Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Solar Eclipse [Tagalog Version]

🇵🇭Autumnx0
--
chs / week
--
NOT RATINGS
15.9k
Views
Synopsis
Magkaiba ang mundong ginagalawan ng mga tao ngunit, isang daang taon na ang nakakaraan ng maganap ang gyera sa pagitan ni Solarian at Serenians na Goddess sa Cascada dahil sa galit at selos ni Solarian sa kanyang kapatid dahil umibig dito ang hinahangaan nyang lalake. Ngunit, dahil sa gyerang iyon ay nagkaroon ng isng propesiya na sa pag-ganap ng Solar Eclipse ay maghahari ang dalawang pusong nagmamahalan. Isang Solarians at Serenians ngunit, paano kung ang pag-iibigan nilang iyon ay magdulot sa kanilang dalawa ng kasawian. Mas pipiliin ba nilang mamatay laban sa pag-ibig o kakalabanin nila ang isa't isa dahil sila ay mortal na magkaaway. Isang pag-ibig na hindi nararapat.
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

══⛧⌒*。

Isang daang libo na ang nakakaraan ng mahati ang nilalang sa mundo dahil sa nangyareng 'Great Battle' sa pagitan ni Serenity at Solar na s'yang magkapatid. Nagkaroon ng hidwaan sa kanilang pagitan dahil sa kanilang pag-ibig sa isang Oceanus - isang nilalang na nabubuhay sa dagat, sila ay parang mga nilalang na isda na may buntot.

Napabisita noon si Lexus ang hari ng mga Oceanus sa kaharian ng Austa upang ipahayag ang gusto nyang pag-iisang dibdib nila ni Serenity, agad namang pumayag ang Hari at Reyna sa kagustuhan nyang ito.

Nakaramdam ng poot sa kanyang kapatid si Solar na s'yang pinagmulan ng kanyang kagustuhan na patayin ang sarili nyang kadugo at sa hindi inaasahan ay agad itong nalaman ni Lexus, agad nyang itinakas si Serenity patungo sa karagatan.

Nang malaman ito ni Solar ay isinumbong nya ito sa kanyang magulang na ginawan nya ng kwento na itinanan ni Lexus si Serenity, kung kaya't agad silang pinaghahanap ng mga taga-Austa.

Hindi nagtagal ay napatay ng Ama ni Serenity si Lexus kung kaya't gano'n na lamang ang naging galit sa kanila ni Serenity kung kaya't dumilim ang kalangitan ay agad nyang hinila si Solar pataas ng kalawakan.

At doon nagsimula ang 'Great Battle' na nagbigay ng pagkasira ng mga lupain at ng mundong Earth, nagbigay ito ng matinding kidlat, kulog at lindol na s'yang ikinasawi ng mga taga-Austa at mga Oceanus.

Dahil sa nangyareng iyon ay nagpasya ang kanilang Ina na si Reyna Amalia na paghiwalayin ang dalawa at ang mga tao sa Austa ay nahati rin.

Sa tuwing magdidilim ang kalangitan ay s'yang paglabas ni Serenity na s'yang magbibigay ng dilim sa mga tao ngunit, sa oras na s'ya ay magtagal at ang mga tao nya ay umapak sa liwanag na s'yang magdudulot sa kanila ng kamatayan at sa oras naman na magliliwanag ang kalangitan ay s'yang paglabas ni Solar na magbibigay liwanag sa mga tao ngunit, gano'n din ang kondisyon sa oras na umapak sila sa dilim ay s'yang magdudulot ng kanilang pagkasawi.

Kung kaya't ang mga taong Serenians ay may tatak na buwan sa kanilang noo at Solarians na may tatak na araw sa kanilang noo ay hindi maaring magsama dahil isang gyera ang magaganap sa oras na sila ay magsama.

      

❍❍❍❖❍❍❍

"Sige na mga bata, at matulog na kayo malalim na ang gabi" sabi ni Ina, at sinarado ang aklat na naglalaman ng kwento ni Serenity at Solar.

"Sayang naman po ang kanilang pagiging magkapatid, Ina hindi po ba? " sabi ko at agad na niyakap ang kapatid ko na si Reina.

"Kung kaya't kayong dalawang magkapatid ay dapat na magmahalan, hindi nyo dapat ipagpalit ang kapatid nyo sa kahit kanino man" sabi nya at hinalikan kami sa noo na dalawa.

Umalis na si Ina at nagtungo sa kanyang silid, agad namang humiga ang aking kapatid na yakap yakap ang kanyang unan.

Tumayo ako at binuksan ang bintana, pinagmasdan ko ang mga bituin na nagliliwanag.

"Sadyang kayganda ng mga bituin tuwing gabi" sabi ko at bumalik na sa aming higaan at ipinikit ang aking mata

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa aking mata, marahil ay umaga na. Nakita ko si Ina na abalang nagluluto ng aming pagkain.

"Ina, ano po ba tayo sa dalawa? " tanong ko kaya agad namang napalingon sa akin si Ina.

"Wala tayo sa dalawang iyon, anak tayo ay isa lamang mortal na nakatira sa mundo na ito" sabi nya sa akin at tiningnan ulit ang kanyang niluluto, sumagot naman ako sa kanya.

"Ina, nais kong maging isang Serenians na katulad ng buwan ay nagbibigay liwanag sa madilim na mundo" sabi ko at ngumiti s'ya sa akin agad naman nya akong niyakap.

"Ang nais ko lang ay lagi kayong ligtas ng iyong kapatid" sabi ng aking Ina at naramdaman ko nalang na nabasa na ang aking damit, marahil ay umiiyak sya.

"Ina, huwag na po kayong umiyak pangako po ay lagi kong aalagaan ang aking kapatid" sabi ko at nginitian ko s'ya, agad naman nya akong nginitian pabalik. Marahil ay napasaya ko s'ya ng kaunti dahil sa sinabi ko.

"Tawagin mo na ang iyong kapatid na si Reina at mag-agahan na kayo" sabi ni Ina kaya agad naman akong napatango.

"Reina, kakain na tayo halika na" sabi ko sa kanya agad naman s'yang tumango at binaba ang kanyang manika.

Naupo kami sa lamesa at agad namang nagtanong si Reina.

"Ina, nasaan na po si Ama? Ang sabi nyo nasa malayong lugar lamang s'ya" sabi ni Reina ngunit, agad namang napatulala si Ina kaya agad natahimik si Reina at hindi na nagsalita.

"Uuwi rin s'ya kaya kumain ka na para pagdating nya mataba ka na" sabi ko at nginitian ko s'ya, hindi man sya kumbinsado ag kumain na lamang s'ya.

Nagdaan ang ilang oras at nag-gabi na ulit, pagkayari kaming kwentuhan ni Ina ay agad itong bumalik sa kanyang silid.

Sa hindi ko malamang dahilan ay para akong hinahatak ng mga bituin sa langit kung kaya't lumabas ako para pagmasdan ang mga ito ng biglang may humitak sa akin na isang babae, malalim na kulay asul ang kanyang mga mata at may tatak s'yang buwan sa kanyang noo ngunit ito ay baligtad.

Agad nya akong tinapatan ng patalim, napasigaw ako upang may tumulong sa akin ng bigla nya akong binuhat.

Lumabas naman si Ina na balisang balisa, nang makita nya akong hawak ng isang babae na nakabaligtad ang buwan ay agad nya itong sinugod.

Nagsalita si Ina na hindi ko lubos maintindihan.

"Bitawan nyo s'ya, hindi sya ang nakatakda! " sabi sa akin ni Ina ngunit, hindi ito pinapakinggan ng babae at nagwhistle.

Lumabas ang maraming tao na may tatak na baligtad na buwan sa kanilang mga noo.

Nagsalita ang isang lalake na ikinagulat ko dahil kilala nya si Ina.

"Masyado akong nabigo sa'yo, Celest bakit mo tinalikuran ang ating kalahi para sa anak nyo ng isang Solarian! " sigaw nito na akmang sasaksakin si Ina at sa pagkakataong yon ay lumabas ang tatak sa noo ni Ina na isang buwan.

Nagiba ang kulay ng kanyang mata na naging malalim na asul.

"Ang dapat sa mga traydor ay patayin" sabi ng isang babae at sinugod nila si Ina ngunit, agad itong iniiwasan ni Ina.

Agad nyang initsa ang isang patalim sa babae na may hawak sa akin kung kaya't nakawala ako sa hawak nya.

"Luna, kunin mo si Reina at magtago kayo sa silid" sabi ni Ina, agad akong napatakbo sa loob ng silid at doon ko namalayan na hawak ko na si Reina ngunit sa pagkakataong ito parehas na kami hawak ng lalake na may buwan sa kanyang noo.

"Ina, tulungan mo kami" sigaw ko ngunit, nakita kong unti-unti na s'yang nasusugatan.

"Anak, patawarin mo ako ito lang ang tanging paraan" sabi nya at doon na tumulo ang luha nya, nagsalita s'ya ng lenggwahe na hindi ko alam.

"Et utrumque eorum defluet et prae oculis quis et qualis es, et vivat in altera vita mortalium qua parte mundi. Non apparebit ante oculos tuos et quod signum erit, nisi recta sunt ex tempore, ex hoc. Vestri 'abiit, nunc! (Kayong dalawa ay maglalaho at mawawalan ng ala-ala kung sino at ano kayo, mabubuhay kayo sa isang panig ng mundo kung saan nabubuhay ang mga mortal. Hindi lalabas ang marka sa inyong mga noo hanggat wala kayo sa tamang edad, wala kayong maalala simula ngayon. Kayo ay maglaho, ngayon na!)" sabi nya hanggang sa namalayan ko na lamang na unti-unting naglalaho ang aming katawan hanggang sa unti-unti na

akong nawalan ng malay.