Chereads / Photoshopped / Chapter 20 - Chapter 18

Chapter 20 - Chapter 18

Chapter 18: Special

Last week natapos ang club activities. Pinalad kaming makuha ang 6th Place ng pasikCluban---'yung competition ng mga clubs. Swerte na rin kami, atleast nakapasok kami sa top 10 clubs. Hindi naman talaga masyadong naaapreciate ang photography sa Pilipinas 'e kung ikukumpara sa ibang bansa, real talk. Kaya nga nagkaroon ng international competition. Hindi naman mag-oopen ang school namin ng Photography Club 'e kung walang paganyan.

Para sa club nina Kuya Marco, ang Draw Club, 4th Place sila. Ang ganda kasi ng mga drawing nila. Humanga ako kina Kuya, ang galing nila magconstruct ng content para sa activities. Stress na stress ako noong mga nakaraang araw dahil nga sa Photography Club. Syempre, I keep my words kaya i-shinare ko talaga ang experience ko tungkol sa pagiging photographer.

Naging masaya naman ako kahit hindi na nagparamdam ang kapair ko. Pinili ni Tina na siya na ang maging ka-pair ko para sa activities. Hindi lang kasi dapat members ang nakikipag-colaborate dapat pati ang organization, para daw ma-demonstrate namin ng maayos. We had fun, naging successful naman ang aming objectives.

Dahil lahat kaming apat nina Felix, Tina, at Jian ay mga officer, malamang ay pagod kami noong mga nakaraang araw. Kaya naman ngayong Sabado ay napagdesisyunan naming mag-hang out sa bahay nina Tina. She insisted 'e. Madami daw pagkain kaya pumayag ako. Hindi naman sa pagiging patay gutom, gusto ko lang talagang kumain ng madami. It satisfy all my cravings in life kahit pa wala akong regla.

Malaki at malawak ang bahay nina Tina. Two-story house din ito katulad ng kina Felix pero mas maliit lamang ito ng konti kesa sa kanila. Mula sa desenyo ng bahay sa labas hanggang sa loob ay napakaganda talaga. Isama mo pa 'yung garden nila sa likod kung saan kami nakatambay kanina.

Nasa kwarto ako ni Tina habang inaayusan niya ako ng buhok. Ipinagsuot niya din ako ng spaghetti strap na damit at mini skirt. Kitang-kita ang pagkahati ng kulay ko. Medyo expose ang epidermis ko pero hindi na ako umangal, nasa bahay lang naman kami. Arte ko naman kung tatanggihan ko pa si Tina. Atsaka close kaming apat, hindi naman nila ako lalaitin. I want to see myself wearing a girly outfits so I could judge myself how ugly I am as always. Gusto niya daw na maganda ako para magulat si Felix sa gandang itinatago ko. Hinahanap ko pa nga rin hanggang ngayon ang sinasabi niyang ganda 'e.

"Look at youself! Ang ganda at cute mo talaga. Sabi ko na 'e, konting ayos lang sayo magiging pretty ka like me."

Ngiting-ngiting saad ni Tina.

Tumayo ako at tumingin sa salamin. Nagulat ako sa itsura ko. Teka, parang nagmukha akong taong disente. Okay na din. Hindi naman ako totally maganda, masasabi mo lang na 'ayus lang'.

"Alagaan mo ang balat mo sa bakasyon, tiyak na gaganda 'to!"

Natawa ako sa sinabi niya. "Lalo lang 'tong lalala sa bakasyon."

"Huh, why?" Kunot noo siyang humarap sa'kin.

"Wala."

"H'wag ka kasi palaging magbilad sa araw!" She joked pero ramdam ko 'yung kirot sa dibdib ko.

I smiled bitterly. "I will."

"Girl, tara na. Magpakita na tayo sa boys." Hinila ako ni Tina palabas ng kwarto at bumaba na kami patungo sa garden kung nasaan ang boys na nagpapalamig.

"Hey! Tingnan niyo ang new and improved Marzia Cruz ng buhay ni Felix." Sabi ni Tina.

Ngumiti si Jian palapit sa'min. "Marzia, Is that you? Bihis na bihis ah, sa'n punta? Muntikan ko nang makalimutan na morena ka nga pala. Ang ganda mo naman."

"First time mo akong 'di laitin ha!" Sabi ko.

Madalas laitero din talaga si Jian lalo na pagdating sa'kin. Pero hindi naman ako na-o-offend. I'm such a weakling kung mao-offend ako sa konting pang-aasar niya kung alam kong mas malakas akong mang-asar kesa sa kanya.

Nagpicture taking kaming tatlo. Ako naman ang kumuha ng shot nilang dalawa. Bagay na bagay talaga sila.

'Yung tipong nagbihis ka ng maganda para lang mag-selfie. Feel me? HAHA.

"Girl, we're going to cook meryenda. Kayo na muna ni Felix dyan." Saad ni Tina. Tumango ako sa kanya bago sila umalis.

Nilapitan ko si Felix na nakaupo malapit sa fountain. Nang mapansin niya ako, tiningnan niya lamang ako mula ulo hanggang paa bago tumalikod sa'kin. Problema niya? Bahala siya. Ang totoo niyan pumayag talaga akong magpaganda para sa kanya! Para maging aware naman siya na tao pa rin 'yung girlfriend niya! Tapos tatalikutan niya lang ako without leaving any comments! Hindi niya alam kung gaano kahirap lumakad at hindi bumukaka sa mini skirt na 'to!

"Hoy!" Sigaw ko sa kanya. "Hindi mo 'ko papansinin?" Lumapit ako sa kanya at nakita ko lalo ang pamumula ng mukha niya.

"Felix... Felix... Felix!" Pagtawag atensyon ko dito pero hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. "Bahala ka diyan!"

Umalis ako sa tabi niya. Dumeretso ako sa kitchen kung nasasaan ang magkasintahang Jian at Tina. Masaya silang nagluluto ng Tuna pie.

Kunot noo akong tiningnan ni Tina."Girl, nasa'n si Felix?"

"Ewan ko dun. Kapag nakita mo pakisipa para sa'kin ha." Inis na saad ko.

"LQ, Iba din!" Natatawang sabi ni Jian. "Malala nga palang magtampo!"

I glared at him. "Upakan kita diyan 'e."

Kumuha ako ng kutsilyo at naghati ng ibang panglahok sa tuna pie. "Oh girl, h'wag gigil. Baka 'yang chopping board ang maputol." Sita ni Tina.

"Alam mo 'yung nagpaganda ako para sa kanya tapos tatalikuran lang ako?! Aba, sarap talaga manapak. Akala ko pa naman kikiligin 'yun sa'kin. Ang rupok pa naman niya."

Tawang-tawang tumingin sa'kin si Jian. "Paano mo 'yun papakiligin 'e hindi mo naman sinusuyo."

"Tama! Ang boys 'di lang 'yan nagsasabi pero gusto nilang nilalambing." Saad ni Tina.

Wow, love expert lang ang peg. Gagaya pa talaga siya kay Kuya?!

"Kaya nga lagi akong nilalambing ni Tina sunshine ko 'e. Samantalang ikaw kulang na lang bugbugin mo si Felix. Bugbugin ng kamanhidan! Suyo din kapag ma'y time!" Sabi ni Jian.

Aba, at pinagtulungan pa nga ako.

Tumingin ako sa kanila ng masama. "Fine! Try ko."

Come to think of this, hindi ko pa sinusuyo si Felix simula't simula. Palaging siya ang gumagawa nun sa'kin. Siguro nga nagtatampo 'yun. Malay ko bang gusto niyang nilalambing. Lambingin niya ako o hindi okay lang naman pero hindi ko alam na nagtatampo pala siya kapag 'di ko sinusuyo. HAHAHA. Ang corny nga naman ng pag-ibig!

"Wait lang kayo, papakiligin ko lang." Sabi ko at napahagikhik ng tawa ang dalawa.

Umalis ako sa kitchen at hinanap si Felix. Nakita ko siyang nasa living room na nakaupo habang nakapikit ang mga mata. I think he's sleeping. Good idea, hindi nakakailang kasi tulog naman siya. Sasabihin ko na lang na sinuyo ko siya habang tulog para pagkagising niya okay na. HAHAHA.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan at binalot ng mga kamay ko ang katawan niya. I rest my head on his shoulders at mukhang ako pa ang kinikilig sa ginagawa ko.

"Sorry ha. 'Di ko talaga alam kung pa'no manglambing 'e. Hindi ko man lang naisip noon na susuyuin ko ang taong mahal ko kasi akala ko 'di na darating. Akala ko nagrun away na tapos 'yun pala kayakap ko na

ngayon." Bulong ko.

"Monster bear... sorry kung nasasaktan kita minsan o madalas. Lalo na noon, mabuti pala hindi mo ako sinukuan. Ang laking kawalan no'n para sa'kin. Mabuti na lang minahal mo ako. Siguro ako pa rin 'yung Marzia na nag-iisa palagi kung hindi ka dumating."

"Boring pala ang buhay kapag wala kang minamahal. Hindi ko nga alam kung paano ako nakasurvive noong mga panahong wala ka pa. Tamang kain lang kaya ako no'n palagi." Natawa ako ng marahan.

I looked up to see his necklace. Ang cute talaga. I never had seen him take it off. Hinawakan ko pa ito at napangiti na lang.

Tinaas ko naman ang tingin ko sa mukha niya, ay anak ng tokwa. Nanlaki ang mga mata ko sa kanya, gising ang putek. Nakita ko siyang nakangisi habang nakatitig sa'kin.

"I love you. Hehe." Saad niya.

Halata sa mga mata niya na hindi siya natulog at ibig-sabihin nun narinig niya lahat ng sinabi ko! Umalis ako sa pagkakayakap at dumistansya mula sa kanya. I covered my face by both of my hands at tumalikod. Nakakahiya. Nahihiya talaga ako sa kanya, I swear.

Ramdam ko ang presensiya niya na malapit lang sa'kin. Hinawakan niya naman ang kamay ko na unti-unti niyang inaalis.

"Baby ko, h'wag ka ng mahiya sa'kin. Okay lang naman kahit araw-araw mo akong lambingin 'e. Mas gusto ko pa nga 'yun. Atsaka nagwagi ka naman sa pagpapakilig sa'kin. Ang totoo niyan nagagandahan talaga ako sayo kanina pa. Kahit naman hindi ka magpaganda, nagagandahan na ako sayo 'e. Atsaka okay lang na magulo ang ayos mo minsan, sa paningin lang naman ng iba, pero sa paningin ko---alam mo tumitingin talaga ako sa kalooban 'e."

Tumingin ako sa kanya ng masama. "Gago ka. Alis!" Sigaw ko habang tinutulak siya palayo.

"Joke lang! Ikaw naman, 'di mabiro."

Pinulupot niya ang kamay niya sa leeg ko at niyakap ako. "Ikaw kaya ang pinakamagandang dalaga sa'king mata."

"Ang rupok naman! Hindi man lang nakakalahating oras! Ignoring Marzia Cruz for 24 hours challenge, mission

failed." Sigaw ni Jian. Ma'y dala-dala silang meryenda ni Tina at inilapag nila ito sa table.

"Bwiset. Ignoring pala ha!" Agad kong tinulak palayo si Felix mula sa'kin. "Sige, paglaruan mo pa 'ko."

"Sorry na please. I told you, you're a person to be love and not a game to be played with. It was just a challenge that I can't even accomplish half of it, I love you so much and I can't ignore you like that." Napangiti ako sa sinabi niya.

He never failed to make me smile every single day. Pero hindi ko pa rin ipinakitang natutuwa ako sa kanya. I have a special talent, it's called semi immune to affection against Felix Trono. Siya lang naman ang taong nakakapagpakilig sa'kin na parang bulate 'e.

"Uyyy, pansinin mo 'ko. 'Di ba sabi mo malaki akong kawalan sayo?

Atsaka---"

Bigla akong yumakap sa kanya. Naku, baka kung ano pang masabi niya.  "Kainis ka, monster bear!"

Niyakap niya din ako pabalik ng sobrang higpit. "Kilig na kilig nga ako sa'yo. Hindi mo alam ang hirap kong hindi ka pansinin. Nababaliw talaga ako sayo, baby. Konting kibo mo lang kinikilig ako." Natawa naman ako sa nasabi niya.

"Hoy, mamaya na 'yan! Kain muna kayo. Masarap 'tong niluto namin."

Saad ni Tina. Kumawala na ako sa yakap at agad akong kumuha ng tuna pie at nagsimulang kumain.

"Ang sarap naman!" Sabi ko.

Compliments na nga lang 'yung tanging ambag ko sa pagkain na 'to 'e. Hindi ko pa ba sila bobolahin?

Nginitian ako ni Tina. "Made with love 'e." Sabi niya.

At dahil nga pabebe ang boyfriend ko, sinandal niya pa ang ulo niya sa balikat ko. No'ng una hinayaan ko pa siya kaso habang tumatagal halos ituon na niya lahat ng pwersa niya sa balikat ko, sumakit tuloy.

Tiningnan ko siya ng masama. "Hindi ka mabigat?"

"Nanlalambing lang naman 'e." Sabi niya. Hinawakan niya pa ang kamay ko and placed it in his chest. "Love kita."

"Dude naman, h'wag kang PDA!" Sita ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya. "Anong dude, Master po! At PDA na ba agad 'to? Holding hands lang po 'e, damot!"

Binawi ko ang kamay ko mula sa kanya. Kumuha ako ng dalawang tuna pie gamit ang kanan kong kamay at isang juice gamit ang kaliwa kong kamay para hindi na niya mahawakan. Kaso kinuha niya ang kanan kong kamay at kumagat siya sa tuna pie habang nakahawak pa sa kamay ko. Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya. Nakakainis, mang-aagaw ng pagkain!

"Gusto mo?" Pang-aasar niya.

Agad kong inilayo ang kamay ko mula sa kanya. "Kumuha ka ng sa'yo! Akin lang 'to, dude." Kumunot na naman ang noo niya. Ayaw na ayaw talagang tinatawag ko na 'dude' 'e. 

Nanood kaming apat ng romantic at horror movie. Sa romantic movie, dedma lang ako. Nakokornihan talaga ako sa mga hokage ng lalaki 'e. Napapansin ko nga na ginagawa din 'yun ni Felix pero kinikilig naman ako. Ewan ko, kapag kasi pinapanood ko na ginagawa sa iba nakokornihan talaga ako.

Sa horror movie naman, as usual, takot na takot si Felix. Halos 'di na nga siya nanood 'e. Ang hina din ng loob ng lalaking 'to, ang laki-laking tao 'e! Sarap ibalibang. Mas prefer ko na manood kami ng horror, tumatahimik talaga siya. HAHA.

Lumipat kami sa garden para tumambay. Kanina pang nagbla-blog si Felix mula ng pagkadating namin dito at heto nga tinutulungan namin siya. "A day in Tina Santos' House" ang title. Malamang ay maraming views na naman ang mage-gain niya. Iba kasi ang hatak ni Tina sa madla, malakas. Pero alam kong hindi 'yun ang purpose ng pagbla-blog niya, he just want to have fun.

Gumawa kami ng iba't-ibang challenges na nauwi lang sa kalokohan. Wala 'e, laughtrip lang kaming apat. Pagkatapos non ay nagpahinga na kami sa iba't-ibang spot. Kasama ko si Felix dito sa garden habang nakaupo sa damuhan habang sina Tina naman ay nagluluto ng dinner. Tutulungan ko na sana sila kaso gusto daw nilang sila na lang dalawa. I wonder why, chos!

Pinupuyudan ako ni Felix ngayon. Hobby na niya talagang puyudin ang makapal kong buhok. Mabuti na lang at natitiis niya. Maski ako nga naiinis sa kakapalan ng buhok ko. Ang hirap kayang magsuklay. So ang tip ko, h'wag na lang magsuklay. Hassle free.

"Marzia..." He whispered behind my ears.

"Bakit?"

"Wala, gusto lang kitang tawagin."

"Felix..." Pagtawag ko sa kanya.

"Bakit?"

"Wala, gusto lang kitang batukan." Natatawa kong sabi.

"Bakit mo babatukan 'yung taong mahal mo? 'Yung taong nagmamahal din sayo. 'Yung taong walang hangad kundi mahalin ka. 'Yung taong mamahalin at mamahalin ka. At 'yung taong walang ipinaramdam sayo kundi pagmamahal." He said. So 'yun nga, nagdadrama na naman siya.

"Hayop ka kasi." I said at ngumiti ako.

"Hayop magmahal."

Kunot noo niya akong tiningnan. "Dapat ba akong kiligin?"

"Siguro?"

"Alam mo, sobrang dark ng humor mo. Lalo pa akong natatawa because you can keep a straight face while saying one." He said.

"Compliment ba 'yan?" Tanong ko.

"Siguro?" Sabi niya. Natawa kami pareho. Ang lakas din ng trip namin 'e.

Natapos ang pagpupuyod niya sa'kin at pinaglaruan niya pa ang buhok ko. Niyakap niya ako mula sa likuran at hinawakan ko naman ang kamay niya. We're just quitely enjoying each other's presence. Si Felix na siguro ang nakilala kong pinakasweet na lalaki bukod kay Papa. Ang swerte ko.

Biglang ma'y tumawag kay Felix. Hinarap ko siya. Kinuha niya ang phone niya at tumingin sa'kin.

"Si Mama natin." Natawa pa ako sa itsura niya dahil mukhang tuwang-tuwa siya. Sinagot na niya ang tawag.

Pinaglalaruan ko lang ang magkabila niyang tuhod at pilit siyang kinikiliti kaso malakas talaga ang pagpipigil ni Felix kaya no effect.

"Bakit po, Ma?" Pinagmasdan ko lang siya habang kinakausap niya sa phone ang Mama niya.

"Talaga po?!" Napatingin si Felix sa'kin habang ngiting-ngiti.

"Sige po. Kasama ko po ang magiging ina ng mga apo niyo." Hinampas ko si Felix sa braso niya. Kahit kailan talaga puro kalokohan.

"Bye po, Ma. I love you din po." Saad niya. Ibinaba niya ang phone niya at hindi pa rin maalis ang ngiti mula sa labi niya.

Napangiti naman ako. Mukha siyang nanalo sa lotto 'e. Good news ata ang nasabi ng mama niya. Palagi pa naman silang goodvibes na mag-ina. Mama's boy na mama's boy siya 'e.

Nabigla ako sa pagyakap niya ng mahigpit. "Ang saya mo ah, balita?"

Hinarap niya ako at hinawakan sa magkabilang pisngi. "Uuwi na sina Papa next month! Gustong-gusto na kitang ipakilala sa kanila."

"That's great!"

"Finally! Akala ko noon uuwi silang hindi pa kita girlfriend 'e. Hindi ko alam kung ma'y nararamdaman ka ba para sa'kin o wala noon, pero buti na lang ipinagdasal talaga kita."

Natawa ako sa kanya. Hindi ko akalaing ganyan ang nasa isip niya noon. "Ay, sorry! H'wag ka ng malungkot, one week na kaya tayo. So bale kapag umuwi na sila next month, one month na tayo."

"Uy, bilang na bilang ah. Ma'y assurance ha, gusto ko 'yan!"

"First boyfriend ata kita, gusto ko lang tingnan kung hanggang saan ba ang tinatagal ng ganitong relasyon."

"First and last mo na ako. Wala ka ng magagawa." He said.

"Pang-ilan na ako sa naging girlfriend mo?" Tanong ko.

"H-hindi ko alam." Napakunot naman ang noo ko sa kanya. "But I assure you, I haven't touch any girl yet nor kiss them. Except for the girl issued on me, it was totally an accident---though it was just kiss, nothing seriously happened. Sorry din dahil sa nangyari noon." Napayuko ako sa nasabi niya. 'Yung issue kasi, hindi pa rin ako makamove on dito. "A kiss is sacred so I tend to make it special for someone---for you."

"You're my first kiss, too." He said. Tiningnan ko niya ng puno ng pag-aalinlangan. "Try mong halikan ako, hindi ako marunong." Nagtaas baba naman ang kilay niya.

Ano daw? Ako? Pero hindi ba't nauna ang issue niya bago niya pa ako mahalikan. I just set aside that thought.

"Sure?" I doubted him.

"Yep. Tanong mo pa kay Mama." Natawa naman ako sa sinabi niya.

I looked up to him. "How come? Kasi 'di ba malimit sa lalaki ang nate-tempt? Marami ka pa namang naging girlfriend."

"Ma'y ate at mama ako. I still know how to respect women. Lalo ka na, ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. I'm sorry kung marami akong naging girlfriend, it was a mistake, really. Mistake because I only played their feelings. Pero please h'wag sanang mabago ang pagtingin mo sa'kin ng dahil sa nakaraan ko. Ayokong isipin mong pinaglalaruan lang kita."

Klinaklaro niya talaga ang lahat sa'kin. Mali ako ng sinabi noon, he is really a man and not a boy. I should've known it from the start, kung ga'no niya respetuhin ang mama niya, dun pa lang napatunayan na niyang isa siyang mabuting anak.

"Bilib naman ako sa pag-ibig mo sa'kin!" I pinched his cheeks.

"Kaya mahal kita."

"Mas mahal kita." He said.

I smiled. "Alam ko naman 'yun."

"Could I meet your parents first? I will ask for their permission. Gusto ko lang na pumayag muna ang mga magulang mo sa relasyon natin." Nabigla ako at natahimik sa tanong niya. "Okay lang kahit hindi na

muna."

Napansin niya siguro na tumahimik ako. I looked at his eyes, he looks worried. Ayoko namang isipin niya na ayaw ko siyang ipakilala sa mga magulang ko. I'm so proud of him pa nga 'e.

"Felix, kailan ka pwede?"

"Anytime, pero okay lang talaga kung hindi na muna, maiintindihan ko naman."

"Gusto din kitang ipakilala, ano ka ba.  Nabigla lang ako, sorry." I said.

"Sure ka?" Tumango ako sa kanya. Pinisil niya naman ang magkabilang pisngi ko. "Gusto kong legal tayo para mahihirapan kang hiwalayan ako kung sakali."

Natawa ako sa kanya. "Hindi kita hihiwalayan, 'no. Kung gagawin ko man 'yun ma'y napakalaki akong rason. Hindi kaya kita kayang pakalwan ng basta-basta."

"But please, kahit anong mangyari h'wag mo akong hihiwalayan ha. Alam mo naman kung ga'no kita kamahal."

Ngumiti ako sa kanya. "Alam na alam ko, Felix."

"Kinakabahan na agad ako kina Mom and Dad natin. Terror ba sila?" Tanong niya at nag-iba ang expresyon ng mukha niya.

Agad na pumasok sa isip ko si Mama. Ugh, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya. Ay, bahala na bukas.

"Hindi naman..."

"Pero kung hindi man sila pumayag, alam mo na." Kinindatan niya ako at agad kong nakuha ang ibig niyang sabihin.

I glared at him. "Felix, ang pilyo mo!"

Painosente niya akong tiningnan. "Huh, Ano bang iniisip mo? Tatakas lang tayo, gano'n." Sinuntok ko kaagad siya. "Joke lang, hehe. Kung sakali lang naman at wala na talagang choice." Sinuntok ko ulit siya sa braso.

"Felix!" Sita ko.

"Ikaw naman. Syempre ipaglalaban ko lang 'yung walang kupas kong pagmamahal sayo, pumuti man o mumipis 'yang buhok mo, kasama mo ako."

"Hindi na ninipis ang buhok ko!"

"Sa pagtanda natin ninipis din 'yan at ako ang makakasaksi non." Sabi niya. Bigla naman akong kinilig.

"Oo na!" I said. "Pwede magtanong?"

"Ay, hindi pa ba tanong 'yan?" Pamimilosopo niya. Inirapan ko na lang siya.

"Bakit hindi ka nag-aaral sa States kasama ang mga kapatid mo?" Tanong ko.

"Kasi sa Pinas ako nag-aaral." Pamimilosopo niya ulit. Kumunot naman ang noo ko, nakakailan na 'to!  "Ikaw ha, bakit alam mong sa States nagaaral ang mga kapatid ko? Stalker pala kita, hindi ka nagsasabi. Hm."

"I watched one of your blogs with them. Ang cute niyo nga 'e. Parang hindi siya nagsinungaling sa'kin na two weeks pa lang daw siyang nagba-blog noon." Natawa kami pareho sa trip namin sa buhay noon.

"Nahihiya kasi ako, ang dami mo ng followers tapos gano'n lang 'yung subs ko." He said.

"Hindi naman ako judgemental, Felix.  Diyan din naman ako nagsimula, sa wala. Pero tingnan mo, you already received your Gold Play Button, I'm so proud of you."

Niyakap niya ako at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Hinalikan niya ako sa pisngi at hinaplos ko naman ang pisngi niya by the back of my hand.

"And you had been recognize as one of the most influenced page in the Philippines. I'm glad that we achieved our goals together." He said.

Napangiti naman ako. Ang layo na nga ng narating namin 'e. Nakakatuwa lang dahil kasama namin ang isa't-isa sa pagkamit ng goal namin.

"Sige na, sagutin mo na ang tanong

ko." Sabi ko. Kumawala siya sa yakap at hinarap ako. Hinawakan niya naman ang dulo ng buhok ko at pinaglaruan ito.

"So the real story is: Noong bata pa ako, wala akong kaibigan at napag-iisa lang palagi. Kahit na noong pumapasok na ako sa school wala pa din akong mga kaibigan. I was seven years old back then at nalulunod na ako sa kalungkutan. Hindi kami gano'n kalapit ni Ate Felicia sa isa't isa kaya wala din akong kalaro noon.

Not until one day in our school, ma'y isang babaeng pumukaw sa atensyon ko, she's very brave compare to boys at napakabossy din. Ang tangkad-tangkad niya noon at maganda rin, kaso cute na lang siya ngayon."

"Pero hindi lang 'yun ang dahilan kung bakit humanga ako sa kanya. There was this boy, duwag siya at takot na takot maapi ng mga bullies, pero nandiyan siya palagi sa tabi niya para protektahan ito. Everytime she does her heroic deeds, I'm slowly falling in love with her even more. I even wished na sana ako na lang 'yung lalaking pino-protektahan niya. Bilang lalaki, gusto ko siyang pormahan, kaso heartbreaker siya ng mga lalaki in the age of six kaya natakot akong ma-reject."

"So ang ginawa ko sumali ako sa grupo ng mga bullies at isa ako sa nangbully dun sa lalaking kaibigan niya. Dahil pinili kong manguna sa pangbubully, ako ang napuruhan sa aming lahat, sinapok niya ako at sinuntok sa mukha. Hindi ko nga inakalang uuwi ako ng ma'y bangas 'e. Simula no'n lalo akong na-in love sa kanya. Kaya noong balak akong isama ni Papa Bear sa Amerika para doon mag-aral at manirahan, hindi ako pumayag at piniling manatili dito sa Pilipinas. So 'yun ang dahilan kung bakit hindi ako nagaaral kasama ng mga kapatid ko sa States."

Habang nagkwekwento siya, hindi ko maiwasang hindi mapa-isip. Sumasakit din ang ulo ko sa pilit na pag-alala sa nakaraan dahil pamilyar ang gano'ng senaryo sa akin.

Pero ang kire niyang bata for a seven year old kid.

"Tinanong ko lang kung bakit hindi ka sa US nagaaral kasama ang mga kapatid mo, ba't ang layo na ng inabot ng istorya mo?" Natatawa kong sabi.

"Gusto ko kasing maging aware ka kahit papa'no sa kung anong nangyari sa buhay ko."

"Ayaw mo ba no'n, ma'y brief explanation ako?" He said.

"Brief ka diyan! 'E halos ikwento mo na ang buong buhay mo!"

"Ay, sorry." Natatawa niyang sabi.

"Lover birds, kakain na!" Sigaw ni Tina mula sa loob ng bahay.

"Sige, wait lang!" I said. Agad akong tumayo at hinila si Felix papunta sa loob ng bahay. Iba talaga kapag usapang pagkain.

"Sa living room tayo. Ma'y nakita akong movie na maganda 'e, do'n na lang tayo kumain. Okay lang ba?" Saad ni Tina.

"Oo naman." Pagsang-ayon ko sa kanya. Aangal pa ba ako? Makikikain na nga lang 'e. Arte ko naman.

Dumeretso na kami sa living room at kita kong nakahain na ang pagkain dito. Bukas na rin ang television at handang-handa na kaming lumamon. Napansin kong walang tubig, baka mamaya mabilaukan ako sa katakawan ko 'e, mahirap na.

"Tina, kuha lang akong tubig ha."

Tumango si Tina. "Sige, girl."

"Ako na." Felix insisted.

"Ma'y kamay at paa ako, Felix." Sabi ko.

Bago pa siya makapagsalita umalis na ako at pumunta sa kusina kung nasasaan ang malaki nilang ref. Nakita ko naman si Jian na kumukuha ng baso.

"Yow, dude." Pagbati niya sa'kin.

"Yow-----"

"Aray!" Angal ko. Bwisit, nadulas pa nga ako. Nakita ko naman ang pagpipigil ni Jian sa pagtawa. "Hoy, tulungan mo ako. Tawa ka diyan! Mas makinis pa ang sahig dito kesa sa balat ng pwet mo."

"Sabi ni Felix 'e! 'Di kita pwedeng hawakan in any circumstances." Saad niya.

Dahan-dahan akong tumayo at sinamaan siya ng tingin. "So pano kung nasa kalsada tayo at malapit na akong masagasaan, hindi mo pa ba ako hahawakan para hilahin palayo?"

He smiled bitterly. "Hindi 'yun mangyayari... dahil si Felix ang nasa tabi mo sa mga oras na 'yon at siya ang magliligtas sayo. He will always be by your side."

Wow, ang deep niya. The atmosphere suddenly changed. Ayoko ng awkward moments katulad nito. Nakakailang kaya kapag ma'y humuhugot tapos tamang-tama ka kasi totoo ang narealize mo.

"Paano nga kung ikaw ang kasama ko?! Hahayaan mo akong masagasaan ganern?!"

He chuckled. "Okay lang 'yun. Makakarecover ka pa naman 'e. Mas malala ang matatamo ko kay Felix, baka 'di mo na ako maabutang

buhay."

"Gago ka. Ipapapatay talaga kita kapag nagkataon!"

"Hindi mo 'yun magagawa, 'no. Gwapo ata 'to."

"Ewww. Gross out level, infinity and beyond!" Natawa na lang kaming dalawa.

"Jian, ma'y tanong ako. 'Di ba alam mo naman na alam ko 'yung nangyari sa inyo ni Tina sa mall?" Tumango-tango siya. "Ma'y nabanggit kasi siyang sinabi mo na ma'y mahal kang iba, totoo ba?"

Ilang segundo ang lumipas at natahimik siya. Pabalik-balik siya ng tingin at nagdadalwang isip pa kung sasabihin niya ba o hindi.

"It's... just my alibi."

"I don't believe you." Pailing-iling kong sabi. "Mahal mo pa ba?"

Hindi siya makatingin sa'kin ng deretso. "Marzia..."

"Kung sinuman siya, ibaon mo na siya sa limot, focus on Tina. She deserves you, Jian."

And I don't...

He smiled bitterly. "I-I understand."

"Pero sana walang magbago sa'tin, Jian. Please, hindi ko kayang mawala na lang agad 'yung friendship natin ng basta-basta."

"We built our friendship a decade ago, Marzia. Hindi ko hahayaang mawala 'yon. Kahit anong mangyari, walang kalimutan ha." Tumango naman ako sa kanya.

Naluha naman ako. Ewan ko, nasasaktan ako kasi... kasi hindi ko kayang maging parte sa gusto niyang mangyari.

"H'wag ka ng umiyak, hindi na ako 'yung lalaking tagapunas ng luha mo. Pero mananatili akong isa sa tagapagtanggol mo." He said.

"Bestfriend?" Inilapit niya ang kamao niya sa'kin.

Nag-fist bump kami at ngumiti sa isa't-isa. "Bestfriend."

Alam namin na gusto naming yakapin ang isa't-isa pero hindi pwede. Ma'y limits and distance na ngayon sa pagitan namin. Pero kahit anong mangyari, walang magbabago sa'ming dalawa, ako pa rin si Marzia na dating tagapagtanggol niya at siya si Jian na hanggang ngayon ay kaibigan ko.

He always have a place in my heart.

Somewhere special.

--

Vote. Comment. Share.