Nasa hallway na ako ng school namin at halos lahat ng estudyante naka tingin sa akin. Shit! Sana kainin ako ng lupa ngayon
Agad nawala ang kaba ko nung nakita ko sila kate na papunta sa'kin
"Catherine kailangan mo makita ito" sambit ni fiona sabay hatak sakin
Nandito kami ngayon sa malapit sa canteen at nakita ko ang picture ko na naka ekis at may naka sulat "MAGBABAYAD KA!"
"Lagot talaga ako" kinakabahang sabi ko.
"Shit pano na toh?!" sigaw ni lucy
Nagulat ako nang tinapunan ako ng mga estudyante ng harina at mga kung ano ano pa. Agad akong hinigit nila lucy upang makaalis kami don
Punong puno ako ng harina pag tingin ko sa salamin. At may mga itlog pa
"Ganto ba talaga ang buhay dito?" naiiyak kong tanong.
"Oo ganto talaga" sambit ni lucy na inaayos ako
Ang dami kong problema. Hindi ko alam kung bakit pa ako binuhay kung puro ganto lang ang mga problema ko! Hindi ko na napigilan ang sarili ko napaiyak na lang ako sa kawalan
"Shhh magiging okay din yan magrereklamo tayo sa guidance" sambit ni kate habang inaayos ang buhok ko.
"Sana" sambit ko
Nagulat kaming apat dahil pagkalabas namin puro mga babae ang nandun sila Maddie at ang mga kuto niyang kasama
"Ang pangit mo! Kaya ayaw sayo ng pamilya mo eh" maarteng sabi ni maddie
"Pwede ba wala akong ginagawa sa inyo kaya tigilan nyo ako" matapang kong sabi.
"Nalaban kana ngayon Catherine, eh ang dami mo ng kaaway sa school na to" matapang na sambit ng kasama niya.
"Pwede ba tigilan niyo na si catherine. Inggit ba kayo ha" matapang na sigaw ni fiona
"Hindi kami naiingit maganda ba yan" natatawang sabi ng isa niya pang kasama
"Oh hindi naman pala siya maganda anong ginagawa niyo at galit na galit kayo sa kanya?" tanong ni kate
"Pake niyo" sambit ni maddie
Umalis na kami doon dahil masyado na akong nahihiya. Ewan koba dapat sila ang nahihiya pero ako pa ang nahihiya.
"CATHERINE LEINE" sigaw ng isang lalake
"Shit si kiel" sambit ni kate
Dahan dahan ko siyang nilingon at ngayon ko lang napagtantong maganda ang mata niyang kulay asul at ang umiintig niyang panga.
"Go to hell" matapang kong sabi.
"Wala ka talagang dala ah" natatawang sabi niya
"At bakit ako madadala sayo aber?"
"Kasi mamatay ka dito" sambit niya sabay may binigay siyang box at umalis na.
Binuksan ko ang box at nagulat ako dahil kabaong itong maliit. Agad akong kinabahan dahil mukhang mapapa aga ang buhay ko.
Enjoying Reading? Kung gusto niyo pa ng iba kong story visit lang kayo sa account ko na wattpad i have story din don so thankyou
Heres the link
https://my.w.tt/GvFn4CUDC6