Andito na kaming apat nila Chin, Juliana at Violado sa labas ng classroom kung saan nag christmas party ung section nila Harold at Angelica. Mga naghahakot pa kasi sila ng mga natirang pagkain, eh. Sayang daw kase ung mga hindi naubos. Totoo nga naman.
"Ano Harold? Matagal pa ba kayo dyan?"
Tanong ni Violado habang nakasilip na siya sa may pintuan ng classroom at shempre nakasilip rin kaming tatlo nila Chin at Juliana.
"Kung tumulong kaya kayo dito para mabilisan kaming apat dito nila Angelica!"
Sabi ni Harold saaming apat nila Violado, Chin at Juliana, dahilan para magsi pasok na kami at tinulungan na sila Angelica na magbitbit.
Lumipas ang maraming minuto ay nasa field na rin kaming walo at may kani-kaniyang mga bitbit. May dala pa nga kaming chocolate cake, eh. Hindi ata nakain dun sa christmas party kanina nila Harold.
"Saan tayo pupunta?"
"Gusto mo ba pumunta sa mall ng may maraming dala?"
"Ayoko nga! Nakaka pagod!"
"Pwede sa bahay niyo Angelica?"
"Nagpaalam nga ako na baka abutin ako ng gabi, eh!"
"Sainyo Juliana?"
"Pwede naman."
"Kila Juliana na lang tayo tapos nood tayo movie."
"Sige."
"Doon na rin natin kainin 'tong mga pagkain!"
"Shempre naman!"
At naglakad na kaming walo papalabas ng school namin nung nagka sundo na kami na sa bahay nila Juliana tatambay ngayon. Oh. By the way… ung dati kong crush last year na naging number one hater ko na… kasama po namin. Opo. Sasama rin po siya sa bahay nila Juliana. Wala sigurong ibang kumupkop sakaniya na group of friends kaya sumasama ngayon kela Harold. Hindi ko na lang siya pinansin, masasayang lang energy ko.
Matapos ng ilang sakay ay nakarating na rin kami sa wakas sa bahay nila Juliana at automatic feel at home agad kaming walo. Ung isa palang kasama nila Harold ay si Rico, masasabi kong kaclose ko rin un pero kadalasan nagiging sarcastic ako sakaniya. Mabait naman ung tao tsaka matangkad at maputi, ako lang talaga ung may problema… hindi siya.
"Juliana, diba may nflix kayo?"
"Meron."
"Pwede gamitin?"
"Oo."
"Nood tayo dun! Nasan ung remote ng tv niyo?"
Sabi ni Harold kay Juliana habang tinitignan na nilang dalawa ni Violado ito at kaming lima naman nila Angelica, Chin, Rico at nung dating crush ko ay nasa kani-kaniyang mga mundo.
"Harold, oh."
Sabi ni Juliana sabay abot na niya ng remote ng tv nila kay Harold.
"Ay, hindi katulad nung kila Ibon?"
Tanong ni Harold kay Juliana pagka kuha niya ng remote rito.
"Yan ung binigay samin, eh."
"Ay. Poor niyo naman. De joke lang!"
Sabi ni Harold kay Juliana at nagsimula na magpipindot sa remote para mamili na ng papanuorin namin.
Lumipas ang mga minuto ay nagsimula na rin magsuggest ng mga pwedeng panuorin sila Angelica, Rico at ung ex crush ko habang ako naman ay nagi-scroll lang sa newsfeed ko at si Chin naman ay nagsecellphone lang din. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakahanap na rin sa wakas sila Harold ng movie na papanuorin namin.
Hindi ko alam kung bakit napili nila ung movie na Don't Breathe pero nanuod na lang din ako. Sa loob ng isa't kalahating oras ay parang feeling ko medyo natrauma ako dahil sa pinanuod namin habang sila Harold at Violado ay biglang naisipan na ayusin ung mga bag namin nila Angelica, Chin at Juliana. Alam niyo ba, habang nanunuod kami ng movie na un… kumakain pa kami nun ng chocolate cake na dinala nila Harold.
Pagka tapos naming manuod at kumain sa bahay ni Juliana ay nagkayayaan na kami na umuwi na. Hindi raw kasi pwedeng gabihin sila Angelica, Violado at Chin, eh. So, ayun na nga… umalis na kami sa bahay ni Juliana at magka kasama kami nila Chin, Rico, Angelica, Harold at nung ex crush ko kasi pare-pareho lang kami ng daan habang si Violado lang ung nag-iisang na hiwalay samin kasi medyo malapit lang kila Juliana ung bahay niya.
Nung nakarating na kami sa sakayan naming anim pauwi ay nauna nang sumakay si Chin ng jeep pauwi tapos sumunod naman si Angelica. Kaming apat na lang nila Rico, Harold at ex crush ko ung natirang nakatayo sa may sidewalk.
"Parang ayoko pa umuwi."
Sabi ni Harold habang nakatingin na siya saming tatlo nila Rico.
"Parang ako rin."
Sabi ko rin habang tinitignan ko na siya. Sabi ko kay mama gagabihin ako, eh. Might as well tuparin ko ung sinabi ko.
"Kayo?"
Tanong ni Harold kila Rico at nung ex crush ko habang tinitignan na niya silang dalawa at ako naman ay nakatingin lang kay Rico.
"Uuwi na ako, eh. Hinahanap na ako nila ate."
Sagot ni Rico sa tanong ni Harold habang palipat lipat na ung tingin nito saming dalawa.
"Ikaw?"
"Uuwi na rin ako shempre! Marami pa akong gagawin sa bahay, noh!"
Sagot naman nung isa sa tanong ni Harold.
"Una na ako."
Sabi ni Rico.
"Ingat~!"
Sabi namin nila Harold at nung isa kay Rico habang tinitignan na namin siya.
"Ako rin! Una na rin ako!"
"Ingat~!"
Sabi ni Harold sakaniya.
"Ingat."
Sabi ko naman sakaniya habang tinitignan ko na siya. Tao pa rin naman siya, eh. Kailangan pa rin niya mag-ingat.
Lumipas ang mga oras ay naka-ikot na kaming dalawa ni Harold sa Lucky leaf Mall at nakabili rin kaming dalawa ng mga pang skincare routines namin doon. Inabot na kami ng gabi at nag-aabang na kami ng masasakyang bus sa gilid ng kalsada para maka uwi na kaming dalawa, kaso puro punuan at pahirapan ng sumakay kasi rush hour na.
"Dun kaya tayo sa una-unahan?"
Tanong sakin ni Harold habang nakatingin na kami sa isa't isa.
"Sige."
Yan na lang ung nasabi ko kay Harold at nagsimula na kami maglakad. Tamang kwentuhan lang kaming dalawa habang naglalakad para hindi tahimik sa pagitan naming dalawa.
"Eto, oh! Tara na!"
Sabi ko kay Harold nung nakakita na ako ng bus na medyo maluwag-luwag kesa sa ibang bus na nakikita naming dumaraan. Dali-dali na kaming tumakbo ni Harold papunta sa bus na kakatigil pa lang at inantay na makababa ung mga pasaherong bababa bago kami sumakay.