Yna's POV
Haays, ang weird talaga. Nakalipas na ang buong magkahapon pero hindi pa rin mawala sa akin ang alalahanin ang nangyari kahapon. May kakaiba talaga, aish! Kainis.
"Ah kuya, pwede pong pakiabot nung baso sa mesa," pakisuyo ko sa napadaan na kuya.
Kasama ata ito sa bahay ni tita, kanina pa kasi siya nandito, maghapong hindi umalis. Kung aalis man, kapag inutusan lang ni tita.
"Thank you,"
Isa pa itong weird, ang hinhin kumilos. Parang babae lang, mas babae pa siyang kumilos kaysa sa akin. Napakamahiyain pa.
"Amm kuya," tawag ko ulit sa kanya.
Huminto naman ito at nakatungong nilingon ako.
"Ano palang name mo? Ako pala si G-yna, ikaw anong pangalan mo?"
Umaatras ito ng nilapitan ko. Hmp! Alergic sa babae? O baka naman mabaho na ako? Huhu! Baka nga hindi pa ako nakakaligo mula kanina eh.
"A-ako si Heart,"
"Heart? So lesbhian ka?"
Umiling-iling ito.
"Hahaha, Heart Steven ang pangalan niya Yna. Ganyan lang talaga siya, mahinhin kumilos pero lalaking lalaki yan,"
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na 'yon. Kapapasok lang ni tita galing sa labas, nanguha ata ng mga bunga sa pananim niya sa bakuran.
"Ah ganun po ba?"
"Hmm, kayong dalawa lang ang madalas dito sa bahay. Palagi kasi akong nasa barangay, alam mo na," ani tita Elena at kumindat pa. "Pagtiyagaan mo na lang si Heart, mabait naman 'yan. Hindi lang talaga palasalita, palaging tahimik pero talagang maaasahan 'yan. Promise!"
Nagtaas pa ng kanang kamay niya si tita.
"No problem tita, hindi rin naman po ako ganung kadaldal, maliban kung nasa mood hehe. Anyway highway nice to meet you Heart,"
Basta ko na lang kinuha ang kamay niya para makipag-shake hands.
Infairness ang lambot ng kamay, dinaig pa yung akin. Hmp!
Matapos ng konting kwentuhan namin ni tita, nagpaalam na siya para pumuntang barangay hall. Kapitana pala ang tita ko, bakit hindi ako nainform. Mas marami daw ang oras niya sa barangay hall dahil binabantayan nila gabi-gabi ang kababalaghang nagaganap sa bayan nila.
Nakakatakot, pero interesting. Gusto kong malaman kung anong kababalaghan ba 'yon, common na kung isang aswang na pagala gala tuwing hating-gabi na nambibiktima ng mga buntis, o di kaya naman baka mga kaluluwang hindi matahimik tuwing sasapit na ang dilim. Aish! Dahil si lola ang nakasama ko mula bata ako, hindi bago sa akin ang mga kwentong ganun. Hindi na nakakatakot kapag paulit-ulit mo ng naririnig, kaya lang mahirap pa ring paniwalaan dahil wala namang makakapagpatunay na totoo nga.
"Mamayang alas-dose huhuntingin ko din ang misteryosong nilalang sa lugar na ito, bwahaha---hehehe,"
Napakakot na lang ako sa ulo ko ng sumulpot bigla si Heart. Nakakahiya!
"Aalis ka?" Tanong ko rito ng mapansing bihis na bihis ito.
Naka-all black pa. Umiling lang ito.
"Eh--- nevermind, uy marunong ka bang magluto? Luto ka naman oh, hapunan natin,"
Okay fine, ako na yung feeling close.
Tumango lang ito bilang sagot, basta na lang akong tinalikuran. Hmp! Wala na ngang bibig, bastos pa. Haays pagtiyagaan ko na lang, gaya ng sabi ni tita.
Sinundan ko ito sa kusina, kasalukuyan itong nagpapalingas sa kalan. Habang pinapanood ko siya sa bawat kilos niya, mahahalata mo na sanay na siya sa mga gawaing tulad nito. Nakakatuwa lang, bihira na lang ang mga lalaking tulad niya. Mga lalaki ngayon, basta asa na lang. Hindi ko nilalahat, may iilang matino pa naman gaya ng isang ito.
"Heart, gusto mo kong samahan mamaya?" Basag ko sa katahimikan.
"S-saan?"
"Hmm, sabi ni tita tuwing sasapit daw ang hating-gabi may kababalaghan daw dito sa bayan n'yo. Curious lang naman ako, so, sama ka?"
Takte! Pumayag ka!
"Ayoko,"
"Ayts, ba't naman? Natatakot ka no?" Tinapik ko ito sa balikat niya. "Don't worry, nandito naman ako eh. Sama ka na! Poprotektahan ka nito!" Proud na sabi ko habang tinatapik-tapik ang balikat niya.
Napahinto siya sa ginagawa, expected ko na talaga na sasama na siya sa akin.
"S-sorry,"
Ang hirap kumbinsihin hmp!
"Haays bahala ka nga, bilisan mo na lang 'yan. Nood lang ako ng tv,"
Iniwan ko na ito na mag-isa sa kusina.
"Nagugutom na ako huhuhu,"
***
"Tik-tak-tik-tak."
Takte! Bakit ang bagal ng limang minuto. Kapag hindi mahalaga ang kailangan ko sa limang minuto mabilis lang lumipas pero kapag kailangan ko ayan, pakiramdam ko isang oras ang hinihintay ko.
Aish! Bahala na nga! Mas maganda na siguro na mapaaga ako, limang minuto lang naman eh.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Katabi lang kasi ng kwarto na tinutuluyan ko ang kwarto ni Heart, nakakahiya naman kung maiistorbo ko ito sa mahimbing na pagkakatulog niya.
Maingat kong inihahakbang ang mga paa ko sa tiles na sahig. Medyo may pagka-clumsy kasi ako, kaya nga walking disaster ang tawag sa akin ng mga kaklase ko.
At ito na nga ang kinatatakot ko, ang madulas ako.
"Aish! Kainis naman,"
Iika-ika akong naglakad papunta sa direksyon ng pinto. Pagkahawak ko sa door knob, nakakapagtaka na bukas ito. May lumabas ba kanina? Ayt nevermind. Mas mahalaga ang task ko ngayon kaysa pag-remind sa bagay na hindi ko alam.
Nasa labas na ako, takte! Ang lamig! Bakit ba kasi hindi ko man lang naalalang magsuot muna ng jacket. Kung bumalik kaya ako? Aish! Wag na malayo na ako masyado sa bahay ni tita.
Titiisin ko na lang ito.
Lingon dito, lingon doon ang role ko ngayon. Nagkataong paglingon ko nahagip ng mata ko ang isang lalaking nagtatakbo, mukhang may humahabol dito. Kahit hindi ito kalapitan mula sa kinatatayuan ko, makikita ang takot sa mukha ng lalaki.
"Masundan nga, oo tama. Baka isa na ito sa clue, kuya sandali!" Sigaw ko at mabilis na nagtatakbo sa direksyon ng tinakbuhan nito.