Lucy's POV
"Ma, Im home!" Sigaw ko mula sa baba
"How's School?" Tanong ni mama habang pababa ng hagdan mula sa kwarto niya.
"It's great. I have a friend si Trixie and si Mia" Sagot ko sa tanong ni mama.
"Really? Tell me a story about them" request ni mama
"Well si Trixie, her family owns the most famous fashion boutique and she's also the designer of the best seller clothes, also she's a fashionista and a model. Si Mia her family owns a Hotel and Casino but she teaches Arts for lower grade students, Just like me pero music nga lang yung sakin." Kwento ko kay mama.
"Oh that's great. So you mean 3 lang kayong mag kakaibigan?" Tanong ni mama.
"For now po ma. Pero don't worry ma, mabait naman sila eh, mukha nga lang masungit si Trixie pero mabait po pala talaga siya" Sagot ko kay mama at dumeretso na muna sa aking kwarto para magpalit at magpahinga.
-Next Day-
Trixie's POV
"Trixie, wake up" Gising sakin ni mommy.
"Mom, I don't want to go to School" Sagot ko habang nakapikit pa rin.
"What do you mean you don't want to go to School?" Naiiritang tanong ni Mommy.
"I don't feel like going to School nga mom, bakit ba ang Kulit mo?" Naiirita ko ring tanong kay mommy.
"Hindi pwedeng sagot yan! Bumangon kana ha, or else hindi ako papayag na ituloy mo pa ulit ang modeling career mo at mag tatapos ka ng college!" Sigaw ni mommy habang palabas ng kwarto ko. Ako naman biglang tayo at dahil sa pag kagulat sa sinabi ni mommy dali dali akong bumangon at nahulog sa aking kama.
-Down stairs-
"Good morning mom. Good morning dad" Bati ko sa aking mga magulang.
"Good morning Trixie" Bati sakin ni dad
"Trixie, diba sinabi ko na sayo na wag mong ibubun ang buhok mo pag basa pa? Mag bebewang yung buhok mo eh." Pag bati sakin ni mom ng good morning.
"Wow naman mom ang ganda naman ng Good morning mo sakin, sermon agad" Biro ko kay mommy.
"Bilisan mo nalang anak baka ma late ka" Sabi ni dad
"Sige na dad, Im not going to eat breakfast sa School nalang po, if I have a time. Bye dad. Bye my beautiful mom" Pag papaalam ko sa aking magulang at tinanggal na ang aking ipit at iniwan ko ito sa lamesa.
-School-
"Good morning Trixie" Bati sakin ni Mia at Lucy.
"Good morning girls" I greeted back.
"I want you to meet someone" Panimula ni Mia.
"Sino?" Tanong namin ni Lucy.
"Since mas maaga ako sa inyo kanina nakipag friends ako kay Darlene, So Darlene meet Trixie and Lucy, Trixie, Lucy meet Darlene" Pinakilala samin ni Mia si Darlene.
"Oh, Hi Darlene" Friendly greet namin ni Lucy.
"So, Welcome to the Group Darlene" Pag welcome ko sa kanya.
"Group?" Tanong ni Darlene.
"Yes group, and since mas bata ka saming tatlo ikaw ang baby ng group na ito" Sabi ko.
"Ano namang pangalan ng Group natin?" Tanong ni Mia
"Wala pa akong naiisip eh" Sagot ko. Nag tawanan nalang kaming 4 habang papasok sa aming classroom.
Kenneth's POV
"Good morning Kenneth" Ava greeted me. But I didn't greet her back because I am going to be late.
"Uy Kenneth, Di mo manlang ba babatiin si Ava ng good morning?" Tanong sakin ni Shawn my transferee friend
"Hindi, malalate na tayo Shawn, so walk faster" Utos ko kay Shawn.
"Uy Kenneth tingnan mo si Trixie oh, parang ngayon ko lang siya nakitang nakangiti" Sabi ni Jake my friend since nag transfer ako dito sa School nato.
"Anong gusto mong gawin ko?" Tanong ko
"Wala lang, I mean hindi ka manlang ba kinikilig kapag nakikita mong natawa siya? Kasi alam mong alam ko ang mga type mo, gusto mo sa babae ang matangkad, magaling mag sayaw, maganda, Bro baka si Trixie na yun all in one na siya oh" Pangungulit ni Jake.
"Eh Jake meron na nga siyang Girlfriend eh diba?" Pag tanggol naman sakin ni John my transferee friend
"Alam mo Jake tama naman si John eh, bakit pa ako papatol kay Trixie kung may Girlfriend naman ako na si Ava" Pag sang ayon ko kay John.
"Oh eh ano naman kung kayo na ni Ava? Malay mo bigla mo nalang ma realize na may gusto ka na pala kay Trixie, Diba?" Pag tanggol ni Bailey also my Transferee friend.
"Eh kasi nga Mahal niya si Ava, ano ba naman kayo, tigilan niyo na nga si Kenneth" Pag tanggol rin sakin ni Greyson Transferee friend ko rin. Halos lahat ng kaibigan ko ngayon transferee.
"Alam niyo, bumalik nalang kayo sa mga upuan niyo kasi parating na si miss" Pag awat ko sa kanila dahil baka mag away pa sila.
"Sige pero pag isipan mong mabuti ang sinabi ko Kenneth ha, hindi pa huli ang lahat." Pag kumbinsi sakin ni Jake.
"Bahala ka nga jan, bumalik ka nalang sa upuan mo" Naiirita kong sabi.
Darlene's POV
"Uy Girls, narinig niyo ba yung usapan nila Kenneth?" Tanong ko.
"Huh? Hindi naman, ano yun?" Tanong ni Lucy.
"Pinag uusapan nila si Trixie, sabi ni Jake kay Kenneth bagay daw silang dalawa" kwento ko.
"Talaga? Sinabi yun ni Jake?" Tanong ni Mia.
"Oo" Sagot ko
"Ano pang sabi?" Tanong uli ni Lucy at Mia.
"Yun lang narinig ko eh. Pero teka nga maiba nga tayo Trixie sagutin mo ng maayos yung tanong ko ha. May gusto kaba kay Kenneth? Kasi kanina kapa patingin tingin sa kanya saka parang bigla kang nag blush nung sinabi kong gusto ka ni Jake para kay Kenneth" Tanong ko kay Trixie.
"Huh? Anong sina sabi mo Darlene. Ako nag bubulush? Para lang sa Kenneth na yan? Never. I'd rather die than loving him, ang yabang ng itsura niya oh. Akala mo naman kung sino" Sagot ni Trixie.
"Kung wala bakit ang haba haba ng sagot mo eh pwede namang yes or no lang ang isagot mo. Alam mo obvious ka na, may gusto ka nga kay Kenneth noh?" Pang aasar ko kay Trixie.
"Wala nga. Bakit ba ang kulit mo?" Pag tanggol ni Trixie sa sarili niya.
"Kung sinabi mo eh" Pang aasar ko pa rin.
"Sige na nga babalik nako sa upuan ko" Naiiritang sabi ni Trixie.
Bago pa man makabalik si Trixie sa upuan niya bigla nalang siyang na talisod dahil sa bag ni Shawn pero buti nalang nasambot siya ni Kenneth at nagka titigan silang dalawa
Trixie's POV
Nag ka titigan kami ni Kenneth nung sinambot niya ako lahat ng mga classmates namin nakatingin samin ni Kenneth.
"Okay ka lang?" Tanong ni Kenneth.
"Oo, Okay lang ako" Sagot ko habang bumi bitaw kay Kenneth. Medyo nag bubulush nga ako, tapos medyo naiinitan pa ako.
"Trixie, san ka pupunta?" Tanong nila Darlene.
"Umm, sa comfort room lang" Sagot ko.
"Samahan ka na namin may sasabihin rin kami sayo eh" Offer ni Mia. I just nodded then went out.
-Comfort room-
"My gosh! Nakakahiya! Pinag tinginan kami ng mga classmates natin! Tapos nag blush pa ako sa harap niya!" I whisper shouted.
"So may gusto ka nga kay Kenneth?" Tanong ni Lucy.
"Hindi ko alam" Sagot ko.
"So, meron nga?" Pangu ngulit ni Darlene.
"Hindi nga niya alam Darlene" Pag tanggol sakin ni Mia.
"Alam niyo, bumalik nalang tayo sa classroom" Sinuggest ko.