Matagal ng magkasintahan si Devina Lalaine G. Almirante at Yuan Harris Almirante. Napagpasyahan na lamang nilang magpakasal nang si Yuan ay ganap ng isang presidente ng Sweetleaf Corp. Ltd. Ang buhay ng dalawa'y perpekto para sakanila kung hindi lang nangyari ang isang aksidente. Matagal ng may Addison's Disease si Devina bago pa man mangyari ang isang aksidente.
Buntis siya noong mga panahon na iyon kaya itinigil niya ang kanyang therapy, tests at ang diagnosis. Kinailangan siyang maoperahan at tanggalin ang bata sakanyang sinapupunan upang hindi siya nito mapatay kapalit nun ay hindi na siya kailanman magkakaanak. Naging sanhi din iyon upang muling lumabas ang sintomas ng kanyang sakit na nauwi sa malalang sakit na tinatawag na Addisonian Crisis.
Ang lahat ng iyon ay itinago niya sakanyang asawa dahil takot itong magalit siya. Para sakanya hindi na bale ang maging makasarili. Ngunit dahil sa kagustuhan ni Yuan na magkaroon ng anak, ang makipaghiwalay at humanap ng ibang babae ang naging solusyon niya. Huli na nang malaman nilang dalawang araw nalang ang itatagal ni Devina sa mundo. Tadhana nga ba talaga ang maglalayo sakanila?