Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 83 - Preparations

Chapter 83 - Preparations

First weekday na ng February ngayon at maaga akong pumasok. Mga alas otso... hindi. Late pala ako. Mga 8:20 or 8:30, ganun. Magpeprepare na kasi kami para sa booth na gagawin namin. So... since hindi na naasikaso or inasikaso ng class president namin kung anong booth ang gagawin namin, ang kinalabasan ay makikishare na lang ung section namin sa booth ng section nila Harold. Sabi ng administrator, kung ano raw ung grade ng booth nila Harold... ang makukuha lang daw namin dun ay kalahati. Understandable naman since nakishare na lang din kami ng booth at hindi ng classroom na paggagamitan ng booth, pero ang hindi ko maintindihan... bakit parang walang ginawa ung class president namin about sa booth?

Papasok na ako sa classroom na paggagamitan ng booth namin at agad na akong sinalubong nila Violado at Angelica habang mga nakangiti sila sakin.

"Yvon! Gusto mo bang makasama si Jervien sa booth na gagawin natin?"

Nakangising tanong sakin ni Angelica habang nakatayo na kaming tatlo nila Violado sa tapat ng platform ng classroom na 'to.

"Shempre 'oo' sagot nyan, Angelica!"

Sagot ni Violado sa tanong sakin ni Angelica habang tinitignan na niya ito. Uhh... anong meron sa dalawang 'to?

"Baket?"

"Tangina neto, loading pa utak neto Angelica."

"De, kami kase ni Harold ung mag aassign kung sino gagawa ng ganito ganyan."

"Ahh..."

"Ano? Gusto mo ba?"

Tanong ulit sakin ni Angelica habang tinitignan na ako nilang dalawa ni Violado. Sino ba naman ang hihindi sa offer na yan?

"Pwede~"

Sagot ko sa tanong sakin ni Angelica habang unti-unti nang umaangat ang magkabilaang dulo ng bibig ko. In short... kinikilig na ako! Sa sagot ko na un ay napatili na sila Angelica at Violado, dahilan para mapatingin saming tatlo ung mga kaklase namin na nakatambay lang sa gilid habang ung iba naman ay inaayos na ung booth na gagawin namin.

"Sabi sayo 'di na yan kailangang tanungin, eh!"

Sabi ni Violado kay Angelica habang tinitignan na niya ulit ito.

"Oo na! Tama na!"

"Nakapag attendance ka na ba Ibon?"

"Mag-aattendance pa?"

"Oo, para malaman namin kung sinu-sino mga maagang nagsipasok ngayon."

"Ahh... nasan ung attendance?"

"Andun sa may tabi ng pinto."

Sagot ni Violado sa tanong ko sabay turo na niya sa papel na nakadikit sa pader sa tabi ng pintuan. Tumango na lang ako at saka naglakad na papunta roon para isulat na ung pangalan ko at ung pirma. Para raw hindi lang sulat ng sulat ng pangalan.

"Angelica!"

"Baket!?"

"Tawag ka ni Harold!"

Sabi nung babaeng biglang bumulaga dito sa may pintuan nung tapos na akong pumirma. Teka... ung mukhang 'to... lagi siyang kasama nila Harold!

"Jervien! Halika!"

Tawag ni Violado kay Jervien habang nakatayo na siya sa may pintuan ng classroom namin at nakatingin na sakaniya. And since curious ako ba't niya tinawag si Jervien... tinignan ko na si Violado at hinintay na makalabas si Jervien sa classroom namin bago lumapit sa pinto.

"Ano meron?"

"Magpapapicture daw si Ninya kay Jervien."

"Bakit daw?"

"Crush daw ni Ninya."

"Ahh..."

Yan na lang ang nasabi ko kay Violado at saka naglakad na pabalik sa kinauupuan ko. Crush din pala ni Ninya si Jervien. Okay.

"Yvon! Halika rito!"

Tawag ni Harold sakin habang naka silip na siya pati si Violado sa pintuan ng classroom namin. Uwian na kase nilang mga pang umaga kaya kami namang mga pang hapon ung gagamit ng classroom nila.

"Baket?"

Tanong ko kay Harold habang nakatingin na ako sakaniya at nakatayo lang sa tapat ng upuan ko kung saan nakalagay na ung bag ko.

"Tawag ka ni Angelica! May sasabihin daw siya sayo!"

Sagot ni Violado sa tanong ko kay Harold habang nakatingin pa rin silang dalawa sakin. Tawag ako ni Angelica? Yiiiee~ ano kaya sasabihin nun sakin? Well, since si 'Angelica' naman ung tumatawag sakin... ba't ko pa siya papahintayin ng matagal? Baka bigyan ako neto ng chocolate~ hehehe~ mukhang maganda araw ko hanggang ngayon, ah~

Kahapon kase mga alas otso na ako ng gabi nakauwi kahit na alas tres talaga ung uwian namin. Sinurprise pa kase namin kahapon si Dric, birthday niya, eh. At isang himala ang nangyari kahapon dahil hindi ako sinermonan ni mama pagkauwi ko~

"Nasan si Angelica?"

Tanong ko kila Harold at Violado habang iniikot ko na ung paningin ko para hanapin si Angelica.

"Halika! Andito siya!"

Sabi ni Harold sabay hawak na sa braso ko at hatak na papunta sa hagdan kung saan nakita ko agad si Jervien na nakaupo na parang may hinihintay at si Ninya naman ay nakaupo rin sa hagdan pero nasa mataas na siyang parte. Oh shoot!

"Jervien! Papicture rin daw si Ibon!"

Sigaw ni Violado habang nakahawak na rin siya sa braso ko. Patibong! Patibong! Mga walang hiya kayo!

"Sige, isigaw mo pa Violado."

"Sige."

"Sige raw! Umupo ka na sa tabi niya!"

"Mga walang hiya kayo!"

"Puta, wag ka na mag inarte dyan!"

"Oo na!"

Yan na lang ang sinabi ko kay Harold sabay upo ko na sa tabi ni Jervien. Hala! Ramdam ko na nagiinit na ung tenga ko!

"Ang layo mo naman Ibon!"

"Lumapit ka kase kay Jervien!"

Lumapit na ako kay Jervien dahil sabi nila at... tulong... nagkakadikit ung tuhod namin ni Jervien tapos grabe na ung pagpapawis ko! Ung pawis ko tumutulo na sa mukha ko at pati na rin ung mga kamay ko pinagpapawisan na.

"Lumapit ka pa sakaniya Jervs!"

Sabi nung babaeng madalas na kasama nila Harold habang pinipicturan na kami ni Violado gamit ng phone niya.

"Ngiti ka Jervs!"

Sabi ulit nung babaeng madalas na kasama nila Harold kay Jervien, dahilan para mapatingin na ako sakaniya at samaan siya ng tingin. Who the hell are you to tell him what you want him to do in a bossy way? Mapapamura ako ng wala sa oras dito, eh.

"Yvon!"

"Oh!"

"Halika na rito! Tumulong na tayo sa pag-aayos ng booth!"

Sabi sakin ni Violado habang naglalakad na ako papalapit sakaniya galing sa pintuan.

"San ko ilalagay ung bag ko?"

Tanong ko kay Violado habang tinitignan ko na siya.

"Itabi mo dun sa mga bag namin nila Harold!"

Sagot ni Violado sa tanong ko sakaniya kaya agad ko na nilapag ung bag ko sa platform katabi ng bag nila Angelica at Harold at saka sumunod na sakaniya para tumulong na rin sa pag-aayos.