Chapter 2 - 1

...CHAPTER 1...

CAUGHT

I wiped away the sweat that formed in my forehead. I catched my breath and drank straight the bottled water. I spilled the remaining of it from my forehead,down to my face. I wiped it using my towel, before walking straight through the gym's locker room.

Kinuha ko ang itim na hoodie ko at ipinaibabaw nalang iyon sa suot kong sports bra.

Isinilid ko nalang sa doufle bag ang tumbler at towel ko,before that I pulled out my wallet and my phone after heading out the room.

Nagbayad na ako sa cashier,using the cash left on my wallet.

Napabuntong hininga ako. It's almost a month already,and I don't have enough anymore.

Kailangan ko ng mag cash out mamaya using one of my cards,and that also means,I also need to get outta here and move out.

Napahinga ulit ako ng malalim dahil doon.

Naglalakad na ako papalabas ng biglang may sumabay sa akin.

"Hey,you heading out?" Tanong ni Rex,isang gym instructor na nakilala ko kanina.

Ngumiti lang ako dito ng matamis bago tumango,sinuklay ko rin ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

"Yeah. Need to." Simpleng sagot ko dito. Ngumiti naman ito at pinabuksan ako ng pinto ng gym.

Nang makalabas ay hinarap ko sya at saka nginitian,napalunok naman sya.

"So,I... I'll see you around next time then?." He asked.

Napangisi ako.

There won't be a next time.

"Of course. Next time then." Sabi ko. "See you,Rex." I said,pinara ko na ang taxi'ng pumarada sa may harapan ko.

"Alright,see you. Bye."

I just gave him a flying kiss and a wink before finally going inside the taxi.

Nang makarating ako maliit na apartment na tinutuluyan ko dito sa may poblacion ay agad kong kinuha ang backpack ko.

Isinilid ko doon ang mga kapiraso sa mga damit at gamit na meron ako,pumasok din ako sa cr.

After a quick shower,I just put on another pair of white hoodie jacket,skinny jeans and a pair of black sketchers.

Matapos noon ay ipinusod ko sa isang messy bun ang blondish white kong buhok na may highlights na black sa dulo bago ako dumeretso palabas ng apartment.

Isinuot ko na din ang hood ng aking jacket at pumara ng taxi ng tuluyan na akong nakalabas ng compound.

Kalagitnaan ng byahe ng may matanggap akong tawag mula sa isang di kilalang numero,sinagot ko iyon dahil iisa lang ang may alam ng bago kong numero.

"Cadena." Sagot ko. I heard him heave a sigh.

"You need to move faster,Reigh. Head to the farthest South or North,just leave the premises now." Sabi nya mula sa kabilang linya.

"Will do. I just need to get some cash." Sabi ko.

"Alright. Just do it fast. He's found you already." Sabi nya,kaya bahagya akong napakagat sa labi ko.

"Okay." Sabi ko saka pinatay ang tawag.

Tumigil ang taxi na sinasakyan ko sa malapit lang sa may ATM machine kaya mabilis akong nagbayad at lumabas.

Inilugay ko na din ang buhok ko upang itago ang muka ko.

Halos mapasigaw ako sa inis ng makita kong medyo mahaba ang pila sa may machine.

Mas inayos ko ang suot kong hood at tumungo nalang.

"Ma,ano narinig mo ba yung usap usapan?" Sabi ng isang babae na kakarating lamang sa isang may edad na babae na nasa medyo unahan ko lamang.

"Anong usapan?" Tanong naman pabalik ng ng ginang.

"Sandamakmak daw na chopper ang naglilibot dito sa buong Kanlurang Mindanao ah." Sagot ng babae.

Napapikit nalang ako ng mariin dahil sa aking narinig.

Damn Laxamana and his fucking wealth.

Narinig kong medyo nagkakaingay kaya pasimple kong inilibot ang paningin ko at muntikan na akong mapamura ng makita ang mga lalaking naka all black suit na may kanya kanyang earpiece ang naglilibot at sa may lugar kung saan ako narito.

Bakit ba kase napakadaming tauhan ng lalaking yun?!

Tuliro ako habang hinihintay na mailabas ng atm ang lahat ng cash na ika-cash out ko sana.

"Fuck!"

Mura ko ang isinilid na sa sling bag ko ang pera ko saka nilingon ang kasunod ko.

"Take the remaining money." Sabi ko nalang at nagmamadaling umalis doon dahil sobrang lapit na ng mga tauhan nya sa pwesto ko.

Pinilit kong kumilos ng tahimik ng di ako mapansin.

Nakatungo akong naglalakad papuntang daungan.

Bumili na ako ng ticket kaninang umaga palang kaya naman dire-diretso akong naglakad papuntang barko at ibinigay ang ticket sa nangongolekta nito.

I chose to stay at the middle floor of the ship and amidst of the people here so I won't get noticed.

It felt like I've been holding my breath for so long when I had the chance to finally release it when the ship I'm in finally started to move.

Medyo malayo na ang nararating ng barko ng saglit kong ipinaling ang aking paningin sa lugar na pinanggalingan ko.

My body quivered at the sight of the proud looking six foot tall man in three piece suit standing in the pier,phone near his ear like he was talking to someone from the other line but even though how far away he is, I could feel the cold stares he's throwing directly at me right now.

I gulped and hid my self more in amidst of the people here in the ship.

Hindi naman siguro nya ako nakita sa layo na ng barko mula doon,diba?

Yeah,that's right. He didn't . I surely hope he didn't.

•••••••••••

°°°°°°°°°°

I never checked in any hotels,I can't fake my name anymore. Especially when I don't have any ID. I looked for a simple apartment that doesn't need any ID and other things that will confirm my existence as a human,pero nahirapan din ako.

Minsan naman nakakalusot ako sa mga hotels kahit wala akong dalang ID,but that only happens if the receptionist is a mere boy.

Pero ngayon kahit sa mumurahing mga apartment hinihingian ako ng kahit anong magiging identification ko.

They said,they couldn't afford having an identified tenant,it could lead the others to danger.

Oh bitch please,

But I can't  blame them though. I, also wouldn't put my tenants life at risk.

Left with no choice. I just checked in a  motel I walked passed by.

Dito lang tumatanggap kahit walang ID.

I heave a sigh.

I just need to hide for a few more days,after that day. I'll show my face again,but for now,Until that day isn't happening yet. I need to run and hide.

Sigaw ng prustrasyon ang kumawala mula sa labi ko ng habluting nga isang pocket picker ang aking pouch na naglalaman ng natitira kong pera.

Namumuo na rin ang luha sa aking mga mata,marahas ko iyong pinunasan.

Gustong gusto ko ng bumalik sa bahay namin pero hanggang anim na araw pa bago dumating ang araw na iyon,kaya kailangan kong manatili muna dito.

Sandamakmak ang cards na meron ako pero hindi ako pwedeng mga widdraw doon dahil alam kong once na gawin ko iyon ay madali lang para sa kanya ang mahanap ako.

"Dammit!" Inis kong sabi.

Naglakad nalang ako papasok sa tinutuluyan kong motel.

Napangiwi nalang ako ng may madaanan sa corridor na naghahalikan. Nakasandal din sila sa pintuan ng kwartong tinutuluyan ko.

"For Pete's sake,you rented a room not the corridor!" Inis kong sigaw at itinulak sila kaya naman nawala sila sa pagakakasandal pero patuloy pa rin sa kanilang kababalaghan. "Gosh!"

This is what I hate about motels,ang lalaswa ng mga nagchecheck in,pero sino nga bang niloko ko diba? This is a motel,Silvereigh. You stupid prick,malamang napunta sila dito para magdyugdyugan at hindi para may matirahan lang di kagaya mo.

Pabalibag kong sinarado ang pintuan at dumeretso ng lakad papunta sa kama kung saan nakalapag ang backpack ko.

Hinalungkat ko iyon.

Pati ang wallet ko na may lamang mga cards ko ay andun din sa sling bag ko kung saan ang laman ay puro cash,na ngayon ay wala na.

Napahiga nalang ako sa kama ng wala na talaga akong ibang masaid sa backpack ko kung hindi ang three thousand na nakita ko sa bulsa nito.

Sandali lang ay tumayo na ako at nag ayos ng aking sarili.

I need to find a job in able to survive any of these.

"Solene,table three to oh." Sabi sakin ni Ashton,ang may ari ng cake and pastries na pinagtatrabahuhan ko,saka iniabot saakin ang tray na may laman ng cake.

"Okay sir." Sabi ko nalang at kinuha ang ang tray na may laman na na kape at dalawang slice ng cake.

Naglakad ako papuntang table three at inilapag doon ang tray.

"Here's your order,Sir. One black americano and two slices of blueberry tart cake." Sabi ko. "Anything else?" Tanong ko pa.

"Are you new here,I've been going here for awhile now,but this is the first time I saw you." Tanong nito. Ngumiti nalang ako at tumango.

"Yes Sir,I am." Sabi ko.

"What's your name again?" Tanong pa nito na ikinataas ng bahagya ng aking kilay,napahawak naman sya sa kanyang batok. "I think you got it wrong. I'm just trying to classify something,cause you really look like someone." Sabi nito. Napakurap kurap ako dahil doon.

"The name's Solene Ramos,Sir. You must be mistaken." Sabi ko. Napangiti naman sya.

"Oh sorry for that. I really must have just mistook you for someone else."

"Someone like?" Tanong ko.

"One of the Esperanza's heiress,but who am I kidding right? That girl for sure only knows how to live in luxury. Bet she won't even hold the tray without spraying alcohol after that." Natatawa pa nito dagdag,bahagya nalang din akong tumawa.

Bwiset ka,buhusan kita dyan ng kape eh.

I'm working on a coffee shop with a low profile yet they can still tell me that I am familliar with the maarte heiress of the Esperanza's. I even changed my hair color.

Umalis nalang ako sa harapan ng lalaki pagkatapos nun at baka mahampas ko pa sya ng tray.

Me? won't hold a tray without spraying an alcohol after?

Napasimangot ako dahil may pagkatotoo naman iyon pero dati lang naman iyon.

After I left the El Esperanza Mansion I learned to do things that normies would do. Like sleep on a small bed and stay in a small apartment,but... whatever. what's the point of arguing with myself. I must be going crazy.

Matapos ang nakakapagod na araw ay agad akong dumeretso ng higa sa kama ko ng makarating ako sa kwartong tinutuluyan ko.

I felt so week and tired so I immediately drifted off to sleep.

Malaking ngiti ang namalatay sa aking labi ng magising ako.

Huling araw na ngayon.

I just gotta survive this last day without getting caught and all. And I'm all free.

Muka din namang nahihirapan ang lalaking iyon na hanapin ako,dahil ni isa sa mga tauhan nya ay hindi ko pa manlang namamataan ngayon.

Maaga akong pumasok sa trabaho na may ngiti sa aking mga labi.

Sarado pa ang shop ng makapasok ako pero may ilan ng mga trabahante ang andun.

Mga nakaupo nga lang ang mga ito sa isang partikular na lamesa at nagkukumpulan.

"Solene!" Masayang bati saakin ni Bernard ng makita ako,ngumiti sya ng malapad sa akin. "Good morning! Ang aga natin ngayon ah." Dagdag nya pa kaya naman ngumiti ako sa kanya.

"Uh,maaga lang ako nagising." Sabi ko.

"At maaaga ding dumadamoves si pareng Bernard." Sabi naman ni Boyet kaya naman nagtawanan ang iba pa naming kasamahan namin,bahagya naman akong natawa ng mamula ang tainga ni Bernard.

"Sabagay,sinong sisisihin natin diba?"humagikgik si Gela saka ako inakbayan. "Sa ganda ba naman kase nito ni Solene eh. Muntikan na nga akong madapa nung nalaman kong magaapply daw eh muka namang hindi to sanay sa trabaho. Mukang model eh." Humagikgik pa ito.

Naiiling nalang akong ngumiti saka nakiupo sa lamesang inuupuan nila.

"Anong meron? Bakit di pa tayo nagbubukas at saka bakit kayo nagkukumpulan?" Tanong ko.

"First of all,di ka yata nainform ni Boss Ashton na tuwing Last week ng month ay ten tayo ng umaga nagbubukas." Sabi nito,napasimangot naman ako dahil doon.

"Dapat pala natulog ulit  ako." Biro ko kaya nagtawanan sila.

"Well ganto ding time yung nagba-bonding ang lahat kaya tama lang na hindi ka bumalik sa tulog." Dagdag pa ni Gela.

"Okay?" Medyo natatawa kong sagot.

"So back to topic. Ano nga ulit ang name nya baby Xia?" Tanong ni Gela kay Xia na isang senior high school pa lang na nagwoworking student ngayon.

"Sino yun?" Pasimple kong tanong kay  Bernard.

"Ah may crush daw ngayon ang bunso natin." Sagot naman nya na agad kinontra ni Xia.

"Hindi ah! Hindi ko kaya crush Ate Solene." Sabi nito,kaya bahagya naman akong natawa dahil doon.

"So ano ang name?" Tanong ko,napanguso sya.

"Well nakita ko lang naman sya sa TV kagabi,at sobrang..." namula ito at di naituloy ang sasabihin kaya si Boyet ang nagtuloy nun.

"Sobrang nagwapuhan daw sya." Natatawang sabi nito.

"Eh kase gwapo naman talaga." Sabi nya,humagalpak naman ng tawa si Gela at inilabas ang cellphone nya.

"Bakit hindi nalang natin i-stalk,hmm... kung sa TV mo sya nakita paniguradong meron  naman iyong Intagram diba? Ano nga ulit ang pangalan?"

"Agres Laxamana,ate Gela."

Agad na nawala ang ngiti sa labi ko ng marinig iyon.

"Wait,Laxamana? Hindi ba iyan ang laging nasa top bachelors and bachelorettes magazine. Pero ang pagkakaalam ay magreretiro na daw iyan sa pagiging bachelor dahil may fiancé na raw diba?" Tanong naman ni Bernard.

"Iisa lang ang post nya eh,wait puntahan natin mismong wall nya..." natigil si Gela sa pagsasalita at bagsak pangang napabaling sa kanila,scratch that,more like sa kanya ang gulat na gulat na si Gela.

"W-why?" Alanganin kong tanong.

"H-he only has one post... and it's a photo of his f-fiancé."

Napalunok ako dahil sa sinabing iyon ni Gela.

"Tapos? Anong meron,patingin nga." Sabi ni Bernard at iimik pa sana ito kaso hindi natuloy dahil ang mahinang tunog ng kung anong nanggagaling kung saan ay unti unti ng lumalakas at halos magtunog dagundong na.

"Hala sya! Ano yun?" Sigawan ng mga kasamahan ko at kanya kanya ng tayuan.

"Helicopter ba yun?" Tanong naman ni Boyet.

"Tingnan natin sa labas!" Sabi pa ni Xia kaya nagtakbuhan sila palabas.

Wala sa plano ko ang tumayo at lumabas doon,pero bigla nalang akong kinaladkad ni Gela papalabas kasama ang mga kasamahan namin.

Nang makalabas kami ay halos lahat ng tao ay nakatingala at gulat na gulat na nakatingin sa mga chopper na halos tabi tabi lang na nasa ere at napakalapit sa lupa ngayon.

It felt like my sanity left me the moment one of the choppers the has an A.D Laxamana written on it's side,swiftly landed down the premises,almost just in front of her and her co workers.

Tila isang malamig na tubig ang bumuhos sa kanya ng bumukas ang pinto ng chopper na iyon.

A man who is wearing a white longsleeves,black pants and black leather shoes with a blank and cold expression went down the chopper and it's like automatically,his eyes were lock on me.

Shock was evident in everyone's eyes,lalo na sa mga katrabaho nya na kanina lang ay ang lalaking ito ang topic.

"The game is over,Silvereigh." His voice sent shivers down her spine as he slowly walk towards her direction. "You already done your hidding,I've done the seeking. I'm ending your fun play. It's exhausting."

Napasinghap ako ng pumalibot sa aking bewang ang kanyang mga braso saka nya ako marahan na hinila mula sa mga kasamahan ko na hanggang ngayon ay mga laglag panga pa rin.

"You didn't know how much I want to take you away at the very first day. Everyone just really flirts with you,ey?." He smirked as he leaned closer to her.

Marahan kong inilayo ang muka ko sa kanya at ipinatong ang kamay ko sa malapad at matigas nyang dibdib upang sana itulak sya ngunit di manlang sya nagalaw ng kahit kaunti.

"Y-you knew where I am from the very start?" I asked in disbelief.

He smirks but the coldness of his face still remains.

"I'm not Agres Laxamana for nothing,and you actually think that I don't have my eyes on you Silvereigh? The moment you stepped outta your mansion,I already have my eyes on you." He said and put some strands of my hair behind my ear. "And the guys who flirted with you." he's jaw tensed up as he stared dimly at me like he's staring directly at my soul.

"Why didn't you bring me back at the first place?" I said,he smirked..

"You wanted to play the game and I gave it to you. I know for sure you wouldn't be happy if from the very beginning  I already took you. I don't want you lonely,Silvereigh. So I played along,but now It's over. And you're coming home with me." He said and claimed her lips in front of everyone without even giving a shit about it.

I just sighed in defeat.

Who am I kidding.

This is Agres Laxamana we're talking about,and no matter how hard I try to get out from grip and hide. I'll always end up getting caught.

"Game over. Time to get married baby."

••••••••

°°°°°°°°