This chapter is dedicated to my self and also kay ate daigakuinsei na nagbasa ng story ko at nagustuhan niya huhuhu. Thank you sa pag-inspire!💖
----------------
To: Zevin Allearda
Mahigit 1 month na akong hindi nakapagsulat about sayo pero sige ito na itotodo ko na. Like omegash binigyan mo ako ng chocolate and flower na plastic nong february 14 grabi kilig ko mga sampu. Pero crush nanggigil talaga ako bakit pa kasi bumalik 'yung ex mo! Parang dati lang ako kasama mo kapag breaktime every na wala akong kasama and now siya na kasama mo. Okay lang tanggap talaga ni self, oo hindi ako nahurt promise. Hindi na kita papansinin, kakausapin, hindi na rin kita papahiramin ng ballpen kala mo ah.
Hindi ka na future,
Allysabeth Ramsey lang.
-------
"May regalo ka na sa February 14?" tanong ni Victoria. Ngumiti ako at itinaas 'yung regalo ko.
"Syempre naman. Hindi ko makakalimutan 'yung gift ko kay Zevin noh."
"Puro ka Zevin," aniya. Tumawa lang ako sabay na ibinato 'yung chocolate na nakatago sa may bag ko.
"Huwag ka na maghanap ng regalo sa may February 14, sisipain kita."Â Tumango siya at niyakap lang ako. Parang bata talaga 'to.
Pumunta na lang kami sa may room at doon na nagdaldalan dahil wala naman si ma'am at kadalasan topic sa room about sa Valentines. Pero kinikilig ako enebe baka mamaya bigyan ako ng regalo ni Zevin. Baka lang naman.
Hanggang ngayon hinihintay pa namin 'yung teacher namin sa may ESP pero wala pa rin. Ghost ata si ma'am. Ang ginawa na lang namin nagdecorate then nagpahinga hanggang sa dumating na 'yong teacher namin sa may Science.
-----
This is the day na ireready ko talaga ng bongga 'yung gift ko kay Zevin na pinag-ipunan at pinag-paguran ko sa --este hiningi ko lang pala 'yung pera kanila mama. Nilagay ko na 'yun sa may bag baka kasi kapag dinala ko mawala 'di ba.
Naglalakad ako sa may hallway nang may matanaw ako sa may gilid ng bintana na may pamilyadong tao na magkahawak ang kanilang kamay, naghaharutan na para bang nahiya na ang asukal dahil sa katamisan na ginagawa nila sa daan. Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na lang papunta sa may room.
Bungad na bungad na sa akin ang mga dekorasyon na ginawa namin kahapon. Mga pusong nakasabit pati 'yung larawan ni kupido na may hawak siyang pana na nakasabit sa may taas ng pinto para daw lucky sa lovelife ang dadaan. 'Di ba ambongga ng room may meaning pa ang mga decoraterealistic namin.
Nang mahagip ko na si Zevin sa may pintuan agad kong pinaghahampas sa braso si Caleanne na sigurado ko namumula na sa galit ngayon.
"ALLYSABETH!" Sigaw niya. Tinakpan ko ang bunganga nito at bumulong sa kaniya.
"Nandyan si Zevin. Sige hindi ko ibibigay 'yung chocolate na para sayo," sabi ko. Nakita ko naman na tumahimik ito at tumango.
"Okay. Sabi ko nga tatahimik na," si Caleanne.
Kinuha ko 'yung gift ko sa may bag saka lumapit kay Zevin na may kaba. Ikaw kaya magbigay ng regalo sa crush mo kung hindi ka kabahan. Baka kasi mamaya tanggihan niya.
"Para sa akin ba 'yan?" Nakangiting sabi ni Zevin. Ampogi mo ano ba!
Naiilang akong tumingin sa kaniya at sabay abot sa hawak kong regalo. "Sayo 'yan hehehe."
Tumango siya at may kinuha rin ito sa bulsa niya at iniabot ito sa akin.
"Para sayo nga pala 'yan. Sorry kung ayan lang wala kasi akong perang naipon." Nahihiyang sabi nito. Tinanggap ko iyon na may ngiti sa kaloob-looban ko dahil first time ko lang makatanggap ng ganito lalo na't sa crush ko pa.
"Okay lang 'yan. Bakit kailangan ko pa mag-inarte, ako na nga lang 'yung tatanggap hindi ba?" Tumawa lang kami at sabay na naupo sa may Silya.
"Happy Valentines sayo Ally. Sige alis muna ako may pupuntahan lang ako." Pagpapaalam niya saka umalis na.
Habang kinikilig ako at tinitignan 'yung Plastic na flower at chocolate nang may biglang kumalabit sa akin.
"Ikaw pala Laxen. Bakit?" tanong ko.
"Alam mo kung kanino talaga galing 'yang hawak mo?" Sabay turo nito saga regalong ibinigay ni Zevin sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay baka isa lang siya sa fans ni Zevin at sekretong bakla na gusto sirain sa akin si fafa Zevin noh.
"Oo naman kay Zevin."
"Are you sure?" sabi niya. Ako'y naguguluhan na dito kay Laxen baka masapak ko 'to dilaunan.
"What do you mean huh? Gusto mo lang ba ako siraan kay Zevin noh?" sambit ko. Umiling siya at hinila ang braso ko papalabas ng room.
"Papakita ko sayo kung sino sa atin ang naninira." Hindi ko na namalayan na nasa may labas na kami ng building kung saan dito ko nakita 'yung mga naglalampungan dito kanina na parang walang pambayad sa motel.
Magsasalita na sana ako nang magtago kami bigla sa may gilid nitong Laxen at tumingin sa may daan.
"Babe, i miss you," sabi ni Zevin sa may labas. Agad akong nalaungkot sa nakita at nadetect kung sino 'yung babaeng 'yun at si Aeciella nga ang ex ni Zevin! Sila rin 'yung naglalampungan na nakita ko.
"I miss you too. Where's my gift?" Mukha kang regalo siszt? Sipain kita Aeciellantod ka eh!
"Here." Sabay abot ni Zevin sa Freshy and Original na flower kay Aeciellantod with ferrero chocolate kaya napatingin na lang ako sa binigay nitong Tigsasampung bulaklak at tiglilimang chocolate sa may labas. Where's the equality lord!
Hinila ko na si Laxen at pumunta sa may gilid kung saan kami lang ang tao. Tumingin lang ako sa kaniya ng seryoso habang ang mukha nito na nang-aasar.
"Kahit huwag mo na ipakita 'yun Laxen it's timeless and useless lang. Bakit kami ba ni Zevin?" seryoso kong sambit. Umiling lang siya at tinap ang balikat ko.
"Kahit sabihin mo 'yan, alam ko namang nasasaktan ka. Don't worry dito ka sa akin hindi kita sasaktan este dito ka sa akin kapag naging kaibigan mo ako hindi kita sasaktan at proprotektahan kita," aniya. Ngumiti lang at niyakap siya.
"Okay, friends na tayo ah? Alis muna ako ah." Pilit akong ngumiti sa kaniya habang pinipigilang hindi maluha dahil napakadaming tao ngayon para makita nila ang isang Allysabeth na umiiyak dahil lang sa crush nito.
-------
Keep safe everyone. Sorry for the errors.
- hakdog for you.