Chereads / Serena's Heart / Chapter 1 - Kabanata 1. Ang Panimula

Serena's Heart

šŸ‡µšŸ‡­Maiden_pinkish
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 17.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Kabanata 1. Ang Panimula

This is a work of fiction. Names, characters, places, and events are fictitious, unless, otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead or actual event is purely coincidental.

All rights reserve. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.

Plagiarism is a crime!!

*******

Disyembre 31, 1850

Muli'y isang maligayang araw na naman ito. Nais ko muling isulat ang isang liham na mag-bibigay sa akin ng masasayang alaala. Bagaman batid ko na ilang araw nalang ang ilalagi ko sa mundong ito, isang bagay lang ang hangad ko, na muli ipagdiwang ang aking kaarawan sa susunod na araw. Alam kong lahat ng lungkot at pangamba ko sa aking sarili ay lilipas rin. At sa pagka-kakataon na iyon, aking nanamnamin ang isang bagay na palagi kong itatanim sa aking isip, na mabuhay kasama ang aking pamilya habang ako ay humihinga pa.

Bumuntong-hininga ako sandali.

Ito na siguro ang mga sandaling araw na kailangan kong aliwin ang sarili sa mga bagay na hindi ko na kailanman mababalikan. Ngunit kung sakali, kapag dumating ang araw na muli pa akong mabigyan ng ilang araw na mabuhay sa mundong ito, ang nais ko ay maging espesyal ang mga araw na iyon sa akin. At akin ding susulitin ang mga pagkakataon na iyon na kailanman ay aking sasariwain.

- Serena Dela Cruz

Nang matapos ko nang maisulat ang liham ko na iyon, maingat ko na itong itinupi at aking nang inilagay sa maliit na na kahon. Pagkatapos ay akin namang isinara iyon at isinilid ko sa ilalim ng aking higaan.

"Senyorita, may nag-hahanap po sa inyo." napa-baling ang aking tingin kay ginang Luzviminda nang akin siyang matanaw na naka-tayo mula doon sa pintuan. At marahil ay, kara-rating pa lamang niya dito sa aking kuwarto.

Siya nga pala, si Luzviminda ay isa sa aking mga katulong. Matagal na siyang nagta-trabaho bilang personal kong katulong. Ngunit, itinuturing ko na siyang bilang isang aking kapatid. Dahil sa kanyang kabaitan sa akin at sa pagiging malapit namin sa isa't-isa.

"Sino po sila, ginang?" tanong ko sa kanya na may pakiwari.

"Si ginoong Buenaventura po, senyorita. Hinihintay niya po kayo sa labas ng bahay." binigyan ko siya ng ngiti sa aking labi nang i-wika niya iyon.

S-si Julio? Ngunit, ano ang kanyang ginagawa dito?

"Maraming salamat, ginang Luzviminda. Salamat sa iyong maagap na pagpapa-batid." nang akin namang sambitin iyon ay siya naman niyang pag-yukod sakin at saka siya lumisan.

Ihinanda ko muna ang aking sarili bago ako lumabas ng aking silid. Pagkatapos kong mag-ayos sa aking sarili ay siya ko namang ini-hakbang ang aking mga paa palabas nang aking kuwarto. Kasunod ay, saka ko binaybay ang daan patungo sa labas ng bahay.

"Senyorita Serena!" magiliw niyang pag-tawag sa aking pangalan nang matagpuan niya akong lumabas sa tarangkahan ng bahay. Natanaw ko naman siyang naka-tayo sa madilim na parte sa labas ng bahay.

Luminga-linga ako sa paligid, nagbabaka-sakali na baka may maka-kita sa amin na mga istriktong guwardiya sibil na nag-lilibot sa paligid tuwing gabi.

Nang akin namang napunang walang mga guwardiya sibil, ay akin naman siyang mabilis na hinawakan sa kanyang kamay. At kasunod ay, akin siyang hinila patungo sa loob, sa gilid ng bahay. Dahil batid ko na kapag nakita kami ng sinuman ay maaaring may gawin silang masama kay Julio.

"Ano't napa-rito ka pa ng gabi? Hindi ka ba natatakot sa mga guwardiya sibil?" balot ang aking sarili ng pangamba at kaba ng i-wika ko iyon. Patuloy ko siyang tina-tapunan nang aking tingin.

"Serena, nais ko lamang na maka-sama ka ngayong gabi. Nabalitaan ko kasi na ikaw ay titira na sa tahanan ng iyong lola Consolacion bukas. Serena, iiwan mo na ba ako?" inalis ko ang aking tingin sa kanya nang tumanaw ako sa malayo.

"Oo, Julio. At hindi ko alam kung makaka-balik pa ako.." mapanglaw na boses ang naging tugon sa kanya.

"Pero paano ako? Serena? Paano ang pag-iibigan nating dalawa?" nang aking marinig iyon sa kanya, sandali'y tumulo ang aking luha sa aking kaliwang pisngi. Pinunasan ko naman iyon at ibinalik ko ulit ang aking paningin sa kanya.

"Julio. Iniirog kita. Ngunit, sa palagay ko'y masasayang lang ang iyong pag-ibig sa akin lalo pa't may taning na rin ang aking buhay. Ayokong ikaw ay masaktan dahil sa pag-ibig mo sa akin. Batid ko, na may makikilala ka pa bukod sa akin. At mas maka-bubuti iyon sa iyo dahil alam kong hindi ka niya sasaktan. Hindi tulad sa atin.." sandali'y naramdaman ko ang kanyang mainit na palad na dumapo sa aking kamay. Ibinaling ko ang tingin ko doon nang hawakan niya iyon ng mahigpit.

"Serena, iniirog din kita. Gagawin ko ang lahat para sa iyo. Ayokong masayang ang pag-iibigan nating dalawa, dahil lang sa kalagayan at sa iyong sitwasyon.." inangat ko ang aking paningin sa kanya at akin siyang tinignan ng mabuti.

Alam kong ang mga bagay na ginagawa naming ito ay labag. Alam kong hindi maaaring mag-ibigan ang isang hamak na mahirap sa isang tulad ko na marangya ang buhay. Gayunman, hindi ko pa rin maalis sa aking puso ang pag-mamahal ko kay Julio. Bagaman, alam ko na kapag nalaman ito ng naka-kataas ay maaaring parusahan si Julio sa bagay na ito. At batid ko na maaaring mabahiran rin ng dungis ang aking pamilya.

Ngunit, gayunman ay batid na rin naman ng aking mga magulang ang tungkol sa amin ni Julio, at hindi sila salungat sa pag-iibigan naming dalawa. Bagkus ay, sinusuportahan nila ako sa aking mga nais at masaya sila sa mga bagay na gusto ko.

"Serena, nais kong marinig ang iyong tugon sa aking mga sinabi sa iyo.."

"Julio.." huminga ako ng malalim. Saka ako nag-bigay ng aking tugon.

"Mahal kita. Ngunit.." naudlot ang aking sasabihin nang siya'y biglang nagsalita.

"Serena. Kung talagang mahal mo ako, hindi mo ako iiwan.." natanaw ko mula sa kanyang mga mata ang lungkot at sakit mula sa aking mga sinambit.

"Ngunit, Julio.."

"Serena, mag-tanan na tayo.." isang katahimikan ang bumalot sa aming paligid matapos niyang bitiwan ang mga salitang iyon. Pakiwari ko'y parang naudlot ang aking dila at hindi ko nagawang mai-galaw ang aking katawan mula sa aking kinatatayuan.

"Julio.." tanging lumabas sa aking bibig.

Oo. Bukas na ang aking kaarawan, ngunit hindi ko na ngayon maunawaan ang aking sarili kung sasang-ayon ako sa nais niya.

Ngunit naisip ko na mahal ko rin siya, at mahal namin ang isa't-isa. At akin rin nabatid na iyon lang rin ang paraan na sa aking palagay ay tutulong sa aming pagma-mahalan.

Nguni't, naisip ko rin na bilang na ang mga araw ko. At isang bagay na pumasok sa aking isipan, na kung sakaling sang-ayunan ko siya sa bagay na iyon, hindi mag-luluwat at masasaktan ko lang siya. Dahil darating ang araw na ang buhay ko sa mundong ito ay mawawala na. Lalo pa't bukas na bukas ay, tutungo na ako sa tahanan ng akong lola upang doon na titira.