May isang babaeng nagngangalang Ezey.
Isang magandang babae.
Kung ano ang kinaganda nya.
Kabaliktaran naman ang ugali nya.
Isa syang napakasalbahing bata.
Gusto nya ,pag gusto nya nakukuha nya agad.
Isang araw nagkasagutan nanaman sila ng mama nya.
"BIGYAN NYO NA KASI AKO NG PERA!!!!KAILANGAN KO YUN PARA MAKAGALA NAMAN DITO. MAY NALALAMAN PA KASI KAYONG PALIPAT LIPAT NG BAHAY EH!!!!" sigaw nya sa mama nya.
"Anak intindihin mo sana.yung ipon natin naubos dahil sa paglipat natin dito. kung gusto mong gumala. sasamahan kita bukas na bukas din
" Paliwanag ng kanyang ina.
" HINDI KO KAILANGAN ANG PAGSAMA MO SAKIN!!!KAYA KO KAHIT MAG ISA LANG AKO!!!!SIMPLE LANG NAMAN ANG GUSTO KO AH!!!!!BAKIT PA KASI LUMIPAT LIPAT PA NG BAHAY.AT WALA AKONG PAKIALAM KUNG WALA NG NATIRA SA IPON NYO ANG GUSTO KO BIGYAN NYO AKO NG PERA!!!HINDI PALIWANAG.ANO PA'T BINUHAY NYO AKO KUNG HINDI NYO MAN LANG MAIBIGAY ANG GUSTO KO.BUSET!!!!!!." pasigaw parin na sabi nya sakanyang INA sabay sipa sa upuan sa tabi nya.
'Ouch masakit ah.'sabi nya sa isipan nya.
Pilit pinapakalma ng mama ni Ezey ang sarili nya.
Gusto nya ng maiyak dahil sa inaasal nanaman ng kanyang anak.
Sanay na sya dito. dahil araw araw ganito ito pero ang isumbat sakanya kung bakit binuhay nya pa ang anak nya ay ibang usapan na. sobrang nasaktan sya sa narinig nya galing sakanyang anak.
"IKAW BATA KA SUMUSOBRA KA NA AH!!HINDI NAMAN GANITO PAGPAPALAKI NAMIN SAYO!!TAPOS GANYAN ANG SASABIHIN MO??ABA KANINA,HINDI PALA KANINA ARAW ARAW PALA AKONG NAGPIPIGIL DYAN SA UGALI MONG YAN!!!SINABI MO PANG......." habang nagsasalita ang mama ni Ezey narinig nyang may dumating.
'Bingo!andyan na si papa!'sabi nya sa isip nya.
".....KAHAPON LANG TAYO LUMIPAT DITO TAPOS KUNG MAKAHINGI KA NG PERA AKALA MO MILYONARYO TAYO......" Hindi nya na Hinintay pang matapos ang sinasabi ng kanyang ina, tumakbo na sya palabas ng bahay nila.
Eksakto namang pagkabukas nya ng pinto nila ay papalapit na din ang papa nya sa pintoan nila.
Ang LAWAK LAWAK ng ngiti nya sa labi ng makita nya ang susi ng motor ng kanyang ama ay nakasabit LANG sa bulsa nito.
Dali dali syang nagpaslide sa sahig tangay tangay ang susi ng kanyang papa at tumakbo papunta kung saan ang motor.
"HOY BATA KA BUMALIK KA DITO!!!" Rinig nyang sigaw ng mama nya pero hindi nya na ito nilingon.
"HOY EZEY PAG IKAW LALAMPAS SA GATE NA YAN WAG NA WAG KA NG BUMALIK SA BAHAY NA TO!!!!!" pero imbis na matakot sa sinabi ng mama nya.
Hindi nya LANG ito pinansin at pinatakbo na agad ang motor.
"Bahala kayo sa buhay nyo."tanging sabi nya lang at pinatakbo ng mabilis ang motor.
"Haysssss.bakit ba nagkakaganyan ang anak natin Sandro."tanong ng mama ni Ezey sa asawa nito.
Tinitingnan nila si Ezey habang palayo ng palayo ito.
" may Mali ba sa pagpapalaki natin sakanya." umiiyak na na sabi ng kanyang INA.
"Shhhhhhh.tahan na Chen." Pagpapatahan ng kanyang asawa sakanya.
"Pano pag hindi na sya babalik? pano pag gagawin nya yung sinabi ko? ma's lumalala na sya ngayon.pag hindi agad nakuha ang gusto nya ma's lalo syang nagiging nagrerebelde." Natatarangang tanong ni Chen sa asawa nya.
"Shhhhhhh.tahan na." Pinaharap ni Sandro ang asawa nya at pinunasahan ang mga luha nito.
"Pumasok na muna tayo sa loob.malamig dito sa labas.babalik din sya."-Sandro.
" hayyyyy" humikab si Ezey habang nasa daan. hindi nya alam kung saan na sya ngayon.
'Buti nalang bilog ang buwan ngayon.hindi masyadong nakakatakot sa daan.'
Kakalipat palang nila kahapon at hindi pa sya masyadong pamilyar sa lugar.
Napapapikit na sya habang nagdradrive. gabi na at gutom na din sya.
Hindi pa sya kumakain ng haponan.
"hayyyyyyyyy"
Pagdilat na pagdilat nya ay.....
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH"