Chereads / When The Heartthrob Fall In Love / Chapter 1 - Chapter 1

When The Heartthrob Fall In Love

Amla_Gwapa
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 8.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

Crush

"Ace, bilisan mo na dyan!" Tawag saakin ni mama. Walang kagana-ganang naglakad ako pababa. Pupunta kasi kami ngayon sa syudad kung saan ako mag-eenrol para ngayong pasukan.

Naabutan ko si mama at ang nakakatanda kong kapatid na naghihintay saakin sa baba. Ngumiti si mama saakin, samantalang irap naman ang sinalubong saakin ni Cherry, ang kapatid ko.

Matanda saakin ng dalawang taon si Cherry pero kailanman ay hindi ko naaalalang tinawag ko siyang ate. Siguro dahil simula bata pa, hindi na kami magkasundo.

Matalino si Cherry kumpara saakin, nagmana siya sa mga magulang namin. Third year college na siya ngayong pasukan sa kursong Accountancy, nag-aaral sa isang eklusibong paaralan doon sa Cebu City. Scholar siya kaya kahit peso walang nabayaran ang mga magulang namin.

Gusto ni mama at papa na doon din ako mag-eenrol sa San Martin University kung saan nag-aaral si Cherry. Umayaw ako noong una dahil masyadong mahal doon pero wala rin akong nagawa kalaunan lalo pa't desidido talaga sila mama at papa, para daw may magbabantay saakin habang nasa malayo sila. Kaya lang, nasasayangan talaga ako sa pera, pwede naman na dito nalang ako saamin magpa-enrol o di kayay sa Cebu College University, isang public school na malapit lang sa paaralan ni Cherry. Mababa lang rin ang tuition fee, hindi katulad sa SMU na nakakalula sa sobrang mahal ng tuition fee. Depende pa iyan sa kursong kukunin mo. Tapos nasa sentro pa iyon ng Cebu, babyahe pa kami ng ilang oras para makarating doon kaya kailangan din akong ipasok nila mama sa dormitoryo para may matirhan ako habang nag-aaral. Dagdag bayarin pa iyon sa mga magulang ko.

Sa dorm din namalagi si Cherry nang tumuntong siya ng college kaya madalang ko lang siyang nakita sa dalawang taon na lumipas.

Wala naman talaga akong balak na magpatuloy sa pag-aaral. Ang gusto ko lang ay maging isang professional gamer, ibuhos ang panahon sa paglalaro ng online games. Feeling ko kasi nandoon ang potensyal ko, pero hindi ako pinayagan ni mama at papa. Gusto pa nga nila na Education ang kunin ko na kurso para naman daw may sumunod sa yapak nila. Pareho kasi silang dalawa na guro sa isang pampublikong paaralan ng highschool dito sa probinsya namin. Ako lang ang umayaw dahil alam ko kung hanggang saan lang ang kakayahan ko, mabuti at hindi naman nila ako pinilit.

Final na ang desisyon ko na BSHRM ang kukunin na kurso. Rinig ko na hindi naman daw mahirap ang kursong iyon kaya kampante akong makakagraduate ng walang kahirap-hirap.

Medyo na inis pa saakin si Cherry nang malaman niyang iyon ang kukunin ko. Gusto sana niyang Business Ad ang kunin ko para hindi naman daw siya mapahiya sa mga kaklase niya, kaso, hindi naman ako kagalingan sa math kaya bakit ko ipipilit? At kung makapanglook-down siya ng kurso akala mo talaga kung sinong tao.

Bitbit ang oversize bag na naglalaman ng mga gamit ko ay sumunod ako kila mama palabas ng bahay. Naghihintay na si papa sa loob ng luma niyang sasakyan na 20 years na niyang ginagamit.

Lumabas si papa at inalayan kami ni Cherry sa paglalagay ng mga gamit namin sa trunk.

Si mama ang naupo sa front seat samantalang kami namang dalawa ni Cherry ang nasa likuran. Dahil sira na ang aircon ng sasakyan ni papa kaya ramdam ko na agad ang init nang magsimula na kami sa pagbyahe.

"Nadala mo bang lahat ang mga importanting papeles nakakailanganin mo, Ace?" Tanong ni papa sa kalagitnaan ng byahe.

"Opo pa," sagot ko. Nagsimula na silang dalawa ni mama sa pagbibigay ng mga paalala saamin ni Cherry. Mukhang hindi naman nakikinig ang magaling kong kapatid dahil halos nasa cellphone na hawak ang buong atensyon.

Napailing ako at napatingin sa napakaboring ko na phone. Wala man lang kahit anong apps doon na interesante. Nangangati na tuloy akong mahawakan ang laptop ko para makapaglaro ng Eagle Eye, isang online game, kung saan may mga tasks na kailangan mong kompletohin. Isang taon lang ang lumipas mula nang ilabas ito sa publiko pero marami agad ang nahumaling sa laro lalo pa't parang mas pinagandang bersyon ito ng Babyrun, Run at Cabal. Last month palang nang magsimula akong maglaro ng Eagle Eye kaya medyo kinakabisado ko pa rin hanggang ngayon ang pasikot-sikot ng laro.

Hapon na nang makarating kami sa SMU, sinamahan ako ni mama at Cherry sa loob ng paaralan. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa laki at lawak ng paligid. Habang papunta sa enrollement area, nadaanan namin ang isang napakalaking field. Sa sobrang laki, pwede ng mag-organisa ng isang malaking konserto doon.

Wala talaga akong ideya na may ganito pala kalaking paaralan dito sa Cebu. Iniisip ko noon na sa mga english movies or kdrama ko lang makikita ang ganito kaeleganteng unibersidad. Even the parking lot where my papa parked his old car screams luxury, kaya pala umayaw si Cherry na doon pa magpark si papa kanina. Malapalasyo rin sa laki ang bawat building na nadadaanan namin. Kahit nasa malayo, kita parin mula dito ang ganda ng istraktura ng bawat isa sa mga ito.

Naitawag na ni mama sa paaralan last week ang pag-eenrol ko ngayon, dahilan kaya mabilis lang naiproseso ang enrollment ko. Pagkatapos makuha ang study load at school ID ay sinamahan din ako nila mama at Cherry sa pagpunta sa dormitory.

The school dormitory is also big, tall and spacious. Malinis at wala kang makikita na kahit anong kalat. Dito rin nag dodorm si Cherry kaya hindi ko na siya nakitaan ng pagkamangha pagkapasok namin. Nasa fifth floor siya, while nasa 2nd floor naman ang magiging room ko. May tatlo daw akong makakasama sa room na katulad ko, mga freshmen din. Medyo hindi ako komportable sa ideya na may makakasamang hindi ko kilala, pero hindi ko nalang isinatinig pa.

Umalis rin kami agad pagkatapos iabot saakin ni Mrs. Cruz ang susi at handbook na naglalaman ng mga pwedeng gawin sa loob ng dorm at mga bawal. Binalikan namin si Daddy sa parking lot at kumain kami ng dinner sa malapit na restuarant.

"Kapag may problema, tumawag agad kaayo saamin ng mama mo. Okay?" Bilin ni papa habang kumakain kami. "Ikaw Cherry, bantayan at alagaan mo itong kapatid mo."

"Okay pa." Napipilitang sagot ng kapatid ko kay papa. Pero alam ko naman na hindi niya gagawin 'yon. Wala kasi kaming pake sa isa't-isa.

"Ikaw naman Ace, tigil tigilan mo muna 'yang kalalaro sa laptop mo. Alalahanin mong college kana." Pangaral ni mama saakin na agad naman na sinang-ayunan ni papa.

"Kailangan mong mag-aral ng mabuti anak, para sa kinabukasan mo."  Seryosong wika ni papa habang mataman na nakatingin saakin.

"Hindi naman mahirap ang kurso niya, pa." singit ni Cherry. Nagmamagaling na naman.

Sinamaan ko siya ng tingin. Simula ng ipinaalam ko sakanila na BSHRM ang kukunin ko, wala nalang siyang ibang ginawa kundi ipamukha saakin na pambobo ang kursong iyon.

"Tigilan mo na yan Cherry, hindi magandang nagsasalita ka ng ganyan."

Sinimangutan lang niya si mama. Atittude talaga ang babaeng ito kahit kailan, hindi na nagbago.

Pagkatapos kumain, bumalik na kami sa dorm. Next week pa magsisimula ang klase, pero gusto na ng mga magulang namin na dito na kami mag-sstay ni Cherry so I can get to know my roommates, at para narin hindi na kami babyahe ulit.

Magpapalipas lang ng gabi sa isang malapit na hotel sila mama, tapos babyahe na rin sila pabalik sa probinsya namin sa Santander, na matatagpuan sa pinakadulong bahagi ng southern Cebu.

Dahil hindi naman kalakihan ang oversize bag na dinala ko at konti lang rin ang mga damit at gamit na nakalagay dito, kaya hindi na ako tinulungan nila mama sa pagbubuhat. Pagkatapos maihatid sa baba ay umalis narin sila agad. Sabay kaming pumasok ni Cherry sa loob.

"Ikaw ha, siguraduhin mong wala kang gagawin na ikakahiya ko. Lagot ka talaga saakin." Banta saakin ni Cherry pagkasakay namin sa elevator.

Tinawanan ko lang siya, nakita ko kung paano nalukot ang mukha niya. Mas lalo ko lang tuloy gustong inisin siya.

"Bye, hiling ko nasa ay hindi natin makita ang isa't isa dito." Sabi ko sakanya nang tumuntong na sa 2nd floor. Tinaasan lang niya ako ng kilay bilang tugon. Hindi man lang siya bumaba para samahan ako sa room ko. Tumalikod nalang ako at nagsimula ng maglakad.

"Room 219D," mahinang sambit ko habang tumitingin sa bawat pinto na nadadaanan.

Napatigil ako sa panglimang kwarto. Bumuntong hininga bago kumatok sa nakasiradong pinto. Hindi naman dapat pero hindi ko mapigilan ang sariling kabahan, bago saakin ang lahat, ngayon lang nagsisink-in saakin na nasa isang hindi pamilyar na lugar ako.

Bumakas ang pinto at sumalubong saakin ang isang hindi kataasan na babae. Magulo ang maikli niyang buhok. She look so cute and somehow kind.

Nanlalaki ang mata na tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, saka siya bumaling sakanyang likuran.

"Guys, dali! Nandito na siya!" Excited niyang tawag sa dalawa pang babae na nasa loob. Hinarap niya ulit ako na may magaan na ngiti. "Hi, I'm Glaiza Colon." Pakilala niya. Hinawakan niya ako sa balikat at iginiya papasok sa loob.

"Oh my G! Ang ganda mo naman!" Animated na humarap saakin ang isa pang babae na may kulot na buhok. Medyo chubby din siya.

Alanganin akong ngumiti dahil sa sinabi niya. Ayaw ko lang kasi na pinapansin ang pisikal ko na anyo, palagi ko kasing naaalala ang sinabi ni Cherry saakin noon na tanging mukha ko lang daw ang maipagmamalaki ko. Hindi daw ako kagaya niya, maganda na, matalino pa.

Nagpakilala ang dalawa saakin, si Jerlie Tarona, siya iyong may kulot na buhok at medyo chubby at si Joysemarie Ubaldo, siya naman ang may pinakamaputing balat saamin.

"Ako naman si Ace Torres," Pakilala ko sakanila.

Jerlie and Joysemarie are also taking up BSHRM. At kaklase ko pa silang dalawa sa halos lahat ng mga subjects ko. While Glaiza is taking up Civil Engineering. Pero sabi niya, hindi naman daw iyon ang gusto niyang kurso. Napilitan lang daw siya dahil iyon ang gusto ng mga magulang niya.

Madali ko lang nakapalagayan ng loob ang tatlo kaya kinabukasan ay sumama agad ako sakanila na mamili ng mga kakailanganin na gamit at mga bagong damit narin lalo pa't sa susunod pa na linggo ibibigay saamin ang aming school uniforms. Wala pa naman akong magandang damit na maisusuot sa unang araw ng pasukan.

"Ito Ace, bagay to sayo!"excited na ipakita saakin ni Jerlie ang isang pulang dress na medyo hapit sa katawan.

"Parang hindi naman," sagot ko. May iilan pa silang ipinakita saakin na mga blouses at skirts.

Bumili ako ng ilang pirasong high waist skirts na kita ang kalahati kong hita at dalawang pares ng pantalon. Pagkatapos namin na makabili ng mga bagong damit, bumili din kami ng school shoes at bags. Mabuti nalang talaga at ibinigay saakin ni papa ang ATM niya kahapon kaya may nagagamit ako ngayon.

Pagkauwi, sabay naming inayos at inilagay ang mga bagong biniling gamit sa kanya-kanyang cabinets. Nang matapos ay agad kong hinarap ang aking laptop. Naupo ako sa study table na nakalagay sa gitna ng aming kwarto.

Hindi ako nakalaro kahapon dahil maaga akong nakatulog sa sobrang pagod kaya naman plano ko ngayon na maglaro hanggang bukas. Nakakain naman na kami kanina bago kami bumalik dito sa dorm kaya hindi na ako sumama kina Glaiza na kumain ng dinner.

Nag-eenjoy na ako sa paglalaro ng Eagle Eye nang bumalik sila Glaiza. Mukhang napansin nila na nasa laro na nakafocus ang buong atensyon ko kaya hindi na nila ako isinali sa pinag-uusapan nila.

Dahil hindi pa ako makakasali sa malalakas na Guilds kaya nakontento nalang ako sa isang kabubuo palang na Guild. Kagaya ko, pawang baguhan din ang halos membro dito maliban sa Guild Master at iilang admins.

Nakilahok ako sa Guild party para sa isang mission. Malaki ang rewards na makukuha sa mananalo na Guild. Medyo mahirap dahil pati mga naglalakihang Guilds dito sa server na kinabibilangan ko ay nakilahok rin. Wala na talaga kaming pag-asa na manalo pero atleast may makukuha naman kami na additional points para makapaglevel up ng rank.

GM SpeedUp: Sinong representative natin para sa one on one match?

LikeAbaby: Si AceCard nalang since siya ang may pinakamataas na Kill points sa mga newbies.

iAmAGamer: oo tama, ikaw nalang AceCard

Me: g, ako na bahala GM.

Tama sila, sa mga kalevel ko, ako may pinakamataas na K points, ibig sabihin, mas mataas ang kills rate ko sa bawat misyon at hunts, solo man o may kaparty-ng ibang players.

Dito sa one on one match, makakalaban ko ang mga representative din ng ibang Guilds. If mananalo ako, dagdag points iyon para sa Guild na kinabibilangan ko para tumaas pa ang rank nito.

The Guild ranking system is from 50 to 1. Rank 50 is the lowest, while rank 1 is the highest Guild rank. As of now, wala pang Guild na nagrarank ng number 1 sa server na ito at maging sa ibang servers. But the Guild who's currently in the highest rank is the TeamPhilippines. They are now at Rank 15. So far, wala pangnakakahabol sakanila. While the player's individual ranking starts from 100 to 1. At balita ko, may isang player na ang nakaabot na sa rank 1. Yes, that's how amazing that player is. I forgot his username tho.

Pagkatapos makapagregister, ang unang makakalaban ko ay galing sa MMMighty Guild. Mas mataas ang rank ng guild nila kumpara saamin. Our Guild's rank is 44, while MMMighty is already in rank 48. Pero yung representative nila ay medyo mataas lang ng kaonti saakin ng level at K points.

Nang magsimula na ang match, napansin ko na maraming nanonood na mga players galing sa iba't ibang Guilds. Napangiti ako, pakikitaan ko sila ng isang nakakamanghang laban.

Kakasimula palang pero ginamitan na agad ako ng skills ni MiSsAliyaxx. Mabilis kong kinalaw ang mouse para makailag. Inulit niya ng inulit pero hindi parin niya ako natatamaan. Habang umiilag, naisip ko na kung papaano ko siya tatalunin.

Swabe kung pinatakbo ang character ko sa gilid at sinabay ko ang paggamit ng stun skill ko sa tira niya kaya hindi iyon nakita. Nagulat siya sa ginawa ko kaya hindi niya iyon napaghandaan. Ginamit ko ang ikapito ko na skill at sinunod ang pangatlo para maicombo ko. Mabilis pa sa alas kwatro na naubos ang life niya.

Nang maglaho si MiSsAliyaxx ay agad akong itinanghal na panalo. Ang ikalawa hanggang sa ikaapat na match ay pareho kong naipanalo.

KanSerAko: Wow, galing mo naman AceCard.

Mr.Pogi: Grabi, idol na kita AceCard

Binati ako ng mga kaguildmates ko sa pagkakapanalo ko. I still have one match left, pero sa pagkakataon na ito ay medyo maliit na ang tsansa na maipanalo ko ang laro dahil magaling na player ang makakalaban ko.

QuitPlaYing K points are 3 times much higher than mine. Atsaka membro rin siya sa TeamPhilippines na syang pinakamalakas na Guild sa Eagle Eye. My guildmates are all excited for my last match. They are all wishing to see DonDonato, the guildmaster of the TeamPhilippines, at ang nag-iisang top player sa Eagle Eye. Siya lang naman ang nag-iisang player nakaabot sa rank 1.

I've heard from our GM that DonDonato's armors and equipments are top notch, it were all created using the rarest gems. Hindi na bibili sa Eagle Eye market ang mga iyon, as he was the one who personally cultivated and designed it. Mas lalo ko tuloy siyang gustong makita dito sa Eagle Eye. I also wanted to make my own gears. Baka matulungan niya ako.

Gaya ng inaasahan ko, natalo ako sa huling match. Pero hindi naman ako nalungkot dahil may natutunan naman akong mga bagong moves at techniques. Nakakalungkot lang dahil walang DonDonato na nagpakita kanina. Sabi nila, mailap raw talaga siya. Kahit si GM na mag-iisang taon narin na naglalaro ng Eagle Eye ay hindi pa nakakasalamuha si DonDonato.

Alas tres na nang umaga ako nakatulog kaya naman tinanghali na ako ng gising. Sinubukan akong gisingin ni Glaiza kanina para makakain ng breakfast kaya lang hindi ko talaga napigilan ang mga mata ko napumikit at matulog ulit kaya ito kumukulo na ang tiyan ko sa gutom.

"Hintay lang tayo saglit, parating na iyong pagkain na in-order ko." Sabi saakin ni Joyse. Nag-order na pala siya ng pagkain namin para sa tanghalian, libre daw niya saamin.

"Salamat Joyse, gutom na gutom na talaga ako." Napahawak ako saaking tiyan dahil medyo sumasakit na iyon.

"No worries, pero ba't ba kasi ang tagal mong natulog kagabi. Hindi ka tuloy nakapagbreakfast kasama namin, baka mamaya nyan magkasakit ka pa." Nahimigan ko ang concern sa boses niya sa huling sinabi.

Lihim akong napangiti. Kahit na noong isang araw ko lang silang nameet pero ramdam ko na agad ang pagpapahalaga at pag-aalala nila saakin.

"Kainin mo muna ito habang hinihintay natin ang inorder ni Joyse para hindi na sumakit 'yang tiyan mo." Inabot saakin ni Jerlie ang dalawang skyflakes. Nakangiting tinanggap ko iyon at nagpasalamat sakanya.

Wala si Glaiza dito ngayon sa room namin, sabi nila Joyse ay lumabas daw at hindi pa bumabalik.

Paubos na ang skyflakes na kinakain ko nang biglang bumukas ang pinto at niluwa si Glaiza na may malaking ngiti sa mga labi. Para siyang pinipilipit sa kilig habang papalapit saamin.

"Anong meron at ganyan yang mukha mo?" Natatawang tanong ni Jerlie kay Glaiza. Tumawa ang huli at umupo sa harapan namin.

"May nakachika akong HRM student doon sa baba, ahead saatin ng isang taon, tinanong ko siya kung sinong pinakagwapo sa campus, tapos may ipinakita siyang larawan saakin, grabi sis ang gwapo. As in, hindi ako nagbibiro. Napakagwapo talaga!" Animated niyang pagkukwento saamin.

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Akala ko pa naman kung ano na. Kaya pala parang kinikilig siya kanina pa. Pero napukaw no'n ang interest ko, hindi pa kasi ako nagkakaroon ng crush dahil sa isang All-Girls school ako ng elementarya at highschool. Kaya baka ngayong college na ako magkakaroon. Open naman ako sa posibilidad na baka may magustuhan ako habang nag-aaral dito.

"Anong pangalan niya at anong course?" Interesadong tanong agad ni Jerlie kay Glaiza.

Napakamot sa ulo si Glaiza at napasimangot.

"Kainis, nakalimutan kong itanong kung ano ang pangalan niya." Sandaling nalukot ang mukha niya pero agad din na lumiwanag. "Pero naalala ko na sinabi ni Rose saakin na Civil Engineering daw ang kurso niya at third year college na siya ngayong pasukan."

Napasinghap si Joyse sa tabi ko. "Kilala ko 'yan! Si Donny Mercadejas, siya 'yong palaging sinasabi ng pinsan ko na crush na crush daw niya na taga engineering!" Hype na hype niyang wika. Mukhang nakasinghot ng katol dahil agad na nag bago ang mood.

Nasabi na saamin ni Joyse kahapon na may pinsan siya na dito rin nag-aaral at education ang kursong kinukuha. Graduating student daw sa taon na ito.

Mas lalo tuloy akong na curious sa lalaking pinag-uusapan namin ngayon. Kasi kung ultimate heartthrob siya ng buong school, ibig sabihin kakaiba talaga siya sa lahat. Iyong tipong, complete package na. Gwapo, mayaman, responsible, mabait at may respeto. Pero hindi rin malabong baka badboy siya o bully, iyan kasi ang kadalasang nababasa ko sa mga stories, pag sinabing heartthrob, badboy at bully agad.

Hindi ko pa siya kilala, kaya hindi ko pa masasabing baka siya na ang magiging kauna-unahan ko na crush.

Pagkatapos makakain ng tanghalian, pinag-usapan ulit namin si Donny Mercadejas.

"Tanong mo pinsan mo Joyse kung anong Fb or IG account ni Donny para mastalk natin ngayon," mungkahi ni Jerlie kay Joyse.

"Sige, wait lang." Nagtipa siya sa cellphone niya para ichat ang pinsan.

Matagal bago nagreply ang pinsan ni Joyse kaya naghintay muna kami.

"Nagreply na,"

"Search mo, dali." Excited kong sabi sakanya. Kami palang kasi ni Jerlie ang hindi pa siya nakita kahit sa picture man lang, samantalang si Glaiza at Joyse ay may ideya na sa mukha ng pinag-uusapan namin ngayon.

Fb account lang ang mayroon siya kaya nagkasya nalang kami doon. Medyo nanlumo nang makitang nakaprivate yon dahilan para wala kaming makita maliban sa profile picture niya at sa cover photo.

Pinindot ni Joyse ang profile picture ni Donny. Pareho kaming napangangang apat nang tumanbad sa'min ang malapad niyang likuran. Nasa beach kasi siya, nakatalikod at nakagilid ang mukha. Mas lalong na dedepina ang tangos ng kanyang ilong at ang linya ng kanyang panga. Kahit may suot na shade ay masasabi kong magaganda ang kanyang mga mata. Ang magulo niyang buhok ay syang lalong nagpapadagdag sa nag-uumapaw niyang karisma. Walang bahid na ngiti ang kanyang labi.

Nakaboardshort siya na kulay asul, wala siyang damit na pang-itaas kaya kitang kita sa larawan ang sumusulbong niyang muscles sa dalawang braso. He looked so sinfully hot. Kahit nakasideview lang, pero hindi maipagkakaila no'n ang katotoohanan na sobrang gwapo niya.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang ilarawan siya saaking isipan. Hindi ako malarawan na tao dahil hindi ako artistic at walang kaart-art ang katawan ko. Pero habang pinagmamasdan ko ang larawan niya, feeling ko kaya ko siyang iguhit ng walang pagkakamali kahit nakapikit pa.

Kinalma ko ang sarili, lalo na ang tibok ng puso dahil bigla nalang bumilis nang makita ko ang larawan ni Donny.

"Grabi ang gwapo niya," tila wala sa sariling sambit ni Glaiza habang nakatulala parin sa picture ni Donny. Kulang na nga lang tumulo ang laway niya sa paghanga.

Hindi ko tuloy maiwasang damhin ang bibig ko, baka kasi may laway na din na tumulo doon. Buti nalang talaga at wala naman.

"Confirmed mga sis, crush ko na siya. Siya na ang pinakaultimate crush ko!" Kinikilig na deklara ni Jerlie saamin. Senigundahan naman iyon nina Glaiza at Joyse, samantalang ako, nanatiling tahimik at hindi na ipinahayag ang paghanga ko para sa binata. Pero alam ko sa sarili ko na katulad nila, gusto ko narin siya. He's my first crush and I'm happy about it.

Buong araw namin na pinag-usapan si Donny Mercadejas. Kaya naman lahat kami excited nang dumating na ang unang araw ng pasukan.

Nagsuot ako ng isang plain white tshirt na pinaresan ko ng isang maong tattered pants at isang puting rubber shoes. Pinusod ko ang medyo may kahabaan na buhok. Tinukso pa nila ako, dahil sobrang bagay daw saakin ang suot ko.

"Doon tayo maglalunch sa canteen na malapit sa building nyo glai, baka mamaya, makita natin si Donny doon," ani ni Joyse kay Glaiza habang naglalakad kami papasok sa main entrance papunta sa kung saan nakahilera ang mga naglalakihan na building ng bawat departments. Magkakalayo iyon at hindi makakadikit.

"Sige ba," game na sang-ayon agad ni Glaiza. "If makita ko siya doon, text ko kaayo agad."

"Picturan mo if makita mo mamaya, tapos send mo saamin, para may inspirasyon naman kami sa araw na ito," tumatawang wika ni Jerlie.

"If makita mo siya doon, sabihin mo agad tas pupuntahan ka namin para makita din namin siya," susgestion ko. Excited na kasi talaga akong makita siya. Hindi ako kontento sa mga pictures lang.

Pagkatapos mag-usap usap sa plano namin mamaya ay umalis narin si Glaiza papunta sa building nila. Sabay naman kaming tatlo ni Jerlie para pumunta sa HRM building. Habang naglalakad, pansin ko na halos lahat ay napapatingin saakin. Hindi ko tuloy maiwasang mailang, wala kasi akong ideya kung bakit ganon nalang kung titigan nila ako.

Hindi nagpakita ang prof namin sa unang subject. Kaya nagkaroon kami ng oras para makipagkaibigan sa magiging kaklase namin.

Dahil nakaupo kami kanina sa likuran, napansin ko kung paano halos mabali na ang leeg ng mga kaklase sa kakalingon saakin. Wala talaga akong ideya kung bakit mukhang kuryoso sila saakin.

Ang sumunod namin na klase ay ganon padin, wala paring prof na nagpakita. Since kilala na namin ang iba sa first subject, kaya yung mga bagong mukha nalang ang nakikipagkilala.

Ang bawat kaklaseng lalaki na nakipagkilala saakin ay halos hindi makatingin sa mukha ko, pero sa tuwing bumabalik naman sa upoan nila ay patingin tingin naman saakin.

Nang hindi ko na matagalan ang mga tingin nila kaya napatanong na ako sa dalawa kong kaibigan. Baka mamaya, may dumi pala ang mukha ko.

"Bakit pakiramdam ko, napapatingin sila saakin. May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko kay Jerlie at Joyse.

Nagkatingin silang dalawa at nagtawanan.

"Seryoso ka ba talaga Ace na hindi mo alam kung bakit?" Natatawang tanong saakin ni Joyse.

Umiling ako, kasi iyon naman ang totoo.

Napakamot sa ulo si Jerlie.

"Ang ganda mo kasi, kaya lahat sila napapatingin sayo Ace. Feeling ko nga ikaw ang pinakamagandang freshman sa department natin."

Napanganga ako dahil doon. Seryoso? Hindi tuloy ako makapaniwala. Ang alam ko, maganda ako, pero hindi ganon kataas ang level ng ganda ko para ganon nalang sila makatingin saakin.

Nagtext sa'min si Glaiza na puntahan daw namin siya dahil may ipapakita daw siya saamin. Kaya naman umalis na kami at nagtungo sa building nila. Medyo malayo ang building nila saamin kaya halos mapaltos na ang mga paa namin sa kakalakad.

Naghintay na siya saamin sa labas ng building nila kaya agad namin siyang nakita.

"Ano sis? Nakita mo ba siya?" Hindi na maitago ang galak at tuwa sa boses ni Jerlie.

Nakangiting umiling si Glaiza. "Hindi pa, pero may nakita akong malaking poster niya doon sa lobby, kita ang buong mukha niya, baka gusto niyo lang makita,"

"Tara na kung ganon," nauna pang naglakad si Joyse saamin. Hindi rin halatang exicted ang isang ito.

Pagkarating, hindi na kami nakalapit dahil pinalilibutan na iyon ng mga estudyante. Mabuti nalang dahil malinaw parin naman hanggang dito sa kinatatayuan namin ang malaking poster niya na nakadisplay sa lobby ng engineering building.

Napatulala na naman ako habang pinagmamasdan ang mukha niya lalo pa't wala ng nakaharang sa mga mata niya at hindi na siya naka sideview. His eyes are deep and full of mystery. At tama ako ng hinala, maganda nga ang mga mata niya. And his plump lips is in full view now. Hindi ko napansin iyon sa pp niya sa fb dahil nakatagilid siya, pero ngayon, kitang-kita ko na ang buong buo niyang labi na kaiinggitan sakanya. Nakangiti siya, kaya nakalabas ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. Pagkakamalan mo siyang modelo ng colgate dahil sa pagkaperpekto ng kanyang mga ngipin.

Nakasuot siya ng kanyang jersey, kitang kita ang puting tshirt na nakapaloob. May hawak siyang trophy na may nakalagay na "MVP" na sadyang mas pinalaki kaysa sa ibang titik dahilan para iyon lang ang mabasa ko ng malinaw.

Nakaindicate sa pinakababa na siya ang nagMVP sa nakaraan na season ng college basketball tournament. Being awarded as the MVP, then he must be something. Na hindi lang mukha niya ang maipagmamalaki niya pati narin ang achievements at kagalingan niya sa basketball.

"Kailan kaya natin siya makikita sa personal? Hindi na talaga ako makapaghintay," emosyonal na sambit ni Glaiza sa gilid.

Kumpara saamin, mas malaki ang chance ni Glaiza na makita ang binata palagi dahil pareho sila ng kurso. Samantalang kami hindi at malayo rin ang building namin dito. Medyo nalungkot ako dahil doon, nainggit tuloy ako kay Cherry. Kung sana magaling din ako sa math na kagaya niya, baka engineering din ang kinuha ko. Sayang talaga.

Sa sumunod na araw, hindi parin namin nakita si Donny sa campus. Nalungkot kami dahil doon, siya na kasi ang ginawa naming inspirasyon sa pag-aaral. Nakontento nalang kami sa patingin tingin sa mga larawan niya na pawang mga stolen shots na galing sa pinsan ni Joyse na sinend saamin.

Pagkatapos ng klase, binubuhos ko nalang ang oras ko sa kakalaro ng Eagle Eye. Patuloy sa pagtaas ang rank ko kaya mas lalo akong ginanahan maglaro. May na kolekta rin ako na isang rare gem, nakuha ko sa isang misyon kung saan kailangan kong patayin ang isang napakalaking ogre.

Balak ko na mangolekta ng mas marami pa, tapos pag nakita ko si DonDonato, magpapatulong ako sakanya kung papaano makakabuo ng sarili kong armors at equipments.

May canteen naman na malapit dito sa HRM pero sa canteen talaga na malapit sa engineering building kami kumakain ng tanghalian, dinadayo pa talaga namin kahit medyo malayo iyon sa HRM building  dahil nagbabakasakali kami na baka makita namin doon ang binata pero hindi talaga namin siya matempyuhan.

May nakaaway pa nga kami na taga Business Ad, si Judy Pathong at ang mga alipores niya, sa tuwing kumakain kasi kami doon sa canteen na malapit sa engineering, palagi nila kaming pinaparinggan. Dumadayo pa talaga daw kami doon para lang daw maghanap ng matatalinong lalaki na mabibingwit, dahil wala dawng ganon sa HRM. Kung makapagsalita sila, para bang kilalang kilala na nila kami. At si Judy talaga ang pasimuno sa panglolook down sa kurso namin. She even tagged us as "no brainer". Ang sarap na nga niyang patulan minsan, pero iniisip ko nalang na hindi siya dapat na magtuonan ng pansin. Pero may mga araw din na umaalma sina Jerlie at Joyse sa pang-aalipusta niya saamin.

Sabi nila, insekyor lang daw siya saakin dahil kami kasi ang palaging ikinukumpara sa mga freshmen. Tas palagi siya ang nanalo sa academic aspect, while ako naman sa physical aspect. Mas marami kasing nagagandahan saakin kaya ganon. Pero hindi ko naman gusto yun, hindi ko gusto na ikinumkumpara ako kahit kanino dahil mas lalo lang kasi na napupunto doon na mukha lang talaga ang maipagmamalaki ko. At isa pa, doon din nagsimula ang lahat. Mula nang maface-off kaming dalawa sa page ng SMU sa fb, doon narin siya nagsimulang lait-laitin kaming magkakaibigan at ang kursong kinukuha namin. Kahit naiinis, pinilit ko nalang habaan ang pasensya ko dahil baka maexpel pa ako sa SMU, dahil panigurado, masisira ko talaga ang mukha niya pag ako ang napuno sakanya. Hindi pa naman ako mabait.

Halos dalawang buwan na ang lumipas mula nang masimula ang klase pero ni anino ni Donny Mercadejas ay hindi namin nakita sa campus. Nilibot na namin ang buong school pero wala talaga.

Pareho kaming dismayo lahat pati narin ang mga taga ibang departments, hindi na kasi nagpapakita sa lahat ang ultimate heartthrob ng buong SMU. Kawawa kaming mga freshmen dahil hindi pa talaga namin siya nakikita sa personal unlike sa mga nauna saamin, atleast sila nabigyan na sila ng chance na masilayan ang binata.

Sabi ng mga upperclass na nakapalagayan loob na namin habang nag-aaral dito, ngayon lang daw nangyari na matatapos na ang semister na walang Donny na nagpapakita. Kasi noong first at second year college pa daw siya, always naman daw siyang present sa mga basketball game to represent the engineering dept and our school. Tapos palagi din daw siyang tumatambay kasama ang mga kadormmates niya sa open field para magpraktis ng basketball. Hinala nila baka busy na ang binata dahil mukhang siya na daw ang pinapahawak sa kompanya nila. At isa pa, hindi narin daw siya umuuwi at natutulog sa dorm kaya mas lalong nahihirapan ang lahat na hagilapin siya. May condo daw kasi siya na malapit lang sa school at mukhang doon siya nag-sstay sa ngayon. Mabuti nalang dahil naglalaan ng oras ang mga professors na turuan separately ang mga iilang estudyante na hindi na nakakapasok dahil sa mga personal na rason sa pamamagitan ng online class.

"Text mo nga si Glaiza sis, sabihin mo na doon nalang muna tayo sa canteen na malapit dito sa HRM building kakain mamaya, medyo masama kasi ang pakiramdam ko ngayon," halos pabulong na sabi ni Joyse kay Jerlie. Nagdidiscuss kasi sa harap ang istriktang prof namin sa english. Magkakatabi kaming tatlo dito sa likuran.

"Sige, mukhang hindi rin naman natin ulit makikita doon si Donny." Pabulong din na pagsang-ayon ni Jerlie.

Malayo kasi ang canteen na malapit sa engineering building kaya mas mabuti talaga na doon nalang muna kami lalo pa't masama ang pakiramdam ni Joyse. At isa pa, sa bawat araw na nagdaan na kumakain kami doon, wala namang Donny Mercadejas na nagpapakita.

Pagkatapos ng klase ay agad na kaming dumerecho sa canteen dahil naghihintay na sa'min si Glaiza doon. Hindi namin maiwasang pagtawanan ang mukha niya nang makita namin siya sa labas ng canteen. Sobrang haggard na niya kasing tinignan ngayon, dahil sa mga subjects niyang walang kasing hirap. Halos itabi na nga niya sa pagtulog ang mga books niya, pagrereview nalang kasi ang inaatupag niya sa mga nagdaan na mga araw. Malapit na kasi ang mid-term, kaya todo aral siya. Samantalang kami nila Joyse, ito papetiks-petiks lang.

"Anong nangyari sa mukha mo girl?" Pambubruska sakanya ni Jerlie. Pero kahit na nangingitim na ang gilid ng mga mata ni Glaiza, she still look so cute.

"Tssk, 'wag niyo ng pansinin ang mukha ko. Nakakainis kasi mga subjects namin, ang hihirap!" Maktol ni Glaiza.

"Okay lang 'yan Glai, maganda ka parin naman." Pang-aalo ko.

Ngumiti siya. "Thank you Ace, pero alam naman natin lahat na mas maganda ka."

Tinawanan ko lang ang sinabi niya at hindi na nagkomento pa. Pumasok na kami sa loob at para makapag-order na. Nang makapag-order ay agad kaming naghanap ng mauupuan.

Madali lang kaming nakahanap dahil medyo konti lang ang mga estudyanteng kumakain ngayon kaya maraming bakante.

Habang naglalakad papunta sa napili naming lamesa na malapit lang sa pintuan ay napag-usapan namin ang bagong manliligaw ni Jerlie. Nagtatawanan kami habang nag-uusap patungkol doon.

Malapit na kami sa napiling lamesa nang pareho kaming napatigil sa paghakbang. Naagaw ang buo naming atensyon sa kakapasok lang na apat na mga binata, partikular sa pinakahuli. Finally, ang inaasam-asam naming makita dito sa SMU ay nasilayan narin namin sa wakas.

Parang biglang huminto ang lahat at tanging siya nalang ang nakikita ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang hawak ang tray na naglalaman ng pagkain na inorder. Nakakabingi ang lakas ng tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang seryoso niyang mukha. Alam ko ng gwapo siya dahil halos araw araw naman namin na tinitignan ang mga larawan niya pero hindi ko akalain na mas gwapo pa pala siya sa personal. Nahihirapan tuloy akong ilarawan ang mukha niya ngayong nakita ko na talaga siya, pero magsisimula ako sa medyo may kahabaan niyang buhok. Magulo iyon at halatang kamay lang ang ginamit niyang panuklay doon. At hindi man lang siya nag-aksaya ng oras na hawiin ang iilang hibla ng kanyang buhok na medyo tumatabon sa kanyang mga mata. Maayos na nakahanay ang dalawang niyang makapal na kilay na bumagay sa malalalim niyang mga mata, na binagayan ng mahahaba at makapal na pilik-mata. Matangos ang ilong niya na may perpektong hugis. Prominente ang hugis ng kanyang panga na tila nagpapahayag na walang malambot sakanya. At ang panghuli ay ang kanyang labi. Masasabi kong ito ang pinakamaipagmamalaki niya. He has a plump lips that could put everyone else lips around him to shame. Buong buo iyon at natural na mapula na tila ba kaya ka niyang akitin gamit lang mga labi niya.

Ngayon ko lang napansin na kulay tsokolate pala ang mga mata. He seems cold and aloof dahil sa mga mata niyang mahirap basahin. Punong-puno iyon ng misteryo na hindi mo gugustuhin na mabigyan kasagutan pa. Mas malaki din ang katawan niya kumpara sa nakita namin sa mga larawan niya. At mukhang mas matured siyang tignan ngayon, lalo pa't naka puting long sleeve polo siya, black pants at black leather shoes. Mas lalong na dedepina ang tangkad niya dahil sa suot na pants, na medyo hapit sa mga binti niya. He doesn't look like a college student to me. He is more likely a bachelor than a heartthrob. He's too perfect, na tila ba para siyang isang magandang panaginip lang.

Hindi ko akalain na ganito pala ang feeling pagnakita mo sa kauna-unahang pagkakataon ang long time crush mo. Nakakakaba, nakakaexcite at panghuli, nakakabaliw.

Bumalik lang kami sa realisasyon nang lumagpas na sila saamin. Sabay pa kaming napalingon sakanila.

"Sis, tignan niyo nga kung nahulog ba sa baba ang panty ko," impit na usal ni Jerlie saamin. Napatawa ako doon, pero ramdam ko parin ang pagwawala ng buo kong sistema dahil kay Donny.

Grabi, halos rinig na rinig ko parin ang tibok ng puso ko kahit nakalampas na sila Donny saamin. Sumunod na sila sa hulihan ng pila. Kitang kita namin kung papaanong sinasadya ng mga babaeng nasa kabilang pila na mapadikit sa binata. Mukhang wala namang pakialam doon si Donny. Nasa unahan lang ang tingin niya, habang normal parin na nakikipag-usap sakanya ang tatlong kasama. Everyone are now busy taking pictures of him.

Dahan dahan kaming naupo sa upuan ng lamesang napili. Nakay Donny parin ang mga mata namin habang inaayos ang mga pagkain na inorder. Hindi ko nga alam kung papaanong nagagawa kong magmulti-task ng ganon.

"Tsk, bakit pa kasi na una pa tayong umorder kaysa sakanila. Kakainggit tuloy ang mga babaeng 'yon." Ininguso ni Glaiza ang mga babaeng pinipilit parin na mapadikit sa binata kahit na lumilihis na sila sa pila nila.

"Mga pangit naman kaya hindi makatingin sakanila si Donny, subukan mo nga Ace, feeling ko pag ikaw dumikit sakanya, lilingunin ka niya for sure," udyok saakin ni Joyse.

Nanlalaki ang matang napatingin ako sakanya. Grabi naman ang bilib niya saakin at naiisip niya yon.

"Grabi siya, imposibleng mapansin niya ako. Kita niyo naman kung gaano siya kagwapo," tinawanan ko nalang ang ideya na iyon. Hindi naman bawal mangarap, pero dapat mangarap lang tayo sa kaya nating abutin.

Napatingin ulit ako kay Donny Mercadejas. Nag-oorder na siya ngayon, halos lumabas na ang ngalala ng babaeng nagtatake ng kanyang order sa laki ng ngiti.

Pahawak ako sa dibdib ko kung saan nandon ang puso ko. Siya lang ang bukod tanging nagpatibok sa puso ko ng ganon. Sa ilang linggo kong pag-aaral dito sa SMU, marami na akong nakakasalamuhang mga lalaki, yung iba mga gwapo din pero ni isa sa kanila walang nagpatibok sa puso ko ng ganito. Siya lang talaga.

A/N

Hi guys, this is my newest story. Comment down below what you think of this haha. If you like it, don't forget to hit the like button. Thank you <3