"What The Hell Ma, Are you insane? A blind Date sa lalaking hindi ko kilala? No, I Don't want to go!" Hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa sobrang inis ko sa sinabi ni mama. A blind date? What the Heck!
"Kaizen, watch your words! Ina mo parin ako" Malumanay pero may awtoridad na sabi ni mama. Tumayo siya sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "I'm doing this for your own good, Anak!" Nagulat ako ng may tumulong luha sa mga mata ni mama.
I hate seeing my mother crying because of me. I hate being set in a blind date. I hate this attitude of mine, yung tipong Galit ako kanina pero biglang maaawa at bumait. I hate My self. I hate My Father. I hate boys. Ughhhhh! I hate the World! I want To die but I can't.
"Mom, Shh! Sorry, sorry. Don't cry please" Hinawakan ko ang pisngi ni mama at pinunasan ang kaniyang luha. I don't know what to do kaya niyakap ko nalang siya at inalo.
"Anak please don't get mad at me. I'm doing this for your own good, para pag wala na ako di ka mahihirapan, kayo ng kapatid mo" naaawa ako kay mama. Gusto kong umiyak pero ayaw lumabas ng luha ko. Siguro napagod na ang mata ko sa pagluha, nasanay na ang puso ko sa sakit, naubos na ang luha kaya kahit anong piga sa mga mata ayaw lumabas.
"Ma, Don't say that. Hindi ka mawawala okay. You're a strong woman and a strong mother of your two children. Malalagpasan mo rin ang lahat ng sakit. Just please don't give up" inihiga ko ang ulo ni mama sa dibdib ko at hinagod ang buhok niya.
Naaawa ako para kay mama kung pwede nga lang sana na ipasa sa akin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ay matagal ko ng ginawa, gusto ko saluhin lahat ng sakit, gusto kong angkinin, gusto ko ako nalang sana ang masaktan because i hate seeing my mother in pain.
It's been 2 years since my bastard father left us. He left us without saying goodbye. He left us na hindi alam ang gagawin, nasanay kasi kami na palagi siyang nandiyan sa tabi namin kaya ng umalis siya wala kaming nagawa nalugmok kami. He left us para sumama sa kabit niya. Galit ako sa kaniya, Galit na galit to the point na hinihiling ko na sana iba nalang ang tatay namin.
Gabi- gabi umiiyak si mama, walang maayos na tulog at hindi nakakain sa tamang oras at ng dahil sa walang kwenta kong ama nagkasakit si mama. Hindi matukoy ng mga doktor kung ano ang sakit niya but one thing is for sure hindi na magtatagal sa mundo si mama. Nawasak ang akala kong masayang pamilya dahil sa kabit ni papa.
Kaya ng araw na iyon at dahil sa awa kay mama isinumpa ko na hindi ako magpapapasok ng lalaki sa buhay ko. Gumawa ako ng harang sa puso ko, matibay na harang na kahit sinong lalaki hindi makakatibag. Since that day our father left us i became a Man hater. Dahil para saakin lahat ng lalaki ay kagaya ng tatay ko, yung tipong kukunin ang tiwala mo sa umpisa pero kapag naibigay mo na ang buong tiwala mo sa kaniya saka ka iiwan sa huli. I hate boys, because boys is just a problem. Ayoko matulad kay mama na gabi-gabi umiiyak dahil sa Isang lalaki. Para saakin Mas mabuti pang maging matandang dalaga kesa sa mayroon ka ngang asawa pero hindi ka naman maging masaya.
"Ma, shhh! Don't cry na okay? I hate you seeing crying again" mahina kong sabi. Hinawakan ko ang pisngi ni mama, pinunasan ko ang luha na patuloy na umaagos sa mga mata niya. Tiningnan ko siya sa mga mata saka Bumuntong hininga. "Fine, Ma. I will go to that blind date. Wag ka na umiyak okay?" and with that mama smiled.
I hate being set on a blind date, because i hate boys. Pero para kay mama, para sa ikasasaya ni mama ay gagawin ko, kahit ang kapalit nito ay ang sarili kong nararamdaman, ang sarili kong kasiyahan.
Ughh! I hate Boys.
-----