Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Fault In Our Dreams

maentblack
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.8k
Views
Synopsis
A girl who can control her dreams. She is an agent who works not for the government—it's their enemy. How Prisca can handle her supernatural power without even knowing she will be in danger? How her dreams can affect her real life when she meet her ally-enemy?

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Kabanata 1

"You have the right to remain silent and refuse to answer questions. Anything you say may be used against you in a court of law. You have the right to consult an attorney before speaking to the police and to have an attorney present during questioning now or in the future."

Ibinaba ko ang aklat na hawak ko at humiga sa kama. Ngayon ko lang natapos sauluhin nang ayos ang Miranda Rights na matagal na sa'ming pinapasaulo.

Ngayon lang din ako nagkaroon ng oras para pagtuunan ito ng pansin dahil may mas importante pa akong iniisip.

Kasalukuyang alas siete na ng gabi at hindi pa ako naghahapunan. Wala na akong balak kumain dahil wala namang kakainin. Siguro ay bukas na lang.

Inabot ko ang cellphone sa gilid ng kama. Binuksan ko iyon at muling ibinalik sa kinalalagyan nang makitang wala pa ring mensahe galing si President.

Nakailang mura ako bago kumalma. Ilang araw na akong bakante at walang assigned mission. Kung hindi ko lang kailangan ng pera, ayos lang sana sa'kin kahit isang taon akong walang trabaho. Kaso hindi ako mayaman. Kailangan kong may mapagkakakitaan para huminga.

Dagdag pa rito ang pambayad namin sa school. Malapit nang matapos ang pasukan kaya kailangan ko na talagang bumalik sa posisyon para makapag-ipon ako sa susunod na taon.

Sandali akong bumangon sa kama at inayos ang nagusot na damit. Isinuot ko rin ang tsinelas bago ko mapagpasyahang lumabas.

Nang buksan ko ang pinto, bahagya akong nagulat sa presensya ng isang payat na babaeng hindi lalampas ng balikat ang buhok. Nakaupo ito sa mismong tapat ng pinto.

"Ano ba namang ginagawa mo r'yan, Tatiana! May upuan do'n sa gilid, bakit d'yan ka umuupo? Ginulat mo 'ko! Pasalamat ka hindi kita nasipa!" Sunod sunod kong sigaw sa kan'ya.

"Nasira 'yung bangko. Marupok na." Sagot n'ya pagkatapos ay ibinuga ang usok na hinigop sa hawak na sigarilyo.

Halos dalawampung taon na kaming magkakilala ni Tatiana. Siya ang naging karamay ko sa lahat simula noong mamatay ang mga magulang ko.

Parehas na namatay ang mga magulang namin sa isang ambush attack, sampung taon na rin ang nakakalipas.

Hindi pa rin nahahanap at nabibigyan ng katarungan ang pagkamatay nila kaya nandito kami ngayon ni Tatiana. Dinala kami ng mga paa namin sa kursong hindi namin binalak tahakin simula pa lang noong una.

Kahit ang pagiging agent na hindi kwalipikado sa gobyerno ay pinasok namin ni Tatiana para lamang matuto kaming gumamit ng armas at nang sa gayon, kami na mismo ang magbigay ng katarungan sa mga magulang namin.

"Paano mo nagagawang maging malakas araw araw, Prisca?"

Ikinalingon ko ang sinabi ni Tatiana saakin.

"Tandang tanda ko pa rin ang mga itsura ng magulang ko habang nakabalot ang kanilang katawan sa mapupulang likido, wala ng mga buhay." Tumawa siya at muling bumuga. "Paano mo nagagawang maging masaya?"

Ramdam ko sa boses niya ang pagdadalamhati. Isang taon na rin ang nakalipas noong huli itong naglabas ng sama ng loob sa'kin tungkol sa mga magulang namin.

Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito. Marahil ay may bumabagabag nanaman sa kan'yang isipan.

Naglakad ako palapit sa kan'ya at kinuha ang istik ng sigarilyo pagkatapos ay inapakan. Paubos na iyon ngunit hindi pa rin niya tinitigilan.

"Kailangan nating maging matapang, Tatiana. Hindi tayo nabubuhay para maging mahina. Itatak mo sa isip mo kung bakit kailangan nating maging matapang araw-araw... kung bakit natin ginagawa ito at kung para kanino." Nakita kong nginisian niya ako. "Kaunting tiis na lang, Tatiana. Makakamit din natin ang pinagdamot sa'tin ng mga walang pusong gobyerno."

Galit kami ni Tatiana sa gobyerno kaya naman taliwas ang mga ginagawa namin sa kagustuhan nila. Gumagawa kami ng bawal kahit alam naming nasa hukay ang aming isang paa.

Ngunit kahit ang tingin ng iba ay bawal ang gawaing iyon at hindi naaangkop sa batas, alam naming hindi kami gumagawa ng mali. Pinaglalaban namin ni Tatiana ang tama ngunit bulag ang gobyerno dahil nasisilaw sila sa kayamanan.

Mga taong takot mawalan ng pera... taong takot maging mahirap.

Pera ang dahilan kung bakit hindi nabigyan ng hustisya ang mga magulang namin. Pera at gobyerno, parehas na basura... parehas na bubulagin ka sa kung ano ang tama sa mali.

Lahat maaaring bilhin gamit ang pera. Wala itong sinasanto kahit buhay mo pa ang nakataya.

Kahit na isa kaming criminology student ni Tatiana, kalaban pa rin namin ang mga baliktad na simukra ng mga gobyerno, pulis at ang masasamang tao.

"Pumasok ka na sa loob, gabi na." Sambit ko rito.

Kahit na mas matanda siya ng dalawang taon sa'kin, mas umaakto pa akong nakakatanda sa kan'ya lalo na sa pag-iisip. Mahina si Tatiana at 'yon ang ikakabagsak n'ya sa bandang huli. Kaya kung may pagkakataon, araw-araw, minu-minuto, oras-oras, handa akong palakasin ang loob n'ya dahil siya lang din ang kinakapitan ko ngayon.

Para ko na s'yang ate. Siya na ang pamilya ko ngayon.

Nginitian n'ya ako pagkatayo. Naramdaman ko pa ang pagtapik nito sa balikat ko bago pahirin ang ilang luhang tumakas sa kan'yang mata.

"Pumasok ka na rin at matulog na tayo. Bukas na bukas, itatanong ko kay President kung maaari ka ng ipasok." Sabi ni Tatiana pagkapasok sa loob.

Nilingunan pa n'ya ko at umiling. "Tigilan mo na kasi ang pagiging masutil. Kaya ka nawawalan ng trabaho, e."

Sinamaan ko siya ng tingin at bumuntong hininga. "Hindi ko kasalanan na masuntok ko ang matandang 'yon. Minomolest'ya n'ya ako, Tatiana!" Giit ko rito na parang bata.

"Oo na. Pumunta ka na rito sa loob." Tinawanan niya ako.

Kahit na maliit lamang ang bahay na tinitirhan namin, masasabi kong komportable kami rito. Isa ito sa iniwan ng aking ama bago siya mamatay.

Isang matibay na tirahan na kahit bagyo o ipo-ipo ay hindi kayang tibagin. Maliit kung titignan sa labas, ngunit malawak ang loob dahil kakaunti lamang ang mga kagamitan.

Hindi ko alam kung pinasadya ito ng aking ama at may ideya na s'yang mangyayari ang araw na kinatatakutan namin kaya niya nagawa ito.

Ngunit nagpapasalamat pa rin ako dahil naalala niya ako bago mamaalam.

Minsan iniisip kong dapat isinama na lang nila ako sa itaas. Dapat namatay na lang din ako kasama ng pamilya ko pero alam kong may dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng iyon.

Katanggap-tanggap man o hindi kaaya-aya, kailangan ko pa rin silang bigyan ng katarungan bago ako mamatay.

Hindi deserve ng mga magulang namin ang ganoong klase ng pagkamatay.

Walang sinomang tao ang karapat-dapat mamatay sa ganoong klaseng ambush massacre.

Magkahiwalay kami ni Tatiana ng kama at kasya lang kami rito.

Pinatay niya ang ilaw bago bumalik sa kaniyang hinihigaan.

Ilang minuto muna akong nakatulala sa madilim na silid bago tuluyang ipikit ang aking mga mata.

Hindi ko alam kung matatakot ako o matutuwa sa kakaiba kong kakayahan. Matagal ko nang hindi sinasabi kay Tatiana ang tungkol dito dahil alam kong hindi siya maniniwala.

Tatawanan lamang niya ako at sasabihing nagkataon lamang ang mga iyon kaya huwag ko nang problemahin.

Alam kong hindi normal ang kakayahan kong ito.

Controlling your dreams is not an ordinary power especially when you are human.

Ngunit matagal ko nang itinatanong sa sarili ko... isa nga ba akong tao?

Normal lang ba ang ganitong kapangyarihan?

Kapangyarihan nga bang matatawag ang isang ito?

Paano ako napunta rito at bakit ko nagagawa ang mga bagay na ito?

Gaya ng inaasahan, napunta nanaman ang katawan ko sa kakaibang dimensyon. Kahapon lang ay nasa bansang Korea ako para maghanap ng isang Oppa.

Nakita ko roon sina Lee Jung Suk, Lee Min Ho, Song Joong-Ki, Gong Yo at marami pang sikat na artista.

Dahil sa kagustuhan ko silang makita, doon ang destinasyong pinili ko bago ako matulog kahapon.

Lahat ng mga inisip ko ay nagkatotoo, hindi na dapat ako natuwa noon dahil may mas grabe pa akong panaginip nitong mga nakaraan lamang.

Isang milyonaryong dalaga.

Magtravel sa buwan nang walang suot na kahit ano kung hindi ang tanging simpleng damit.

Maging Prinsesa ng United Kingdom.

Matikman ang lahat ng gustong kainin.

Makasama ulit ang pamilya ko.

Magkaroon ng kapangyarihan tulad ng apoy, tubig, hangin, at iba pa.

Kahit na maging isang isda ay ginawa ko rin sa aking panaginip.

Lahat ng iyon ay parang totoo. Kung ano ang pumasok sa isip ko, iyon ang mangyayari kapag nakatulog ako.

Kahit sa panaginip lang ay nagagawa ko pa ring sumaya.

At sa mga oras na ito, masasabi kong nasa panaginip nanaman ako.

Isang napakangandang panaginip.

I named this place as 'CloudEcs'. Hindi ko alam kung saan ko nakuha iyon basta ang ibig sabihin niyan ay 'Cloud Escapè.'

It is a paradise and the land of make-believe for me because when I'm sad, it is my escape from all problems I have in the real world.

Sinubukan kong makipaglaro sa mga mababangis na hayop sa kapaligiran.

Pinapasadahan ko ng aking palad ang mababalahibong katawan ng isang tigress na sumulpot sa harapan ko.

Impit akong tumawa nang may umiikot na isang spider monkey saaking kaliwa, sa kanan naman ay isang malaking Iberian lynx na hinihimod ang mabalahibo nitong paa.

Napagpasiyahan kong kilalanin ang mga wild animals dahil ito ang quiz namin sa susunod na linggo. Kailangan kong mag-aral.

Ilang sandali pa, matapos kong hawakan ang pangil ng tigress na hawak ko, napatingin ako sa itaas na bahagi ng kagubatan at nakita ko ang kaisa-isang paru-parong lumilipad papunta saaking gawi.

Hindi ko alam kung dahil ba sa sinag ng araw kaya lumiliwanag ang buong katawan ng paru-paro o talagang nag-go-glow ito sa paningin ko habang pinagmamasdan ko ito.

Inangat ko ang palad nang makitang pababa ang paru-paro sa'king pwesto.

Dumapo iyon sa kamay ko gaya ng inaasahan. Natuwa naman ako sa kulay at ganda nito. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling ngunit wala sa plano kong makakita ng isang kakaibang paru-paro.

Kinagat ko ang labi at akmang hahawakan ang pakpak nito ngunit mabilis itong lumipad.

Hinabol ko ito ng paningin ngunit natigilan ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng aking likod.

Parang may kung anong lumalabas dito ngunit hindi ako nakakaramdam ng kahit anumang sakit.

Ilang sandali pa, tumakbo ako papunta sa isang malinaw na sapa upang tignan kung tama nga ang nasa isip ko.

Mas lumawak ang mga ngiti sa labi ko nang makita ang repleksyon sa tubig.

I've got a wings like the beautiful butterfly!

Doble ang ganda ng aking pakpak kaysa sa paru-paro kanina.

At dahil akin ang panaginip na ito, pumikit ako at agad na winagwag ang dalawang pakpak.

I'm flying!

Lumilipad na ako!

Halos mawalan ako ng boses kakasigaw habang lumilipad sa himpapawid at nakatingin sa napagandang lugar na ito.

Nakikita ko na ang kabuuan ng green palace. Ang mga wild animals, lagoons, waterfalls, seas and flying birds, lahat sila ay kaakit-akit tignan!

Nasa pinakaitaas na ako ng ulap ngunit naramdaman kong parang magigising na ako sa oras na ito.

Ito minsan ang inaalala ko, ayokong nabibitin ako sa panaginip pero kailangan kong gumising.

Sa tuwing magigising ako, nawawala ang lahat ng nasa paligid ko at lahat sila ay naglalaho.

Pababa pa lamang ako ng lupa ngunit naramdaman ko na ang pagkawala ng pakpak sa aking likod.

Nang makita kong babagsak na ako sa isang malaking bato, ginawa ko itong isang napakalaking bulak at doon ako bumagsak.

Halos matawa ako sa nangyari dahil ramdam na ramdam ko ang kiliti sa aking tiyan habang pababa sa lupa.

Tapos na ang panaginip ko.

Napangiti ako at inikot ang paningin sa buong paligid. Unti-unti na silang naglalaho hanggang sa wala ng matira.

Maya maya pa, pipikit na sana ako ngunit may nakita akong parang hugis tao 'di kalayuan sa kinatatayuan ko.

Base sa itsura niya, isa itong lalaki at mas matangkad sa'kin. Malaki ang katawan niya at tanging isang puting tela ang nakataklob sa ibabang katawan.

Matangos ang ilong niya at magaganda ang mata. Kitang kita ko rin kung gaano kapula ang labi nito kahit bahagyang malayo ang mukha niya sa'kin.

Teka? Sino ang lalaking ito?

Akmang lalapitan ko sana siya ngunit huli na nang bigla akong may marinig na isang napakaingay na tunog at magising mula sa pagkakatulog.

Nahugot ko ang aking hininga at napatingin sa cellphone na kanina pa palang tunog nang tunog.

Nang makita kong pangalan ni President ang tumatawag, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinagot agad ito.

Bago magsalita, nakita ko si Tatiana na bumangon din sa higaan. Tinignan niya ako na may halong pagtataka kaya naman nginiwian ko siya.

"Magandang umaga, President!" Bati ko sa kabilang telepono.

Matikas ang tono ng boses ko at pormal kahit na isa akong babae.

"Maaari ka nang pumasok bukas."

Tinakpan ko ang speaker ng cellphone at nilingunan si Tatiana. Narinig din nito ang sinabi ni President kaya naman parehas kaming natuwa.

Tumikhim ako, inalis ko rin ang kamay mula sa speaker at ibinalik ang sarili sa wisyo.

"Sir, yes, sir!" Sagot ko.

"Maasahan ba kita, Agent Cloudecs?"

"Sir, yes, sir!"

"Susunod ka na ba sa utos ng nakakataas?"

"Sir, yes, sir!"

"Hindi ka na ba gagawa ng kahangalan sa oras ng misyon o trabaho?"

"It depends, sir!"

"Ano?"

"Ibig ko pong sabihin, sir yes sir!"

"Mabuti. Magkita tayo bukas."

"Sir, yes, sir!"

Akmang papatayin na nito ang tawag ngunit nagsalita pa ako.

"Sir, maaari ko po bang matanong kung sino ang kliyente?"

Matagal bago sumagot si President, narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito bago magsalita.

"Mr. Siobhan Callistus, kaisa-isang apo ng mga Siveria."

-

I would appreciate your feedbacks if you do. Thank you. :)