Last subject na namin ngayong araw at chine check na ng teacher namin ung mga naisip naming gawan ng research kada group. Ung seat plan pala namin sa subject na 'to ay by group kaya katabi ko si Lara pati si Desiree tapos katabi naman ni Lara si Micah na katabi naman ni Carl na katapat naman si Madera. Anim na kami diba? Hindi pa natatapos dyan. Ung iba pa naming kagrupo ay sina Abeleda, Agras at… hay… ayoko na pangalanan ung isa.
Nung ung grupo ni Jervien ung nagkukumpulan sa teacher's table ay hindi nakikinig si Jervien sa sinasabi ng teacher namin about sa research ng grupo nila, imbis ay nakikipagharutan siya kay Pengson na kabilang sa ibang grupo. Ang cute nga nilang dalawa, eh. Hehehe~
Titigan silang dalawa tas biglang tumingkayad si Pengson, dahilan para tumingkayad din si Jervien. Patangkaran ung dalawang maliit. Char. Kala mo hindi ako maliit, eh. For your information po, mas matangkad pa po sakin si Jervien. Hindi ko sure kung hanggang saan niya ako pero ung height ko po ay 146 cm or 4'9 ft.
Okay… hindi ko alam kung bakit ko sinabi ung height ko sainyo pero habang pinapanuod ko sila Jervien at Pengson sa may platform sa bandang harapan ng classroom namin ay napapangiti na lang ako. Minsan ko lang kasi makita si Jervien ng ganun, eh. Ewan ko… masaya lang ako na makita siyang ganun. Ang refreshing.
"Basndnsncfnfjnco, Tagum."
Biglang tawag sakin ni Micah, dahilan para mapalingon ako sa bandang kanan ko at tignan siya.
"Ha?"
Yan na lang nasabi ko kay Micah kasi hindi ko siya masyado narinig.
"Wala~!"
Sabi sakin ni Micah habang nakangiti na siya sakin.
"Baka raw matunaw sabi ni Micah!"
Pag-uulit naman ni Lara sa sinabi sakin kanina ni Micah habang nakangiti na rin siya sakin.
"Kanina ka pa nakatitig dyan, eh~"
Dugtong pa ni Micah habang kinikilig na siya? Di ko sure. Mukha siyang kinikilig, eh. O baka nang-aasar lang?
"Hindi kaya! Nasan na ba ung cattleya na ipapakita natin kay ma'am?"
Sabi ko sabay hanap na ng cattleya filler na pinagsulatan namin ng mga naisip naming pwede gawan ng research.
"Ang bilis mo naman makalimot, Tagum! Hiningi ko sayo kani-kanina lang!"
Sabi ni Micah sabay pakita na niya sakin na hawak niya ung cattleya. Napatingin na lang ako kay Micah at saka napangiti na lang ako sakaniya.
"Grabe na ata tama mo sakaniya, Tagum, ah."
Sabi naman ni Lara, dahilan para mapatingin naman ako sakaniya at saka hinampas ko na ung braso niyang malaman.
"Aray!"
"Masi and company!"
Saway samin ni ma'am, dahilan para mapatingin na ung mga kaklase naming saming tatlo nila Lara at Micah. Agad akong umayos ng pagkakaupo dahil pati si Jervien ay nakatingin na rin sa puwesto naming tatlo. Dapat pala hindi ko na hinampas si Lara.
"Sorry po ma'am."
Pagsosorry ni Lara sa research teacher namin habang ako naman ay tahimik lang at hindi alam kung sa teacher ba namin ako titingin o kay Jervien.
"Isa pang ingay niyo, ihuhuli ko ung grupo niyo."
Sabi ni ma'am sabay balik na ulit ng atensyon niya sa grupo nila Jervien.
"Ikaw kasi Masi, eh! Ang ingay mo masyado!"
Pagsisisi ni Micah kay Masi, dahilan para mapatingin na ulit ako sakanilang dalawa ng may ngisi saking mga labi.
"Si Tagum! Hinampas ako neto sa braso!"
Pagsisisi naman sakin ni Lara, dahilan para panlakihan ko na siya ng mata at taasan ng parehong kilay.
"Ahahahaha! Tanginang mukha yan ni Tagum!"
Natatawang sabi ni Micah, dahilan para mapatingin nanaman ulit ako sakaniya at matawa na rin.
"Puta, hinaan niyo nga boses niyo! Pagalitan nanaman tayo ni ma'am, eh!"
Saway ni Lara saming dalawa ni Micah habang nakatingin na siya sa teacher namin na busy pa rin magcheck at magbigay ng advise pero sa ibang grupo naman.
Nakita ko na naguusap-usap na ung grupo nila Jervien. Sure ako si Apo ung leader nila dun since siya ung pinaka matalino dun tapos assistant leader naman niya si Dexter kasi balita ko sila na raw. Tas ung iba pang mga kagrupo ni Jervien ay sila Christina, Sedano, Blanco… at hindi ko na maalala ung natitirang tatlo o apat.
"Tagum."
Tawag sakin ng teacher namin, dahilan para mapatingin na ako sakaniya at nakita na tinitignan ung ID ko. Bakit kasi ung ID ko gamit?
"Nasan na ung cattleya?"
Tanong ni Micah habang nakatayo na siya.
"Ewan ko."
Sagot ko naman sa tanong ni Micah habang nakatayo na rin ako at hinahanap na rin ung cattleya na ipapakita namin kay ma'am.
"Tumayo ka nga Masi!"
Sabi ni Micah kay Lara habang tinitignan na niya ito.
"Eto ba hinahanap niyo?"
Tanong ni Madera saming dalawa ni Micah sabay pakita na nung cattleya na hinahanap namin.
"Pano 'to napunta sayo?"
Tanong ni Micah nung kinuha na niya ung cattleya kay Madera habang naglalakad na kaming magka kagrupo papalapit kay ma'am.
"Binigay sakin ni Masi, eh."
Sagot ni Madera sa tanong sakaniya ni Micah. Agad ko ng sinamaan ng tingin si Masi at saka hinampas ko ulit siya sa braso niya.
"Aray! Pangalawa mo na yan, ha!"
Sabi sakin ni Lara habang nakatingin na rin siya sakin at nakahawak na siya sa braso niya na hinampas ko.
"Tagum! Bakit mo hinampas si Masi?"
Saway at tanong sakin ng teacher namin habang nakatingin na siya sakin. Okay… bakit parang pamilyar 'tong senaryong 'to?
"Tinago po kasi ma'am ni Masi ung cattleya namin, eh."
Sagot ko sa tanong sakin ng teacher namin, dahilan para matawa sila Madera, Carl at Micah.
"Sige, tama na yan. Patingin na ng cattleya ninyo."
Sabi ng teacher namin habang palipat-lipat na ung tingin niya sa grupo namin. Binigay na sakaniya ni Micah ung cattleya at saka binasa na ung mga sinulat namin dun.
Matapos ng salitan ng tanong at sagot namin nila Micah, Lara, Desiree, Madera, Carl at ma'am ay pinabalik na kami sa puwesto namin. At kung kelan malapit na kami sa mga upuan namin ay naalala ko na kung bakit parang pamilyar sakin ung senaryo kanina! Madalas pala mangyari sakin ung ganung senaryo nung junior high school! Wuahahahhaahha!