nakapwesto ang aming locker.
"Hindi ka naman siguro manghihinayang diba?" tanong ko habang ipinapakita sa kanya ang clutch bag.
"Kukunin mo naman pala..." sagot nya sabay irap ng kaniyang mata.
Itinaas ko ito sa ere at iniwagayway "I'll take that as a yes" ani ko sabay itsa ng clutch bag sa basurahang malapit sa locker.
Nagulat sila sa ginawa ko, at si Victoria ay nangagalaiti sa galit. Sino ba naman ang hindi magagalit, ang perang ginasto nya para makabili ng isang perasong bag na iyon ay katumbas na nang pambayad ng isang taong matrikula namin.
"You poor rat!" galit na sigaw ni Victoria sa akin na akmang susugorin nya ako.
Marahas nya akong hinila at kwenilhohan "Alam mo ba kong ilang daang libo ang binahad ko para dyan?! Kahit magtrabaho ka buong buhay mo, hindi mo yan mababayaran!"
Tinaasan ko sya ng kilay at dahan-dahang tinangal ang mga kamay nya sa kwelyo ko.
"Kahit magbenta ako ng atay?" pabirong tanong ko sa kaniya. Sinundan naman iyon ng tawanan ng buong klase.
"Kahit pa lahat ng lamang loob mo ang ibenta mo" sagot nya sa akin.
"Sorry ka dahil wala akong planong bayaran yan. Pinabili ko ba yan? Inutang ko ba yan?" angil ko. "Victoria, stop being childish. Mayaman ka naman diba? I'm sure wala lang sayo yang Gucci na yan." dagdag ko at tinapunan sya ng nakakalokong tingin.
For the second time, Victoria went speechless. She didn't even dare to argue with me.
"Victoria, hayaan mo na lang yang si Adeena. Baliw na yan, palibhasa nasanay sa mga cheap na gamit" singit ni Patrice at nagpunta sa gawi ni Victoria.
"Let's go" ani nito at tuloyan ng lumabas sa silid kasama ang mga kaibigan nya kuno.
Inayos ko ang kwelyo ko at ang ribbon na nakatali sa ilalim ng kwelyo ko. Bumalik ako sa aking upoan inilabas ang textbook ko sa physics.
I randomly turn the pages until I reach the end of the textbook. Napatitig ako sa mga letra na nakaprinta sa papel nang hindi ko maiwasang mapaluha.
What's wrong with being poor?
I don't have luxurious brand of bags, designer dress and limited edition cars. I don't even have the recent model of phone.
At si Victoria, dati ko syang kaibigan. Napakaclose namin sa isat-isa to the point na lumipat sya sa section ko nung nalaman nyang hindi kami magkaklase.
Pero noon yun. Nung may nakilala syang katulad nyang mayaman, kinalimutan na ako. Ewan, pakiramdam ko isang araw nagising nalang ako na wala nang kaibigan. Wala nang Victoria.
Hangang sa umabot kami ng Grade 12 at ganito na namin tratuhin ang isat-isa.
I secretly wipe my tears away and pretend na hindi ko naalala ang nakaraan. Lahat ng kaklase ko, alam nila na mahirap ako kahig ang mga secreto ko. Halos wala na akong maitago.
Pero sa tingin ko ay mas maigi nang alam nila lahat ng baho ko, kaysa naman sa gaya nilang maraming tinatago. Natatakot na baka isang araw, sasabog nalang lahat ng sekreto nila na parang bomba.
Tignan natin kong kaninong secreto ang unang mabubunyag.
To.be.continued.