Chereads / The Prosecutor / Chapter 5 - Part of My Memory

Chapter 5 - Part of My Memory

Nakauwi na ng bahay si David habang nag mumuni muni sa kanyang higaan, naisip na naman niya ang kanyang kapatid na matagal nang nawalay sa kanya.. Hindi lang talaga niya maisip kung ano talaga ang nangyari sa kanilang dalawa 20 years na ang nakalipas. Wala kase talaga ni isa ang sumasagi sa kanyang isip buhat ng kanyang pag kabata. Minsan tinatanong niya sa kanyang sarili kung ano ba talaga ang nagyari nung bata pa siya.. kung pano nangyaring namatay ang kanyang ama at paano nawalay sa kanyang bunsong kapatid. Halos umikot nalang sa kanyang buhay ang pag hahanap sa bunso para lang mabuo muli ang kanyang pamilya kahit wala na ang kanyang ama. Kahit manlang sa bunso niyang kapatid ay maranasan manlng sana niya ang pag mamahal ng sinasabing pamilya. Mahirap para sa kanya ang mabuhay ng mag isa ng mahigit 20 taon ng di nakikita ang kanyang kapatid.. minsan nga ay naiisip na ok lang ba ang kapatid ko,buhay pa ba siya.. kumakain paba siya at higit sa lahat may tinutuluyan ba siyang bahay, yan ang lagi niyang nasa isip kahit sa kanyang pag tulog.

Pag baba ni David sa kanyang sasakyan ay sakto din namang bumaba si Jin Ho sa kanyang kotse, nag kita silang dalawa sa parking lot ng police station.. mag kakasabay na silang papasok ng opisina dahil nag kita silang dalawa.. Sabay na silang pumasok, at doon ay nag ka kwentuhan habang nag lalakad sila patungo sa kanya kanya nilang lamesa. Kinumusta nila ang isat isa at nauwi sa huntahan tungkol sa kanilang mga pamilya. Alam naman ni Jin Ho na si David ang kababata niyang kaibigan, wala nga lang maalala ang binata tungkol sa kanyang nakaraan.. Yun nga lang.. sa kabila ng nalalaman ni Jin Ho tungkol sa kanya ay kabaliktaran naman ng kay David ang kanya. Hindi naman niya naaalala ang tungkol sa pag katao ni Jin Ho dahil nga sa insedenteng nangyari 20 yrs na ang nakakalipas. Nalaman ni Jin Ho ang dahilan kung bakit bumalik si David sa Korea, ang mahanap ang nawawala nyang kapatid. Hindi talaga ninais ni David ang pumasok sa ganong trabaho. Napilitan nga lang siya dala ng naisip din niya na kung papasok siya bilang detective ay may pag kakataon siya hanapin si Min Joon.

Pag dating nila sa kanya kanya nilang upuan ay, napaisip na naman si David kung saan ba siya mag uumpisa ngayong andon na siya sa loob ng ganong trabaho.

Lumapit sa kanya si Lester at tinanong siya kung ano bang problema, bakit siya tulala, bakit mukang malalim ang iniisip nito.. Sinabi ni David na may iniisip lamang siya pero hindi niya sinabi kung ano ito. Umalis na lamang si Lester at nag tungo sa isang zerox machine para gawin ang kanyang dapat ay gagawin ng mapadaan lang siya sa pwesto ni David.

Hindi namalayan ni David na nakatulog na pala siya sa kanyang pwesto, nagulat ito ng pumasok sa kanyang panaginip ang kanyang kapatid, ang sakay ito ng kotse kasama si Kieper dahil sa kanyang pag kakagulat ay napabalikwas ito at bumalik siya sa kanya uliran at tuluyan ng nagising, tamang tama naman sa kanyang pag kakagising ay nas harapan niya si Jin Ho at dala ang isang box na tila para isa itong regalo.

''ohh gising kna pala'' tanong sa kanya ng dalaga.

''bakit anong meron?'' tanong nito kay Jin Ho..

''may regalo ka, hindi ko alam kung kanino galing.. wala kasing nakalagay. sa reciever lang ang merun at sayo nakapangalan.. hindi ko namana agad maibigay kase mukang masarap ang tulog mo kaya hinayaan nalang muna kita.. nuti nalang at gising kana kaya ayan na ang ragalo mo'' paliwanag na sagot niya sa binata.

''ahh ganon ba? kaya pala mukang kanina mo pa ako tinititigan'' sagot niya kay Jin Ho..

Muli namang napahiya ang dalaga dahil tama ang sinabi sa kanya ni David.. kanina pa siya nakatitig habang tulog na tulog ito, nauutal ang dalaga habang nag sasalita at natataranta ng iabot niya ang package para sa David.

''ohh, namumula pa ang pisngi mo'' pang aasar pa ni david sa kanya.

Tuluyan ng umalis ang dalaga dahil patong patong na ang hiya nito sa sarili ng tawanan pa siya nito.

Pag katapos ng trabaho ay umuwi na agad ito dala ang package na kanyang natanggap kanina sa kanyang opisina. Napaisip naman ito kung ano na naman ang nilalaman nito.. halos taon taon nalang kase siyang nakatatanggap ng regalo at ngayon naman ay napapadalaas na ang nag papadala sa kanya kaya naman mas lalo siyang napapa isip lalo nat walang nakalagay na sender sa kanyang mga natatanggap.

'' kanino na naman kaya galing ito, bakit lagi nalang ako nakakatanggap ng ganito'' bulong niya sa kanyang sarili habang nakupo sa kanyang sala.

Nagulat ito ng buksan niya ang regalong kanyang natanggap ng makita niya kung ano ang nilalaman nito, ang isang painting.. Painting na nakalagay doon ang isang signature na makikita din sa painting na nakalagay kung saan nangyari ang krimen nitong mga nakalipas na araw.. Parang ipinahihiwatig ng painting na ang gumagawa ng ganong krimen ay iisang tao lang maging ang nagpapadala sa kanya ng mga regalo.. ang nag papagulo lang ng kanyang utak ay kung bakit sa signature na nakalagay ay may naalala siya tungkol sa kanyang pag katao. Marahil ang sig nature na kanyang nakikita ay parte ng kanyang nakaraan na hanggang ngayon ay hindi pa niya naaalala.

Ngayon ay naiisip niya na marahil ay may ibang paraan ang tadhana para malaman ang kanyang nakaraan lalo na tungkol sa kanyang nakababatang kapatid.