How Could An Angel Break My Heart

🇵🇭kuchisabishiii
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Sabi nila "You are exactly where God wants you to be." Gusto niya ba 'to para sa'kin? Masaya ba siya na hirap na hirap na 'ko?

Minsan iniisip ko, he's not being fair. He's so unfair. Lalo na sa'kin. Ilang beses akong humiling sakanya. I've always talked to Him and told Him how tired I was. It makes me wonder, does He even heard me? All the silent begging, the crying, hindi ba siya naaawa sa'kin?

Ito ba ang gusto niya? Ang palagi akong mahirapan? Nung nagbagsak siya ng problema pinasalo niya sa'kin lahat. And now I know, I'm not one of His favorite.

Hindi niya 'ko pinagbibigyan. Kahit kailan hindi niya 'ko narinig. So I stop wishing. I stop hoping. I just realized He's not listening to any of my wish, or any of my prayer, so I stop believing in Him. Hindi na 'ko naniniwala.

"Shit! Shit!" Sunod-sunod kong mura habang tinatakbo ang kahabaan ng bar na pinapasukan ko.

"Oh uwi ka na? Maaga pa ah," tanong ng isang kasamahan ko.

Tumango na lang ako at mabilis siyang nilampasan para makalabas na sa bar. Bwisit! Huminto ako ng makarating sa pintuan at tiningnan ang malakas na ulan na may kasamang hangin.

"Salamat po," tinanguan at nginitian ako ng bouncer na nagtawag ng tricycle para sa'kin.

I sighed nang mabasa ang hita ko. Pinagmasdan ko ang makinis kong hita na lantad na lantad. Instead of this daring dress, hindi ba dapat uniform ang suot ko? Hindi ba dapat ang pinupuntahan ko ay eskwelahan, hindi mga bars at clubs? Ito ba talaga ang gusto niya para sa'kin? Ito ba talaga ang nakatadhana para sa'kin?

Sixteen years old ako nang magsimulang kumanta sa isang maliit na bar. Nung una ay ayaw akong tanggapin ng may ari dahil baka asset daw ako at isa pa ay masyado raw akong bata, mas nakaka-attract na ma-raid ang bar nila kapag ganun. Pero kalaunan ay nakumbinse ko silang hindi naman ako mukhang sixteen at hindi rin ako asset.

Hindi man kapani-paniwala pero hindi pa naman ako nagagalaw. Virgin pa rin naman ako hanggang ngayon dahil mariin kong sinabi kay Mamang Georgia na kanta lang talaga ang gagawin ko at table lang. Ngayong eighteen ako ay mas rumami ang nanghihingi sa'kin ng kahit isang gabi.

"Manong dito na lang," turo ko sa isang apartment.

Pagkatapos kong magbayad ay mabilis akong bumaba. Inilibot ko muna ang paningin sa labas ng bahay bago pumasok sa loob.

"Maya?"

"Ganda! Akala ko hindi ka na uuwi, e. Nagugutom na 'ko," nakasimangot niyang sinabi habang hawak-hawak ang isang barbie doll.

Nagbuga 'ko ng hangin at pinagmasdan siyang nakaupo sa tapat ng mesa. Sinapo ko ang noo ng makitang gulo gulo na naman ang ayos ng bahay. Maraming nakakalat na mga damit, at ang mga plato ay nakalapag sa sahig habang ang mga paper dolls ay nakahiga roon.

"Maya," tawag ko sa nanay ko.

Hindi ko alam kung paano kami nabuhay. Basta isang araw namulat na lang ako na hindi ako kayang buhayin ng nanay ko dahil may diperensya siya sa pag-iisip.

Tinanggap ko na lang na kahit bata ako kailangan kong tanggapin na yung barbie'ng laruan na dapat ay sa'kin ay sa nanay ko napupunta. Hindi ko rin alam kung bakit sa kabila ng kapansanan ni Maya ay nabuntis at ako ang naging bunga. Nakapag-aral ako ng elementary sa isang public school at nabubuhay kami dahil sa paglilinis ko ng bahay ng kapit-bahay namin noon.

Nang maka-graduate ako ng elementary tinanggap ko na na hanggang doon na lang ako. Gusto kong ipagpatuloy ang pag aaral ko pero hindi ko alam kung makakaya ko bang suportahan ang sarili ko at si Maya ng sabay. 10K lang ang kinikita ko sa pag kanta sa bar at kulang pa sa pang araw araw na gastusin namin dito sa bahay.

"Iligpit mo na 'yang mga laruan mo at magluluto lang ako," sabi ko at tumayo na para magluto.

Tahimik akong kumuha ng isang lata ng corn beef at nagsimula ng maghiwa ng bawang at sibuyas. Ito lang naman ang kadalasan naming kinakain ni Maya. Kung hindi sardinas at noodles ay itong corn beef. Nakakakain lang kami ng tocino kapag malaki-laki ang tip na binibigay sa'kin at kung pumapayag akong magpa-table at isama sa kung saan, minsan mas malaki pa sa sweldo ko ang tip na bigay sa'kin.

Pagkatapos kong magluto at magsaing ay tinawag ko na si Maya para kumain.

"Maya, tumatapon yung pagkain. 'Wag mo na siyang pakainin hindi naman totoo yan," mataman kong sinabi ng subukan niya ulit subuan ang manikang hawak.

Sumimangot siya at hindi na 'ko pinansin. Napasentido ako ng makitang mas marami pa ang naitapon niya sa nakain niya.

"Hindi ba natin ie-enroll si Mai, ganda?" She asked.

I sighed. Umiling na lang ako at nagsimula ng magligpit ng pinagkainan. Bukas ko na lang uurungan bago ako umalis. Pabagsak akong humiga sa kama at pagod na ipinikit ang mga mata.

Kinaumagahan ay nakatanggap ako ng text galing kay Mama George at sinabing maaga ang gig namin ngayon dahil marami ang nag-book ng maaga. Iba't ibang bar at clubs ang pinupuntahan ko. May ibang ilegal at karamihan naman ay mga kilalang clubs ang pinupuntahan ko. Hindi katulad sa mga maliliit na bar na kinakantahan ko ay bukod sa malaki ang kita ko, walang basta-bastang nanghihipo ng pwet doon.

Malalagkit lang tumingin at bulgar pero hindi naman namimilit. Siguro dahil ay mayayaman, lahat sila ay kilala ang pamilya. Alam ko dahil lahat sila ay sa magazine ko lang dati nakikita.

Natatandaan ko rin noon may isang basketball player na nag-table sa'kin. Mabait naman siya, pero hindi ako kumportable dahil kung saan saan ang kamay niya. Okay lang naman kung sa hita lang, alam ko naman ang pinasok ko, pero ang kamay niya ay nakakarating na sa boobs ko, ewan ko kung paano niya nahahanap e wala naman akong boobs. Flat nga ako, e.

"Oh mukha ka ng eyebag na tinubuan ng tao," Sabi ni Mama George habang inaabot sa'kin ang concealer.

Tumawa ako at kinuha sa kamay niya ang concealer. Umupo ako sa harap ng malaking salamin at nag simulang mag lagay ng concealer sa ilalim ng mga mata ko.

"Mai, isang set ka lang ng kanta tapos punta ka sa vip room," sabi ni Mama George bago lumabas.

Nagbuntong hininga 'ko. "Mama sino yung nasa vip?" Tanong ko ng bumalik si Mama George.

Kumunot ang noo niya habang may hawak na sigarilyo. "Denila."

Tumango ako at malakas na nagbuga ng hangin. Matiyaga rin si Mr. Denila e. Siya yung palagi akong pinapapunta sa vip at aayain akong makipag-sex sakanya.

Sometimes, his offer was tempting. Iniisip ko pa lang ang marangyang buhay na mararanasan namin ni Maya sa oras na pumayag ako sa gusto niya, kinikilabutan na 'ko. Pero sapat na ba ang magarang bahay, kotse, at masasarap na pagkain kapalit ng dignidad na matagal kong inaalagaan?

Alam ko na iba ang tingin nila sa'kin. Kahit ilang beses kong sabihin sakanilang kanta lang at sandaling table sa customer, hindi sila naniniwala. Nakatanim na sa isipan nila na pokpok ako, kasi sa bar ako nagta-trabaho. Na ilang lalaki na ang nagpasa-pasa sa katawan ko.

Pero hindi ko naman pinipilit mabuhay ang sarili ko para sakanila. Hindi ako nagpapaka-hirap para patunayan sakanila kung ano talaga 'ko.

"Oh ano? Pagod ka na sa kakulitan nung matanda na 'yun?" Nakapameywang na tanong ni Mama George.

"Bakit hindi mo pa kasi tanggapin ang alok ni Mr. Chan? Magpapakasal ka lang, hindi niyo rin naman iiwan si Maya dito. Pumayag ka lang na magpakasal sakanya, hindi mo na kailangang mag trabaho, Mai. Makukuha mo na lahat ng gusto mo."

Ngumiti ako at umiling. "Pag-iisipan ko."

Dismayadong umiling si Mama George. "Sixteen years old ka nung sinabi mong pag-iisipan mo, eighteen ka na hindi ka pa rin nakakapag-isip? Naku bahala ka kapag nakahanap ng iba 'yun. Matanda na rin naman yun konti na lang ang itatagal sa mundo, e di kapag na-tigok tiba-tiba ka kasi maiiwan sa'yo lahat ng ari-arian," ani Mama George.

Hindi naman ganun kadali 'yun. Kung sana ay pagpapakasal lang ang gusto ng matanda na 'yun e. Kaso ang gusto ay anakan ako hangga't kaya niya. May plano na siya sixteen years old pa lang ako, ayon sakanya magpapakasal kami sa Japan at dun na maninirahan, titigil na 'ko sa pagta-trabaho sa mga bars at clubs at pagsisilbihan siya bilang asawa.

Hindi ko alam pero nandidiri ako kasi mas matanda pa siya kay Maya. Parang lolo ko na siya. Hinahawakan pa lang niya ang kamay ko ay napapaigtad na 'ko.

Pero si Mr. Chan ang pang-emergency ko. Kapag walang-wala na talaga 'ko at siya na lang talaga ang pag-asa kong makaahon sa hirap papayag ako sa gusto niya. Katulad ng sabi ni Mama George, konti na lang ang itatagal niya sa mundo. Sana lang ay buhay pa siya kapag nangailangan ako. Kung mangyayari man 'yun baka si Mr. Chan talaga ang end game ko.