Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 105 - 214

Chapter 105 - 214

Nananahimik sa isang tabi

Nananatiling walang imik

Hindi alam kung ano ang iisipin

Hindi alam kung ano ang gagawin


Naghihintay kung may magbibigay ng rosas

Sa paghihintay ay nawalan na ng lakas

Bibili ng bulaklak upang ibigay

Ngunit nabalewala lamang ang inialay


Lumipas ang araw na tila ba'y walang ganap

Pagdating ng gabi'y ikaw pa rin ang hanap

Lumipas ang araw ng mga puso nang hindi nararamdaman,

Ang pag-ibig na labis na inaasam.


Ang araw na ito'y espesyal sa iba,

Samantalang sa iba nama'y parang wala ng pakialam

Dahil sa pag-ibig na minsa'y ibinigay at nabalewala,

Natakot ng magmahal muli


02-14-2020