Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Disastrous Daydream Come True

RASSEL
--
chs / week
--
NOT RATINGS
8k
Views
Synopsis
Labis nasaktan si Hunter nang makipaghiwalay sa kanya si Ingrid. Handa na sana niya itong pakasalan. Handa na ang lahat, ang babae nalang ang kulang. Ngunit ang hindi niya alam na may mas sasakit pa doon nang matuklasan niyang ang Ama niya ang ipinagpalit sa kanya ni Ingrid. Nakahanap ng pagkakataon si Hunter na makaganti sa babae nang makilala niya ang kapatid ni Ingrid --- si Angela. Walang ibang pangarap si Angela mula pagkabata niya kundi ang makaranas ng love story gaya ng mga sinusulat niyang pocketbooks. All that magical fairy tale is all she dreamed of. Pero walang kaalam alam si Angela na ang Prince Charming pala niya ang wawasak sa magical na mundong meron siya. Paano pa siya makakapagsulat ngayong hindi na niya pinaniniwalaan ang isinusulat niya?

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

KITANG kita ni Hunter sa kanyang harapan ang pagkawasak ng mga pangarap na binuo nilang dalawa ni Ingrid sa pagkikita nilang iyon.

"What are you saying?" Parang pinompyang ang magkabilang tainga ni Hunter sa mga sandaling iyon. Napahigpit ang hawak niya sa armrest ng silyang inuupuan. Gulong-gulo siya sa nangyayari.

"I'm sorry, Hunter. I dont know what else to say. Pero hanggang dito nalang talaga tayo."

Mukha naman totoong apologetic ang babae. But still, hindi parin maintindihan ni Hunter ang pabigla-bigla nitong pakikipaghiwalay sa kanya. Ang alam niya ay okay sila ni Ingrid. Okay na okay.

"Ganon nalang 'yon? All of a sudden?"

"Hunter, alam kong mali, but I met someone else. And I love him. Ayaw kong ipasubo ka sa bagay na alam kong wala na."

"You met someone else? Saan? Kelan?" lalong hindi makapaniwalang tanong niya. Kailan ba nagkaroon ng pagkakataon si Ingrid para makatagpo ng iba? Halos sa condo na niya ito tumira.

"Recently lang. I-I know masyadong mabilis ang mga pangyayari but I know I love him."

"Recently?" Nais na niyang itumba ang lamesa na pumapagitan sa kanilang dalawa ng nakikipaghiwalay na nobya. Joke time ba ito? "Just like that, itatapon mo ang limang taon?"

"Look, I cannot say sorry enough. Pero, ito 'yong totoo. Pareho lang tayong masasaktan kung pipilitin ko ang sarili ko sa bagay na alam kong wala na."

"Ingrid?"

Kita ni Hunter na gulat na nag-angat ng tingin si Ingrid nang marinig ang tinig mula sa kanyang likuran, pero mabalis din itong nakabawi.

Masigla ang napakapamilyar na boses ng dumating.

"H-honey..." sabay tayong bati ni Ingrid sa bagong dating, "what are you doing here?" Sinalubong pa nito ng halik iyon.

"Dad?" Nanlalamig ang batok ni Hunter na nilingon ang bagong dating. Kung kanina ay hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Ingrid, ngayon ay lalong hindi siya makapinawala sa nakikita ng dalawa niyang mga mata.

"Oh, Hunter." Masayang bati naman ng ama pagkalingon nito kay Hunter. Malawak ang ngiti. "Kilala mo na pala si Ingrid?" Pinalupot nito ang kamay sa baywang ng babae. "Siya 'yong sinasabi ko sayo. I'm glad hindi na ko mahihirapan ipakilala kayo sa isa's isa." Sinulyapan pa nito ng napakalagkit na tingin si Ingrid.

"H-he is your son?" Halata naman kay Ingrid ang pagkagulat ngunit magaling nito iyon naitago. Kahit na makapal ang pula nitong lipstick, alam ni Hunter na namumutla na ito sa mga oras na iyon. Ganoon niya ito kakilala. Kilalang kilala.

"Yes. My only son," masayang tugon pa ng kanyang ama.

Gustong gusto ni Hunter na lumigaya ang ama. Matagal na rin niyang hinihiling na maka-move on na ito sa kanyang ina. Ngunit hindi naman akalain ni Hunter na ang nobya niya ang kapalit para sa katuparan ng mga dasal niyang iyon.

Wala sa loob ni Hunter ang napahaplos sa laman ng kanyang bulsa. Alam niyang hindi na niya kailan man kakailanganin iyon.

"SIR, cafe americano, grande," untag ng serbidora kay Hunter dahilan upang maputol ang pagbabalik tanaw niyang iyon.

Inilapag ng serbidora ang tasa ng kape sa kaharap niyang lamesa.

This is the very cafe he had his heart broken and felt betrayed at the same time. Hanggang sa mamatay ang daddy niya, wala itong alam sa nakaraan nila ni Ingrid. Only Ingrid and the world he hates.

Why did he even bother to come home kung ang pagbabalik niya ay ang pagbabalik din sa mapapait na ala-ala?

Kinuha niya ang tasa ng kape atsaka lumagok doon.

Sa paglagok na iyon ni Hunter, tumama na naman ang tingin niya sa nakaupong babae sa bandang sulok ng cafe. Mabilis na naman nitong binawi ang tingin sa kanya, halata sa mukha nito ang nataranta at pagkahiya.

Hindi pangkaraniwan sa mga Pilipina ang itsura ng babae kaya ilang beses ng napukaw nito ang atensyon niya. She have a distinctively shiny short curly hair, hanggang balikat ang haba niyon, ito iyong malalaki ang bilog at hanggang anit ang kulot. May pagkachubby ang chicks nito pero petite ang pangagatawan. Bilog ang mga mata nito, nagbigay ng accent sa mga ito ang mahahaba nitong mga pilik mata. And her lips are full, kahit hindi ito naka-lipstick kapansin pansin ang hugis ng mga iyon. She wears a floral blue dress na pinatungan ng maong na jacket.

Inilapag niya ang tasa sa lamesa atsaka napangisi.

Not bad. Ang naisip ni Hunter. Usually, iyong nerd na lalaki ang sumusunod sa kanya. Nagretire na yata ang mokong, nawala lang siya ng ilang taon. Natakot yata masyado sa banta niya noon.

So typical, Ingrid. So typical. Napasinghal pa niyang naisip. But he have to admit, she took extra effort this time. For using a girl this time? Oh, he have to congratulate her for a job well done. Mukhang naging mapili si Ingrid ngayon. She chose the most innocent looking woman in the room para hindi niya mahalata.

SHOCKS!

Nahalata ba siya?

Mabilis napayuko si Angela nang magtama na naman ang paningin nila ng lalaking kanina pa niya pinagmamasdan. Mabuti nalang at mabilis ang reflexes niya.

Napukaw ng lalaki ang atensyon niya pagpasok na pagpasok palang nito sa cafe kanina.

Naka black pants ito at gray na t-shirt. Napakasimple lang ng getup ng lalaki pero ang lakas ng dating. Hindi niya matukoy kung ano ang nagpapalakas ng arrive nito. At parang gustong alamin iyon ng mga mata niya.

Okay, maputi ang lalaki. Pero iba ang pagkaputi nito, malinis, parang walang kalibag-libag sa katawan.

Ang mga labi nito ay halos kakulay na ng maputi nitong balat. Ang linis linis ng mga iyon, walang kulubot, parang ang lambot lambot, ang ganda pa ng hugis, lalo na pagkatapos nitong uminom ng kape at bahagyang nakauwang ang mga iyon.

Matangos ang ilong nito, parang inukit. Lalo na kapag naka-sideview. Bibihira lang sa mga Pilipino ang may ganoong kalinis na hugis ng ilog. May lahi kaya?

Maging ang mga mata nito ay malalim makatingin, nakakatunaw. Parang may lazer beam, diretsong tatama sa kaluluwa kapag tinamaan.

Pero ang nakapusod na black long hair talaga nito ang pinagdidiskitahan niya. Bibihira lang ang mga lalaking nakakayang dalhin ang pagiging long hair nang hindi nagmumukang mabaho at dugyutin. Ano kaya ang itsura nito kapag naka-clean cut na gupit?

Gusto malaman ni Angela ang nagpapalakas ng dating nito. Pero hindi sapat ang matagal na pagtitig niya dito.

Naghintay siya ng ilang minuto bago mag-angat muli ng tingin.

Nakahinga siya ng maluwag. Nakatingin na ang lalaki sa cellphone nito.

Napabuntong hininga si Angela. Paano ba maka-landing sa ganyang kagwanpong nilalang?

Ang mga katulad ng lalaki ay parang iyong birthday party na hindi naimbitahan ang mga katulad niyang nangangarap lang, nagsasaya ang karamihan habang siya ay nasa bahay lang nanonood ng telebisyon mag-isa. Kung sanang nasa perpektong scenario siya, lalapitan siya ng lalaki at magpapakilala sa kanya, sa lahat ng mga naggagandahang babae na nandoon, kahit ba uunti lang ang tao sa cafe, ay siya ang napiling lapitan, at syempre kakainggitan siya ng mga nandoon.

Haaay! Life is cruel. Life is unjust.

Humigop si Angela ng kape. Mapait iyon, parang ang buhay. Bakit iyon pa ang na-order niya?

Sayang hindi niya dala ang laptop, doon sana matutupad ang pagde-day dream niya.

She has the power!

Papadaliin niya ang mga bagay na mahirap angkinin sa realidad. Mamanipulahin sa kanyang nobela, at itong lalaking ito, ang bagong Prince Charming na makakatuluyan niya.

And yes, may naisip na naman siyang bagong plot.

Triggered na naman ang imagination niya. Pumasok na naman siya sa mundong nilikha niya. Kabaligtaran sa tunay niyang buhay. Doon, walang failures, walang cruelty. Perfect lahat. Lahat mahal siya at puprotektahan siya. Siya ang bida.

Gustong i-memorize ni Angela ang bawat ditalye ng lalaki lalo na ang mukha nito upang eksaktong eksakto ang maisusulat niyang deskripsyon niyon sa bagong nobelang bumubuo sa isipan niya habang pinagmamasdan ang lalaki sa mga sandaling iyon.

Kuhanan ko kaya ng picture?

Maganda iyong ideya upang ma-inspire pa siya lalo sa pagsusulat.

Kinuha niya ang bag na nakapatong sa katabing silya atsaka pinatong sa kandungan.

Alam ni Angela na mapangahas ang kanyang naisip at malamang ay ilegal pa, pero wala naman sigurong masama kung kukuhanan niya ng litrato ang lalaki. Hindi naman niya iyon ipo-post kung saan. For personal use only ika nga.

Nasan na 'yon?

Nakahanda na ang focus ng camera, pero nawala ang kukunan.

Nagpalinga-linga siya sa paligid ng cafe ngunit hindi niya iyon makita.

Sayang naman.

Inilapag niya ang cellphone sa kaharap na lamesa.

"So..."

Napakislot si Angela nang biglang may umupo sa katabi niyang silya na kinalalagyan kanina ng bag niya.

Shiiit!!!

Nagsusumigaw ang boses sa isipan niya.

Nasa panaginip ba siya?

Nasa loob ba siya ng imagination niya?

Teka, paano siya lalabas?

Paano siya babalik sa realidad?

Nakulong na ba siya doon?

The guy from afar is now sitting beside her. With a killer smile --- smile that will literally kill her.

Naeexcite si Angela.

Baka dream come true na ito.

Teka, maayos ba ang itsura niya? May dumi ba siya sa mukha?

Nakaka-conscious ang lakas ng dating ng lalaki lalo na sa malapitan. Daig pa niya ang nakakita ng artista sa personal, nandiyan lang sa malapit pero untouchable.

"Why are you staring at me?" Ipinatong ng lalaki ang mga braso nito sa ibabaw ng lamesang pinagsasaluhan nila ngayon.

He have a deep masculine voice, at may accent pa.

Just like what she imagined. Parang Harry Styles ang dating. Saktong sakto, long hair din ito just like Harry Styles noon.

"H-ha?" pagmamaang-maangan ni Angela, kunwari inosente.

Pero ramdam niyang magigisa na siya sa kumukulong mantika.

Bistado na siya.

"Sa unang beses na magtama ang mga mata natin, yes, coincidence 'yon. Pero ang pangalawa at pangatlo, lalo na ang pang-apat..." Sumandal ang lalaki nang may nakakalokong ngisi, eksaktong eksakto sa nai-imagine niyang itsura ng nakangising hero sa mga pocketbooks, gwapong gwapo pero nakakainis. "Come on, tell me, magkakilala ba tayo?" Diretso ang tingin ng nakakalusaw na mga mata nito.

"H-hindi." Kinakabahan na si Angela. Ganito pala ang pakiramdam ng nabibisto. Para siyang nahuling natutulog sa opisina at na IR sa HR. Paano niya lulusutan ito?

"Inutusan ka ba ng magaling kong madrasta para bantayan ako? Or..." umangat ang lalaki mula sa pagkakasandal. "Did we..." He paused. Pinasingkit pa nito ang magaganda nitong mga mata. Parang hinihintay nitong makuha ni Angela ang nais nitong sabihin. Pero blanko siya. Masyado siyang kinakabahan sa mga sandaling iyon para maging matalino sa harapan nito. It's already a disaster para sa dream come true niya. "Did we slept together?"

Wait, ano daw?

Namilog ang mga mata ni Angela sa narinig. Literal na nalaglag ang panga.

Ang maangas na attitude ng lalaki na ayaw niyang pansinin kanina ay parang kilabot na nanuot sa kanyang mga buto.

Ang protagonist ay naging antagonist sa perfect love story sana niya. NO! Dapat sa love story nito ay sinusunog.

Napasinghal si Angela. "Mister who ever you are..." Inayos niya ang shoulder bag na nasa kandungan at hinawakan ang mga handle niyon, "pogi ka sana kaso ang bastos mo. Anong akala mo sakin? Easy to get? Babaeng madali mong maikama at makakalimutan pagkatapos?" Gusto sampalin ni Angela ang lalaki ngunit ayaw niyang mahawakan ang napakagwapo at napakakinis nitong mukha. Para parin ilusyon ang lalaki sa kanyang harapan kahit ba bumigat bigla ang batok niya dito. Tumayo siya. "Hindi kita kilala, at wala akong pake sa issue ng pamilya mo, at lalong never ako magkakagusto sayo para maikama mo. Tabi nga!" Sinagi ng mga tuhod niya ang mga binti ng lalaki sa pagdaan niya sa harapan nito. "Atsaka..." Pumihit siya paharap nang makalagpas sa lalaki. "Normal lang na magkatinginan tayo. Eh, hello, iilan lang ang tao dito, alangan naman pader lang ang titigan ko. Atsaka pano mo nalaman nakatingin ako sayo, edi ibig sabihin nakatingin ka din sakin? Quits lang. Antipatikong bastos." Inismiran niya ito bago tuluyang lumayo doon at lumabas ng cafe na iyon.

"BAT ba ang tagal mo?" iritableng tanong ni Angela sa kakaupo palang na kapatid. "Hindi pa ako umo-order."

"Init ng ulo mo," komento naman ng kapatid habang nagpapalingalinga upang maghanap ng waiter. Lumawak ang ngiti nito nang may makawayang waiter. "Panong nawala ang cellphone mo?" baling nito sa kanya.

"May I take your order," ani ng waiter na lumapit.

"Naiwan dun sa cafe na pagkikitaan sana natin," umpisa ni Angela ng kwento habang pinagmamasdang umorder ang kapatid. "Binalikan ko, wala naman daw nakita doon. Ang alam ko dun ko lang naiwan 'yon. Bwisit kase 'yong antipatikong lalaki na 'yon eh, ambastos!" patuloy niya habang pinagmamasdan ang papalayo na ngayong waiter.

Umuusok parin si Angela sa galit. Sobrang panghihinayang siya. Manuscript na sana naging bato pa. Kung hindi lang umepal 'yong lalaki na iyon sa kwentong bumubuo sa isipan niya edi sana may bagong plot na naman siya.

"Lalaki?"

"Hay naku, Ate, mahabang kwento. Lagot talaga 'yon sa nobela ko."

"Okay." Nagayos ito ng upo.

"Nawalan na nga ng trabaho, nawalan pa ng cellphone," paghihimutok pa niya.

"Angela, sabi ko naman sayo, dun ka nalang sa kumpanya, pwede naman kitang ipasok doon."

"Hay naku, Ate, baka pumalpak lang ako doon at ma-bad shoot ka pa sa mga tao dun. Huwag na." Dumating na ang pagkain nila. "Atsaka gusto kong mag-focus muna sa pagsusulat. Baka destiny na 'to para makapag-focus ako at makahanap ng lovelife," pabiro pang sabi ni Angela habang sinusundan ng tingin ang bawat plato ng pagkaing inilalapag sa lamesa nila.

"Asus, ayaw mo ngang mag-boyfirend eh," natawa naman sabi ng kapatid.

"Ate, yang mga bagay na 'yan hindi minamadali. Hindi ba sabi mo may long time boyfriend ka bago mo nakilala si Kuya Arthur? Gusto kong i-skip 'yong boyfriend at dumiretso na sa Arthur ng buhay ko."

Napawi ang ngiti ng kapatid. Halatang dinadamdam parin nito ang pagkamatay ng asawa.

"Tulad kanina, akala ko Prince Charming na, iyon pala Frog," dagdag pa ni Angela for the hope na maibalik niya ang ngiti ng kapatid. Hindi naman siya nabigo.

Her simple and beautiful sister, half-sister but still, a sister.

"Ano bang napapala mo diyan sa pagsusulat?" tanong ng kapatid niya habang sumasandok ng young chow.

"Fulfillment," proud namang tugon ni Angela. Sumandok narin siya ng pagkain niya. "Atsaka kumikita din naman ako dito."

"O sige ganito nalang," pakli ng kapatid matapos sumubo ng chopsuey. "Mag-baby sit ka muna kay Megan habang wala ka pang trabaho. Malapit narin ang birthday niya. Kailangan kong may magaalaga sa kanya para maasikaso ko ang party."

"Oh, wala na naman siyang yaya?"

"Mahirap talaga maghanap ng matinong yaya ngayon. So ano, payag ka? May allowance ka sakin," pang-eengganyo pa ng kapatid.

"Naku, Ate, kahit walang allowance."

"Wala ng atrasan 'yan. Hihintayin kita bukas."

Gustong gusto ni Angela ang pakiramdam gaya ng ganito. May nangangailangan sa kanya. May umaasa. May pagkakataon siyang makapagdulot ng kapakipakinabang sa ibang tao, lalo na sa ate niya.

"Teka, hindi ba sabi mo bumalik na sa bahay niyo yung step son mo? Okay lang kaya sa kanya na pumunta ako sa inyo?"

"Akong bahala." Kinindatan pa siya nito.