"Ibon, may gagawin ka bukas ng uwian?"
Tanong sakin ni Violado habang tinitignan na niya ako at ngumunguya. Breaktime kasi namin ngayon at nasa canteen kaming lima nila Christina, Chin, Juliana at Violado. Kumakain kaming apat ngayon nila Christina, Juliana at Violado ng instant noodles na binili namin dito sa canteen habang si Chin naman ay kinakain ung baon niyang kanin.
"Wala naman. Baket?"
Sagot at tanong ko pabalik kay Violado habang tinitignan ko na siya.
"Sama ka samin nila Christina at Juliana sa Reshif Mall?"
Tanong naman pabalik sakin ni Violado habang tinitignan pa rin namin ung isa't isa.
"Anong gagawin niyo dun?"
Tanong ko ulit pabalik kay Violado sabay subo na ng noodles. Malay ko ba kung ano gagawin nila dun. Baka maghanap lang sila ng pogi dun, eh.
"Bibili kasi kami ni Christina ng phone case."
Sagot na ni Violado sa tanong ko sakaniya, dahilan para mapatingin na ako kay Christina at agad na ibinalik ang tingin ko kay Violado.
"Sige."
Sagot ko sa tanong sakin kanina ni Violado sabay kain na ulit ng instant noodles ko.
"Ikaw Chin? Sama ka?"
Tanong naman ni Juliana kay Chin.
"Aayusin namin bukas ung research namin, eh. Daming pinapa revise."
Sagot ni Chin sa tanong sakaniya ni Juliana, dahilan para mapatingin na ako sakaniya.
"Anong chapter na ung inyo Chin?"
Tanong ni Violado kay Chin habang tinitignan na niya ito.
"Chapter one pa lang. Kayo ba?"
Sagot at tanong ni Chin kay Violado habang tinitignan niya na rin ito.
"Ginagawa na namin ung chapter two. Hindi nga ako sigurado sa ginawa ko dun, eh."
Sagot ni Violado sa tanong sakaniya ni Chin sabay subo na rin ng instant noodles niya. Buti pa sila chapter three na, rerevise din namin nila Micah, Lara at Balanza ung chapter one namin, eh.
Ilang minuto pa ang lumipas ay tapos na rin kaming lima na kumain at naglalakad na papunta sa pinakadulong pila dun sa elevator.
"Bon, pwede paheram ako ng power bank mo mamaya sa classroom?"
Tanong sakin ni Violado habang nakapila na kami.
"Sige."
Simpleng sagot ko sa tanong sakin ni Violado.
"Salamat~!"
Pasasalamat sakin ni Violado at saktong bumukas na ung elevator at nagsilabasan na ung mga estudyante at teachers na nakasakay dun. Nung makapasok na ung ibang mga estudyante at teacher na nakapila sa elevator ay nagsara na ung elevator at kaming lima na ang nasa pinaka unang pila.
Maya-maya pa ay biglang sumulpot sila Lara, Micah, Ceejay, Angela at Jasben at nakipag usap na samin nila Violado, Christina, Chin at Juliana.
"Tagum, naprint mo na ung ipapasa natin kay ma'am mamaya?"
Tanong sakin ni Micah habang nakatayo na silang dalawa ni Lara sa tabi ko at tinitignan na nila akong dalawa.
"Oo, nandun sa bag ko."
Sagot ko sa tanong sakin ni Micah habang tinitignan ko na rin silang dalawa.
"Tagum, sabay tayo uwi mamaya, ha."
Sabi naman sakin ni Lara habang nakatingin na kaming dalawa sa isa't isa. Tumango na lang ako sakaniya at saka nginitian ko na rin siya.
"Di ka Chin sasabay sakanilang dalawa mamaya?"
Tanong ni Violado kay Chin, dahilan para mapatingin na ako sakanilang dalawa.
"Susunduin ako nila papa mamayang uwian, eh."
Sagot ni Chin sa tanong sakaniya ni Violado matapos niyang umiling rito. At bumukas na ulit sa wakas ung elevator at nagsilabasan na ung mga nakasakay dun sa loob. At saktong nag ring na ung bell nung naka pasok na kaming sampu sa loob ng elevator.
Second to the last subject na namin sa araw na 'to at katabi ko ulit si Jervien. Hindi ako masyado komportable sa pagkakaupo ko rito sa puwesto ko dahil sa bag ko pero alam niyo ba, simula nung nakatabi ko si Jervien… mas nakakapag focus ako sa discussion.
Nagsusulat ako ngayon ng lecture sa notebook para may maaral ako once na magpa quiz si sir at may marereview ako sa exam ng…
"Sorry."
H-huh? 'Sorry'? Si Jervien? Nag sorry? Kanino? Baket? H-hoy… teka… omg… first time ko lang siya marinig mag sorry… hindi ko alam kung kanino, pero… omg… umayos ka nga Ibon! Wag ka mag-assume na sayo nag sorry si Jervien!
Pero ung way ng pag sorry niya… ang gentle… mahina pero sakto lang rin ung kalakasan ng boses niya para may makarinig. H-hala! Bakit… bakit parang… parang natutunaw ung puso ko? H-hindi literal, ha! Ung… ung pakiramdam lang…
Tumigil ka nga Ibon! Focus muna tayo sa tinuturo ni sir! Sana hindi napansin ni Jervien ung reaksyon ko nung bigla siyang nag sorry. Teka… naka react ba ako? O baka sa loob ko lang? Ewan! Sana hindi niya napansin…
Lumipas ang mga oras ng dinidistract ko ung sarili ko para hindi mag-overthink doon sa 'sorry' na narinig ko kanina. Buti na lang kagrupo ko sa research sila Masi at Micah kase natutulungan nila akong madistract kahit papano dahil sa mga kalokohang ginagawa nila sa phone ko.
Andito na ako sa kwarto naming dalawa ng kapatid ko. Tulog na silang tatlo at ako na lang ang nag-iisang gising saaming apat dahil nagi-scroll pa ako sa newsfeed ko sa fb ng makita ko na online si Jervien at hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin siya about dun sa 'sorry'.
~NOV 25 AT 11:48 PM~
: Jervien, may sinabi ka bang sorry kaninang practical research?? Nung magkatabi tayo???
Jervien: Wala naman
Jervien: Bakit?? Hehehe
: Kanina kasi alam ko may narinig ako, eh
: Sa bandang kaliwa ko
Jervien: Bakit naman?
: Wala wala wag na lang
: Ahahahaha
~NOV 26 AT 12:02 AM~
: Oo nga pala
: ung story na sinabi ko sayo dati
: Ang dami na nagbabasa nun hehehe
Jervien: Natapos mo na
Jervien: Maganda siguro yan
: On going pa, eh
: Pero nakakapublish na ako ng dalawang chapters
: Eto siya, oh
: *You sent a photo*
: Ung pangalawa dyannn
Jervien: Ahh okay
Jervien: Ang dami nga
: Sana nga dumami pa, eh hehehe
: Sorry kung nakakaabala ako sayo huhu
~NOV 26 AT 12:43 AM~
Jervien: Bagong labas pa lang yan eh dadami rin yan
Jervien: sorry late reply
~NOV 26 AT 6:29 AM~
: Okay lang ahahaha sanay naman ako maghintay