Bumuntong hininga siya at isinandal ang likod sa couch. Wala sa sarili na naisuklay niya ang mga daliri sa buhok na humarang sa kanyang noo. He can't explain what's his feeling right now. Ang sakit-sakit ng dibdib niya at gusto niyang umiyak, pero tila duwag ang luha niya para sumungaw sa kanyang mga mata. Yet, his heart is crying a river just like the rain outside. Sa tingin tuloy niya ay nakikisama ang panahon sa kung anuman ang hinagpis na nararamdaman niya ngayon.
'Thank you for being always there for me. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil naging bahagi ka ng saya at drama ng buhay ko. I know you only have happy memories of me and I don't want you to give a painful one to remember, but I need to go and face another journey of my life leaving you behind. Maraming salamat sa lahat, Arkin.'
Iyon ang text message ni Wila sa kanya at hanggang ngayon ay hindi niya alam kung paano ito tutugunan. Reading that kind of sweet goodbye from the woman he loves so much is killing him inside. Mahal niya si Wila, mahal na mahal na mahal... Hindi niya alam kung paano tatanggapin sa sarili na bukas ay aalis na ng Pilipinas ang pamilya nito at magma-migrate na sa bansang Australia.
Yeah, Wila is right. He will be left behind --- pati na rin ang pagmamahal niya para rito na minsang umasa siya na masusuklian din nito pagdating ng panahon.
Oo, alam niya na kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka hihingi ng anumang kapalit. Pero wala namang mali na minsan ay naniwala siya na nandyan ang salitang "pag-asa" at handang dumikit sa kanya sa anumang pagkakataon.