Chereads / Love Between Chaos / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

News Flash: Sikat na artistang si Ms.Margarette Cablao labis na naging emosyonal dahil sa ginawang pagt-traydor at pananakit sa kanya ng kanyang kaibigan na si Ms. Xzyra Lopez. Di umano'y nilalandi raw nito ang kanyang boyfriend na sikat rin na artistang si Mr. Mark Santiago. Nakita raw ni Ms. Margarette si Ms. Xzyra na nakikipaghalikan sa kanyang boyfriend sa isang restaurant kaya't pinuntahan niya ang mga ito upang maliwanagan sa nangyayari ngunit ayon sa pahayag ni Ms. Margarette ay bigla na lang siyang sinugod ni Ms. Xzyra at binugbog. Kasalukuyang kinukuhanan na ng pahayag si Ms. Xzyra."

What a pathetic-insecure-bitch!

"Tch!" Di ko maiwasang mapasinghal sa napanood ko sa balita.

Ang kapal niya, binaliktad niya pa. At anong nakikipaghalikan?! Sa boyfriend niya?! Sa boyfriend niyang ubod ng yabang at hangin?! Tsah! Over my dead body. Like, eew!

Siya tong bigla na lang susugod sa akin dahil naiinggit siya sa akin. At oo kaibigan ko daw siya. Nagulat nga ako eh di ko alam na naging kaibigan ko siya. As long as I know I don't do friends. Tss.

So, yun nga sumugod si bruha sa akin at inereklamong inaagaw ko sa kanya ang mga dapat sa kanya. Tsk! Insecure lang ang bruha.

Ayun sinabunutan ako. Kaya ang nangyari sinabunutan ko rin siya hanggang sa mapabitaw siya sa buhok ko sinuntok niya ako sa sikmura kaya napadaing ako kaya't sinuntok ko naman siya, at hineadbutt. In-short binugbog ko siya. Haha.

Abugbug aberna! Hahahaha!

Kanina sa interview kitang-kita pa ang black eye niya at sugat niya sa labi. Mukhang sinadya niya naman yun ipakita in public, kasi kung ayaw niya pwede naman takpan ng concealer ang black eye niya at takpan ng make-up ang sugat niya.

Alam ko naman sinusubukan niya akong ipahiya. Tss, siya rin ang mapapahiya. I have an evidence na siya ang unang sumugod. Gaya ng mga naunang sumubok na ipahiya ako in public mapapahiya lang din siya.

I have a person na lagi kong pinagbabantay sa akin mula sa malayo para pagmay mangaaway sa akin videohan niya. At pag may nangyaring masama makakatawag siya agad ng pulis. But since halos puro mga artista naman ang mga nanunugod at nangaaway sa akin na mostly babae talaga. Mga insecure. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa kanila. I just need some evidence na pagsumugod sila at bigla akong sinaktan lalabas na self-defense. Yung iba nga naggo-goodbye career na dahil sa kahihiyan na sila rin ang nagsimula. Tsk, tsk, tsk.

Kailangan ko ng magpa-interview. But no need to hire a reporter, nandyan na sila sa labas at inaantay akong lumabas para interviewhin.

Kaya lumabas na ako agad akong sinalubong ng mga nakakasilaw na flash ng camera at sabay-sabay na tanong ng mga reporter.

Reporter 1: Totoo ba na inaagaw mo ang boyfriend ni Ms. Margarette?

Reporter 2: Totoo bang bigla mo na lang siyang binugbog?

Sabay-sabay nilang saad habang nakatapat ang mga mike nila sa akin. I mentally rolled my eyes.

"First hindi ko nilalandi si Mr. Mark Santiago na boyfriend ni Ms. Margarette na hindi ko alam na naging kaibigan ko pala. Second, oo binugbog ko siya"

Reporter 1: Bakit niyo siya binugbog?

Reporter 2: Hindi po ba kayo naawa sa naging itsura ng ating sikat na artista?

"I did that on purpose. Biglang siyang sumugod sa akin. She grabbed my hair so I grabbed her hair too, she punched me on stomach so I punch her on the face and give her a headbutt" napangiwi naman ang mga reporter.

Ang sakit kaya nung pagsuntok niya sa tiyan ko, salamat nga siya yun lang ang ginawa ko sa kanya, eh.

Inilabas ko ang CD na naglalaman ng ebidensyang wala akong kasalanan hindi naman porque wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao ay hahayaan ko silang isiping kriminal ako.

"Watch that! Ibidensya yan na wala akong kasalanan" Ako. Kinuha naman nila ang CD. Meron naman akong kopya niyan sa cellphone, sa laptop at sa USB. Incase na mawala yan.

Tumalikod na ako sa kanila at pumasok na ulit sa loob.

By the way, I'm Xzyra Demonique Lopez, 22. Better not to mess up with me.

***

Nasa mall ako ngayon para mamili. Malamang ano bang ginagawa sa mall? Malamang bilihan ng mga kailangan.

Hindi ako nakadisguise. No need for that dahil parang wala naman akong fans dahil na rin sa attitude ko at dahil yung mga may idol sa mga umaaway sa akin ay napapahiya sa public. Tsk, tsk! Aba kasalanan ko bang bigla na lang sila susugod sa akin at sasabunutan ako. Aba, hindi ako boxer for nothing noh.

And yeah I'm a female boxer, bata palang kasi ako mahilig na ako sa boxing dahil sa mga napapanood ko na boxing sa T.V. Pero gusto ko talaga yung anime na knockout. Kasi yung mga kalaban ni Ippo Makonochi minamaliit siya at yung ibang mga boxer dahil sa itsura niya at ehem you know may pagkaisipbata siya nung nagsisimula siya. Pero, pag nasa ring na talo naman sila ni Ippo palibhasa ang yayabang.

Marami na rin akong napanalunan na mga belt mula sa mga nakakalaban ko sa ring.

So, back to my story nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng nakarinig ako ng tilian mula sa di kalayuan, at biglang may bumangga sa akin at natapunan pa ako ng kape. Ouch! Ang sakit nun, ah. Mukhang malalapnos pa ang balat ko dahil mukhang bagong timpla lang tong kape.

Tiningnan ko sa likod ko yung taong bumangga sa akin. Aba, hindi man lang nag-sorry. Tumatakbo siya. Hmm, mukhang pamilyar siya. Siguro isa sa mga artista dahil may tilian akong naririnig mula sa mga babae na parang kinikilig.

Hinabol ko siya.

"Hoy, Hindi ka man lang ba magsosorry, ha?!" Sigaw ko sa kanya. Sandali siyang napatigil tapos bigla akong hinatak palayo.

"Mamaya na lang!" Siya.

Aba't kaladkarin daw ba ako.

Nang makatakas kami sa so-called FANS niya ay agad kong binawi ang kamay ko at sinamaan siya ng tingin.

"Lakas ng loob mong kaladkarin ako,ah." Ako.

"Kasalanan mo naman hinabol mo ako at sinigawan kaya no choice ako kundi kaladkarin ka kasama ko. Dapat nga magpasalamat ka,eh, nakasama mo ang gwapong si ako" nakangisi niyang sabi.

"Aba't! Kundi ka naman kalahating bobo't kalahating tanga?! Sinong matutuwa na mabangga ng pangit na katulad mo at tinapunan mo pa ako ng bagong timplang kape! Sa'yo ko kaya ibuhos ang bagong timplang kape tingnan ko lang kung hindi malapnos ang balat mo! Baliw ka na pagnagpasalamat ka pa na binuhos ko sa'yo ang kape! Tapos kinaladkad mo pa ako! Sinong matutuwa dun ha?! SINO???!!!!" Galit na galit ako sa kanya. Ikaw kaya tapunan ng kape at bigla kang kaladkadin.

He looked amused. Pero agad din siyang nakabawi at ngumisi.

His smirk get me more pissed. Aba pagnapuno ako sa lalaking to ay baka gawin ko siyang punching bag.

"Woah, relax Ms. Lopez. Hindi mo ba ako nakikilala nor natatandaan?" Siya. Tinaasan ko siya ng isang kilay.

Pamilyar siya pero hindi ko matandaan ang pangalan niya, like I care.

"Hindi, eh! Like I care!" Ako. At inirapan siya.

He looks confused.

"Seryoso ka ba? Hindi mo nakikilala ang mukhang 'to" Sabay turo sa mukha niya.

"Hindi nga sabi, eh!!! Paulit-ulit?! Wala akong kilalang mukhang..." Ako at sinipat ang mukha niya.

"Mukhang ano? Mukhang gwa-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Mukhang gorilla" ako.

"Ako?! Mukhang gorilla, malabo na ata ang mata mo! Ang mukhang 'to ay kinababaliwan ng kababaihan at bakla at kinaiinggitan ng mga lalaki, bibihira na lang ang gantong mukha, noh!"

"Sila kamo ang malabo ang mata, Mr.I-don't-care-who-you-are!"

"Hey, hey! May pangalan ako noh! Ako si Harvey Kean Harrison, 22. "

"Ah, ikaw pala yun, sabi nila gwapo bat mukhang gorilla?" Ako.

"Aba't-" nilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya para patahimikin siya ingay ah.

"By the way, aalis na ako okay na sa akin na hindi ka mag-sorry, bawi na ako. Bye!" Ako at umaalis na. Natatawa ako sa mukha niya, hahaha. Priceless.

***