Chereads / My Erich / Chapter 17 - CHAPTER 16

Chapter 17 - CHAPTER 16

THE ORIGINAL IS BACK

tinitigan ko ang likod ng lalaking mahal ko na humahangos sa bilis ng takbo papasok ng mansyon sobrang sakit ni hindi nya manlang ako tinapunan ng tingin kung sino man yung dumating alam kong malaking parte iyon sa buhay ng mahal ko

Hindi ko pinasok ang mansyon sa maids quarter ako nagtungo pagbukas ko ng kwarto namin nakita ko si jam seryoso itong may tinatawagan

"Jam"

Agad itong lumingon at lumapit sakin niyakap ko sya ng mahigpit dun nadin tumulo ang luha ko hindi ko na kaya sumabog na yung puso ko

"Shhhhhh erich umamin ka mahal mo ba sya?"

"Oo jam ma-masakit sa puso parang tinutusok ng mga karayom jam huhuhuhu"

Humigpit pa ang yakap ni jam sakin hinahagod nya yung likod ko pero parang manhid lang ako tanging luha ko lng ang walang tigil sa pagtulo

"Nakita mo si loraine"

Nagulat ako si loraine bumalik na sya buhay sya shit ngayon nanlata na ako hindi nadin nakayanan ni jam ang bigat ko kaya sabay kaming napaupo sa sahig kaya pala nakalimutan na naman nya ako nandyan na pala yung original nyang mahal isa lang pala akong panakip butas ang sakit sakit sobrang sakit

THIRD PERSON POV

nawalan ng malay ang dalaga kaya nag panic si jam binuhat nya ito kahit mahirap pahiga sa kama saka tumakbo sa sala para puntahan si nay dalia hindi nya alam ang gagawin

Naabutan nya ang buong pamilya ng Hussion na masaya sa pagbabalik ng original na asawa ng lalaking noon palang ay ayaw nya para sa kaibigan dahil masasaktan lang ito at ngayon nga'y nangyari na

"Nay dalia si erich po hinimatay halika po diko alam ang gagawin"

"What?"

Nilingon nya ang magkapatid na Hussion parehas itong nakatayo at nakatingin sa kanya parehas din bakas ang pag aalala sa muka

"Where she is"

Lumapit sa kanya si jack na alalang alala kaya tinuro nya kung nasaan si erich nilingon nya si alex na nakangiting nakayakap sa asawa nya masayang masaya ang mata nito nainis sya napaka walang kwentang lalaki manggagamit gustong gusto nya itong sugurin pero mas mahalaga ang kaibigan nya Kaya tumakbo sya pabalik sa kwarto nakita nyang seryosong nakatitig si jack sa kaibigan hinahaplos pa ang mga buhok nito di nya naiwasan mapangiti ang binatang yun ang para kay erich ramdam nya yun

"Jam halika na bumalik na tayo sa trabaho kaya na ni senyorito jack yan"

Tumango sya sa matanda pero bago umalis ay nilingon nya pa ang kaibigan naawa sya rito kung bakit sa maling tao pa ito nagmahal

Kitang kita ni jack sa muka ni erich ang lungkot kahit walang malay ito tumutulo padin ang luha sa mga mata at alam nya kung sino ang dahilan nito hindi naman maitatagong may gusto ang babaeng gusto nya sa kapatid nya

"Erich please stop loving him I'm here I can love you back I promise I always make you happy just give me a chance"

Pinunasan nya ang luha nito at hinalikan sa noo kung hindi nya lang kailangan pumunta ng U.S ay hindi nya iiwan ang babaeng mahal nya at iiwan sa piling ng gago nyang kapatid

Halos isang oras ng binabantayan ni jack si erich kaya nakaramdam ng antok ang binata at nakatulog habang hawak ang kamay ng dalaga

Pag mulat ng mata ni erich nakita nya ang pamilyar na kisame at chandelier nasa mansyon na sya at hindi lang panaginip ang nangyari kanina totoong bumalik na ang original na asawa shit ito na naman ang mga luha ko ang sakit kasi ehh

Nagulat sya ng humigpit ang hawak ng lalaking natutulog habang nakayuko sa kama nya hindi ya nagkakamali si jack ito dahil sa buhok nitong dark brown nakaramdam sya ng saya namiss nya ang kaibigan sa sandaling yun nabawasan ang sakit na nadarama nya

" Jack?"

"Hmmmm"

"Jack hahah"

Di nya napigilan tumawa ang cute kasi ni jack pupungay pungay pa ang mata ng umangat ang muka sa kanya

"E-erich gising kana thanks God"

Niyakap sya nito at ginantihan nya ng mas mahigpit pang yakap namiss nya ang kaibigan at thankful syang nandito ito sa tabi nya upang damayan sya

"Ok naba pakiramdan mo tara kumain na tayo"

"Pe-pero jack "

"Yes erich kakain tayo sasabay ka samin mag lunch bakit kaibigan kita at alam yun nila momy"

"Pero jack ayoko makita yung si loraine"

Pag amin nya sa kaibigan di talaga maganda ang pakiramdan nyang makita iyon sa unang pagkakataon

"Just hold my hand ok I'm always beside you"

Samantala ang nagbabalik na original ay di makalas kalas ang pagkakayakap sa asawa na akala mo ay wala itong ginawang kasalanan 2 years ago

"Hubby I miss you"

"I miss you too wife sobrang saya ko na bumalik ka sakin ng ligtas"

"I love you hubby I'm sorry sa nagawa ko noon sorry"

" Forget it wife ang mahalaga kasama ulit kita"

Ang saya ni loraine na tinanggap ulit sya ng asawa na parang walang nangyari noon oo alam nyang sa sarili nyang mahal nya si jack kumpara sa sawa nya pero mas mahalaga sa kanya kung ano ang tama yun yung si alexiel ang pag tuunan ng pansin pero iba ang sinisigaw ng puso nya si jack ang nais nyang makita at makasama

Magkaholding hands sila ni alex ng pumunta sa dining room kung saan nandon na ang mga magulang ng asawa nya pero wala si jack siguro ay iniiwasan sya nun

"Who's your thinking wife"

"Wa-wala hubby"

Hinalikan nya sa labi ang asawa bago nakipag beso sa magulang ng asawa nya

"Good evening mom dad "

"Grabi di talaga ako makapaniwala na kasama kana namin kumain iha sobrang namiss kita"

Gigil na niyakap ng ginang ang daughter in law masaya syang nakabalik na ito sa piling ng panganay na anak alam nila kung paano ito naging miserable sa dalawang taon na pangungulila kay loraine

Masayang umupo sa hapag kainan ang mag asawa na akala mo ay wala ng makakapag hiwalay sa kanila pero nagulat silang lahat ng dumating si jack na may kasamang babae kamukang kamuka nya ito hindi nya alam ang maramdaman nakatitig lang sya sa babae ganun din ito sa kanya parang nagsusukan sila ng tingin nanginginig parehas ang kanilang katawan at sabay nawalan ng malay

Nagkagulo naman sa dining area buhat buhat ni jack si erich at si alexiel ang asawa nya dinala nila ito sa magkahiwalay na kwarto saka tumawag ng dalawang doctor para tingnan ang dalawang babae hindi naman mapakali si jack at alexiel nag aalala sila para sa babaeng mahal nila pero si alexiel dalawang babae ang nasa puso nya pero iisa ang muka litong lito sya