Ako'y nangangarap na makakita nang isang lalaki na aking mamahalin nang lubusan.
Lalaking magbibigay sa akin ng SPARK sa una pa lang nang aming pagkikita.
Pero, parang ang labo na para makakita nang ganoon,
Bakit?
They only exist in a story,
Such stories that will make you feel all the emotions that you can feel while you are living.
I'm Liezzandra Jane Fabian a grade 12 student under academic track- Accountancy Business and Management.
I would like to take accountancy in my college year. Alam kong mahirap pero kailangang kayanin.
Wala namang mawawala kung susubukan ko. Madadaan naman iyon sa sipag at tiyaga.
Naniniwala ako na kapag gusto mong maabot ang isang bagay, gagawin mo ang lahat ng iyong makakaya para lamang iyon ay makamtan.
Gusto kong mag-excel sa lahat para maipagmalaki ako ng magulang ko. Para hindi masira ang tiwala nila sa akin bilang panganay na anak nila.
My father graduated under bs criminology. Yes he's a policeman under PEZA. Siya ang laging usapin sa maiinit na balita, and I'm proud of that.
He wants me to take criminilogy at first, kaso nang makita nilang masyado akong mahinhin para sa kursong iyon ay nagbago na ang isip niya. And then he wants me to take education, but I refused. Takot ko na lang mamatay nang maaga nang dahil sa stress no.
My mother finished first year college. Hindi na niya itinuloy ang pag-aaral niya nang dahil sa hirap ng buhay. Gusto niyang matulungan ang magulang niya sa pagtitinda noon, kaya nagpasya na lang siya na tumigil.
Gusto siyang pag-aralin ni papa ngayong mag-asawa na sila, but she always refused. E kesyo, sa amin na lang daw. Lagi nilang pinag-aawayan iyon, pero nasanay na rin ang tainga ko at hinayaan na lamang.
Although, gusto kong makapagtapos si mama sa kurso na kinuha niya noong kolehiyo, e wala naman kaming magagawa kung ayaw na talaga niya.
Also, I have these two younger brothers na super kulit. They are Primo and Max. Both of them are 15 years old at doon rin nag-aaral sa kung saan man ako nag-aaral.
Primo and Max are the hearthrobs of our University in Junior department. Ang ilan rin sa mga kabatch ko ay nagkakagusto sa kanila nang dahil sa angking itsura na taglay nila.
Napapatawag ako lagi sa guidance nang dahil sa sobrang babaero raw ni Primo. Aba, ang dami yatang nilalandi nito tapos iiwan rin kinabukasan. Iyon ang dahilan kung bakit ang daming nagrereklamong magulang, hirap ko na lang mag-isip nang isasagot sa kanila kapag salubong na ang kanilang mga kilay.
Habang si Max naman ay lagi akong pinapatawag sa classroom nang dahil sa award na natatanggap nito. Sobrang talino naman kasi nito, ni hindi na nagagawang magsaya sa labasan nang dahil sa aral lagi ang nasa isip.
Hindi magkaklase si Primo at Max, dahil sa ayaw ni mama na pagsamahin sila sa isang klase. Baka raw mahawa sa pagkachicboy ni Primo si Max pag nagsama pa ang dalawa.
Actually they both excel in their class. Sadyang babaero lang si Primo at iyon lang ang lamang niya kay Max na napakatahimik at tanging libro at cellphone lang ang gustong kausapin.
Kung tatanungin niyo kung anong height nila? Mas matangkad sila sa akin, at yun lang ang masasabi ko.
Kung titignan niyo, parang ang saya ng pamilya namin hindi ba? Yan ang pinakamalaking sana all ko sa buhay.
Mukha lang kaming masaya pero hindi, maraming pangyayari na ang hirap ipaliwanag at iyon ay nararanasan ng aming pamilya.
Minsan iniisip ko kung bakit ba nangyari iyon,
Pero mas pinili ko na lamang na libangin ang sarili sa mga pwede kong pagkalibangan.
Bagkus doon ko na lamang naibabaling ang sakit at lungkot na nararanasan ko nang dahil mismo sa pamilya ko.
Gusto kong humanap nang makakapagpasaya sa akin, ngunit paano na kung dalawa sila?
Pwede ba 'yun?
Hindi ba kasalanan 'yun?
Once again, I'm Liezzandra Jane Fabian living in real world and signing in as Denisse Lauren in Virtual world to find peace and silence in mind.
And let's see what will happen next in my TWO WORLDS.
------