Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

GOOD BOY BEHIND THE MYSTERIOUS MASK

Lady_Manunulat
--
chs / week
--
NOT RATINGS
9.5k
Views
Synopsis
Sa tagal ng panahon ng huli niyang nasilayan ang kanyang tita Elena. Naisipan ni Yna na magbakasyon muna roon upang makasama ito. Ngunit hindi naman niya inaasahan ang mga pangyayaring magaganap habang naroon siya. Nakilala niya si Heart Steven Yamada. Ang lalaking nakakuha ng kanyang interes. Hindi niya alam na ang lalaking pinagtatanggol niya at hinahangaan sa kakaiba nitong pag-uugali ang siya palang may maitim na balak sa kanyang tita Elena. ©2019
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

"Alam ko na ang sikreto mo,"

Napaatras ito nang makita ako. Nahulog niya mula sa kanyang kamay ang isang bagay na pinakamahalaga sa kanya.

"Tapos na ang lahat, tama na. Even once in your life, magpakatotoo ka,"

Walang mabakas na kahit na anong reaksyon sa mukha niya. Bistado na pero nananatili pa ring kalmado.

Hindi ko na alam ang sunod na hakbang na ginawa ko, matapos kong malaman ang totoo. Lumakad ako sa direksyon ng kinatatayuan niya. Niyakap ko siya, nang mahigpit. Alam kong ito ang kailangan niya.

"Ano man ang mangyari tatanggapin ko, tatanggapin natin. No matter what happen now is meant to happen, MM..."

***

"Lola, tuloy po ba ang pagbabakasyon ko kina tita Elena?" Bakas sa boses nito ang excitement.

"Hmm, oo apo. Excited ka talaga ah,"

"Oo naman po lola, matagal na panahon na mula ng makita ko si tita. 18 years old na po ako ngayon, hmm, siguro po mga 4 years old lang ako ng nung huli ko siyang nakita," sabi nito habang nakatingin sa kisame. Tila bang may nililikha ito sa kanyang imahinasyon.

"Aish, o'siya, ayusin mo na ang mga gamit mo at maaga ka pa bukas," ani lola Veatries.

"Hihi oo nga po no, sige po lola sa kwarto lang ako, mwaah I love you always lola,"

Matapos nitong ayusin ang mga gamit, dumiretso na rin ito sa pagtulog. Kahit sa pagtulog nito, mukha ng tita niya ang ini-imagine niya.

Pagdating ng umaga, maaga itong umalis. Hinatid siya sa terminal ng bus ng kanyang pinsan, hindi siya naihatid ni lola Veatries dahil sumama ang pakiramdam nito. Kaya naman, aalis siya ng hindi man lang nayayakap ang lola.

"Insan, ingat ka d'on ah," sambit ng pinsan nitong si Maemae.

"Oo naman, o'sige bye na. Iyakap at ihalik mo na lang ako sa pisngi ni lola,"

Niyakap niya muna ito bago tuluyang magpaalam.

Ngayon, haharapin niya ang buhay na malayo sa kanyang lola. Mas mabuti na rin ang ganito para sa kanya, kailangan niya na ring matutong mapag-isa.

Madilim na ang langit ng marating niya ang maliit na bayan ng kanyang tita. Kasalukuyang nakasakay siya sa isang tricycle na maghahatid sa kanya sa bahay ng kanyang tita.

"Salamat po," aniya.

Bago niya tuluyang maihakbang ang kanyang mga paa, napahinto siya sa mapunong bahagi ng daraanan niya. May kung ano kasing bagay ang umagaw sa atensyon niya.

"Ano kaya 'yon?" Aniya sa kanyang sarili.

Dahil likas na ang pagiging kuryusidad niya sa mga bagay bagay sa paligid niya. Nilapitan niya ang madilim na mapunong bahagi.

Wala man lang itong maramdamang takot kahit pa kay bago pa lang sa hindi pamilyar na lugar.

"Tch! Pusa lang pala," aniya sa sarili ng makita ang pusang itim. "Infairness, ang cute---"

Napatakip siya ng kanyang bibig nang makita ang anino ng isang lalaking may dalang samurai. Nakamaskara pa ito. Weird ng outfit, nakakatakot sa madilim. Pakiramdam niya para siyang nakakita ng totoong killer sa mga napapanood niyang movie.

"K-kuya, hellow?"

Kinaway niya ang kanyang kamay.

"Waaaaaah!" Napatili siya ng bigla na lang siyang hinabol nito.

Kumaripas siya ng takbo. Walang tigil ang kanyang bibig sa pagbigkas ng 'In the name of Jesus' hindi niya alam kung effective ito. Pero alam niyang mas makapangyarihan ang pangalan na kanyang binabanggit.

Takbo lang siya ng takbo sa mapunong lugar. Kaya naman hindi niya napansin ang punong nabangga niya. Natumba ito at nawalan ng malay.

Katapusan na kaya niya?

"Tch! So it's you," nakangising sambit ng misteryosong lalaki.

Hinubad nito ang suot na maskara, at itinuloy ang balak sa babae.

~

"Waaaaaah 'wag po---- tita?"

Napailing ang kanyang tita Elena sa nakitang reaksyon niya.

"Nasaan na po yung kuyang nanghahabol sa akin? May hawak po siyang samurai at gusto niya akong patayin,"

"Nanaginip ka lang, kanina ka pa nga nagsisisigaw d'yan," sabi nito at pinalo siya ng mahina sa binti. "Pasalamat ka dito sa gwapong ito, nakita ka niyang natutulog sa may tindahan. Bakit ba naman kasi hindi ka nagpasundo?" May inis sa boses nito.

"Sorry po tita, gusto ko po sana kayong i-surprise," nakangusong paliwanag niya. "Pero ang weird lang ng mga nangyari, aish! Nevermind na nga po,"

"Ikaw ang weird, halika at kumain ka na ng almusal. Pinagluto kita,"

"Talaga po tita?"

"Oo naman, halika na. Sumunod ka na,"

"Okay po," masiglang tugon niya.

Bago sumunod sa tita niya ay tiningnan niya muna ang gwapong lalaki na tinutukoy ng tita niya.

Well, may itsura nga ito. Kaya lang mukhang bakla, mahiyain at mahinhin kumilos, parang babae.

"By the way, salamat pala," nasabi na lang niya rito bago magpatuloy sa paglalakad.