Mas inagahan ko na pumasok ngayon kase... tutulong na ako sa booth~! Well, excited ako na kabado kase mahiyain ako. Sobrang mahiyain ako. Inassign kase ako nila Harold sa isa sa mga mag-aassist kung pano suotin ung robe at scarf na DIY lang. Kada house kase may dalawang mag-aassist, eh. Kaya ayun.
Bago mag-alas otso ay nandito na ako sa classroom at nilalaro na lang ung tape na nakapatong sa lamesa na nasa gitna ng classroom. Inaayos kase nila ung lumulutang na kandila na de battery kase natanggal sa pagkakatape ung iba, eh. Habang inaantay ko lang ung sasabihin nila Harold ay tuloy pa rin ako sa paglalaro nung tape ng makita ko si Jervien sa peripheral view ko at nauntog siya sa punong nakapuwesto sa tabi ng pinto. Hala ang cute! Dahan-dahan na lang na lumayo si Jervien sa puno habang nakahawak na siya sa ulo niya. Di ko mapigilang ngumiti~
"Ibon, tulungan mo ko ibalik 'tong lamesa."
"Ibalik saan?"
"Dun sa may puno."
"Sige."
Sabi ko kay Violado sabay buhat na naming dalawa sa lamesa at nilapag na un sa tapat ng puno na pinag-untugan ni Jervien. Sorry Jervien kase nakwento ko' to. Ang cute lang kase, eh~!
"Dalian niyo na! Magsilabasan na ung mga walang gagawin dito! Magbubukas na tayo ng alas otso!"
Sigaw ni Angelica sa buong section nila at section din namin habang kaming mga nakaassign na mag-aassist, magbibigay ng tickets sa labas at hihingi ng feedback ay nag-aayos na. By the way, sila Angelica at Harold ung magho-host ng kada round.
Nagsilabasan na ung mga kaklase namin at mga kaklase rin nila Harold na hindi nakaassign ngayon habang nag-aayos na rin si Angelica. Si Harold naman ay nakatayo na sa may light switch at ready ng patayin ung mga ilaw para mas maganda ung presentation ng booth namin.
Lumipas ang buong araw ay maayos naman ang takbo ng booth namin... kesa lang sa ibang kaklase nila Harold at kaklase namin na magtotropa na tumambay sa sulok sa bandang likuran ng classroom para raw magpalamig. Sinabi un nila Angelica at Harold sa mga kaklase namin at inis na inis sila. Well, sinong hindi maiinis dun lalu na kung kayo na ung nagplano ng lahat-lahat para sa booth na 'to. After ng meeting ng parehong section namin ay nagsi-uwian na kami dahil pare-pareho na kaming mga pagod.
Kinabukasan, walang nakaassign sakin, pati na rin kay Chin kaya umattend na lang kami pareho ng seminar pagkagaling sa booth bago un magbukas. After ng seminar ay nagpunta kaming dalawa ni Chin sa library at dun na lang nagpalipas ng oras hanggang sa magtanghalian na.
Bumaba na kami ni Chin sa canteen at dun na kinain ung mga baon naming kanin. Nung patapos na kami parehong kumain...
"Chin, sa tingin mo ba kumain na un sila Harold?"
Tanong ko kay Chin pagkalunok ko ng pagkaing nginunguya ko habang tinitignan ko na siya.
"Parang hindi pa nga, eh. Siguro mga gutom na un."
Sagot ni Chin sa tanong ko habang tinitignan niya na rin ako.
"Bilhan kaya natin sila ng pagkain?"
"Sige."
"Ano bibilhin natin?"
"Noodles?"
"Pwede. Bilhan na rin natin sila ng biscuit."
"Oo, baka magutom pa sila, eh."
"Teka lang, ubusin ko lang pagkain ko."
Sabi ko kay Chin sabay subo na ng natitira kong pagkain at ligpit na agad ng baunan ko. Mas nauna kaseng natapos kumain si Chin kesa sakin, eh.
"Okay na?"
"Tara na."
Sagot ko kay Chin sabay bitbit na namin pareho ng bag namin at naglakad na papalapit sa tindahan para bumili na ng dalawang noodles at dalawang biscuit para kela Angelica at Harold. Matapos naming bumili ay pumila na kami sa elevator para di na kami mapagod umakyat ng hagdan lalu na't eight floor ung pupuntahan namin. Sakto nung nakarating na kami ni Chin sa classroom ay nagpapahinga na ung mga kaklase ng parehong section pati na rin sila Harold.
"Oh, ayan na pala sila Chin."
Sabi ni Harold habang nakatingin na silang apat nila Angelica, Juliana at Violado saming dalawa ni Chin.
"Baka naman pwedeng pahinge!"
Sabi ni Angelica saming dalawa ni Chin nung makaupo na kami sa platform sa tabi nilang apat.
"Para sayo, oh~"
"Kahit isang subo lang! Eto naman binigay na agad sakin!"
"Bumili kami nyan ni Chin para talaga sainyo! Kase baka di pa kayo nag-aalmusal tsaka baka mga gutom na kayo kaya ayan~"
"Talaga Chin?"
"Oo."
"Hala~! Salamat~!"
"Welcome~!"
At nagsikain na silang apat habang kami naman ni Chin ay pinapanuod na lang silang kumain.
Kinabukasan, pare-pareho kami nila Chin, Juliana at Violado na walang nakaassign samin ngayong araw kaya nagkayayaan kami na pumasok sa booths ng mga tiga HUMSS.
Una naming pinasukan na booth ay katapat lang ng booth namin at umiikot siya sa topic about World Religion kaya meron silang mga DIY examples ng mga torturing devices at nakakatakot pa ung booth nila kase ginawa na nga nilang kulay pula ung ilaw, may jump scare pang ganap. Hindi naman siya nakakatakot... kamuntikan lang kami atakihin sa puso.
Ung booth naman na kahati ng una naming pinasukan ay actual opposite dahil maliwanag at ang bright lang ng vibes. Umiikot naman sa topic na Trends and Fads throughout the decades ung kanila kaya may mga photoshoot, dart game, may live concert pa pati na rin mini fashion show. Ang cute nga lang, eh, kase pag nanalo ka dun sa dart game nila makakakuha ka ng isa o dalawang tigpipisong chichirya. Ung naglalive concert dito sa booth na 'to ay ka-work immersion ko sa General Psychology, eh. Tas si Kurt naman ung nag-aassist sa dart game. Kasabay ko siya mag-work immersion sa GCCSO kaso pang hapon siya at saka kaklase pala siya ni Dustine na ka-work immersion ko.
Ay! Hindi ko pala nasabi kung saan umiikot na topic ung booth namin! Well, hindi ko sure kung ano topic napunta sa section namin pero ung kela Harold ay about Political Science. Unto the next booth! Ung unang booth na napasukan namin sa katabi naming room ay about sa Economics ung topic nila. May Q&A portion pa silang ganap kaya nahati kaming apat nila Violado, Juliana at Chin sa dalawang grupo at kami ni Chin ung nanalo kaya may dalawa kaming stickers~! Yehey~! Kala mo bata pa rin, eh, noh.
Tapos ung sumunod naman na booth ay ung booth ng section nila Ashley~! Silang dalawa ng kaibigan niya ung magbibigay ng tickets sa entrance kaya medyo natagalan kami bago pumasok kase susulat pa ng pangalan at nakipagchikahan pa ako kay Ashley. Hehehe~ ung topic naman ng booth nila ay about sa Psychology kaya may pa listening portion, identifying emotions ata ung isa tas meron pang related sa community at sayang ung frustration booth nila kase di namin natry. Ubos na raw ung balloons nila kaya out of order. Dami ko pa namang gustong ilabas na frustration. Char. AHAHAHAHAHHAHA! 'De, seryoso... sayang.
Meron pa sana kaming dalawang booths na di pa napupuntahan na katapat lang ng booth nila Ashley kaso mga gutom na kami kaya mas pinili na lang namin kumain muna.