Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

POWER OF DESIRE 2

πŸ‡΅πŸ‡­JessicaAdamsPhr
--
chs / week
--
NOT RATINGS
62.2k
Views
Synopsis
WARNING: (R18) STORY WITH MATURE CONTENT: Si Aria ang kahulugan ng buhay para kay James. Mahal na mahal niya ang asawa niya at alam niya na kapag nawala ito ay guguho ang mundo niya. Iyon ang pinaka-kinatatakutan niya at iyon ang pinaka-hindi niya gustong mangyari. Pero paano kung ang kinatatakutan niyang iyon ay biglang mangyari? At paano kung sa muli nilang pagkikita ay hindi na siya kilala ni Aria? Paano na ang pamilya nila at ang ikalawang bata na dinadala sa sinapupunan ng kaniyang asawa? ********** "Bumalik kana sa akin Aria, hindi ko kaya kung wala ka..." -James
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE "COME BACK TO ME, ARIA"

MADILIM na ang paligid pero wala paring plano si James na umuwi para itigil na ang paghahanap sa nawawala niyang asawa. Sa pagkakaisip na magandang mukha ng kaniyang kabiyak ay mabilis na nag-init ang mga mata ng lalaki.

"Come back to me, Aria. Hindi ko kaya kung wala ka" bulong niya saka pinigil ang sariling emosyon kahit ang totoo kanina pa niya gustong umiyak.

Eksaktong tatlong buwan narin bukas ang nakalilipas mula nang mangyari ang aksidente. Marami ang nagsasabi sa kaniya na subukan niyang tanggapin ang totoo, subukan niyang tanggapin na wala na si Aria, na patay na ang asawa niya.

Siguro nga pwedeng mangyari iyon. Siguro nga totoo iyon. Pero hindi sa ayaw niyang paniwalaan o kung ano pa man, kundi dahil nararamdaman niyang buhay ang asawa niya. Nararamdaman niya at sinasabi iyon ng puso niya.

At iyon ang dahilan kung bakit nagpapatuloy siya. Walang dahilan para itigil niya ang paghahanap lalo na kung alam niya mismo sa sarili niya na kahit kailan hindi siya iiwan ni Aria sa ganitong sitwasyon, sa ganitong pagkakataon.

Totoong busy siya sa pagpapatakbo ng negosyong nila sa Maynila at sa pagiging ama at ina sa anak nila ni Aria na si Jamie. Ang ikatlong henerasyon ng James Sebastian sa kanilang angkan. Bukod pa iyon sa obligasyon niya bilang anak sa kaniyang ama na si Jaime.

Pero gaano man kahirap ang lahat na kung minsan parang gusto na niyang bumitiw dahil narin sa tindi ng lungkot na nararamdaman niya gawa ng pangungulila niya kay Aria, hindi niya iyon magawa.

Nasa puso niya ang kagustuhan na gawing maayos ang lahat oras na makabalik na ang kaniyang asawa. Kapag nahanap na niya ito. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan niyang maging okay, kung bakit kailangan niyang magpatuloy at huwag sumuko. Dahil gusto niyang matuwa ang asawa niya, someday, kapag muli na silang nagkasama.

Mabigat ang buntong hininga na pinakawalan ni James. Nang mahagip ng paningin niya ang isang karatula ng transient house ay noon niya naisip na magpahinga na muna. Maaga pa siya bukas at gusto niyang mas maraming oras ang magugol niya sa paghahanap kay Aria.

Every weekend ay nakagawian na talaga niyang umakyat ng Baguio. At sinimulan niya iyon isang linggo matapos maganap ang aksidente. Malaki ang lugar siyudad kaya malaki rin ang posibilidad na dito rin niya ito mahanap.

Alicia's Transient House, iyon ang nakasulat sa karatula habang sa ibabang bahagi niyon ay Alicia's Flower and Coffee Shop naman ang nakasulat.

Nakita niyang bukas pa ang coffee shop kaya doon siya nagtuloy. Agad siyang binati ng babaeng nasa kaha ng shop.

"Hi sir, good evening po" anitong maganda ang ngiti sa kanya.

Ginantihan niya ito ng ngiti. "Coffee please?" aniya.

"Ah, subukan po ninyo iyong best seller namin for sure magugustuhan ninyo" anito sa masiglang tinig.

Humaplos sa puso ni James ang sinabing iyon ng babae. Bakit nga hindi ay parang nakikita niya sa personalidad nito ang asawa niya noong una silang magkita ni Aria sa bar kung saan niya ito nakilala.

"At ano naman iyon?" tanong-sagot niya.

"Aria's Blend sir, kuha po kayo?" anito sa kaniya.

Natigilan si James saka tumitig sa mukha ng babae pero parang wala naman siyang nakikita kung tutuusin dahil mas nag-e-echo sa pandinig niya ang sinabi nitong pangalan. Kaya naman bahagya siyang napakislot nang kunin ulit ng babae sa harapan ng kaha ang atensyon niya.

"Sir? Okay lang po ba kayo?" ang magalang na tanong sa kanya ng babae.

Noon parang wala sa sariling hinarap ni James ang kahera. "Yeah, pagod lang siguro ako, pasensya kana miss. Okay bigyan mo ako ng Aria's Blend. And also, may bakante pa ba kayong kwarto?"

Nginitian siya nito saka kinuha ang kaniyang bayad. "Mayroon pa naman po kaming vacant na kwarto. Kung gusto po ninyo ipapahatid ko nalang sa kwarto ninyo iyong kape ninyo since malapit narin naman kaming magsara" suhestiyon pa nito.

Tumango si James. "Sige. And by the way" aniyang tinanggap ang susi mula sa babae. "kukuha ako ng bulaklak bukas ng umaga? Isang bouquet ng red roses, gusto ko iyong pinakamaganda at pinakamahal" ani James.

Every weekend dinadalaw niya ang lugar kung saan nahulog ang sasakyan ni Aria. Doon siya nagsisindi ng kandila at nag-iiwan ng bouquet ng pulang rosas. Naniniwala kasi siya na sa ganoong paraan maaaring bumalik sa kaniya si Aria. At kung nasaan man ito o kung ano man ang kalagayan nito, maaalala siya nito, makikilala nito ang penmanship niya.

"Okay po sir" iyon lang at iniwan na niya ang babae.

"MA'AM Aria may humabol pa pong isa. Aria's blend po" si Hildegard kay Aria.

"Okay walang problema" sagot niya saka sinimulang gawin ang order ng customer.

"Kumuha din siya ng kwarto at bukas may order siyang isang bouquet ng red roses, iyong pinakamaganda at pinakamahal raw sabi niya" pagpapatuloy ni Hilde.

"Anong oras daw kukunin yung bulaklak?" tanong naman ni Aria na kinuha ang isang cup saka iyon sinulatan ng mga salitang sweet dreams smiley pa gamit ang isang kulay itim na marker.

"Maaga raw po sabi niya. Ma'am hindi po ba weird na kape iyan tapos sweet dreams ang message?" ang amuse na tanong sa kaniya ni Hilde.

Tumawa ng mahina si Aria. "May mga tao kasing kahit gabi na mas pinipili paring magkape para lang hindi makatulog kasi masyadong workaholic" paliwanag ng dalaga.

"Oh, so ibig this is your way of saying na matulog na siya at huwag nang magtrabaho, ganoon po ba?" tanong ulit ni Hilde.

Tumango si Aria. "Ipahatid mo nalang iyan kay Bernie, para makauwi kana rin" bilin niya saka ibinigay ang kape kay Hilde.

Tumango lang ito sa kaniya pagkatapos.

"KUMUSTA si Jamie, Yaya Malou?" si James nang makalabas sa banyo ng kinuha niyang silid.

"Huwag kang mag-alala hijo at tulog na ang anak mo" anang ginang na kausap niya sa kabilang linya.

Napangiti si James sa narinig. "Ganoon po ba? Eh ang Papa, okay naman ho ba?" ang sunod na tanong niya.

"Maayos naman ang Papa mo. Tulog narin kaya magpahinga kana rin, teka kumain kana ba hijo?" ang magkakasunod na tanong ng may- edad naring babae.

"Okay lang ako Yaya, kumain naman ako. Hinihintay ko lang iyong inorder kong kape" noon naman saktong nakarinig ng magkakasunod na katok sa pinto si James. "I have to go Yaya, kayo na ho ang bahala" at naputol na ang linya.

"Thank you" aniyang isinara ang pinto matapos tanggapin ang kape na inorder niya na inihatid ng lalaki na marahil ay katiwala roon.

Agad na napansin ni James ang nakasulat na sweet dreams na may smiley sa gilid ng cup. Amuse siyang napangiti saka humigop. Naalala niya ang asawa niya, noon kapag may tinatapos siyang trabaho at hindi pa niya gustong matulog palagi ay kape ang katuwang niya.

Ipagtitimpla naman siya ng kape ni Aria, pero palaging may kasunod na sweet dreams ang pag-aabot nito sa kanya, na para bang ipinahihiwatig nitong kailangan na niyang matulog at magpahinga muna.

"You don't know how much I miss you, Aria. Hindi ko na mahintay ang pagkakataon na makasama at mayakap ulit kita" aniyang nagbuntong hininga saka inilapag ang kape sa sidetable matapos ay ibinagsak ang sarili sa malambot na kama.

"DUMATING na ba iyong may order ng bulaklak, Hildegard?" tanong ni Aria kinabukasan matapos niyang i-arrange ang bouquet ng red roses na humabol kagabi bago sila magsara.

"Ay yes ma'am nagkakape lang po" sagot ni Hilde na nang mga sandaling iyon ay medyo abala na sa harapan ng kaha.

Tumango si Aria saka pagkatapos ay kinuha ang bouquet. Hindi niya masasabi na expert na siya sa flower arrangement pero alam niyang hindi naman pangit ang gawa niya dahil naturuan siya ng mabuti ng Mama Alicia niya, bukod pa roon ay mahilig naman talaga siya sa mga bulaklak, lalo na sa mga rosas.

"Nasaan siya?" si Aria kay Hilde.

"Nasa labas po ng shop, nagkakape. Iyon pong lalaking naka-shades" pagtuturo sa kanya ng dalaga.

Tumango si Aria saka sandaling pinanood si Hilde na abala sa mga customer sa may kaha. "Marami ka palang ginagawa, ako nalang ang magbibigay" si Aria dala ang bouquet na siya mismo ang personal na nag-ayos.

"Sige po, maam" sagot naman ni Hilde.

Malayo pa lang siya, kahit naka-side view at nakayuko sa binabasa nitong dyaryo ang lalaking sa tingin ni Aria na siyang tinutukoy ni Hilde na nag-order ng bouquet ng red roses ay talaga namang napaka-gwapo nito.

Hindi rin niya maunawaan kung bakit siya kinabahan kasabay ng tila paggalaw ng buhay na magta-tatlong buwan narin sa sinapupunan niya.

Parang may kakaiba sa lalaking ito at pakiramdam niya ay matagal na niya itong kakilala. Nagpatuloy siya sa paglapit at marahil nang maramdaman siya nito ay noon siya nilingon ng lalaki. At hindi maaaring magkamali si Aria sa matinding pagkabigla na nakita niyang rumehistro sa napakagwapo nitong mukha habang parang wala sa sariling napatayo.

Lalong nagtumindi ang kaba sa dibdib ni Aria pero hindi niya iyon pinansin at sa halip ay nakangiting nagsalita sa ngayon ay natutulalang lalaki na lalong naging gwapo sa paningin niya dahil hinubad nito ang suot na shades.

"Hello sir, sorry kung natagalan medyo marami lang po kasing orders. At isa pa bago lang po kasi ako dito kaya hindi pa ako ganoon kabilis sa pag-a-arrange ng bulaklak. Pero sana nagustuhan ninyo ang gawa ko" ang mahaba niyang paliwanag sa lalaki saka iniabot rito ang hawak niyang bouquet. Pero iba ang nangyari at totoong ikinagulat iyon ni Aria.

"Aria! Diyos ko!" ang lalaki na sa halip na tanggapin ang mga bulaklak ay kinabig siya at mahigpit na niyakap.

Lito man at naguguluhan ay parang walang kakayahan si Aria para kumawala mula sa mahigpit na pagkakayakap sa kaniya ng lalaki na sa tingin niya ngayon ay umiiyak na.

"Sinasabi ko na nga ba, buhay ka" anitong pinakawalan siya mula sa mahigpit na pagkakayakap nito saka hinawakan ang magkabila niyang balikat.

Tinitigan ng lalaki ng tuwid ang kaniyang mga mata. At ganoon rin naman siya rito, at mula sa mga iyon ay parang may kung anong pakiramdam na hindi maipaliwanag si Aria na sa kanya ay sumapuso. Pero dahil nga mas nangingibabaw parin sa kanya ang matinding pagkalito ay mas pinili niyang iwala na lamang iyon.

"S-Sino ka?" ang nalilitong tanong niya nang hindi makatiis.

PARANG binuhusan ng malamig na tubig si James dahil sa tanong na iyon na kay Aria mismo nanggaling. Papaanong hindi siya kilala ng mismong asawa niya? Posible kayang ito ang dahilan kung kaya matapos ang aksidente ay nahirapan na siyang makita ito? Dahil wala itong maalala?

Noon siya nagbuka ng bibig para magsalita. Pero napigil ang lahat ng gusto niyang sabihin nang mamataan ang isang ginang na hindi man niya nakita sa loob ng mahabang panahon ay hinding-hindi niya makakalimutan.

"Aria, hija bakit hindi mo muna..."

"M-Mama?" ang pumutol sa iba pang nais sabihin ng bagong dating na babae.