Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish)

๐Ÿ‡จ๐Ÿ‡ณAnnaShannel_Lin
--
chs / week
--
NOT RATINGS
307.9k
Views
Synopsis
A famous blogger and a carefree daughter of the magnate tycoon Brent Santillian and popular internationally renowned fashion model Shantal Rodriguez Santillian-she is none-other than Denise Santillian. Her world was perfect and happy! And she was engaged to the most handsome Doctor named Carl Cruz. But her perfect life is doomed to be destroyed by the unknown enemy. She was abducted and assaulted by someone who seeks revenge for his family against hers. The tragic night happened five years ago that left a permanent scar and shuttered her perfect world. She lost her memory and bore a cute little son whose father was unknown. Her son was way more intelligent than a normal child as he had inherited the exceptional knowledge from her family. Seeking for the truth of the painful death of her fiance, her unknown enemy dragging her back to hell. But this time around, their fate changed when the notorious enemy encountered her intelligent son. Would she find the truth of the man who assaulted her and left a painful mark on her heart, mind, and body? Will she forgive the man who showed no mercy that night five years ago when he confessed his love? Truth, Lies and Deception, discover how these three elements change their lives!
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: The Unknown Enemy

A pair of dark eyes staring at the big Television screen wherein a clear video coverage of an exquisite garden wedding was played. The man strongly clenched his fist and jawline while looking at the happy moment right in front of his very eyes.

CLINK! A small bit of glass knocking together and smashing when he threw it towards the screen. It breaks violently into small pieces and creates a strong sound. The television automatically shutdown!

"Santillian family, your days are numbered!" He said in silence. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa pang isahang sofa at naglakad patungo sa bintana na bahagyang nakabukas. Tanaw sa palibot ang mumunting ilaw na nagbibigay liwanag sa kadiliman. Kahalintulad ito ng munting alitaptap na nagliliparan sa isang madilim na lugar na nagbibigay tanglaw upang masilayan ang kagandahan ng paligid tuwing gabi.

Magkahalong lungkot at galit ang pumuno sa puso at isipan niya. Galit para sa mga taong nanakit ng mahal niya sa buhay at lungkot para sa sinapit ng mga ito sa kamay ng mga Santillian.

Sa kabila ng kasikatan ng pamilyang Santillian sa larangan ng negosyo at teknolohiya, lingid sa kaalaman ng karamihan ang lawak ng puwersa ng pamilyang ito na kayang bumuo at sumira ng buhay ng ibang tao. Ito ay batay sa prinsipyo at pananaw ng kanilang mga kalaban.

"Brent Santillian, sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang araw na bumuo ka ng pamilya dahil sila ang babalikan ko, hanggang sa dumating ang araw na hihilingin mo'ng buhay mo nalang sana ang kinitil ko!"

***

KNOCK! KNOCK! KNOCK!

"Denise, it's almost seven o'clock in the morning!" boses ng Mommy niya sa labas ng pinto ng kwarto niya. Sa lakas ng katok nito at pagtawag ng pangalan malabong di siya magising kaya't iritable siyang bumangon.

"Ugh!!! Mom...please, I wanna sleep more! Ang aga mong mambulahaw!" tili niya at pilit na tinatakpan ang tenga at bumalik ng higa sa kama.

"Naghihintay ang Daddy mo sa dining room, ano ba? Tanghali na, eh! Today is Monday, your first day at work!" muling tugon nito sa likod ng pinto niya.

"Ow! Huh! Ugh...I don't wanna be a Santillian anymore!" lihim na reklamo niya. Padarag na bumangon siya sa kama at isinuot ang malambot na tsinelas.

"Bilisan mong maligo at magbihis, kanina pa naghihintay ang Daddy mo!" muling tugon nito.

"Oo na nga, Mommy naman eh, paulit-ulit ka eh!"

"Okay, hintayin ka namin sa baba!"

Narinig niya ang mahinang hakbang nito papalayo sa pintuan ng kwarto niya. Nag-unat muna siya ng ilang beses bago dinampot ang cellphone na nakapatong sa bedside table. She opened the screen and quickly searched Carl's name on her messenger.

"Hi, honey!" bungad nito sa kanya. Nakahiga na ito sa kama at halatang hinihintay ang tawag niya.

"Hi hon, morning!" walang ganang tugon niya.

"O, bakit parang ang tamlay mo?" anito.

"Ah...nakakainis ang agang nanggising ni Mommy!" reklamo niya.

"Hahaha! Oh, c'mon! It's past seven in the morning Beijing time right now. Habang ako dito halos maghahating gabi na ang oras. Hinintay ko lang ang tawag mo talaga. Saka Monday ngayon dyan sa Beijing at sabi mo nga ilang buwan lang ang extension ng bakasyon ng parents mo para turuan kang mamahala ng Elite Digital Marketing," Carl gently said.

"Ummmโ€ฆ How I wish I am with you in London. I miss you!" sa halip ay tugon niya.

"I miss you too, but hey, c'mon, you should be serious at this time. You are already twenty-five years old and a Graduate of Business Administration, and remember your destiny is to be an heiress of your family business. Alam mo namang may pamilya na si Brielle at siya na rin namamahala sa kumpanya ni Ivana, at dahil dyanโ€ฆ...walang ibang sasalo sa responsibilidad ng Kuya mo kundi ikaw lang talaga!" mahabang litanya ni Carl sa kanya.

"Oo na, ang dami mong sinabi eh. Tumawag ako para magsabi ng burden ko hindi para sermunan mo," angil niya sabay simangot rito.

"Honey, we've talked about these things before, and you've promised me to be more mature and sincere, right?" muling tugon ni Carl.

"I love you! And I just miss you!" naiiyak niyang tugon.

"I love you, too! O, siya tapusin mo na ang tawag na ito at maligo kana. I'm sure your parents waited for you in the dining room!"

"Bumalik kana dito sa Beijing!" muling ungot niya.

"Oo, babalik ako two weeks before our engagement party next month!" Carl smiled at her.

"Promise?" she asked hesitantly.

"Of course, I will fulfill my promise. I love you,"

"Love you too, Carl! Bye, honey!"

She ended the video call and went straight to the bathroom. She took a quick shower and changed into a formal business suit before heading to the dining.

Nadatnan niyang masayang nagkwentuhan ang magulang niya.

"Morning Mom, Dad! Muah! Muah!" bati niya sa magulang sabay halik sa pisngi ng mga ito.

"Morning princess!" nakangiting bati ni Brent.

Ipinaghila siya ng upuan ni Shantal sa tabi nito. Mabilis siyang umupo at naglagay ng pagkain sa plato. Si Shantal ipinagsalin siya ng orange juice sa baso niya sabay lapag nito sa harapan niya.

"Thank you, Mom!" She quickly said.

Shantal nodded. "Kayo lang ng Daddy mo ang pupunta sa kumpanya dahil ako ay doon sa bahay nina Brielle tutungo,"

"Eh, bakit? Pinapunta ka ni Ivana?" saglit siyang huminto sa pagnguya at lumingon sa ina.

"Susurpresahin ko ang mga bata, namimiss ko ang mga apo ko," masayang tugon nito.

"Aba ang swerte ng mga apo mo ha, laging halos kada dalawang araw dumadalaw ka sa kanila ah," aniya.

"Humph! Wag kanang mainggit dahil mga pamangkin mo naman ang dadalawin ko. Araw-araw na nga tayong tatlo nagkikita dito sa bahay, naiinggit kapa?" tugon ni Shantal.

Si Brent naman tahimik lang na nakikinig sa usapan nilang mag-ina habang nagbabasa ng news paper.

"Hindi ako naiinggit, naninibago lang ako. Noon kasi parati kang nakabuntot kay Daddy papuntang opisina, ngayon naman halos gusto mo nang doon tumira sa bahay nina Kuya Brielle," tugon niya.

"Hayaan mo na, ilang buwan nalang extension ng bakasyon namin ng Daddy mo dito sa Beijing, pagkatapos nito babalik na kami ng Singapore. Kaya tandaan mo dapat matutunan mo na lahat ng pagpapatakbo ng branch office natin dito sa Beijing," anito.

"Eh paano pag nagpakasal na kami ni Carl? Wala akong bakasyon?" reklamo niya.

"Saka na natin pag-usapan iyan. After three years, pa naman ang kasalan ninyo. Engagement party pa lang naman ang gaganapin natin next month," singit ng Daddy niya.

"Ugh!!! This is really torturing!" reklamo niyang muli.

"You are the heiress of the Santillian, so you don't have an option," tinapik ng Mommy niya ang kanyang balikat.

"Yeah, that sounds bad at all. Being a Santillian's child is really a pain in the ass. Dapat kasi nag-anak kayo ng maraming lalaki," aniya.

Nag-angat ng mukha si Brent at ngumiti sa kanya, "Eh, sisihin mo ang Mommy mo. Huwag ako dahil sa totoo lang mas gusto ko ng maraming anak. Ang Mommy mo ang may ayaw dahil masisira ang iniingatan niyang sexy figure," anang Daddy niya na may halong diin pa ang huling salita nito.

Tiningnan ng masama ni Shantal si Brent, "Ang hirap mag-alaga ng maraming anak. Tama na sa akin na kayong dalawa lang ng Kuya mo. Saka balang araw lalaki rin ang mga pamangkin mo, sila naman ang tutulong sa inyo,"

"Ah! Mom, ang liliit pa ng mga anak ni Kuya Brielle. Si Brianna di mo maaasahan sa ganitong bagay dahil ang focus ng atensyon noon ay sa fashion world. Si Brendon lang ang tiyak na susunod sa yapak ni Dad at Kuya. Saka ilang taon pa ang bubunuin ni baby Kyree para maging isa rin sa tagapagmana ng negosyo ninyo ni Dad,"

"Okay, tama na ang reklamo mo, kayang-kaya mo ang trabaho sa kumpanya. Tandaan mo isa kang Santillian," nakangiting tugon ng Mommy niya.

She rolled her eyes and continue her food.

***

Saglit na inihinto ni Brent ang kotse nito sa harapan ng gate ng Villa ni Brielle.

"Love, ikaw nalang ang bumaba dahil tatanghaliin na kami ng anak mo," Brent said.

Kinabig ni Shantal si Brent at hinalikan ito sa labi, "Ingat kayong mag-ama. Ako na ang bahala, basta daanan niyo nalang ako dito mamayang gabi. Ah, teka, agahan niyo ng uwi dahil maghahanda kami ng masarap na dinner ni Ivana mamayang gabi. Sabi ng anak mo dito na tayo maghapunan,"

Tumango si Brent at tinapik ang pisngi ng asawa. "Sige na, love you!"

Bago tuluyang bumaba ng kotse nilingon pa ni Shantal si Denise sa likurang upuan na abala sa kakakalikot ng cellphone nito.

"Princess, huwag mong kalimutang ayain sa tamang oras ng lunch ang Daddy mo,"

"Yes Mom! Sige na bumaba kana eh, malalate na kami ni Dad," aniya.

"Okay, okay, take care, guys!" sigaw nito habang kumakaway sa kanila ng pinaandar na ni Brent ang kotse.

Agad na naglakad si Shantal patungo sa gate ng Villa ni Brielle. Napansin niyang biglang may kumislap na liwanag at mahinang shutter sounds mula sa isang camera lens. She felt nervous, and she turns her back and swipes the surroundings to check if someone dares to take photos of her. Ngunit wala siyang makitang tao sa paligid kundi ang mga malalaking bahay sa tapat ng Villa ni Brielle.

Biglang nilukob ng takot ang puso niya kaya agad siyang nagmamadaling humakbang, kaagad siyang nakarating sa main gate ng bahay ni Brielle.