AENEAS
Malalim na ang gabi nang makalabas kami sa syudad ng Malakia. Kasabayan na rin namin ang nasabing groupo ni Cease at ang kawal na ibinigay ni Ama.
"Cease, paano ang ibang kawal?" Tinignan niya ako na parang may mali akong nasabi kaya nagtaka ako. "Huwag mong alalahanin ang ibang kawal. Naglalakad sila, mauuna tayong darating sa silangan." Hindi ko nalang siya pinansin at kumuha ng papel sa aking bulsa. Hinila ko ng ang lubid ng kabayo ko para pumamtay kay Sariyas.
"Sariyas, ikaw lang ang makakabalik sa palasyo. Hanapin mo ang pangalan na nakasulat rito sa papel. Nakasulat din sa papel ang gagawin mo." Tinanggap ni Sariyas ang papel at itinago sa kanyang bulsa. Hindi nakaligtas kay Cease ang ikinilos ko at pumantay din ito sa akin.
"Aeneas, kung ano man ang pinaggagawa mo diyan ay itigil mo. Sinabi ko na sayong umakto kang prinsipe." Huminga ako ng malalim. Kung sana ay isa akong ordinaryong tao ay hindi ko gagawin ang ginagawa ko ngayon. Hindi ko hiniling na maging prinsipe ako.
DAMEK
Dumating ang umaga, nagmadali akong inayos ang sarili ko at naglakad papunta sa syudad. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang sigla ng mga tao, mga lasing na lalaki sa gilid ng daan at mga batang naghahabulan.
"Damek? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba hindi kana babalik sa syudad?" Mukhang nagulat si inay dahil nakita niya ako.
Pumasok ako sa loob ng tindahan at inalok si inay na maupo muna kami habang wala pang bumibili sa amin.
"Mukhang importante ang sasabihin mo anak, ano iyon?" Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at tinignan si inay sa mga mata niya. "Inay, gusto ko po magserbisyo sa palasyo bilang kawal." Mukhang labis na nagulat si inay dahil sa binigay niyang reaksyon. Hindi siya nakapagsalita ng sandali at nakatingin lang sa akin, hanggang sa makabawi siya.
"Kung ano man ang nakapagpabago sa isip mo anak, alam kong mahalagang dahilan iyon. Lumaki kang hindi interesado sa pagiging kawal ng palasyo." Ngumiti si inay, pero alam ko na ang ngiting iyon ay malungkot. Nagbaba ako ng tingin, hindi ko matignan si inay sa mga mata niya. Pakiramdam ko ay maluluha din ako.
"Gusto kong matapos na ang digmaan sa pagitan ng mga kaharian. Gusto ko itong matapos na may ginagawa. Ayaw kong umupo nalang sa isang sulok at mamatay na may pinagsisisihan." Hinawakan ni inay ang magkabila kong pisnge at inangat ang ulo ko. Tinignan niya ako sa mga mata ko at ngumiti siya, sa pagkakataong ito ay totoo na ang mga ngiti niya.
"Gusto kong malaman mo anak, sinusuportahan kita sa desisyon mo. Alam kong darating rin ang araw na maiisipan mong lumaban." Niyakap ako ni inay ng mahigpit at gumanti naman ako.
Ngayon ay panatag na ang loob ko na papasok sa palasyo. Panatag na akong makipaglaban para sa palasyo at para sa mga nasasakopan ng Malakia.
Tumayo ako naglakad na palabas ng tindahan, nakita ko ang isang kabayo at sakay doon si Ea. Tinignan niya ako at inilahad ang kamay niya sa akin. "Damek, sabay tayong hahakbang papunta sa kalayaan." Nakangiti kong tinanggap ang nakalahad niyang kamay.
Hindi ako nagiisa, kasama ko si Ea sa pagtupad ko ng mga pangarap ko. Magagawa ko ang lahat kapag kasama ko siya.
AENEAS
(MAKALIPAS ANG DALAWANG ARAW)
Tulala akong nakatingin sa inabutan namin. Mga patay na kawal, wasak na mga tirahan at nagaapoy na lupa.
Bigla akong nakaramdam ng galit, ikinuyom ko ang mga kamao ko at akmang aalis ako sa kabayo ay hinawakan ako ni Cease sa balikat.
"Ito na siguro ang ibig sabihin ng Hari. Inuubos ng kalaban ang mga maliliit na bayan ng Malakia. Pati mga kawal na nakabantay dito ay hindi hinayaang mabuhay." Kahit nagbabaga na ang galit ko ay pinigilan ko ito.
Kaya ako pinapunta ng Hari dito para makita kung gaano na kalayo ang narating ng kalaban sa pananakop nila sa Malakia. Pero wala pa rin kaming alam kung sino ang kalaban namin. May hinala man ako pero wala akong maibibigay na ebedensya.
"Bumaba kayo sa mga kabayo ninyo! Linisin ang paligid! Maghanap ng mga nakaligtas! Huwag ninyong hahayaan na tumapak ang prinsipe sa masukal na lupa!" Pinaglakad ko papalapit kay Sariyas ang kabayo at yumuko naman siya sa akin.
"Sariyas, nagbago na ang isip ko. Huwag ka munang babalik sa palasyo. Tutulongan natin ang Venzel na bumangon. Nasasakopan ito ng unang prinsipe kaya hindi natin dapat pabayaan." Yumuko ulit si Sariyas. "Masusunod mahal na prinsipe." Umalis na ito at tumulong sa mga kawal sa pagliligpit ng mga bangkay.
"Bukas ng umaga ay darating ang mga kawal na nakasunod sa atin. Kung may makita tayong mga nakaligtas na tao, kailangan natin manatili dito ng ilang buwan." Sabi ni Cease sa akin at bumaba na sa kabayo niya. Nagiba agad ang timpla ng mukha niya ng makaapak niya ng patay na kawal.
"Tsk. Huwag kang tatapak sa lupa hanggat hindi pa ito naliligpit." Umiling nalang ako at tumingin sa paligid. Mukhang pati ang kakahoyan na malapit dito ay sinunog din dahil sa patay na mga dahon at itim na mga kahoy.
"Kailangan natin itong sabihin kay Amir, nasasakupan niya ang silangang bahagi ng Malakia, dapat ay malaman niya ang nangyari dito." Sabi ko kay Cease, kung malalaman ito ng kapatid ko ay agad siyang tutulong dito.
"Hindi natin pupweding sabihin sa unang prinsipe. Nasa Palasyo siya ng Jabal para makipagusap." Tinignan ko si Cease dahil sa sinabi niya. "Anong ginagawa ng kapatid ko sa Jabal?" Wala akong maalala na sinabi niyang pupunta siya sa kaharian ng Jabal.
"Ang sabi ng Hari, kinakausap ng unang prinsipe ang Hari ng Jabal para sa pakikipagsanib pwersa. Kailangan ng Malakia ang ibang kaharian para tumulong." Nabaling ang tingin ko sa napakalaking bukid na nasa malayo, kung saan sa likoran nito ay nakatayo ang kaharian ng Jabal.
"Paano kung isa ang Jabal sa mga kaharian na gustong sumakop sa Malakia?" Pagaalala ko. Kilala ko ang kapatid ko, tuwing aalis siya ay ang tagasunod niya lang ang dinadala niya at wala ng iba. Paano kung may mangyari sa kanyang masama? Hindi iyon maaari, siya ang susunod na Hari ng Malakia.
"Magtiwala ka sa kanya, matalino ang unang prinsipe." Tinignan ko ulit si Cease, naglakad siya papunta sa mga kawal na nagbubuhat sa mga bangkay.
"May buhay na mga tao! May mga nakaligtas!"
DAMEK
(MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN)
"Takbo! Iyan lang ba ang kaya ninyo?! Paano ninyo poprotektahan ang kaharian kung mahihina kayo!" Hingal na hingal ako habang tumatakbo. Hindi lang basta takbo dahil may tali kami sa bewang, sa dulo nito ay nakatali ang malaking bato. Kailangan namin tumakbo habang hatak-hatak ang malaking bato.
"Kapitan! Pinapautos ng Hari na itigil muna ang pageensayo at pagpahingahin ang mga kawal." Sa narinig namin ay sabay kaming lahat na bumagsak sa lupa dahil sa pagod.
Habol ang paghinga ay nilingon ko ang paligid para hanapin si Ea, nakita ko siyang nakaupo sa lupa at habol rin ang paghinga niya. Pumikit ako pinakalma ang sarili.
"Pagkatapos ninyong lumanghap ng hangin ay pumila kayo para sa tanghalian." Sabi ng kapitan at umalis na ito. Mabuti nalang at mabait ang kapitan namin, kung hindi ay siguro mamamatay kami sa gutom.
Umupo ako at tinanggal ang tali sa bewang ko, tsaka ko nilapitan si Ea at tinulongan siyang makatayo. "Kaya mo bang maglakad?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya. "Pumila na tayo." Sabay kaming pumila at sabay din na umupo sa may bato malapit sa ibang mga kawal.
"Isang buwan na simula noong umalis ang ikatlong prinsipe sa palasyo, hanggang ngayon hindi pa rin sila bumabalik." Natigil ako sa pagsubo ng pagkain dahil sa narinig kong sinabi ng isang kawal.
"Hindi ninyo alam? Narinig ko mula sa kapitan na nanatili ang ikatlong prinsipe sa bayan ng Venzel para tulongan itong bumangon." Hindi ko na ulit pinakinggan ang usapan nila at kumain nalang.
AENEAS
"Mahal na prinsipe, pinapatawag po kayo ni Kapitan Cease. May importante kayong paguusapan." Minulat ko ang mata ko dahil sa sinabi ni Sariyas. Bigla akong nainis dahil sa ginawang pagutos ni Cease sa personal kong kawal.
"Sariyas, sa susunod na uutosan ka ni Cease, huwag kang papayag." Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko kaya umiling nalang ako at tumayo mula sa pagkakahiga sa ilalim ng malaking puno.
Naglakad ako papunta sa itinayo naming kubo at naabutan ko doon si Cease na nagbabasa ng sulat. "Anong paguusapan?" Umupo ako sa harapn niya at tinignan niya naman ako.
"Nakatanggap ako ng sulat mula sa unang prinsipe. Pinapabalik niya tayo sa palasyo, siya ang papalit sa atin dito dahil natapos na siya sa Jabal." Binigay niya sa akin ang sulat at binasa ko naman. Totoo ngang pinapauwi na ako ng kapatid ko sa palasyo at sinabi rin dito na may sunod na iuutos si Ama sa akin.
"Darating sila dito mamayang gabi, aalis tayo ng umaga para makabalik agad sa palasyo. Mukhang may sinalakay na naman sa mga bayan ng Malakia." Naikuyom ko ang mga kamao ko, kahit gusto kong magalit at magwala ay hindi ko ipinakita kay Cease. "Nabalitaan ko rin na gumagamit na sila ng mahika sa paglusob ng mga bayan. Nakomperma ng Hari na isa mga kalapit nating kaharian ang may kagagawan, pero hindi pa matukoy kung alin sa mga ito."
Sinasabi ko na nga ba, walang ibang gagawa nito kung hindi ang mga kalapit na kaharian. "Juniya? Jabal? Khayin? Khiana? Malaman ko lang kung sino sa kanila ang may kagagawan, uubosin ko sila." Naramdaman ko agad ang paghampas ni Cease sa ulo ko gamit ang sulat na kinuha niya sa kamay ko.
"Huwag mong idamay ang Jabal, kumpermado na ang panig nila. Kakampi natin sila." Hindi ko siya pinansin at lumabas nalang sa kubo.
"Ang unang prinsipe! Nandito ang unang prinsipe!" Nanlaki ang mga mata ko, nakita ko ang dalawang tao na naglalakad papunta dito sa kubo. Ang kapatid ko at ang personal niyang kawal.
"Aeneas." Nakangiti niyang tawag sa akin at niyakap agad ako ng mahigpit. Hindi ako nakagalaw sa pagkagulat, ang sabi ay mamayang gabi pa sila darating.
"Prinsipe Amir! Kamusta ang paglalakbay?" Bati ni Cease, pinakawalan ako ng kapatid ko at ginulo ang buhok ko kaya napasimangot agad ako. "Maayos naman, naisip namin ni Habibi na maagang magpunta rito para makauwi na agad si Aeneas sa palasyo." Yumuko si Habibi sa akin para magbigay galang. Si Habibi ay personal na kawal, katulad ni Sariyas.
"Aeneas! Muntik ko na makalimutan, may regalo ako para sayo. Makikita mo pag nakabalik kana sa palasyo. Sana magustohan mo." Napangiti ako sa sinabi ng kapatid ko. Tatlo kaming magkakapatid pero si Amir lang ang malapit sa akin. Mabait siya sa lahat at maaasahan. Talagang itinadhana siyang maging Hari ng Malakia.
DAMEK
Abala kaming lahat sa paglilinis ng mga sandata, ibinalita ng kapitan namin na babalik ng palasyo ang dalawang prinsipe, bukas ng umaga. Nasabi na sila Aeneas at prinsipe Magnus ang uuwi sa palasyo.
"Uy Khota, sa tingin mo sino sa tatlong prinsipe ang malakas?" Hindi ako interesado sa paguusap nila pero naririnig ko sila kaya hinayaan ko nalang.
"Seyempre ang unang prinsipe! Si Prinsipe Amir ay may kapangyarihan ng apoy na kayang umubos ng isang kaharian!"
"Huwag mong kakalimutan na ang pangalawang prinsipe ay kayang kontrolin ang hangin! Kaya niya rin umubos ng isang kaharian kung gagawa siya ng buhawi!"
"Hah! Mga hangal, ang ikatlong prinsipe ang mas malakas. Ang sabi-sabi sa loob ng palasyo ay hindi siya pinayagan ng Hari na gamitin ang mahika niya dahil masyado itong malakas at delikado."
"Pero hindi natin alam ang kapangyarihan ng ikatlong prinsipe, paano mo masasabi na malakas talaga siya?"
"Hoy! tama na ang daldalan diyan! Malapit na sumapit ang gabi! Mag handa na kayo dahil darating na bukas ang dalawang prinsipe!" Tinignan ko ang tatlong naguusap kanina. Totoo ba ang sinabi nila? Hindi pinapagamit ng Hari ang kapangyarihan ni Aeneas?
"Damek, tapos kana diyan? Kailangan na natin maghanda dahil may piging bukas sa palasyo. Inimbitahan ng Hari ang mga tao sa syudad at ang mga kawal." Nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi ni Ea. "Ibig sabihin ay makikita ko si inay?" Nakangiti siyang tumango, mabilis kong inayos ang sandatang nalinis ko at tumayo na.
AENEAS
(PALASYO NG MALAKIA)
Nang makarating kami sa labas ng palasyo ay bumaba agad ako sa kabayo ko at ganoon din sila Sariyas at Cease. Kaming tatlo lang ang bumalik dahil pinili kong iwan ang mga kawal sa kapatid ko. Kailangan nilang protektahan ang unang prinsipe.
"Aeneas! Mahal kong kapatid, maligayang pagbabalik!" Lumabas ang kapatid kong si Magnus mula sa palasyo, nakangisi siya sa akin at hindi ko iyon nagustohan. Kahit kailan ay hindi naging maayos ang relasyon namin sa isa't isa.
"Mmn, papasok na ako at magpapahinga. Sariyas, Cease samahan ninyo muna ako sa silid ng Hari para bumati." Utos ko sa kanila at naglakad na papasok sa palasyo. Nilampasan ko ang kapatid kong nakangisi sa akin. "Magpapasikat kana naman ba ulit kay Ama?" Natigilan ako dahil sa nakakainsultong tanong ni Magnus.
"Hindi ko kailangan magpasikat dahil alam ni Ama ang lahat ng ginagawa ko. Sumusunod lang ako sa utos." Matapos kong sabihin iyon ay nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa silid ng Hari.
Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ni Ama ay yumuko sa akin ang dalawang kawal na nakabantay at pinagbuksan kami ng pinto.
"Ama." Sabi ko at yumuko sa Hari, ganoon din sila Sariyas at Cease. Nakita kong itinaas ni Ama ang kamay niya at pinalapit ako sa kanya, kaya ginawa ko naman at umupo sa kama niya.
"Maayos naba ang Venzel?" Hinawakan niya ako sa pisnge, hinawakan ko ang kamay ng hari sa pisnge ko at ngumiti. "Opo Ama, maayos na ang Venzel. Nasa kamay na sila ni Amir, sinabi niya sa akin na pinapabalik ninyo ako sa palasyo." Tinignan ni Ama ang personal niyang kawal na nakatayo sa gilid ng kama niya. Mukhang naintindihan niya naman agad at may papel na ibinigay sa akin.
"Sulat iyan galing sa kaharian ng Khayin." Sabi ni Ama at binuksan ko naman para mabasa ito.
Nakasulat sa papel na gusto ng Hari ng Khayin na makipagkaisa sa Malakia, nasabi rin dito na ipapakasal niya ang nagiisang prinsesa ng Khayin sa kapatid kong si Amir para mapatunayan na gusto nilang makipagkaisa sa amin.
"Pero Ama, hindi papayag si Amir na ipapakasal siya sa kung sinong babae. Napapayag mo siyang maging Hari ng Malakia sa kasunduan na hindi ka mangingialam patungkol sa babaeng gusto niyang makasama." Pumikit si Ama at hinawakan ako sa kamay ko.
"Ikaw ang pupunta sa Khayin, kakausapin mo ang Hari nila patungkol sa gusto niyang mangyari. Sabihin mong hindi ko isasakripisyo ang kasiyahan ng anak ko sa kagustohan niya." Minulat ni Ama ang mga mata niya at tinignan ako ng deretso sa mga mata ko.
"Kung nais niyang makipagisa sa atin, hindi kailangan ang kasal." Yumuko ako kay Ama at tumayo na. "Masusunod Ama, maglalakbay ako papuntang Khayin at kakausapin ang Hari nila. Hindi ko kayo bibiguin." Umalis kaming tatlo sa silid na iyon at pumunta naman sa silid ko. Umupo ako sa kama at inisip na agad ang plano.
"Huwag ka munang magisip ng mga plano Aeneas. Ang Hari ay nagimbeta ng mga tao sa syudad para ipagdiwang ang pagbabalik ninyo ni Magnus sa palasyo. Iyon muna ang isipin mo." Sa sinabi ni Cease ay may bigla akong naalala.
"Pupunta muna ako sa syudad." Akmang lalabas na ako sa silid ay hinawakan ako ni Cease sa braso ko. "Saan kana naman pupunta? Naghahanda na ng pagkain ang mga katulong para sa tanghalian ninyo. Huwag kang aalis, hahanapin ka ng Hari." Hindi nalang ako nanlaban at bumalik sa kama.
Gusto kong makita si Damek, naipangako kong babalik ako sa ika-apat na araw pero ko nagawa. Baka nagalit siya sa akin.
#Damek
#Aeneas