It's been two weeks simula nong ma discharge ako sa hospital. No one dared to speak about what happened in the hospital. Sam was there, nakita niya lahat ang mga pangyayari. Kung gaano ako nasaktan nang araw na'yon.
Sir legaspi apologize to me for what happened. He even asked me if I'll still play the game. But i refused his offer, tangina hindi na ulit ako mag lalaro kung yung psycho pitcher niya makakalaban namin ulit.
Napa tayo ako ng wala sa oras when ma'am laude called my name.
"Are you listening to me Ms. Elizabeth?" mataray niyang tanong. Napa tingin ang mga ka klase ko saakin at inirapan ko naman sila. Nagbubulungan ang mga ito parang mga pisteng insekto lang.
"of course ma'am, sayang naman binabayad namin sainyo kung hindi ako makinig sa inyo diba?" umirap ito at nag turo muli. Umupo naman ako sa upuan ko ng inusog kunti ni sam yung upuan niya.
Napa hagikhik ito kaya nilingon ulit kami ni maam.
Lunch time na ng lumabas kami ni sam sa classroom, sabay kaming pumunta sa canteen para mag lunch.
"Melaine what do you want? My threat."
Tanong niya sakin. Pinaningkitan ko siya ng mata, Tumungo siya at hindi maka tingin sakin.
Lumipat ang tingin ko sa food stall ng makita kung andon yung paborito ko.
"Milk tea nalang." nagtaka siyang tumingin sakin kaya tinuro ko sa kanya yung bagong bukas na food stall sa canteen.
"Ah sa bit-bit, sige maupo ka muna rito bibili lang ako ng food natin." sinundan ko siya ng tingin hanggang sa food stall.
Nagtataka man ay binalewala ko nalang. Hindi na ako nag tanong kung saan siya galing ng pera, sabagay kakatawag niya lang sa parents niya baka pina dalhan ng pera.
Tahimik lang kaming kumain ng bigla itong. Dali dali niyang niligpit ang gamit niya at humarap sakin.
"Mauuna muna ako ha, may aasikasuhin lang."
"okay, take care." she wave her hand and walk fast.
I bet she's seeing someone, this is the first time na ganito yung best friend ko. I shrugged.
Wala naman siguro. Bulong ko.
Pag katapos ko kumain pumunta muna ako sa powder room to check my face. Papasok na sana ako ng may marinig akong nag uusap.
"Yep, serves her duh sobrang yabang akala mo naman magaling. Parang ulol nga todo papansin kay lev–" Binuksan ko ang pinto and i saw Eunice naglalagay ng foundation sa mukha niya.
Lumapit ako sa kanya at hinarap siya. Mas matangkad ako sa kanya kaya naka tingala siyang tumingin sakin.
"Problema mo? Kung todo papansin ako kay levi?" mataray kung sabi sa kanya sabay taas ng isang kilay ko.
She flipped her hair, akala mo naman rebonded madami naman split ends.
"Desperada na nga bingi pa." hindi ako nakapag timpi at hinili ko ang buhok niya.
Nilapit ko ang mukha ko sa tainga niya at bumulong.
"So? Hindi katulad sa'yo hiniwalayan ng jowa dahil sakin." mariin kung sabi sa kanya bago binitawan ang sunog niyang buhok.
I look at them one by one. Tsk babantot ng mga mukha. Nuknukan ng foundation matakpan lang pimples.
I smirked, nasa akin naman ang huling halakhak.
Pumunta ako sa classroom nagbabasakali na naka balik na si sam. Pero wala pa, umupo muna ako sa upuan ko pero sabi ng ka klase ko may meeting kaya wala ng klase.
I decided to go in the library para gawin ang homework ko. At syempre para makita ko din si Levi, nagbabasakali lang naman. Ilang oras kulang siya hindi nakita na miss ko kaagad.
Desperada kung desperada, pero gusto kulang talaga yung tao.
Sa pinaka sulok ako umupo para walang disturbo. Tutok na tutok ako sa binabasa ko ng may umupo sa harapan ko.
Hindi na ako nag abala tingnan ito dahil madami pa ang babasahin ko. Mabilis kung sinulat ang mga important details na kakailanganin sa quiz.
Maya maya pa ay tumigil muna ako at hinilot ang sentido ko. Sumasakit na ang kamay ko kaya tinigil ko muna ang pag susulat.
Napa tingin ako sa relo ko, malapit na pala mag 4 am hindi ko man lang namalayan.
Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Na hulog ang mga gamit ko sa sahig dahil sa gulat. Napa tingin siya sakin at kumunot ang noo niya.
"what are you staring at?".
"ha?" nangapa ako kung ano sasabihin ko. Fuck naman kasi bakit nauutal ako pag siya kaharap ko? Bwisit lang.
"Tsk, pulutin mo mga gamit mo" he pointed my things using his lips. God ang pula ng labi niya. He looks so hot talaga.
I immediately fix my things and put it back on my bag. Ng matapos ay hinila niya kaagad ang kamay ko at lumabas sa library.
"Hey, bakit mo ako hinila? Uuwi na ako." he slightly titled his head and look at me. Walang kurap din akong tumitig sa kanya pabalik. Ramdan ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko.
"Sa bit-bit." sagot niya at bumaling ang tingin sa food stall. Naguguluhan man ay nagpahila naman ako sa kanya.
Binitawan niya ang kamay ko ng makarating kami. Madami ang tumingin sa banda namin ng makita kaming mag kasama. Kahit ako ay nagulat man, hindi na ako magugulat bukas kalat na kalat na ito.
I'm just worried kasi pano nalang si Elora? I'm sure malalaman niya ito. I may be desperate pero ayaw ko makasira ng relasyon. I know my limits.
Aalis na sana ako ng hilahin ulit ako ni Levi. This time umangal na ako.
"Bakit?" taka niyang tanong.
"Anong bakit? Levi, for god sake you have a gf! Ano nalang iisipin ni elora sa ginagawa mo ngayon ha!? Saka ayaw mo sakin diba kasi desperada ako? Ayaw mo sakin!" biglang uminit ang sulok ng mata ko sa huling sinabi ko. Nasasaktan din naman ako pero tinitiis kulang.
Na tahimik siya sa sinabi ko. Binawi ko ang kamay ko sa pagka hawak niya. Kinuha ko ang milk tea sa kamay niya at aalis na sana ng pinaharap niya ako. And he kissed my forehead.
"Ingat sa pag uwi," natameme ako sa ginawa niya. Para akong nasa freezer at hindi makagalaw sa tinatayuan ko. Ramdan ko ang pawis sa kamay ko.
Nilingon ko siya habang naglalakad palayo. Hinawakan ko ang noo ko at napangiti. Kahit sa panandaliang panahon gusto ko maging selfish.
Gosh Leviticus, you give me feelings i can't put into words.