Chereads / Falling inlove with miss boyish / Chapter 2 - Chapter 01

Chapter 2 - Chapter 01

Roxy's Pov

"Roxy ano nanaman bang problema mo?!?!"sigaw ni Kuya sakin,kuya naman mabibingi na ako eh

"Wala, sila naman nag simula ng away eh, gumanti lang ako *peace sign*"sorry na kuya hehe

"Gumanti?! nasa hospital yung mga naka away mo oh!!!"aba kuya hindi ko na kasalanan yun

"Ehhshs"sabay tumalikod na ako kay kuya at nag lakad papunta sa kwarto ko nang sumigaw siya ulit

"Wag mo ng uulitin yun sa bago mong school!! wala nakong maipapambayad niyan na pang hospital ng mga kabugbugan mo!!"sigaw sakin ni kuya

"Kuya chill lang dami mo namang pera eh!!"sigaw ko din sa kanya habang tuloy tuloy ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko

Eh totoo naman sinabi ko eh dami niya namabg pera,anyamanyaman mo nga kuya eh

Tsh, nag pasok na ako sa kwarto ko at nag laro ng Fortnite sa computer ko

Lumipas ang dalwang oras at tumigil na ako sa pag lalaro,pumunta na ako Sa kusina para humanap ng pag kain

Napadaan ako sa sala at nakita ng nakikipaghalikan si kuya sa girlfriend niya ewww

tumigil ako at

"Kuya naman,may kwarto ka naman eh, dun na lang kayo ni ate Drinia,kadiri kayo"narinig ko silang tumawa at nag patuloy na ulit ako sa pag punta sa kusina

Hmm,ano kayang makain,alam ko na,isang chocolate ice cream,Cake,soft drink,Cheese bread,at leche flan,tsh madami noh? food lover kasi ako o sa tagalog matakaw hahaha

Pumunta na ako sa sala at nakita ulit sina kuya pero nanonood na sila ng tv

Umupo na ako sa kabilang sofa at nakita kung anong pinapanood nila,tsh Rupunzel

"Kuya naman,anlakilaki niyo na rupunzel pa rin talaga?"Lumingon sila sakin at tumawa

"Ano bang problema mo sa mga fairy tales at disney princesses ha,avery at ayaw na ayaw mo"tanong sakin ni kuya

"First of all kuya,roxy ang pangalan ko at second,ayaw ko sa kanila dahil.."

"Come on, continue what your saying"Sabi sakin ni ate Drinia

"Because it's the opposite of the reality, there's no happy ending in the real world only cruel people"natahimik sila sa sinabi ko at tumingin na lang sa tv

"Huy, napano kayo?"natatawa kong sabi sa kanila,iniiba ko lang ang topic

"Wala,na realize ko lang na mas malakas ka sakin"natatawang sabi sakin ni kuya,yeah, i am stronger than him

"ako pa kuya,eh ako ang nag training ng 3 years eh,duwag ka kasi"pangungulit ko sa kanya, tiningnan naman ako Ng masama ni kuya habang tumatawa lang si ate Drinia

Natapos na ang Rupunzel at ubos ko na rin ang pagkain ko,tumayo na ako at nag lakad papunta sa kwarto ko,

"Avery,magiging ayos lang ang lahat"narinig kong sabi ni kuya

nagpatuloy pa rin ako sa pag lalakad at pumunta na sa kwarto ko

Humiga na ako at tuluyang nakatulog

.

.

.

.

Minulat ko ang mata ko at bumangon na,tiningnan ko ang cellphone ko at ala sais pa lang ng umaga

Tumayo na ako at naligo,wala pa akong uniform kaya nag black t shirt na lang ako at nag suot ng Jagger na white at rubber shoes,bumaba na ako at nakita si kuya na nag luluto sa kusina

Umupo na muna ako sa counter table at hinintay na matapos si kuya

"Avery nga pala may tanong ako"narining kong sabi ni kuya habang nag luluto

"Ano yun?"sagot ko kay kuya

"Ano ba talagang gender mo lalaki o babae?"natatawang tanong ni kuya,tumayo ako sa counter at sinipa siya sa paa

Napatigil naman siya sa pagluluto at Nag tatalon sa sakit

"Ano ba namang klaseng tanong yan kuya?"naiinis kong sabi sa kanya,Tinapos niya na ang niluluto niya at umupo

"Kasi ba naman,wala kang hilig sa pambabae na damit ni hindi kita nakitang mag make up at puro panlalaki ang suot mo kagaya niyang suot mo ngayon,wala ka ring interes sa lalaki"pagpapaliwang ni kuya

"ok,ok wala akong interes sa lalaki dahil mga duwag sila katulad mo"tiningnan ako ng masama ni kuya"at isa pa hindi ko kailangan ng lalaki para iligtas ako at hindi ako naniniwala sa love na yan"pagpapaliwang ko kay kuya

"Pero may nagustuhan kang lalaki?"tanong sakin ni kuya

"Oo naman, si naruto,sasuke,Kilua,meliodas,a-"hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang batukan ako ni kuya

"Ano ba naman yan avery puro fictional character naman yun eh"Naiinis na sabi ni kuya

"well atleast lalaki"natatawa kong sabi sa kanya

"Hus kumain ka na lang diyan at bak malate ka pa"sabi sakin ni kuya at inayos niya na ang hapagkainan

Umupo na ako at nag simula ng kumain,habang kumakain ay tiningnan ko si kuya,hmm gwapo naman si kuya,matangkad,matangos ang ilong,sakto lang ang pangangatawan,may abs,hep don't get me wrong ha kuya ko siya at nakita ko na siyang topless, continue, mabait pag minsan,kaso mas malakas ako sa kanya hehehe

"O bat nakatingin ka sakin,na realize mo na ba na gwapo ang kuya mo?"nagmamalaki niyang sabi at hinawi ang buhok niya

"Kuya naman alam naman nating lahat na mas gwapo ako sayo"tiningnan naman ako ni kuya

"Sabi na nga ba eh,tomboy ka!!"sigaw ni kuya,Tumayo ako at isinamual sa kanya yung isang buo ng kamatis,ingay eh

"Kuya naman,pwede bang manahimik ka na lang"tinanggal niya naman yung kamatis sa bibig niya at kumain na lang din

Natapos na kaming kumain at Kinuha ko backpack ko,lumabas na kami ng bahay at sumakay na ako sa sports car ni kuya,tsh yabang talaga neto pag nag 18 na talaga ako magpapabili ako kayna tito ng motor at sports car na mas maganda pa sa sasakyan ni kuya

Tumigil na kami at nakita ko ang bago kong school na papasukan,binukasan na ni manong guard yung gate at ipinasok na ni kuya yung Sports Car niya,nakita kong pinapagtinginan kami ng mga estudyante precisely yung Sports car ni kuya,nag park na si kuya at bumaba na ako,nakita kong bumaba din si kuya kaya nag taka ako

"Kuya,bat bumaba ka din?"tanong ko sa kanya lumingon naman siya sakin at nginitian ako

"Dito na din ako papasok"(fourth year college na si kuya) ano daw?!?

"bakit?!"pasigaw kong tanong sa kanya kaya pinagtinginan kami ng mga estudyante

"Calm down little sister,dito ako papasok para mabantayan kita"pacool niyang sabi at kinuha sa backseat yung bag niya,tsh hindi ko napansin yung bag niya kanina ah

"Whatever kuya, atleast magkaiba tayo ng building"nakangisi kong sabi sa kanya

"Wag ka ngang ngumisi little sister mas nagiging astig kang tingnan kesa sakin eh"

"Sige na kuya pumunta ka na sa building mo,by the way anong number ng room ko?"tanong ko kay kuya

"room 207,second floor"sabi ni kuya at nag lakad na papunta sa building niya

tsh,mangiiwan ka talaga kuya ano kayang itsura mo Kung makipag break sayo si ate Drinia hahaha

Nag lakad na ako papunta sa seniors building at sumakay sa elevator,naks naman yamanin,teka nga kanina ko pa napapansin na pinapagtinginan ako ng mga tao,oh right hindi ako naka uniform,oh eh ano naman may nakita din naman akong mga babae na hindi naka uniforma ah,ang iiksi pa nga ng suot nila eh,oh dahil ba sa green ang mata ko,eh napansin ko din naman na ako lang ang blue ang mata dito,kasalanan ko bang haft American ang mommy ko tsh

Nagbukas na ang elevator at lumabas na ako,habang hinahanap ko ang room ko ay may nakabangga akong babae at natapon yung juice na hawak niya sakin

"Ugh,Look at where your going bitch"Mataray niyang sabi sakin

"teka nga ikaw ang nakabunggo sakin tapos hindi ka pag nag so sorry,sinabihan mo pa akong bitch,e sating dalawa ikaw ang bitch tingnan mo nga ang sarili mo yung mukha mo sobra sobrang make up eh alam ko naman retoke lang yang mukha mo, at second of all yung suot mo hindi appropriate para sa isang school at third of all hindi moko maalala,pero dahil hindi moko maalala ako Lang naman yung babaeng bumali ng buto mo nung second year highschool tayo sa korea,am i right sofia?"pagmamalaki kong sabi sa kanya at naghiyawan yung mga tao sa paligid namin habang natulala lang si sofia akala mo hindi kita maalala eh ikaw yung nagnakaw ng halik sa kuya ko eh

Umalis na ako dun at pinagpatuloy na ang pag hahanap sa classroom ko,may narinig akong mga bulungan Habang nag lalakad ako

"Ang galing niya noh,siya lang ang nakapagasalita kay queen ng ganun"

"retoke lang naman pala siya eh"

"Ang astig nung transferee"

"Pero lagot siya kay King,nun"

tsh anong pakealam ko sa king at queen na yan

Nahanap ko na ang classroom ko at umupo sa dulo ng classroom,may naririnig pa rin akong bulungan pero hindi ko na lang yun pinansin,tumigil naman na sila ng dumating ang professor

"Students we have a new classmate today,please kindly introduce yourself in the front"tawag niya sakin

nag lakad na ako papunta sa harap

"Hi, I'm Roxy Avery Rush"yun lang at naglakad na ulit ako pabalik sa upuan ko nang may pumasok na estudyanteng babae

"Sorry I'm late sir"naghihingalong sabi nung babae

"As always ms.tranquil,seat down"at nag lakad nayung babae papunta sa katabi kong upuan,napatingin siya sakin at ngumiti

Nag simula ng mag discuss ang professor kaya nakinig na lang ako sa kanya mahilig ako makipagbugbugan pero mataas ang grades ko palagi

Natapos na ang klase kaya nagsitayuan ba sila,bigla namang lumapit sakin yung babaeng late kanina

"Hi, I'm Blair Cory tranquil,but you can call me blair or cory"at iniabot nita sakin ang kamay niya

"I'm Roxy Avery Rush,you can call me roxy"maikli kong sabi sa kanya

"ok roxy,tara sa canteen libre ko"nakangiti niyang sabi

"ok basta libre eh tara na"tumayo na ako at naglakad kasama siya,may mga nag bubulungan pa rin habang dumadaan kami pero hindi ko na lang yun pinansin

Sumakay na kami sa elevator at tahimik na nag intay,bumukas na ang elevator at nag simula na siya ng pag uusapan

"So,roxy may kapatid ka?"tanong niyan sakin habang nag lalakad kami

"Oo si Kuya Reil Avest Rush,pero Kuya reil na lang ang itawag mo sa kanya,eh ikaw?"tanong ko sa kanya

"Meron din akong kapatid pero asa junior high siya,gagraduate siya ng highschool this year,Ang pangalan niya ay Blake Cole Tranquil pero cole na lang itawag mo sa kanya"nakangiti niyang sabi

Nakarating na kami sa canteen

"maghanap ka na lang ng uupuan natin ako na lang oorder ano bang gusto mo?"tanong niya sakin

"Burger,fries,coke, at chocolate mousse cake heheh"sagot ko sa kanya

"Sige sige mag papatulong na lang ako sa mga staff para dalhin sa uupuan natin"pumila na siya at nag hanap na ako ng mauupuan ng makita ko si kuya na may kasamang mga lalaki at eto nanaman tayo

"Avery!!"sigaw ni kuya tsh nakakahiya talagang kuya toh

"Ano nanaman ba kuya?"at napatingin sakin ang mga estudyante chismosa

"Ano ka ba naman chinecheck Lang kita eh"

"I'm not doing anything wrong ok? now leave before i kick your balls"pagbabanta ko sa kanya

"Oo na little sister"at ginulo niya ang buhok ko oh may gad kuya

Nakakita na ako ng mauupuan namin kaya pumunta na ako dun para hindi kami maagawan

Lumipas ang tatlong minuto at nakita kong papunta na dito si Blair kasama ang mga staff na hawak yung order namin,mat kasama siyang lalaki

"Oy roxy,ito nga pala yung kapatid ko si Cole"pagpapakilala niya sa kapatid niya

"Hi roxy, i'm cole blair's brother"nakangiti niyang sabi at umupo na sila

"Andami mo namang kumain ate"sabi niya kay Blair

"wag mo nga akong pansinin kay roxy naman yung iba neto eh"at ibinigay niya na sakin yung mga order ko

"wow buti hindi kayo tumataba roxy"natatawa niyang sabi

"I have my trai- i mean pumupunta ako sa gym every saturday or sa bahay"nakangiti kong sabi sa kanya

"Wait roxy kuya mo yung tumawag sayo kanina?"tanong sakin ni blair

"Ah oo"sagot ko sa kanya

"Gwapo pala ang kuya mo"sabi ni blair habang kumakain

"type mo?"panunukso ko sa kanya

"Hindi ah,hindi ako interesado sa mga lalaki"

"parehas pala tayong walang interest sa lalaki"nakangiti kong sabi wait bat ko ba nirereto ang kuya ko eh may girlfriend na yun

"Hmm oo pero nag ka boyfriend ako once pero laro laro lang yun"sagot niya

napa ahh na lang ako at nag patuloy na sa pagkain

Natapos na kaming kumain at lumabas na kami ng canteen wala ng tao sa gymanasium nung napadaan kami dun, asa classroom na siguro ang mga estudyante

Habang naglalakad kami ay nakita kong papalapit samin si sofia kasama ang dalwa niyang kaibigang retokada din at yung tatlong lalaki

"You'll pay roxy after you humiliated me infront of everyone"nakangisi niyang sabi

"ows talaga ba?"matapang kong sabi sa kanya

"Yup,boys get her"at nag simula ng sumugod ang mga lalaki papunta sakin

"Blair,run now!"sigaw ko kay blair,tumango naman siya at tumakbo na kasama si cole

sinipa ko sa dibdib yung isang lalaki kaya napahampas yung likod niya sa pader nag crack na nga yung pader eh,susuntukin na sana ako nung lalaki sa gilid ko pero naunahan ko siya at siniko siya sa batok nahimatay ito

"Yun lang ba ant kaya mong gawin sofia?"nakangisi kong tanong sa kanya at unti unti na akong naglakad papunta sa kanila,nakita kong nanginginig ang mga tuhod nila habang papalapit ako sa kanila

bumulong ako isa isa sa kanila at tumumba sila pare pareho "I know your secrets and you wouldn't want me to expose it would you?"bulong ko sa kanila at naglakad na ako pabalik kung san tumakbo sina blair

Nakita kong nagtago sila sa. gilid ng pader

"Ang galing mo naman makipaglaban Roxy"sabi sakin ni blair

"Oo nga turuan mo naman kami"sabi naman sakin ni cole

"Sige ba,tara sa bahay mamaya"at nakita kong nagkinang ang mga mata nila

Nagpaalam na samin si cole at sinabing late na siya kaya tumakbo na din kami ni blair papuntang classroom

nakarating na kami sa classroom buti na lang wala daw yung professor namin ngaun dahil Nag uusap pa sila ng nga professors sa faculty

Umupo na lang kami ni blair sa upuan namin ng may dumating na lalaki sa classroom namin

"Where's Roxy Avery Rush?"seryosong tanong nung lalaki kaya agad agad na tumahimik ang mga kaklase ko at tinuro ako

"Welcome to serenity high,ms.rush let me introduce myself I'm Sage Carl Sai and I'm the king in this school" malamig na sabi nung mayabang na lalaki at ngumisi

To be Continued...