Chapter 4 - Capítulo dois

Naimulat ko na lang ang sarili kong mga mata nang makarinig ako ng ingay. Una kong natanaw ang puting kisame bago napatingin sa gawi ng kasambahay ni Philip nang hilain niya papunta sa magkabilang-gilid ang dalawang puting kurtina. Naiharang ko na lang ang kanang kamay sa aking mga mata dahil sa pag-aakalang magagawa akong silawin ng sinag ng araw, ngunit makalipas ang ilang segundo ay pansin kong hindi ganon kaliwanag kaya naibaba ko ito at napatingin sa labas. Sumalubong naman sa akin ang papalubog na sinag ng araw na siyang hindi ko inaasahan sa lahat at kusang nakapagpakunot sa aking noo.

That's when I began to think if I am sleeping the whole day until I realized that I was able to wake up this morning, then this afternoon, and then now. I could still feel everything in me being so lazy and numb from head to toe. My body seems dead, just wanna sleep for the rest of the day.

Matapos niyang ayusin ang kurtina ay hinarapan niya ako at bahagya itong yumuko nang mapansin niya ang unti-unti kong pagbangon paupo sa kama, "Miss Gale, sorry po kung naabala ko kayo, sinunod ko lang po ang utos ng senador," magalang na saad nito.

My body's currently undergoing lots of pain. I had suffered again because of what I did to Tita Mercedes and her lovable yet devilish daughter. I knew that this would happen all over again if I'd still choose to have the same kind of behavior which they resent a lot. It has always been happening to me for the past five years of living with someone whom they call my husband. I may not sound like a normal person to say this yet suffering is already a part of my life. Maybe, I was really born to suffer.

Dahan-dahan akong napayuko hanggang sa mapatingin sa aking sarili nang mapansing nakabalot ako ng puting kumot hanggang sa tignan ko ang loob nito at makita ang sariling katawan na walang kahit na anong saplot, "Get out," wala sa sariling sambit ko na mabilis namang sinunod ng kasambahay at isinara ang pintuan. Kusa na lang akong natulala at hindi makapaniwalang napangiti.

I must be insane for smiling alone but who cares? No single night did he ever try to stop abusing his wife and taking advantage of her weaknesses. After what those guys did to me, he has always been doing the same and those bad memories keep on being my everyday nightmares. There was no night that he made me feel safe deep down in my slumber. I wasn't born to plead anyone, not even the type to please anyone, yet I had to plead in front of my husband to stop making me recall what they did to me, even so, the more I try to resist, the more he will insist himself to me... hard, harder, down to the hardest one.

Tuwing magigising ako sa kamang 'to, palagi kong nararamdaman ang sakit, sa loob at labas. Ginawa ko ang lahat para makalimutan ang sakit pero kahit anong gawin ko, kahit milyun-milyong pera ay hindi magagawang gamutin ang isang sugat na hindi tumitigil sa pagdurugo. Gustuhin ko mang ilabas ang galit at sakit pero alam kong walang talab 'yon kung mananatili ako sa lugar na 'to. Napasandal na lang ako sa headboard ng kama para makahinga ng malalim at pakalmahin ang aking sarili. Hindi nagtagal ay napatingin ako sa pintuan na muling bumukas at nang tumambad sa akin ang itsura nito ay kusang napakuyom ang mga kamay ko na nakapatong sa mga hita ko. Hawak-hawak nito ang isang tray ng pagkain habang painosenteng nakangiti na mas lalo kong ikinagalit.

His smile that I never wanted to see.

Humakbang siya papalapit sa gilid ko upang ipatong ang tray sa lamesa. Matapos noon ay hinarapan niya ako kaya ngayon ay kasalukuyan siyang nakatayo sa gilid ko habang nananatili pa rin akong nakayuko, "I thought you were already dead. You were sleeping the whole day, and I understand that you were drained because of what I did to you last night, amoure," dahil doon ay masama akong napatingin sa kanya, "What's with that look?" inosenteng tanong nito.

"After what you've been doing to me every night, may gana ka pa talagang humarap sa akin?! Ganyan na ba talaga kakapal ang mukha mo senator, huh?! Acting innocently na parang walang nangyari?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Imbis na pagdagundong ng boses nito ang sumalubong sa mga salita ko ay umupo siya sa kama habang kitang-kita ko ang ngiting tagumpay niya, "Does making love prohibited from married couple, amoure?" aktong hahawakan niya ang aking kamay ay mabilis ko 'yong inilayo sa kanya.

"Love is meant for those who are willing to submit themselves to one another, not what you forcefully did to me! It wasn't love, it was a f*ckin abuse, asshole!" mahina ngunit may galit kong saad dito. Ang mga sumunod naman niyang sinabi ang mas lalong nakapagpainit ng aking dugo, "Which is why you should prioritize your health, in order for me to do it all over again without risking your life in the process, I truly love what I did and I've no regrets."

Mula sa gilid ng paningin ko ay natanaw ko ang pagkuha niya sa isang mangkok at isang kutsara. Ginamit niya ang kutsara para kumuha nang kung anuman ang nakalagay sa mangkok at inilahad 'yon sa akin. Napatingin muna ako doon at nakita ang sabaw sa kutsara bago ibinalik ang tingin sa kanya na ngayon ay hinihintay akong isubo 'yon, "Demanding to kill yourself in hunger, amoure?" seryosong tanong nito.

"It's better if I die in hunger than to live a longer life with you. I couldn't attempt seeing the senator at the same time, a monster in front of me," diin ko sa pinakahuli. Napansin kong napahigpit ang pagkakahawak niya sa kutsara, "Take back what you said," kulang na lang ay manginig na ang kamay niya sa galit at pagtitimpi kaya pinagtaasan ko siya ng kilay, "Why would I? Totoo naman dba— " bigla akong natigilan nang mahigpit niyang pinisil ang magkabilang-pisngi ko gamit ang isa niyang kamay na kanina ay hawak ang kutsara, kaya nabitawan niya 'yon na siyang ikinabasa ng gilid na parte ng kumot na siyang naging saplot ko.

Dahil sa ginawa niya ay diretso akong napatingin sa nag-iinit nitong mga mata, "What should I do to shut that f*cking mouth of yours?!"

"Shall I ask you the same question? What are you going to do next? Huh?" tanong ko pabalik na pilit siyang nginitian ng mas masama na mas lalo naman niyang ikinagalit. That's right. I will do everything to make him feel the same pain just like what he has been doing to me all this time, "Here, para manahimik ka!" bigla niyang pilit na ipinainom sa akin ang laman ng hawak niyang mangkok kaya unti-unting natapon 'yon mula sa bibig papunta sa leeg ko at pati na rin sa mismong kumot na gamit ko. Buti na lang at hindi ito ganon kainit para maging dahilan ng aking pagkapaso. Pinilit ko namang alisin ang kamay niyang nakahawak pa rin sa magkabilang-pisngi ko at malakas na itinabig 'yon papalayo na siyang ikinabasag ng mangkok sa sahig.

Napatayo naman ito sa galit, "Tell me, amoure! What kind of lesson do I need to teach you para lang matuto ka?! Your attitude has always been pushing me to the limit kaya napipilitan akong saktan ka!"

I forced myself to stand up, still trying to cover my body using the blanket just to directly stare at him with eagerness and maximum rage, "I need to fucking get out of this life, Philip!"

"And do you think I'd let you do that?! At saan ka pupunta? Uuwi ka sa pamilya mo? Even if you do that, ibabalik at ibabalik ka rin nila sa akin! So don't you ever try to say something which is not pleasing dahil sa susunod, sisiguraduhin kong magigising ka na lang na nakatali ka na sa kamang 'yan! Stop proviking me, Serenity Gale! Continue with that attitude of yours... " sabay duro nito sa mismong noo ko kaya bahagya akong napaatras, " ...and you'll find yourself being caged again in between my hands helplessly. Not unless you please me next time, amoure. Baka magbago pa ang isip ko," saad nito pabalik na sandali kong ikinatahimik. Dahil sa galit ko sa kanya ay hindi ko maipaliwanag kung gaano kalalim at kahirap maghabol ng sariling hininga ngayon.

Kasumpa-sumpa na makasama habang-buhay ang isang demonyong katulad niya. He's f*cking insane deep down into the core! Sisiguraduhin kong darating ang araw na pagsisisihan nila ang lahat ng 'to. I might not have the power right now, but soon I will have more than enough power to make them feel how I exactly feel right now in their hands. If ever I will have the chance, I will grab it for vengeance, no matter if it's good or bad, I'll do what I think is more than right to defend myself.

I seek justice. It was never given to me since birth.

Tinalikuran niya ako at naglakad papalapit sa kabinet kaya sinundan ko siya gamit ang matatalim na tingin. May kinuha siyang damit mula roon at biglang inihagis papunta sa akin kaya bigla ko itong nasalo at kusang napatingin dito, "Wear that thing, we're going on a party. It's your dad's 60th birthday if you have already forgotten," pahayag niya.

Still hesitating, I scrutinized the dress using my hands but still keeping myself covered up using the blanket. Masusi kong tinignan ang kabuuan at disenyo ng damit na gusto niyang ipasuot sa akin. It's a fingertip length, red tight dress made of satin styled with the use of spaghetti strap and four inches slit on its side. It will obviously fit the perfect curves of my body, just like what he wants.

"No, I'm not gonna wear that thing," direkta at pag-iling kong saad na inihagis ang damit sa kama bago ibinalik ang tingin sa kanya, "Whether you like it or not, you're gonna wear it," may pagbabantang saad niya kaya muli akong umiling, "And why would a husband let his wife wear a skin baring thing?"

Gumuhit ang masamang ngiti sa labi nito at unti-unti akong nilapitan, "I want to show everyone that I am a one lucky man for having you. I want to slowly kill them just by looking at you beside me. You're hard to reach because you're only mine, and you should be proud. Gusto kong ipakita sa kanila na akin ka lang," pagdidiin pa niya sa tatlong huling salita hanggang sa matigilan siya sa mismong harapan ko.

"Then let me give you choices, Philip," nagkibit-balikat ako. He might hurt me again but I don't care, "I will accompany you but I will choose what I'm gonna wear or I will wear that thing but I won't come with you?" pabalang na tanong ko. My cheeks were hell yes ready to meet his boiling palm again.

"Are you mocking me, amoure?" pagpipigil nito sa galit.

"Of course not, my dear husband. Why would I? I am just asking you to choose."

"I'm also not asking you to wear that thing. I am telling you to wear it and accomodate me to your dad's special day."

"If you don't want to choose— " muli akong natahimik nang hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Mula sa hawak niyang tray na nasa lamesa ay kinuha niya ang baso roon at biglaang isinaboy sa akin ang laman nitong tubig. Pabagsak nitong ibinalik ang baso sa pinanggalingan nito at mahigpit niyang hinawakan ang aking braso kaya nagkatapatan kami habang naglalagablab ang aming mga mata, "Whether you like it or not, susunod ka sa gusto ko! I will tell every detail what you must and should do, Gale!" ibinaba niya ang kamay niya at tinalikuran ako, pagkatapos ay malakas niyang isinara ang pintuan.

Ibinalik ko ang tingin sa kama kung nasaan ang dress na atat niyang ipinapasuot sa akin, "No one should tell me what I should and must do." Mahinang saad ko na dumiretso sa banyo para maligo. Isinara ko ang pintuan at nagtanggal ng damit. Ni ang gutom ay hindi ko maramdaman kahit buong araw akong tulog. Pumwesto ako sa tapat ng shower at binuksan 'yon kaya napayuko ako habang sinasalubong ng malamig na tubig ang malagkit at mainit kong katawan.

While having to freshen myself up, I hardly scrubbed my body using my hands dahil bumabalik sa akin ang lahat ng kababuyan niya. Pagkatapos kong gawin 'yon, napahawak ang dalawang kamay ko sa malamig na pader. Napayuko ako at napapikit habang binabagtas ng tubig ang bawat sulok ng aking katawan. It makes me feel at ease and it will always be.

Don't know why but I'm starting to love self-pity now. It really is, a bad influence.

In a snap, bigla na lamang may kung anong pumasok sa isip ko kaya napamulat ako ng mata. For the past five years na magkasama kami, ito ang pangalawang beses na magagawa kong makalabas. The first time I went out with him, I tried to escape pero nahuli niya ako dahil sa mga guwardiya niya. I think this time, mas marami ring nakabantay sa kanya kaya mahihirapan akong makatakas hanggang sa naalala ko si Adriana at tita Mercedes. It's dad's birthday, surely they will be there to celebrate with him. Napangiti ako ng masama at nagpunas ng katawan bago ibinalot ang sarili sa twalya at lumabas. Lumapit ako sa kama at muling tinignan ang gustong ipasuot ni Philip sa akin.

Protesting against him won't do anything kaya ginawa ko ang gusto niya. I hope my plan behaves better. Wala sa pagdadalawang-isip kong isinuot 'yon kahit na hindi talaga ako nagsusuot ng mga ganitong klasi ng damit. I gazed upon myself in front of the mirror. Kagaya ng inaasahan ko ay saktong-sakto sa akin at kuhang-kuha ang bawat anggulo at kurba ng katawan ko. Why did I suddenly swift my boiling mood? We'll see later. I did a simple updo hairtsyle and had to put some make up on to look formal and elegant. It's my dad's birthday after all.

I also had to put a pair of long silver earrings matched with a silver necklace, bracelet and a ring. At syempre mawawala ba ang sandals? Nah, a prefer a four inch stiletto heels filled with silver glitters na ngayon ko lang maisusuot after five months of receiving it as a gift.

Napatingin na lang ako sa pintuan nang may kumatok, "Miss Gale, hinihintay na po kayo ng senador sa baba," I doubtlessly took my silver pouch from the bedside table and went out of the room. Nadatnan ko naman ang magaling kong asawa na hinihintay ako sa loob mismo ng kanyang itim na kotse pagkababa ko kaya lumapit ako roon.

Nakita ko rin na nasa loob na ang driver niya at halatang ako na lang ang hinihintay nila, "Buti naman at nakinig ka? Get in," pahayag niya kaya pinagbuksan ako ng pintuan ng isa sa mga guwardiya niya. Umupo na ako sa likuran kung saan ay magkatabi kaming dalawa, "Let's go," saad niya kaya nag-umpisa na rin sa pagmamaneho ang driver nito.

Habang nasa byahe kami ay nakatingin lang ako sa bintana. How I wish to live normally. Kung hindi lang ako ang naging anak ni daddy, I wouldn't have to suffer like this. I really miss the street lights every night. Ngayon lang ulit ako nakalabas hanggang sa napatingin ako sa side-mirror ng sinasakyan namin at napatingin sa likuran. Maraming sasakyan ang nakasunod sa amin, paniguradong guwardiya sila ni Philip, "Don't ever think of escaping again, amoure. I have more guards and whatever your plan is, don't even bother of executing it dahil mahuhuli at mahuhuli pa rin kita," napatingin ako sa kanya na diretso lang ang tingin sa labas. Sinamaan ko siya ng tingin at sumandal habang dinadama lahat ng nakikita ko sa labas.

Tumigil na lang ang sasakyan sa isang venue kaya inilibot ko ang aking paningin, "Senator, we are here," pahayag ng driver niya na mabilis namang lumabas at pinagbuksan siya ng pintuan. Aktong lalabas na rin ako nang muli niyang hawakan ng mahigpit ang aking braso kaya napatingin ako sa kanya, "I was the one who organized everything here so don't ever think of doing something stupid," pagbabanta niya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay at inunahan siya sa paglabas mula sa kotse.

Napatingin ako sa buong lugar kung saan ay maliwanag ang bawat paligid. Dahil sa venue, napag-alaman kong hindi ganon kalaki ang event. Well, dad only demands very important people to attend his party. For sure family, relatives, friends and co-workers ang dadalo but not all of them, I guess. Paniguradong pipiliin nanaman nila ang mga may malaking impluwensya sa bansa at mga taong may malawakang koneksyon pagdating sa negosyo.

May mga iilang tao rin na nasa labas pa hanggang sa makita ko si Philip na nasa tabi ko na, "Please put a good act, amoure. Ayaw kong mapahiya dito," saad niya habang nginingitian ang mga bisita na nakatingin sa gawi namin.

Hinawakan niya ang kamay ko at nag-umpisang maglakad kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Pagpasok namin sa loob, huminto kami sa harap ng isang malaking pintuan. Napatingin ako sa paligid dahil may iba pang daanan sa kaliwa at kanan ko. May mga pintuan doon na tila kwarto ang mga laman bukod sa pintuan na nasa harapan namin. Seems like this one in front us is only for events and important occasions. Bumukas ang pintuan kaya pumasok na kami dahilan para mapatingin sila sa amin. Bakit pa nga ba ako magtataka? Sikat sa politika ang kasama ko kaya malamang ay kaabang-abang ang kanyang presensya.

Inilibot ko na lang ang tingin sa buong lugar. There were silently swinging chandeliers in the middle, gold and glistening curtains on top and in each and every corner of the place formed with elegance and same as to the tables and chairs with golden and scented candles with white roses placed in their middle. Through the first glance, I could say na magaling nga ang nagdisenyo rito. A single clap for whoever he is.

Simple yet elegant.

"Senator Philip, I would like to congratulate you for organizing an event like this, especially for the general," pahayag ng sumalubong sa aming babae na may kasamang lalaki pagkarating namin sa gitna. Halatang may edad na rin ang mga ito.

"The pleasure is mine, Mr. and Mrs. Sacueza," pahayag naman ng katabi ko kaya napatingin sila sa akin, "Oh you're lovely wife is also here. You should be proud darling, for having him as your husband," saad ng babae sa akin kaya napatingin ako kay Philip at nagpumilit na ngumiti, "Oh General de la Roche is here, please excuse us, senator."

"Yes of course," sagot ni Philip bago nila kami tinalikuran. Napatingin naman kami sa pintuan nang kakapasok lang ni dad kasama sina Adriana at tita Mercedes. Look? What a happy family.

Nagsilapitan din naman halos ang lahat sa gawi nila para batiin si dad na abot tainga naman ang ngiti, "Would you mind if I greet him?" tanong ko kaya napatingin si Philip sa akin at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko, "But with me," sagot niya kaya wala na akong nagawa. Mukhang wala siyang balak na bitawan ako and it would be hard for me to do my plan kung magkahawak ang kamay namin buong oras.

Lumapit na kami kay dad at nang matapos na siyang batiin ng iba ay napatingin siya sa amin, "Happy birthday, General! Thank you for everything that you've done for me," pahayag ni Philip. Magkasundo ang magbyenan pero hindi ang mag-asawa? Hmm, that's odd.

"It should be me to thank you for everything that you've done, Philip. Can I treat you as my son-in-law for this event, not as a senator?" tanong ni dad na ikinatawa nilang dalawa maliban sa akin na nakangiti ng masama at napatingin sa dalawang mga buntot ni dad sa likuran nito. Tinignan naman nila ako mula ulo hanggang paa.

"Of course, dad," saad ni Philip. Nabaling naman sa akin ang atensyon ng aking ama, "Won't you greet your father?" tanong niya.

"Happy Birthday, Dad! I wish you live longer together with tita Mercedes and Adriana!" I sarcastically said na ikinatango na lang niya habang nalipat ang tingin ko sa dalawang alipores niya.

"Philip, can we talk somewhere private?" tanong ni dad kaya tinignan ako ng magaling kong asawa. Lumapit naman siya para bulungan ako, "Stay here. Huwag na huwag mong susubukan na tumakas dahil malalagot ka sa akin kapag nahuli kita," pagbabanta nito na sinamaan ako ng tingin kaya hinawakan ko ang pisngi niya gamit ang isang kamay ko habang nakangiti pa rin ng masama.

"Don't worry, senator. Why so paranoid? Ikaw na rin ang nagsabi na marami kang guwardiya hindi ba, why would I even bother escaping instead of celebrating?" ibinaba ko ang kamay ko at tinalikuran na siya. Buti na lang at binitawan niya ang kamay ko. Nang makalayo ako ng konti ay nakita ko naman siyang sumunod sa pinuntahan ni dad kaya lumapad pa ang ngiti ko.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko na si Adriana na pumunta sa parte kung saan nakahapag ang mga pagkain. Mula naman sa isa pang pintuan ay may dalawang waiter. They were carefully holding dad's white fondant cake na alam kong sina Adriana at tita Mercedes ang nagpagawa. Inilibot ko ang tingin ko nang makaisip ako ng magandang plano. I really want to see how will she react with what I'm planning to do. Wala gaanong tao sa parte na 'yon kung hindi siya lang. She's so busy checking the dishes out. I even saw how her eyes glistened nang mapunta siya sa parte kung nasaan ang mga dessert.

I do love desserts too but I want to try something new.

Pumunta ako sa direksyon niya at pagkalapit ng dalawang waiter sa gawi niya ay pasimple kong iniharang ang paa ko sa isa sa kanila. Nawala sa balanse ang isa kaya dumapo sa gawi ni Adriana ang napakagandang cake. I hardly avoided myself from laughing because of her reaction. Her white dress finally had white icings at nagkalat 'yon sa buong damit niya. Napasigaw ito habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa mala-cake niyang damit ngayon kaya napunta sa kanya ang atensyon ng lahat, "M-mam, s-sorry po hindi ko sinasadya!" even the two waiters were panicking. Naglabas sila ng panyo at pinunasan ang damit niya pero tinabig niya lang ang mga kamay nila, "Don't touch me! Look what you did! Bulag ba kayo?!" sigaw nito.

"Oh my god, Adriana! Look at yourself!" lumapit ako sa kanya na gulat na gulat at maayos kong tinignan ang nadungisan niyang damit. Hinarapan ko naman ang dalawang waiter, "Look what you did to her!" sambit ko sa kanila na napayuko naman. Nabaling ang atensyon ng lahat sa amin hanggang sa lapitan naman siya ni tita Mercedes, "What happened?!" gulat niyang tanong nang makita ang sitwasyon ng pinakamamahal niyang anak.

"Ayang mga yan! Tatanga-tanga kasi!" turo niya sa dalawang waiter kaya hinarapan sila ni tita habang patago akong nakangiti ng masama na pinapanood sila, "S-sorry po, mam. Hindi po namin sinasadya," pakiusap nilang dalawa habang nakayuko.

"No, it's okay. You just have to change your clothes, Adriana," sambit ni tita sa anak niya kaya pinanlakihan siya nito ng mata, "Mom no!" bulong ni Adriana.

"Maraming tao dito, umasta ka ng maayos," ako lang naman ang nakakarinig sa bulungan nila dahil ako ang pinakamalapit. Hanggang dito ba naman, may pagpapanggap na magaganap? Kung ako ang isa sa mga waiter, for sure nginudngod na nila ako sa sahig dahil sa galit at panggigigil.

"It's ok, let's go to the dressing room. Hindi naman nila sinasadya anak," pinanlakihan niya ng mata si Adriana para magsalita ito kaya nagpumilit ngumiti ang anak niya, "Right. You're right, mom. Magpapalit na lang ako," saad nito pabalik.

Tinignan ko ang mga bisita na sa kanilang dalawa naman nabaling ang atensyon. Nagsilapitan na rin ang mga guwardiya ni Philip sa kanila. With that, I took the chance to secretly escape lalo na't mukhang wala pa sina dad at Philip. Mabilis akong lumabas mula roon at nang makita kong nag-uusap sa labas sina Philip at dad ay napatingin ako sa kanan at kaliwa ko. May mga guwardiya sa kaliwa na papalapit sa akin kaya nagtago muna ako. Nang makapasok sila ay napatingin ako sa kanan kung saan walang tao at tahimik.

Philip and dad were still busy talking so I didn't waste any time, "Excuse me, miss. Saan po kayo pupunta?" aktong tatakas na ako ay natigilan ako sa nagsalita. Alam kong isa siya sa mga guwardiya ni Philip kaya hindi ako humarap, "Mag-ccr lang ako," pahayag ko dito habang nakatalikod pa rin ako sa kanya.

"May restroom po sa loob," sagot niya, "I know pero maraming tao. Kung gusto mo samahan mo ako?"

Narinig kong humakbang naman ito papalapit sa akin, "Just to make sure, mam," saad niya kaya pagkalapit niya sa akin ay agad ko rin siyang sinipa sa pagitan ng hita nito kaya napaluhod siya. Mabilis na rin akong tumakbo hanggang sa marinig ko ang pagsigaw ni Philip, "Serenity Gale!!!" mas binilisan ko pa ang pagtakbo nang makitang hinahabol na ako ng mga guwardiya niya. I was about to turn left not until I saw some men running towards me kaya kumanan naman ako at mas binilisan pa ang pagtakbo.

Tinanggal ko na rin ang suot kong heels para mas makatakbo ako ng mabilis at hinawakan ng isang kamay ko ang pares noon. I turned right again when there were also guards approaching me from the other side. Napansin ko na lang na wala na akong iba pang madadaanan just because it was a dead end already. Isa-isa kong pinilit na buksan ang mga pintuan but all of them were locked not until the last room with a different door suddenly unlocked itself nang hawakan ko 'yon.

Binuksan ko 'yon at mabilis na pumasok sa loob bago isinarang muli ang pintuan. My whole body was trembling because of the fear that they might catch me. Napatalikod ako sa pintuan at napasandal doon habang hinihingal, "Am I expecting a visitor?" bigla akong natigilan nang marinig ang boses ng isang lalaki hanggang sa mapagtanto ko kung nasaan ako. He was sitted on a couch while holding a red wine in a glass. May isang maliit na lamesa sa harapan nito kung saan nakapatong ang bote ng wine na iniinom nito. He was also wearing a white long sleeve that was fold up on his elbow and a neck tie. He also had his black coat laying on his back.

"No, master," pahayag naman ng isang matanda na nasa gilid nito. Napatingin din ako sa paligid at may mga lalaking nakabantay sa bawat sulok ng kwarto. They were all wearing suits which made my feelings swift from nervous to anxious.

"Then why do we have a visitor?" tanong nito na tinignan ako kaya't nagtama ang mga mata namin. The moment our eyes met, I saw darkness and fear slowly consuming me. There was something deep in his eyes which make that man inexplicable. The same feeling when I met Detective Terrence Black.

"Ger her out," saad nito na ikinayuko naman ng mga lalaki at lumapit sa akin kaya umiling ako. Bago pa man nila ako mahawakan ay napatingin kami sa pintuan nang may malakas na kumatok mula rito. Napaatras ako mula roon hanggang sa matapatan ko ang kinaroroonan ng lalaki. May pagtataka sa mga mata niya nang tignan ko siya kaya umiling ako na tila nakikiusap sa kanya. I have no choice but to cling to his help, "Please, help me," halos mawalan na ako ng boses. I am afraid that Philip might catch me. Ayaw ko ng bumalik pa sa poder niya.

Hinawakan ako ng mga tauhan niya hanggang sa itinaas niya ang kamay niya dahilan para matigilan sila, "Está bem. Deixe-a sozinha."

(It's okay. Leave her alone.)

Sa iilang salita, yumuko naman sila at bumalik sa pwesto nila kanina. I didn't even understand what he said. Laking pasasalamat ko na lang dahil binitawan nila ako. Mas lalo naman akong nanginig habang palakas ng palakas ang pagkatok nila sa pintuan. It wasn't a knock on the door anymore, they were trying to get inside forcefully. Mas lalo naman akong napaatras dahil doon not until I felt shocked because of what this man did.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya kaya napaupo ako. Nakita kong kinuha nito mula sa likuran niya ang black coat nito at ipinatong sa likuran ko, "W-what are you do— " natigilan na lang ako nang ilapit niya sa akin ang mukha niya. I could literally feel his breath on my face dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa at tila anumang oras ay halikan na ako. His scent was like a drug that would make you go insane. Who is this man exactly?

Narinig ko na lang ang biglaang pagbukas ng pintuan kaya napatingin siya doon habang nakatalikod naman ako sa may pintuan which made me look like I'm disguising myself as his companion inside this room, "Is this how they treat their VIP guess? Invading our privacy?" his cold voice echoed throughout the room. Ang nakamamatay nitong tingin ang siyang bumungad sa kanila at kitang-kita ko 'yon ngayon habang nakatitig ako sa mga mata niya.

"W-we're very sorry, sir. May hinahanap lang po kami," kahit hindi ko nakikita, alam kong guwardiya sila ni Philip. Tila sasabog na rin ang dibdib ko dahil sa malakas na pagkabog nito.

"And do you think I am with that someone you are looking for?"

Tumikhim naman ito bago nagsalita, "We deeply apologize, sir," narinig ko na lang ang muling pagsasara ng pinto kaya napatingin ako doon.

"Master, should we take them down?" tanong ng matanda, "No, we shouldn't meddle with the politicians and the army yet," pahayag ng lalaki sa harapan ko.

"Uhhmmm, t-thank you," I am not used to this kind of words but I thought that I really need to thank him kaya nabaling ang atensyon niya sa akin, "For helping me. I-I'm leaving now," tumayo na ako ngunit biglaang napaupo ulit nang hilain niya ako pabalik sa pwesto ko kanina. Muli niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin, "Thank you is not enough, miss. You need to repay me in any way you can. You were the one who invaded my privacy," natigilan naman ako sa sinabi niya.

"H-How can I repay you then?" tanong ko pabalik habang diretso ang tingin sa kanya.

"You," maikling sagot nito na ikinasalubong ng kilay ko, "What?"

"Serenity Gale Verdejo de la Roche," nang banggitin niya 'yon ay kusang nanlaki ang mata ko, "H-How did you know about my name?" hindi ko alam pero muli kong naramdaman ang takot na naramdaman ko nang makausap ko ang detective.

"Do you think I wouldn't know? The daughter of General Vincenzo de la Roche? The one who is desperately finding evidences against us and planning to hunt us all down?" saad nito hanggang sa gumuhit ang masamang ngiti sa mga labi niya.

"H-Hindi kita maintindihan. Thanks for your help but I'm leaving now," sagot ko sa kanya at mabilis na tumayo, "You're the wife of Senator Philip Alcazar. You were forced to marry him at such a young age because your family gave you to him. You were both showing the public that you have an unbreakable relationship but the truth is, you were just pretending to be happy when in fact you are sick of being a senator's wife. I can help you get away from your husband," natigilan ako dahil sa mga sinabi niya kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya, "How did you know all of that?" walang nakakaalam ng totoo bukod sa mga tao na nasa mansyon. Bakit alam niya ang lahat ng 'to?

"We know everything, Serenity."

"We?" tanong ko pa na mas lalong gumulo sa isip ko. What does he meant by that?

Nakita kong may kinuha ito mula sa bulsa niya at may pinindot doon bago itinapat 'yon sa tainga niya, "Detective...." muling nagsalubong ang kilay ko nang tignan niya ako and an evil grin was all I could see despite of the darkness in his eyes.

"Don't do anything yet. We have a new plan and we're not going to do it at this time. Tell our men to stand by for a while," ibinaba na niya ang telepono at ibinalik sa bulsa niya, "Gentlemen, let's watch a movie," saad nito na tumayo at hinawakan ang kamay ko.

Naglakad siya papalabas kaya napasunod ako sa kanya. Sinubukan ko namang alisin ang pagkakahawak niya sa akin, "Let me go please! I need to leave now! Hindi nila ako pwedeng makita," giit ko kaya hinarapan niya ako habang nakasunod naman sa amin ang kanyang mga tauhan, "In this movie you are the victim, I am the bystander and your family is the killer. If I let you go, there won't be any entertainment anymore."

Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. What the hell was that for? Nahihibang na ba siya? "You'll believe me soon, amoure," nanlaki na lang ang mata ko ng itawag niya sa akin 'yon. Does he also know about it? But how?!

"Sino ka ba talaga?" tanong ko habang patuloy pa rin siya sa paghila sa akin. Hindi naman niya pinansin ang tanong ko. Sinusubukan kong makawala pero katulad ni Philip, malakas siya. Tila nanlamig ako nang makita si Philip na papalapit sa akin nang makita niya ako kaya napailing ako, "Please, don't," pakiusap ko sa lalaking nakahawak sa akin at nakita ko ang malawakang pagngisi nito habang nakatingin sa gawi ng magaling kong asawa. Umayos naman ito ng postura at naging seryoso pagkalapit ni Philip sa amin.

"Senator Philip Alcazar, right?" tanong niya.

"Yes. You are not familiar to me," sagot ni Philip, "Do senators need to familiarize everyone?" seryosong tanong niya na ikinatigil ni Philip ngunit idinaan na lang niya sa tawa kahit na alam kong nakaramdam ito ng hiya at inis, "Of course not. It's just that, naninibago lang ako na makakita ng hindi kakilala dahil madalas ako rito."

"My identity is not that important. What's important here is because I have your wife, senator," napatingin silang dalawa sa akin kaya umiling ako sa kanya para pakiusapan siya na huwag akong ibigay kay Philip.

"Gale, I've been really worried about you. Is my wife okay?" tanong niya na hinawakan ang kamay ko at hinila papalapit sa kanya. Mahigpit niya akong niyakap kaya napatingin ako ulit sa lalaki habang nangungusap ang mga mata ko na tulungan niya ako. But by his looks, I know he wouldn't help me, "We just had a small misunderstanding, sir. I appreciate your help for giving my wife back to me," saad pa nito sa lalaki pagkahiwalay niya sa akin.

"I understand. We're leaving now, senator," saad niya na tinalikuran na kami kaya sumunod ang mga tauhan niya sa kanya. Ang mga nagbabagang mata naman ni Philip ang sumasalubong sa akin pagkaalis nila.

No, not again.

Continua...

Great. Just great. I hope you have been able to enjoy this chapter. I'd love to tell you more, that is, if you still want to listen. If don't, then don't. If want, then I want you more, lolz. Pardon for the vulgar words. Feedbacks are highly appreciated, so feed me with love.