Chapter 1: Plano
Kiara's Point of View
"Excuse me?
Kiara!"
Nagising ako sa aking tulog at itinaas ko ang aking ulo mula sa mesa. Nakalimutan ko na nasa meeting pala ako ng mga SSG officers.
"Ano ba ang iyong suggestion para naman maging memorable ang graduation natin?"
Tanong ng aming SSG Secretary na si Telly habang pinaglalaruan ang kaniyang ballpen sa mesa.
Lagi akong lutang. Hindi ko alam kung bakit nanalo ako bilang SSG President. Hindi ko tuloy alam kung ano ang aking sasabihin dahil wala namang pumapasok sa isip ko.
"What if we throw a night party dito?"
Bagaman hindi pa ako nakakapagsalita, agad na tumayo at nagbigay ng suggestion ang SSG Treasurer na si Rafael na aking tabi sa mesa.
"That sounds so exciting but I'd say no thanks."
Tugon ni Telly at napatigil sa paglalaro ng kaniyang ballpen. Si Telly ang ilan sa mga babae sa mundo na lahat ng opinyon na matanggap ay inaayawan.
Napansin ko ang pag-alis ng mga ngiti ni Rafael na napalitan ng inip sa kaniyang mga mata.
"What about you, Mr. Vice President?"
Napatingin kaming lahat kay Lewis na nakangiti magdamag sa sulok ng mesa, nagsusulat sa kaniyang kuwaderno.
"A party is actually a realistic celebration for us students. Ano ba ang iyong expectation, Ms. Secretary?"
Naramdaman ko ang pagpasok ng awkward atmosphere sa buong SHS Office pagkatapos matawa nang pilit si Lewis.
"Tama naman si Lewis. Tayo-tayo lang ang kikilos kung paano magiging unique ang isang party."
Wika naman ni Xhyrille, ang SSG Public Information Officer. Napakarami nilang communication kumpara sa akin na tinuringang estudyante na may pinakamataas na posisyon.
"B-but this is supposed to be a special celebration for all Grade 12 students."
Tugon ni Telly habang nakakunot ang mga kilay niya kay Lewis. Nanatili akong tahimik habang tinititigan lamang sila.
Matagal ko nang alam sa sarili na hindi ako marunong maging leader. Wala akong leadership skills pero kahit na nawawalan na ako ng gana, pinipilit ko pa rin.
"If you want to think of a very special party, consider our situation first. Wala naman tayong hawak na bangko, 'di ba?"
Muling nagsalita si Lewis habang pinagmamasdan ko ang kanilang mga kilos.
"At saka, this will be our first graduation party since the last four years. I'm sure any party would be special to everyone."
Bigla namang nagsalita ang SSG Auditor na si Grace habang hawak din ang sarili niyang kuwaderno ang ballpen.
"Puwede bang malaman kung bakit pinagbabawalan tayo magkaroon ng mga events katulad ng mga party at ball?"
Pagbago ni Rafael ng paksang pinag-uusapan.
Walang sumagot sa tanong niya. Walang sumagot dahil walang nakakaalam. Lahat kami ay nagtitigan sa bawat isa, naghihintay kung sino ang nakakaalam ng sagot.
Pero wala.
"Hindi ko alam kina Ms. Madrid. Kapag nagsasabi lang tayo sa kanila ng mga plano natin tungkol sa mga ganitong bagay ay agad silang nagsasabi na ayaw nila."
Diretso ang aking pagsalita habang sinasabi ko ang aking saloobin sa kanila.
"Hindi masaya ang mga past school years na dumaan dahil pinagbawalan tayo na magkaroon ng mga events like this. Bakit kaya?"
Napatanong din si Grace habang nakatitig sa akin nang seryoso. Nagkibit-balikat lamang kaming lahat sa isa't-isa.
For the past years since I transferred here in Pine Valley High School, wala kaming na-experience na masasayang ala-ala, dahil pinagbawalan kaming magkaroon nito. Hindi namin alam kung bakit bawal kaya minsan ay naisip ko na rin na may hidden agenda ang paaralan na ito.
"Tanungin natin muli si Ms. Madrid kung puwede bang magkaroon ng party. Kukulitin natin siya hanggang sa masabi niya ang oo."
Wika ni Lewis dahilan para kami'y ngumiting lahat. Malapit na kaming umalis dito sa paaralan kaya sinisikap naming maging memorable ito. Sana naman ay pumayag man ang SSG Adviser namin dahil ito na lamang ang huling paraan para magsaya sa aming graduation.
Tinitigan ko ang orasan na nakadikit sa blangkong pader at saktong tumunog sa labas ng room ang malakas na school bell tanda na tapos na ang lunch time.
"Okay, I guess ito muna... Teka, sinong class ang may schedule ngayong time kay Ms. Madrid para siya na lang ang magtano-"
"Ako. Schedule namin siya ngayon, and I will convince her as I can."
Agad akong nagtaas ng aking kamay habang nagsasalita pa lamang si Telly dahilan para siya'y mainis nang kaunti.
"Nice one, Ms. President!"
Napasigaw si Lewis sa kaniyang pagtayo habang lahat kami'y nagliligpit na ng mga gamit. Nagpilit lamang ako ng tawa sa kaniya para itago ang aking inis sa kaniya.
Minsan kasi'y may mga tao hindi mo naman ka-close pero naiinis ka sa kanila kahit hindi mo alam kung bakit. I should not be rude though.
Sa aming pagligpit ng mga gamit, sabay-sabay kaming mga officers na naglakad palabas ng SHS Office. Natapos na naman ang meeting na wala akong mahalagang nasabi.
"See you later, guys!"
"Bye po!"
Nagpaalam kaming lahat sa isa't-isa at naghiwalay na sa hallway.
Isang normal na araw na naman ang maituturing ko ngayon habang tinitignan ko ang mga estudyante sa bawat room na nag-iingay.
Mainit ang simoy ng hangin dahil sa maaliwalas na kalangitan. At dahil ako ang SSG President, halos lahat ng mga estudyante na nakakasalubong ko ay ngumingiti sa akin.
"Hi Faith!"
Napalingon ako sa aking likuran nang biglang tawagin ni Charles ang aking second name. Naritk na ang tatlo sa mga kaklase ko na galing sa canteen at may hawak pang mga juice at biskwit.
"Alam mo bang late na tayo? Maaga dumating si Ma'am Madrid. Bakit ka naglalakad na parang kuhol?"
Natawa sa sariling biro si Rhein habang painom-inom pa sa kaniyang coke.
"Ulyanin ka talaga, Kiara. Here, have some iced coffee para ma-freshen up ang utak mo."
Nakapilit lang magdamag ang aking ngiti habang nakatitig sa kanilang tatlo at si Sophia naman ay nagawa pang ipainom sa akin ang kaniyang kape na aking inayawan.
Itong tatlo ay masayang maging kaibigan ngunit may mga oras na sumosobra na sila. This is why I'm extra careful when I'm around them.
"Bakit naman niya tatanggapin ang baso na may laway mo na?"
Patuloy pa rin sa pagtawa si Rhein habang pinapalo ang balikat ni Charles.
"Tama. Baka mamaya ay mahawa pa si Faith ng sakit mo sa utak."
Biro ni Charles dahilan para ako'y matawa nang kaunti at napanguso lamang sa gilid si Sophia na ininom ang natitirang laman ng kanyang kape.
"Alam n'yo ba na magkakaroon tayo ng graduation party?"
Pag-iiba ko ng paksa at napansin ko na lamang ang paglaki ng kanilang mga mata.
"Oh my gosh! Ang exciting naman! Bibili na ako ng mga fancy accessories!"
Sigaw ni Sophia habang sila'y tumatalon sa gitna ng hallway. Nakaramdam ako ng kaunting inis dahil hindi pa naman sigurado ang pinag-uusapan pero mukhang silang tatlo ang magpapaalam sa lahat nito.
"Huwag muna kayong magsaya dahil hindi pa naman sure."
Sinubukan kong pakalmahin ang tatlo, lalo na si Sophia habang papalapit na kami sa classroom namin.
"Bakit hindi pa sure? Dumaan tayo sa highschool life na hindi man nagkakaroon ng kahit anong party!"
Nakasimangot na tugon ni Rhein habang kami'y nakatitig sa daan nang tahimik.
Mukhang nadismaya sila. Grabe naman ang sarili ko, nagpapaasa.
Sa aming pagdating sa pintuan ng classroom namin, nakita ko ang iba kong mga kaklase na tahimik na nakaupo at si Ms. Madrid na nakaupi sa teacher's desk.
"Sabi ko na nga ba late na tayo."
Bulong sa amin ni Charles habang naririnig ko ang mabibilis na pagsipsip nila sa mga inumin nila.
"Pumasok na kayo."
Ramdam ko sa boses ni Ms. Madrid ang pagod niya. Bakit kaya? Stressed?
Mabilis na itinapon ng tatlo ang kanilang mga inumin sa maliit na basurahan sa sulok ng classroom pagkapasok namin.
Napangiti ako sa mga kalmadong mukha ng aking nga kaklase. May mga ilang kumakain pa rin at ilang mga nakatunganga sa hangin. Mabuti naman at maganda ang atmosphere ngayong hapon.
Umupo na ako sa aking puwesto nang mabilis, katabi ang aking kaibigan na si Cherry, inayos ang gamit at tahimik na naghintay sa aming guro. Kailangan kong makaisip ng timing para maganda ang magiging sagot ni Ma'am sa request namin.
— • —
Lumipas ang isang oras na puro sulat ang aming inatupag. Kinakailangan kasing kumpleto ang aming notes bago pirmahan ni Ma'am Madrid ang aming clearance card kapag dumating na ang clearance day.
Ngayong oras ko na rin tatanungin si Ma'am Madrid tungkol sa aming party. Kanina ko pa pinagmamasdan siya at ramdam ko talaga na good mood siya. Sana naman ay pumayag na siya nito.
Tumayo ako mula sa aking upuan at binitawan ang ballpen na hawak sa aking desk. I just need to hear her say yes and I can move in joy.
Lumapit ako sa kaniya sa table sa harap. Gumagamit ng cellphone at napansin kong nakaligpit na rin ang kanyang mga gamit sa mesa.
"Anong kailangan mo, Kiara?"
Tanong niya habang nakababad ang mga mata niya sa cellphone. Inilapit ko ang aking ulo sa kanyang tenga.
"Darating na po kasi ang isang espesyal na event para sa mga Grade 12. Ang hiling lang po namin ay maging memorable po ito ay magkaroon ng graduation par—"
"Ano? Hindi 'yun maaari! Haven't you read the school policies?
Bawal magkaroon ng parties sa loob ng paaralan!"
Mabilis na tumibok ang aking ouso nang biglang lumaki ang boses ni Ma'am Madrid at tumayo para harapin ako, habang ang aking mga kaklase ay napatigil sa pinaggagawa nila upang tignan ako.
Hindi ko alam. Bakit may ganoong mga polisiya sa paaralan natin? Para saan?
Nakita ko ang paggulo ni Ma'am Madrid sa kanyang buhok bago umalis nang padabog sa aming classroom habang hawak ang kanyang mga gamit.
Matatawa ba ako dahil sa reaksiyon? Malulungkot ba ako at hindi kami pinayagan?
"Bakit nagalit si Ma'am?"
Lumapit sa akin si Dympna, ang aming class president sa section, habang ang buong klase ay nagsitayuan para lumapit din sa'kin na hindi makagalaw dahil sa pagkadismaya.
"Plano kasi namin ng SSG na magkaroon na party pero hindi na naman pumayag si Ma'am Madrid."
Paliwanag ko habang nakangiti saaking mga kaklase. Kahit papano ay madaling makinig itong mga kaklase ko sa lahat ng isyu.
"Ano ba kasing mayroon at bakit ayaw nila ng party dito?"
Bigkas ni Anthony habang nakaupo sa teacher's table sa aking gilid. Tila lahat ng aming nga kilay ay nakakunot dahil sa dismaya.
"Walang kuwenta 'yung patakaran na iyon. Anti-fun."
Reklamo rin ni Carlo na nakaupo at nagsusulat sa kanyang upuan sa harap. Spirit ko talaga ang nga kaklase ko dahil pare-pareho kami ng iniisip.
"Baka takot na magalaw ang savings nila? Joke."
Biro ni Christina habang ako'y pinapaypayan sa aking tabi. Si Christina ang unang nakikigulo kapag may nangyari kaya'y naririto na agad siya to comfort us.
"Sorry guys. Gusto lang naman namin magawa ang gusto ng karamihan."
Naglabas ako ng malaking hininga ng hinanakit. Akala ko pa naman ay maririnig ko ang pagpayag niya ngunit ganoon pa rin.
"Huwag kayong mag-alala. After ng school year, pupunta tayo sa resort!"
Sigaw ni Dympna habang pinapalo ang teacher's desk sa saya. Drawing na naman ang pinaplano ng President namin. Puwede naman saa malapit ngunit bawal.
"Hindi rin naman matutuloy 'yan. C'mon guys namn, this is our last year. Wala bang magagawa?"
Nakisama rin sa usapan si Sophia na kumakain ng tsokolate sa kanyang kamay.
Ilang segundo ay biglang tumahimik ang paligid at puno ng mga mukhang hindi mo alam kung ano ang nararamdaman. Kahit ako'y hindi ko rin alam kung ano pakiramdam ko.
We always wanted to have a special event, kahit isang beses lang basta't masaya, pero wala. Wala kaming naranasan dahil sa patakaran ng paaralan.
"May alam ako kung paano magiging memorable ang last days natin!"
Pinutol ni Angelo ang katahimikan ng buong klase nang siya'y bumulong sa amin at ngumisi sa amin.
Ano ang nasa isip niya? Magagawa na ba namin ang aming hinihiling buong high school days?