Chereads / Ang Estudyante sa Faculty (Tagalog) / Chapter 3 - Chapter 1: Jeepney Driver

Chapter 3 - Chapter 1: Jeepney Driver

Mariane POV

---

Naalimpungatan ako dahil sa mabangong amoy. Parang sampaguita na sariwa pa

Kahit inaantok pa ako ay bumango ako at sumilip sa bintana

Mausok sa labas at may naririnig ako parang tinataga na aso. Ano kaya iyon?

Parang iyak ng aso ang naririnig ko

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at lumabas. Tinignan ko ang maliit na orasan namin na nakasabit sa dingding

Alas tres palang ng madaling araw. Kaya pala madilim pa sa labas

Pero sino ang nagsisibak sa labas?

Naglakad ako sa kwarto ni nanay at nakita ko na himbing na himbing ang tulog nito. Sinara ko na ang pinto at nagtungo na sa labas

Pagkarating ko doon ay pumunta ako sa likod ng bahay

Sandali parang pamilyar sakin ang lalaking ito. May hawak itong lagare at kutsilyo

Pamilyar na pamilyar!

Naglakad pa ako palapit para makumipirma na tama ang hinala ko

Hayun! Aso nga

Nilagare nito ang ulo ng aso at nilagay sa sako. Mausok sa paligid pero kitang kita ko ang ginawang pag lagare ng lalaki sa aso

Patay na ang aso. Nagkalat ang mga dugo nito

Nagulat ako sa pagharap ng lalaki at nakilala ko ito

Tama ako!

Siya nga at siya ang pumatay at nag lagare sa aso

Deretso itong nakatingin sa kanya at maya maya nagliyab ang mata nito. Pulang pula at parang hihigupin siya nito

Humakbang ako paatras at dahan dahan naglakad paalis. Dahil hindi ko maalis ang paningin sa kanya nadapa ako at nagdugo ang likod ng tuhod ko

Unting unti naglakad ang lalaki palapit sa kanya. Gusto kong tumakbo pero hindi ko kaya dahil sa sugat na tinamo ko

"Mar....yan" tumawa ito ng malakas

Sinapi ata ito at parang demonyo kung kumilos

Hinawakan nito ang lagare at akmang tatagain na siya

Gumapang ako paatras at....

"AaaaAahhhh!" napabangon ako at habol habol ko ang hininga ko

Narinig ko ang pagbukas ng pinto

"Anong nangyari sayo?" tanong ni inay

Kumuha ito tuwalya at pinunasan siya

"Panaginip lang nay" sagot ko

Tinignan ko si inay na abala sa pagpunas ng pawis ko

"Magdasal ka bago matulog anak" sambit nito sa malambing na tono

"Opo nay" sagot ko

"Oh siya maligo at magbihis kana" tumayo ito bitbit ang tuwalya na pinunas sa kanya at lumabas na

Tumingin ako sa labas. Maliwanag at mataas ang sikat ng araw

Wala akong nakitang lalaki na naglalagare at pumapatay ng aso. Pero parang totoo yun mata niya ay nagliyab at kilala ko pa ito

Napatigil ako sa pag iisip dahil parang may bumulong sa akin. Lumingon ako ngunit wala naman tao. Posible naman si inay dahil sigurado nagluluto na iyon

Hindi ko nalang inintindi at tumungo na sa banyo para maligo

Minadali ko ang pagligo dahil enrollment ngayon

Nakaipon ako ng pera para sa panggatos ko sa pag aaral. May enrollment fee kasi nababayaran

Pagkalabas ko ng kwarto ay hinanap agad ng mata ko si inay. Nasa kusina ito at nagluluto

Niyakap ko ito sa likuran

"Bango naman nyan nanay parang ikaw" kunwari ko pa itong inamoy

Napatigil ito sa pagluluto at tumingin sa kanya

"Kanino ka pa ba magmamana? Sa akin lang anak sa akin" pag mamayabang nito

"Hindi ko tinatanong inay" sagot ko

Binatukan ako nito dahilan ng pagtawa ko

Simula kasi na nawala si itay ay hindi na nag asawa pang muli si inay. Gusto kasi ni nanay na matutukan ako lalo na nag iisang anak niya lang ako

Nagtulungan kami ni inay para mairaos ang buhay namin sa araw araw

"Anak ano nga pala susuotin mo?" tanong ni nanay na nakatuon pa rin ang paningin sa niluluto

"Itong jeans at polo inay" sagot ko

Binili kasi ito ni nanay noon nag graduate ako sa elementarya. Jeans na laging tinuturo ko sa kanya sa bayan

Nasa harapan ko na pala si inay at tinitignan ako maigi

"Wag na iyan may nabili ako sa palengke ayun sa upuan yung plastic na pula kunin mo" utos niya

Binilhan ako ni nanay ng damit? Saan naman kaya kumuha ng pera si nanay?

Kinuha ko ang plastic na pula na sinasabi ni nanay. Hindi ko muna ito sinilip para suprise

"Nay ito po" abot ko ng plastik

Kinuha niya ito at nilabas ang asul na dress may bulaklak itong disenyo sa itaas. Maganda ang dress kahit simple

"Ito ang suotin mo binili ko lang ito kanina dahil naalala ko na pupunta ka sa paaralan para mag enroll" saad ni inay

Dahil sa tuwang nadarama ay nayakap ko si nanay "Salamat po inay"

Hinaplos ako nito sa likuran "Walang anuman anak ko"

"Kumain ka na muna bago umalis" dagdag niya

"Opo nay isuot ko na po ito" tinaas ko ang dress na binili niya manghang mangha ako dahil maganda itong tignan

Pumasok ako ng kwarto para isuot ito. Hinubad ko agad ang suot kong damit

"Ang ganda!" napalakas ang pagkakasabi ko

Hanggang tuhod ko ang dress kaya kumportable akong isuot ito

Lumabas na ako para ipakita kay inay kung bagay ba sa akin

"Nay bagay ba sakin?" humarap ito sa kanya

"Oo nak bagay na bagay" sagot nito

"Halika na kumain na mag aalas siyete na" dagdag ni nanay

Alas otso kasi ang oras ng bukas ng papasukan ko. Dahil sa bayan pa iyon ay kailangan bago mag alas otso ay makaalis na ako

Maglalakad pa ako hanggang palengke para makasakay ng jeep papunta sa paaralan

"Nay bukas pala ay mamimili na ako ng mga gamit ko" binilisan ko na ang pagkain at nagtungo sa kusina para mag sipilyo

"Samahan kita bukas" sagot ni inay

Pagkatapos magsipilyo ay hinanap ko na ang bag ko at sinabit na ito sa likuran ko. Nagpaalam na ako kay inay at nagbiling pa ito na mag iingat daw ako

Nagsisimula na akong maglakad ng may mapansin akong anino sa tabi ko. Tumingala ako para makita ito

Napapikit pa ako dahil sa sikat ng araw alas sais trenta palang pero mataas na ang sikat ng araw

"Babae ka sa suot mo ah" sabay tawa nitong sabi

Hinampas ko ito sa braso "babae naman talaga ako"

"Hindi halata" sabay akbay sa akin

Nagpatuloy kami sa paglalakad medyo malayo layo pa ang palengke mula sa bahay namin

"Saan ka ba pupunta ian?" tanong ko

"Sasamahan ka" sagot niya

"Saan?"

"Mag eenroll din ako kung saan ka mag eenroll" sabay tingin sa akin

Parehas lang kami ni Adrian na high school na huminto din siya dahil tumulong ito sa magulang niya sa pag tatrabaho

Nagsara kasi ang negosyo nila kaya umaanhon sila sa pagkalugi at hirap

Wala ng umiimik samin. Patuloy lang kami sa paglalakad at nakaakbay pa din siya sakin

Naririnig ko na ang ingay ng mga nagtitinda at ng mga sasakyan. Malapit na kami sa palengke

"Yan ayun may jeep na dalian mo" sabi ni Adrian na nagmadali maglakad papunta sa jeep

Sumunod naman ako at tumakbo. Ang bilis naman maglakad nito

Sumakay siya sa unahan ng jeep na katabi ng driver. Ako ay pumasok sa loob ng jeep at umupo sa likod niya

"Bakit nandyan ka? Dito ka sa tabi ko" utos niya

"Hindi na ikaw nalang dyan" sagot ko

"Dalian mo na baho"

Aba siraulo to ah!

Dahil wala ng choice ay bumaba ako at pumunta sa unahan ng jeep. Bumaba si Andrian at inalalayan ako sa pagsakay kaya ako na ang katabi ng driver siya naman ang nasa kanan ko

Nakita ko na may kinuha itong jacket sa bag

"Mainit pero mag jajacket ka?"

"Hindi para sayo itakip mo diyan sa baba" inilagay nito ang jacket sa ibabaw ng hita ko

Sinunod ko naman ito at nilapat nga sa hita ko

"Manong magkano po pamasahe?" tanong ko

"15 lang isa" sagot niya

Kukuha na sana ako ng pera ng may pumigil sakin

"Ako na" inabot nito sa driver ang 30 pesos

Nakatingin lang ako sa kanya sa hindi malaman na dahilan. Tinignan ko ang mga mata niya pero hindi naman kulay pula ito

"Wag mo akong titigan alam ko na gwapo ako" sabay pogi pose ito

"Wow ah!"

"Magpasalamat ka nalang"

"Edi salamat" kinurot ko ang pisngi nito

Hinawakan nito ang pisngi "aray! baho mo"

Hindi ko nalang ito sinagot at baka humaba pa ang pagtatalo namin

Napuno na ang jeep at ini start na ni manong ang makina. Sinyales na aandar na ang jeep

Dahil mahaba haba pa naman ang byahe patungong bayan ay matutulog muna ako kaysa kausapin ko tong lalaki na to

"Baho sumandal ka sa balikat ko" tinignan ko ito pero hindi naman nakatingin sa akin

"Huh?" kunwari hindi ko narinig

"Para makatulog ka" sagot nito na nasa daan ang paningin

Ginawa ko ang sinabi niya at kusang pumikit na ang mga mata ko

Nagising ako dahil sa ingay

"Gising na nandito na tayo" pagkalabit ni Adrian

Nasa bayan na kami makikita ang mga tao sa kalsada na may kanya kanyang pakay sa bayan. Nagkalat ang mga iba't ibang paninda. Nagtataasan din ang mga gusali. Malayong malayo sa baryo namin

Nauna ng bumaba si Adrian kaya sumunod na ako pero bago ako makababa ay may humawak sa akin.....

Nilingon ko ito para malaman kung sino

Si manong lang pala

Pero bakit ganun ang mata niya? Kulay pula din!

Dahil sa gulat at takot ay hinatak ko ang kamay ko. Umaatras ako baka kung ano gawin niya saakin dahil sa kakaatras ko ay may nabangga ako

"Aray!"

"Ano ba baho tumingin ka sa dinadaan mo" sigaw nito

"Dalian na natin ian!" binilisan ko ang paglalakad at nauna na sa kanya

Kahit hinihingal na ako ay hindi pa rin ako tumigil sa kakatakbo. Hindi ko na inintindi kung nakasunod pa sakin si ian o hindi. Natatakot ako dahil laging ganun ang nakikita ko

Impossible naman na guni guni ko lang iyon. Nakita mismo ng dalawang mata na naging kulay pula ang mata ni manong

Napatigil ako dahil sa anino na nasa harap ko. Tumingala ako at nakita ko si Adrian na nasa harap ko

"Baho kumalma ka ano ba nangyayari sayo?" puno ng pag alaala ang makikita sa mukha nito

"Wala may nakita lang" walang gana kong sagot

"Sino? Manliligaw mo? Asa ka baho mo" at tumawa ito

Hindi ko nalang inintindi at umupo muna ako sa may gilid ng nagtitinda ng mga kandila

"Hoy umayos ka ng upo!" sigaw nito at nakunot na ito at halos magsalubong ang dalawang kilay

Hinagis nito ang jacket na kanina pinagamit niya sa akin. Tumingin ito ng masama sa kanya dahil hindi ko man lang kinuha ang jacket na hinagis niya

Lumapit ito at nilagay sa hita ang jacket

"Makatakbo ka naman kanina parang may hoholdap sayo" sabay tawa

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari. Bakit ganun ang mata ng driver? Kulay na kulay pula ang mga mata ng driver

"Anong oras na ba?" tanong ko kay ian

"Mag aalas otso na nagpahinga ka pa kasi" hindi ko alam kung seryoso ito o nagpapatawa

Tumayo ito at pumunta sa nagtitinda ng fishball. Kumain naman ako kanina pero nagutom ako dahil sa pagtakbo na ginawa ko. Parang panaginip pero totoo