┊┊⋆┊┊ ☪︎ Ellise Point of View
Hindi ko na alam kung sino o ano ang katauhan ko ngunit, nagising nalang ako at namulat sa tunay na mundo noong ako'y napulot ni Madam Emma kung saan ako tumutuloy ngayon.
Ang sabi nya sa akin ay naawa s'ya sa akin dahil nasa labas ako at nakahiga habang umuulan ngunit, masaya pa rin ako na nagawa kong mabuhay sa mundo ng mga mortal kahit hindi ko alam kung anong tunay na ako.
Ginawa nila akong tagapagsilbi sa kanilang bahay ng sa gayon daw ay makabawi ako sa lahat ng kanilang bayarin simula nung dumating ako. Pinakain at pinag-aral nila ako at ngayon ay nasa grade 10 na ako na nag-aaral sa St. Maximus, labis akong nagtataka kung bakit malayong malayo ang edad ko sa ibang mga ka-batch ko ngunit, dahil daw ito sa hindi nila ako napag-aral agad at mukhang nasa dalawang taon na daw ako ng ako'y kanilang nakita. 17 na ako ngayon at sa susunod na taon ay maglalabing walo na ako.
Ely ang palayaw ko dahil pinangalanan ako ni Madam Emma na Ellise Magnayon ng sa gayon daw ay kasing-ganda ko ang aking pangalan. Katulad lang ng araw araw na routine ko maglilinis at papasok ako sa paaralan, may dalawang anak si Madam Emma na kasing-edad ko lamang na grade 12 na sila ay kumukuha ng kursong humms at stem.
Ayaw na ayaw ni Madam Emma na tatawagin ko s'yang Ina dahil para sa kanya daw ay wala akong karapatan dahil hindi ako galing sa kanyang sinapupunan.
"Ely, kumilos kilos ka na at tanghali na. Anong oras ay magsisimula na ang klase mo." sigaw ni Madam Emma kaya agad akong napabalikwas at dali-daling bumaba upang masimulan ko na ang pagligo at pag-gayak.
"Ikaw talagang bata ka, tanghali ka na kung gumising. Hindi mo naisip na may klase pa ang mga ate mo, kita mo at ngayon ka pa lang magluluto paano kung madumihan ang uniform mo? " sermon sa akin nito habang ako nagmamadali na lutuin ang itlog at agad na hinain ito kay Ate Rose at Jasmine.
"Pasensya na mga ate, pero sasabay na rin po ako sa inyong kumain" sabi ko at hindi pa nagpapaalam ay agad kong kinain ang kanin at itlog na hinanda ko at nung mayari ako ay agad akong nagsipilyo.
"Madam, mauna na po ako" sabi ko habang nagmamadaling inaayos ang bag ko saka isinukbit ito sa akin.
Hindi ko kasabay ng schedule sila Ate Rose at Jasmine dahil mas nauuna ang pasok ng mga highschool student.
Nagmadali naman akong tumakbo dahil kulang ang pera ko kung mamasahe pa ako, pambili ko na lamang ito ng lunch mamaya. Nang tingnan ko ang relo ko ay mag-seseven thirty na kaya agad akong kumaripas ng takbo ngunit, may nabangga ako at tumilapon sa sahig ang dala nya kaya agad akong napalingon.
"Ang sakit nun ah, wala ka bang mata? " galit na sigaw ko sa kanya, agad namang may lumiwanag na araw sa kanyang mata.
Wait. Totoo ba ang nakita ko na nagliwanag ang noo nya o guni-guni ko lang?
As if naman, merong gano'n ano yon glow in the dark pero maaraw pa ngayon kaya imposible talaga.
"Sabihin mo, totoo ba na lumiwanag ang iyong noo? " tanong ko sa kanya habang itinuturo ang kanyang noo ngunit tiningnan nya lang ako ng isang walang emosyon na tingin at parang pinapamukha nya na nahihibang ako.
Nang magtama ang mata namin ay agad s'yang umiwas, ang ganda ng mga mata nya ito ay kulay pula ngunit, agad s'yang tumayo at pinulot ang kagamitan nya at tumakbo palayo.
Anong nangyare do'n, nagtanong lang naman ako tungkol sa umiilaw na araw sa noo nya. Akala nya siguro ay chismosa ako.
Ang nakakainis lang ay hindi nya manlang ako tinulungan na tumayo at ang mga mata nya kakaiba ito marahil ay may lahi s'yang foreigner dahil kung pilipino ang kanyang lahi malabo ang bagay na iyon, likas sa mata ng isang pilipino ang brown at black na mata at bihira ang may ibang kulay maliban nalang kung nalahian s'ya.
Saka ko narealize ng tingnan ko ang relo ko at nakalagay roon na 7:50 AM na, late na late na ako kaya agad akong tumakbo hanggang sa kaya ko at narating ko ng alas-otso ang classroom namin ngunit, pagbukas ko ng pinto ay nakatingin silang lahat sa akin. Tiningnan ko naman ang guro namin at napabuntong hininga ako ng makitang si Ms. Celine ito ang istriktang propesor namin sa Agham.
"Ms. Magnayon, you are late. Stand in the hallway!" sigaw sa akin ng istriktang propesor namin na si Ms. Celine, wala naman akong nagawa kundi mapairap nalang sa kawalan at tumayo sa hallway.
Isang oras na akong paupo at tayo sa hallway dahil nangangawit na ako at hindi ko namamalayan pero paunti-unting sumasakit ang ulo ko sa hindi malamang dahilan.
Hindi naman ako puyat at mas lalong hindi ako buntis dahil wala akong kasintahan, hindi ko na mapigilan unti-unti na akong nanghihina hanggang sa malupasay na ako sa hallway.
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko nalang na nasa Clinic ako marahil, ay nakita ako ni Ms. Celine ng s'ya ay lumabas.
Agad naman akong bumangon ng makita ako ng nurse ay agad itong lumapit sa akin.
"Kaylangan mo munang magpahinga, kung pipilitin mo ang iyong katawan baka mahimatay ka ulit" sabi nito sa akin kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Sino ho ang nagdala sa akin dito?" tanong ko sa kanya kaya agad naman s'yang sumagot.
"Hindi ko rin alam ang pangalan nya ngunit, nakita ko lang na ang kulay ng mata nya ay kulay pula hindi ba't kakaiba 'yon?" sabi nya na halatang kinikilig, marahil ay gwapong lalake ang nagdala sa akin dito kaya ganyan na lamang ang kanyang reaksyon.
"Huwag mong sabihing isa s'yang lalake?" tanong ko kahit na obvious naman ito, agad naman itong tumango marahil ang tumulong sa akin ay ang nakabunggo sa akin pero malabo 'yon dahil hindi ko naman s'ya nakikita rito sa campus.
Siguro ay may iba pang lalake rito na may gano'ng kulay ang mata.
"Maraming salamat po pero kaylangan ko ng pumasok sa klase ko" sabi ko at akmang tatayo ng pigilan nya ako.
"Excuses ka sa klase mo ngayong araw dahil ang kaylangan mo ay magpahinga, huwag mong pilitin ang sarili mo" sabi nya at wala na akong nagawa kundi ipikit na lamang ang aking mata at unti-unti na akong nilamon ng antok.
✿ --
Isang babae ang lumabas na nakasuot ng isang symmetric na dress. Napakaganda nyang babae, ang kanyang mga mata ay malalim na asul habang may nakatatak sa kanya na buwan na hugis Crescent.
"Luna, makinig ka sa sasabihin ko sa oras na matagpuan mo ang mundong ito at ang lalakeng may kulay pula ang mata huwag na huwag kang lalapit sa kanila" sabi ng isang babae hindi ko s'ya kilala ngunit, may kaunting kirot sa akin habang tinitingnan s'ya.
"Sino si Luna? Anong mundo at sino ang lalakeng iyon bakit hindi dapat ako lumapit sa kanya, sagutin mo ako! " Napakamot ako sa ulo at nagsalita, hindi ko alam kung ano ang sinasabi nya.
Wala akong kaide-ideya kahit isa.
"Sapagkat, iyon ang nakatakda at kaylangan mong pigilan ito" sabi nya hindi ko na namalayan ang sarili na papalapit sa kanya at hinawakan ngunit nawala s'ya na unti-unting naging bula.
"Sandali, huwag kang umalis. Sino ba ako at anong nakatakda ang sinasabi mo? Sagutin mo ako! " sigaw ko ngunit, huli na wala na s'ya agad akong napabalikwas ng bangon, pinagpapawisan ako ng malagkit at nanginginig ang aking kamay.
Hindi ko namalayan na basa na pala ang aking pisngi na sign na umiyak ako, hindi ko maintindihan kung ano ang panaginip na iyon. 'Clueless' yan ang madidescribe ko sa nangyare kanina.
Isang panaginip lamang ito ngunit ang laki ng impact nya sa akin sa emosyon ko, sino ang babaeng iyon hindi ko alam pero noong nakita ko s'ya ay may kaunting kirot sa akin at parang bahagi s'ya ng nakaraan ko.
"Gising ka na pala" sabi ng isang malalim na boses at ng lingunin ko ito ay isa itong lalake, nakasandal ito sa pinto ng clinic.
"Sino ka?" sigaw ko sa kanya, agad naman itong nag-angat ng tingin sa akin at nakita ko ang kanyang mata na malalim na kulay pula.
"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung sino ka" sabi nya habang diretsong nakatingin sa mata ako at pahakbang ng pahakbang papalapit sa akin ngunit, namalayan ko nalang ang sarili ko na nakasandal na sa pader.
"Sino ka ba talaga? " naguguluhang tanong ko na kahit ako ay hindi ko na alam ang nangyayare.
"Huwag mong hahayaang makontrol ka ng emosyon mo at kapag hindi mo ito nakontrol marami ang mamamatay sa gyerang iyong sisimulan" sabi nya at namalayan ko na lamang na napaupo ako sa sahig at unti-unti na s'yang naglaho.
Ang weird ng nangyayare sa akin ngayong araw, kaylangan ko sigurong pumunta sa lugar kung saan mapapayapa ang utak ko. Marahil ay dala lamang ito ng stress kaya kung ano ano ang naiimagine ko.
Paglabas ko ng clinic ay hapon na, kanina pa marahil nagsiuwian ang mga tao. Ang tagal ko din palang nakatulog sa clinic.
Naglakad lakad ako at hinayaan akong dalhin ng aking paa sa lawa kung saan may puno roon na paborito kong puntahan sa tuwing ako ay nalulungkot ngunit, hindi katulad dati na walang tao roon ngayon ay may isang nakatakip ng Coco na sumbrero sa kanyang mukha ang nakahiga roon.