Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Mga Tao sa Sulok ng Kwarto

🇵🇭Conqueror_Arnold
--
chs / week
--
NOT RATINGS
7.5k
Views
Synopsis
"May mga bagay na hindi nila gustong malaman natin…" Simpleng tao lang si si Mike. Ni hindi nga unique ang pangalan niya. Mike. ilan ba mga mike sa mundo. Mahilig sya sa TV series, movies at libro (napaka boring diba). Palagi niyang pinapangarap na maging kakaiba sa lahat pero isa lang sya sa madaming tao na ganito ang pangarap. Hindi sya espesyal. Palagi lang syang nagku kwento ng mga bagay na hindi totoo para maging interesting sya sa iba. "May tao sa likod mo" "May nakatingin sayo sa sulok ng kwarto" "May babaeng nasigaw sa kusina sa disoras ng gabi" pero hindi totoo lahat ng yun. Gustong gusto lang ni Mike na mapansin mo sya. Lagi mo syang makikitang tahimik, dahil ganun lang ang dapat niyang gawin. Ang tumahimik. Hindi mo kailangang malaman ang mga sinasabi niyang nalalaman niya. Hindi mo kailangang malaman ang kakahantungan niya. Basta, ang dapat mo lang malaman, wirdo si Mike, at malamang nababaliw na lang sya. YUN LANG ANG DAPAT MONG MALAMAN...
VIEW MORE

Chapter 1 - May dapat kang malaman

"May mga bagay na hindi nila gustong malaman natin…"

Naramdaman ko kaagad ang kilabot sa pagsusulat ng unang pangungusap ng mga gusto kong isulat. Buong buhay ko, natatakot ako sa lahat ng mga hindi normal na nakikita ko. Mga bagay na naging dahilan kung bakit natatakot akong lumingon pagkapatay ng ilaw sa sala papasok ng kwarto. Ito ang mga dahilan kung bakit palagi akong nagigising sa gitna ng mahimbing na tulog sa gabi habang mag isa sa kwarto - na hindi talaga nararamdamang mag isa.

Natatakot ako, sa totoo lang. Pero mas nakakatakot ang nalaman ko. Mas nakakatakot isiping ganito ang nangyayari sa mga taong katulad ko. Nakakakilabot isipin na napaglalaruan kami sa mga dapat naming malaman.

Dito na matatapos ang kamangmangan namin. Dito ko tatapusin ang larong ginagawa nilang laro sa mga katulad ko.

"Anong ginagawa mo?" nagulat ako ng may biglang nagsalita mula sa kama na nasa likuran ko. Nilingon ko si Tom na nakahiga sa higaan niya. Roommate kami ni Tom dito sa apartment. Nakahiga lang sya sa baba ng double deck dahil higaan ko yung nasa taas.

"Journal lang." ayokong sabihin kung ano 'yung eksakto kong sinusulat. Hindi rin naman niya ko papaniwalaan.

Naramdaman kong pumunta sya sa likod ko para basahin ang sinusulat ko.

"Third eye?" tanong niya.

"Nagawa ka ng mga fan-fic?" pagpapatuloy niyang tanong.

Alam kong skeptic si Tom sa mga ganitong bagay kaya ayokong humaba yung usapan namin.

"Oo, nagawa ako ng fan-fic sa napanuod kong horror movie kanina" sagot ko. Hindi naman ako nagsinungaling dahil kakanuod ko lang naman talaga. Hindi nga lang yun ang dahil kung bakit ako nagsusulat.

"Naniniwala ka ba sa third-eye?" pagpapatuloy niyang tanong. Narinig kong bumalik sya sa pagkakahiga sa higaan niya.

"Sa third eye? Hindi." madiin kong sagot, gusto kong matapos ang usapan namin. Ayokong ilagay sa argumento ang isang bagay na kaka desisyon ko palang na isulat.

Pero may pakiramdam sa puso ko na gusto kong ipaliwanag…

"Pero sa existence ng spirits, oo naman. Naniniwala ako dun" paliwanag ko. TInigil ko muna ang pagsusulat. Sinubukan kong mag browse sa social media habang nakikipag usap.

"Spirits? Ibig mong sabihin, mga espiritu ng mga namatay? Ganun?" nararamdaman ko na sa tono ng pagsasalita niya na interesado sya. Kaya naman sinagot ko na sya sa mga nalaman ko. Mga bagay na nalaman ko nang sa wakas nagkaroon ako ng lakas ng loob na makipag usap sa isang Missionary na nakilala ko isang buwan na ang nakakalipas.

"Hindi, naniniwala ako na kapag namatay ang tao, hindi na gumagala ang espiritu nya dito sa lupa kasama natin." sana maniwala si Tom sa mga sasabihin ko.

"Spirits, as in. Bad spirits. Demons." sagot ko.

"Weh? Papano yung mga nakakakita ng namatay nilang mahal sa buhay?" Agad ito ang tinanong niya. Naiintindihan ko naman. Sigurado silang nakita nila ang yumao nilang mahal sa buhay. Ang tanong, sigurado ba sila - na sila ang mga yumao nilang mahal sa buhay?

"Mahirap paniwalaan talaga, nung una din, yun ang akala ko."

hanggang malaman ko ang pakay nila.

"Basta ang pinapaniwalan ko, pinaglalaruan tayo ng mga demonyo sa pagpapakita satin ng mga nawala nating mga mahal sa buhay. Minsan nga, yung mga ginagaya nilang tao, hindi pa patay eh. Alam mo yun, just to mess with us" sagot ko.

"Hindi naman sa sinasabi ko - " hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nadinig namin kaagad na may kumalabog sa labas ng pintuan.

Hagdanan na kasi ang tapat nun at madali nang umingay dahil gawa na sa lumang mga kahoy yung hagdan.

"Nagalit ata yung lolo ko sa sinabi mo, pre." pagbibiro ni Tom.

Iba na ang nararamdaman ko. Alam kong may mga ganitong mangyayari sa pagdedesisyon kong isulat ang mga bagay na nalaman ko. Alam kong hindi biro ang mga makakalaban ko.

"Baka naman si ate bestie lang yan. 'Di nanaman marunong umakyat sa hagdan." pagbabago ko sa usapan. Ayokong mauwi sa takutan ang pag uusap namin. Gusto kong ipaliwanag ng maayos lahat.

"Bale, ayun. Naniniwala ako na lahat ng mga folklore at ghost stories, kagagawan lahat nila." pagpapatuloy ko.

"Bakit pati mga mababait na engkanto? Di ba may mababait din naman na tinutulungan yung iba. Kagaya ng mga mabubuting engkantada.Yung mga ganun." sagot niya.

"Pwede. Oo. Pwedeng hindi sila nananakit. Pero, naniniwala parin ako na sila yung mga fallen angels na nandito ngayon sa lupa. Yung mga anghel na pinili yung side ni Lucifer. Ngayon andito sila, nagtitake ng iba't ibang form dito sa lupa." simple lang na paliwanag.

nag patuloy ako sa pag browse sa social media.

"Weird, parang straight from comics yung sinabi mo." sagot niya.

Alam ko.

Lahat ng nakita ko simula nung bata pa ko parang galing lahat sa comics at mga korning pelikula sa TV. Ang pinagkaiba lang, kapag ikaw na mismo ang na andun, hindi na sya korni. Gusto mo nang matapos bawat segundong nalipas.

"Sabi ko na 'di ka mani-" kumalabog ang pinto. Nakalock 'to pero nakikita ko mismong may pumipilit magbukas.

Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Lumingon ako kay Tom. nakatulala na din sya sa pinto. Atleast sigurado akong hindi lang ako ang mag isang nakakakita nito.

Wala kaming inaasahang pupunta samin - at sigurado kami na kung bisita yun, kakatok sya at hindi susubukang buksan ang pinto.

Hanggang sa nabuksan ang lock ng doorknob.

Nakatulala na ko sa pinto. Halos napako ang mata namin.

Dahan dahang bumukas ang pinto hanggang makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa likod nito. Nanlalamig ang buo kong katawan. Nanginginig ang mga kamay ko sa takot.

Gusto kong sumigaw pero walang nalabas na boses sa bibig ko.

Lumakad ang lalaki papasok.

"Sinong kausap mo?" agad na sinabi ni Tom. habang napasok sa pinto.

Nakatulala lang ako, hindi ko naiintindihan ang nangyayari.

"Grabe, na late na ko ng uwi dahil sa project na kailangang tapusin." binaba niya ang mga gamit niya sa gilid ng pinto.

Hindi ako makapag salita. Pinilit kong dahan dahang lumingon sa kama sa may likuran ko.

Wala dun si Tom.

Kakapasok lang ni Tom ng pintuan.

"Para ka namang nakakita ng multo?" tuloy ang pagsasalita niya. Nakatulala parin ako. Nilapitan niya agad ako.

"Anong ginagawa mo? Bakit nakatulala ka lang? Nanunuod ka ng porn noh!" tuloy tuloy lang ang biro niya habang naglalakad palapit sakin.

Tiningnan niya ang ginagawa ko sa laptop.

"Nagsusulat ka ng creepy novel?" tanong niya.

Hinawakan ko sya sa balikat habang nakayuko at nakatingin sa laptop na nasa harapan ko. Gusto kong masigurong totoo sya.

Nang maramdaman kong si Tom talaga ang nasa harapan ko, lumuwag ang dibdib ko para makasagot ako sa kanya.

"Oo, creepy journal." sagot ko.

"Understatement yung creepy, pre" sagot niya.

Binalik ko ang tingin ko sa ginagawa ko. Tumayo ang balahibo ko sa batok nang mabasa ko ang nakalagay sa document file ko na nakasulat sa pula:

TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?TINGIN MO KAYA MO KAMING LABANAN?