Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Bubbly

🇵🇭IamBluBerry
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.3k
Views
Synopsis
Gieselle is an independent woman. Dahil sa magandang mukhang at katawan hindi ln siya kilala bilang isang modelo, sikat din siya dahil sa hindi mga seryosong relasyon. Ayaw niya sa commitment, kumbaga no strings attached ang kanyang motto. Pero may inireto sa kanya ang kanyang lola at hindi ma pa man niya nakikilala ito at umani na ng panlalait mula sa kanya. Pedro paano kung mag-iba ang kanyang pananaw kung makikilala na ang lalaki? Masungkit kaya niya ang pihikang puso nito?

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

YOU know I know how

to make 'em stop and

stare as I zone out

the club can't even handle me right now

watching you, watching me

as I zone out

the club can't even handle me right now

Nagsimula na namang magpatugtog ang DJ ng panibagong kanta. Nagkakagulo na sa dancefloor dahil sa mga taong tuluyan ng nilunod ng alak at tila iba na ang mundong ginagalawan.

Tahimik lamang si Gieselle sa pwestong inuupoan habang nakamasid sa mga taong sumasayaw. A natural scene for her. Highschool pa lamang siya nang magsimulang pumunta sa mga lugar na kagaya nito. Sa paglipas ng mga taon, unti-unti na siyang nasasanay at naging daily routine na ang pagpasok at pananatili sa mga bars.

Utang na loob niya sa bar ang narating ngayon . Sa isang high end bar siya nadiskobre ng bakla na humahawak ng mga fashion models. Isa iyon sa mga gabing nagbulakbol siya sa klase noong nasa kolehiyo at mas piniling alak at sigarilyo ang hawak, kaysa sa mga papel, ballpen at libro.

Pumayag siya sa alok ng bakla, hindi dahil interesado o hilig niya ang pagmo-model, pero para kumita lang ng sariling pera at tuluyan ng huminto sa pag-aaral. Kahit may pagkapilya, marunong pa rin naman siyang mahiya at maawa sa kanyang lola na siyang nagpa-aral sa kanya.

Nang sunod-sunod na ang kanyang mga raket at unti-unting nagkapangalan, saka pa lamang niya sinabi ang totoong estado ng kanyang edukasyon sa kanyang lola.

Kumuha siya ng isang stick ng sigarilyo mula sa kahang nakalapag sa mesa at sinindihan iyon. Bumuga siya ng manipis na usok sa ere at sinundan na ng makakapal na usok.

Hindi siya santa at wala siyang paki-alam kung nakakaagaw siya ng atensiyon.

"Is that Gieselle?" Narinig niyang sabi ng isa sa mga tatlong babae na dumaan sa kanyang tabi.

Sanay na siya na palaging nakakarinig ng komentong 'maganda sana, kaso may pagkapilya' . But who cares, anyway?

Sinipat niya ang relong nasa bisig at nalamang alas-tres na pala ng madaling-araw. Oras na ng kanyang pag-uwi. Bago siya lumabas sa naturang bar, nagpaalam muna siya sa iilang kasamahan at umuwing mag-isa.

Ngayong nag-settle down na ang matalik na kaibigang si Paloma, madalas na siyang solo flight sa kanyang mga lakad, sa gala man o trabaho.

Mabuti pa ang kaibigan niya, may happy ever after na, kakatapos lang ng kasal nito noong isang linggo at lumipad papuntang Hawaii kasama ang asawang si Arken para i-celebrate ang kanilang honeymoon. Samantalang siya, magkakasya na lang siguro sa pagiging isang matandang dalaga.

Pagkatapos maglinis ng sarili, inilapat niya ang likod sa malambot na kama. Pumikit siya para maka-idlip pero hindi naman dinadalaw ng antok. Binuka niyang muli ang mata at napatitig sa kisame. Madilim ang kanyang kwarto at ang tanging nagsisilbing liwanag ay mula sa ilaw ng mga matatayog na gusali sa labas na tumatagos sa kurtina at salaming bintana ng kanyang condo unit. Sinubukan niyang pumikit ulit at pinilit ang sariling matulog, kahit pa alam niyang matagal pa siyang makaka-idlip.

Nag-iingay na cellphone ang gumising sa kanya pagsapit ng umaga at pilit niyang inignora iyon. Tinakpan niya ang tainga ng unan pero makulit ang sinumang tumatawag dahil hindi tumitigil ito, at patuloy lang sa pagtunog ang cellphone.

Napagod na siya sa kakapakinig ng ingay kaya sinagot na niya ang tawag kahit pa halos kalahati ng kanyang diwa ay natutulog pa.

"Hello." sabi niya sa inaantok na boses. Nakapikit pa rin ang mga mata at hinihintay na magsalita ang nasa kabilang linya.

"Por dios , por santo! Mag-aalas onse na ng umaga, natutulog ka pa rin?"

Inayos niya ang buhok na sumabog sa kanyang mukha at ang iba na dumikit sa unan, pagkarinig ng boses sa kabilang linya.

"Lola naman, huwag ka naman sumigaw." reklamo niya sa kausap. Tuluyan na siyang umupo sa kama at tila lumipad palabas ng kwarto ang antok niya kanina.

"Hay naku iwan ko nga ba sa mga kabataan ngayon. Ang hilig-hilig magpuyat at tanghali naman kung gumigising." Talak nito sa kabilang linya.

"Lola, ang posteso ninyo, baka mahulog." pinigilan niya ang halakhak habang sinasabi iyon. Magsisimula na naman itong mangulit hanggang mamayang gabi tungkol sa pag-uwi niya sa kanilang probinsiya, kahit pa paulit-ulit na lang ang mga sinasabi nito.

"Hindi mo na ako maloloko sa mga pang-aasar mo Gieselle. Kailan ka ba uuwi dito sa akin? Tandaan mo, matanda na ako, at hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang apo ko sa iyo. Aba'y hindi habang-buhay malakas ako Gieselle, darating at darating ang pagkakataong mamamatay din ako. Kaya umuwi ka na kaagad dito sa atin."

Siguro lumabas na ang litid nito sa leeg dahil sa kaka-sermon sa kanya. Ito ang isa pang ipagpapaalam niya kay Mother Chelsea, hindi na muna siya magre-renew ng contract at titigil na muna ng panandalian sa trabaho para personal na masamahan at maalagaan ang kanyang lola.

"Sige na, sige na Lola, oo na. Huwag na kayong magsalita ng masama sa sarili at hindi niyo na kailangang humiling na magkasakit o ano pa man, dahil uuwi na ako diyan." putol niya sa mga sasabihin pa nito. Tumayo siya at lumabas papuntang kusina para maghanda ng makakain habang hindi ibinababa ang tawag.

"Mabuti naman kung ganoon." Ramdam ang ginhawa doon. Kahit hindi hayagang sabihin ng kanyang lola ang kasiyahang nadarama pero ramdam niya ito dahil sa pagpapakawala ng malalim na hininga.

"Siyanga pala, ang usapan natin ha Gieselle. May ipapakilala ako sa'yo kaya umayos ka." Babala iyon at napangiwi siya sa sinabi ng matanda.

Hindi na siya nakipagtalo para matapos na ang pag-uusap nila at makawala na siya sa kakulitan ng abuela.