Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

PHOEBE: The Forbidden Series 2 (COMPLETED)

πŸ‡΅πŸ‡­AuraRued
--
chs / week
--
NOT RATINGS
106.3k
Views
Synopsis
A successful careerwoman. A kind loving daughter, a sister of three. Single and free. Wave of luck seems to be on Phoebe's side. But when a stubborn, skirt-chaser--not to mention, married--newly appointed company director was after her, everything seemed to crumble into pieces. Makakaya kaya niyang pigilan ang tukso kapalit ng kinabukasan ng kanyang pamilya?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

"AND now, you may kiss the bride," usal ng pari.

Ang mukha ng dalawang taong nakatayo sa harap ng altar at pawang nakaputi ay nagtagpo. Mabining halik ang ikinintal ng lalaki sa labi ng babae.

Ang eksenang iyon ang naabutan ni Phoebe nang pumasok siya sa malaking pintuan ng simbahan. She halted her steps. Nagdalawang-isip kung tuluyang papasok sa loob o hindi.

Imbitado siya kasama ang mga piling bisita sa kasal ng mga taong malapit sa kanyang loob. One was her friend and a co-worker and the other one was his ex-boyfriend. Isang relasyon na nagtagal ng mahigit dalawang taon.

Phoebe filled her chest with air and breathe it out slowly. Sa paraang iyon ay pansamantalang maiibsan ang hapdi na bumangon sa kanyang loob. Being selfless is not easy, but it damn feels good seeing two people look each other with so much love.

Kaya naisip niya, marahil, all the pain she's feeling was worthit.

Imbes na tumuloy sa simbahan, inikot ni Phoebe ang mga paa at tinungo ang nakaparadang kotse. Doon na lamang niya hihintayin ang bagong kasal.

Minutes gone by, isa-isa nang nagsilabasan ang mga tao. Ang pinakahuli ay ang bagong mag-asawa.

Sari-saring paraan ang ginawa ng mga bisita para batiin ang mga ito na malugod naman tinanggap ng dalawa.

When the groom shifted his eyes unto her, she smiled. It was sincere, yes, but she couldn't help but think, 'Ano kaya kung ako ang nandiyan sa tabi mo? Ano kaya ang pakiramdam?'

She waved back when the man raised his hand to greet her.

Pinagalaw ni Phoebe ang mga labi at nagsabi, "Happy for you."

Mukhang nakuha ng lalaki ang ibig niyang sabihin kahit hindi nito narinig ang kanyang salita dahil tumango ito nang bahagya.

"Throw the bouquet!" narinig niyang sigaw ng isa sa mga bisita.

"Alright," tumalikod ang bride at nagbilang. Phoebe just crossed her arms against her chest, pinanood kung paano masayang naghintay ang mga gustong sumalo.

When the bouquet went in the air pati siya ay napatingala, pero hindi inakala na aabot sa kanyang puwesto ang hagis ng bride. She untangled her arms and catch the flowers. Her face was a surprise.

The beautiful bride giggled, "Ikaw na ang susunod!"

Phoebe didn't know what to say, so she smiled and raised the flower.

'Paanong ako? Back to zero na nga.' Gusto niyang mapailing.

Everyone went straight to the reception. A fine dining in a five star hotel. Hindi naman siya nagtagal dahil may appointment pa na nakaantabay.

It was supposedly a happy occasion pero nahapo siya. She was smiling all day, but her heart was in tears.

Tiningnan niya ang bouquet na nakalapag sa passenger seat, a combination of three pretty white flowers and slinky green leaves.

'Mukhang nagkamali ka ng nilapitan,' she thought and smiled wistfully.

***

"Bakit tayo pinatawag?" tanong ni Phoebe kay Mia, ang kasama niya modelo habang hinihila ang upuan sa tabi nito. Nasa isang conference room sila at nakaupo kasama ang mga senior models at ilang mahahalagang tao ng kompanya.

"Darating daw ngayon ang papalit kay Director Homer."

"Magre-resign na pala siya?"

"Matanda na rin 'yon, 'di ba? Baka hindi na kaya ang pressure sa trabaho."

"Sino kaya ang ipapalit?"

"'Yong anak yata ng may-ari. Naalala mo noong seventeenth anniversary, sa Discovery Primea? 'Yong g'wapong nakaupo katabi ni Madam Patty, balita ko 'yon daw, e," sabi ng katabi.

Phoebe rolled her eye to the right, trying to recall the scene. Hindi kasi siya masyadong nakipaghalubilo noon sa party dahil na-bad trip siya sa suot na sapatos, nagka-shoe blisters kaagad siya. She was quite confident with that kasi nirekomenda ng kaibigan pero mukhang hindi sila nagkaintindihan ng sapatos.

"Can't remember, anyways, makikilala rin naman natin siya ngayon.

"Welcome everyone!" Nakuha ang atensyon ng lahat sa malakas na pagbati ng nagsasalita sa harap ng hall. Si Ms. Lakorn, ang general manager ng kompanya. Banat ang mukha sa litro-litrong buttocks na itinurok sa mukha kaya hindi mahahalatang malapit nang maging senior citizen. Idagdag pa ang makapal na makeup. Maganda naman ang pagkakalagay kaso halatang hindi natural, puro kemikal. She was wearing a white pencil dress na may linings ang gilid para hindi masyadong halata ang bilbil.

Ladies and gentlemen, we have called your attention for this urgent but brief meeting. For the knowledge of everybody, Director Homer submitted his resignation a month ago and yesterday was his last day of duty."

"Hindi man lang nagpadespidida," bulong ni Mia.

"Shhhh..." saway ni Phoebe.

"Today, I am very pleased to introduce to you a great man. He took up fashion photography in New York and finished it last 2016. After that, because of the outstanding performance during his school days, he easily managed to penetrate the city's fashion industry and worked with some of the hottest hollywood celebrities for years. How impressive and so young at 28! And now, he has come home to share his skills and knowledge to one of the finest modeling agency in the country--of course that's Allures--as our new director. The loving husband of Miss Violet and the only son of our chairman, Mr. Siovhan De Cunha!"

A man in maroon tuxedo stepped in. Wearing a bright smile, he showed his perfectly set of teeth. Undercut hair was neatly combed sideways, brownish ang kulay niyon na hindi mawari kung natural o pinakulayan. He has fine well trimmed beard and mustached and those added to his playful and devilish aura. Kung hindi lang sa magiliw nitong ngiti na mukhang nakapagkit na ay mai-intimidate ang kung sinumang tititigan ng lalaki. Body's well built, height was around six feet. He has this unusual look in the eyes, na tila tuwing mapapadako kay Phoebe ay mas lumalalim ang pagkakatitig or marahil ay namamalikmata lang siya.

Looking at the man, a flashback suddenly crossed her mind.

Nakaupo si Phoebe sa isang pulang cusioned chair saΒ  labas ng hall. Pumuwesto siya sa gilid ng alley na natatabunan ng isang pinatayong sinage. Napapalatak na tinanggal niya ang suot na strappy shoes para papaghingahin ang paa at tingnan na rin ang lumalaking paltos.

"Oh my god." Naiiyak na siya dahil sa hapdi. Yumuko pa siya at hinipan ang sugat. Buti pa nagdala na lang talaga siya ng extra shoes. Bakit ba kasi inuna niya ang katamaran.

Kinalkal ni Phoebe ang dalang purse bag para magbakasakali kung may nakatagong band-aid doon ngunit nabigo siya.

She clicked her tongue again and glanced at her wound.

"Hi!" Napatingala ang babae nang bigla ay may lumitaw na lalaking nakangiti sa kanyang harap. Nakalahad ang isang kamay nito. "I supposed you need these."

Niyuko ng dalaga ang kamay nito at nakita ang dalawang band aids. Tumingala muli siya.

"Ibibigay mo sa akin?"

Kumibot ang mga labi ng lalaki na wari ay nag-isip.

"No, I'll let you borrow these."

Namilog ang mga mata ni Phoebe na tinanggap ang binigay.

"Thank you, Mister!"

"That band aids cost alot, by the way."

Kaagad na binuksan ni Phoebe ang supot niyon at idinikit sa paltos.

"Magkano ba 'to? Babayaran ko na lang ngayon."

Hindi na siya nakatanggap ng sagot dahil naglakad na ang lalaki palayo.

"Hey, Mister!"

Few meters away, the man disappeared when he took the alley to the left leaving her bewildered and in debt of a two pieces band aids.

When Phoebe drifted her glance around her, napagtanto niya na hindi lang pala siya ang matamang nakatitig sa bagong dating na lalaki. Every eve in the house was throwing intense gaze in front. May iba pang napapakagat-labi, she could almost roll his eyeballs.

"Thank you for that fancy introduction, Ms. Lakorn. Hello, everyone!"

Literally, everyone greeted back with a smile.

"I'm not really good in public speech so...all I can say is I am so glad to finally be a part of Allures. Please do not hesitate to approach me anytime. I'll be in your care." The new director looked coy as he placed his hand above his chest and bowed down. That gesture indeed captured everyone's heart.

Pagkatapos mag-iwan ng ngiti ay inukupa nito ang upuan sa harapan, katabi ng isang sikat na fashion model ng bansa, si Violetta Gochia or mas pamoso sa tawag na Violet.

* Your votes and comments are highly appreciated β™₯️☺️