Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 65 - Dance Practice // Friend's Birthday

Chapter 65 - Dance Practice // Friend's Birthday

October 5 na ngayon at first time kong pumunta sa dance practice namin ngayon kase tinatamad akong gumala nung mga nakaraan. Tsaka hindi naman daw pumupunta si Jervien kaya… yeah… isa na un sa mga dahilan. Birthday rin pala ngayon ni Anna kaya after ng dance practice na 'to ay deretso punta na ako sa samgyeopsal na kakainan nila mamaya. First time ko rin makakain sa samgyeopsal kaya excited na rin ako~!

Ah, oo nga pala, nung nakaraang September 30, debut ni Angelica kaso hindi ako nakapunta kase biglang sumakit ng sobra ung tyan ko kaya sinugod ako nila mama sa ospital. Wrong timing ung sakit ng tyan ko. Imbis na pangalawang debut ko nang pupuntahan un na uwi pa sa ospital!

Eto pa pala! Naaalala niyo pa ba nung sinabi nila Anna at Hendric sakin na silang dalawa? Opo. Hindi po talaga sila. Malakas lang po talaga trip nilang dalawa. Hindi po nila boyfriend at girlfriend ang isa't isa. Hindi ko na rin po alam kung ano ung tumatakbo sa mga isip nila.

Anyways, nandito na ako sa tapat ng palengke na palaging binabalita sa tuwing tumataas or bumababa ung mga bilihin na gulay, isda at karne. Kung alam niyo kung saan un… ipagdasal niyo po ako na sana hindi po ako maligaw ngayong araw. Maraming maraming salamat po sa mga dasal ninyo.

"Nakakainis naman… bakit wala akong kasabay magpunta sa bahay ni Angela?"

Mahinang tanong ko sa sarili ko habang nakatayo lang ako sa tabi ng kalsada habang naghihintay, nagbabasa ng convo sa group chat ng klase namin at umaasang ilang minuto pa ay may kaklase nang dumating. Ayokong maligaw, may pupuntahan pa akong samgyeopsal!

Lumipas ang kalahating oras ay dumating na rin sa wakas sila Raymond, Kraven at iba pa. Kakagaling lang daw nila sa isang basketball court dahil naglaro raw muna sila… wow…

"Tagum! Kanina ka pa dyan?"

Tanong sakin ni Raymond habang naglalakad na sila papalapit sakin. Tumango ako sakaniya nang may pilit na ngiti sa labi ko. Kung alam niyo lang na kinakain na ako ng anxiety ko sa tagal kong nakatayo rito sa tabi ng kalsada.

"Oo, pero okay lang."

Sagot ko sa tanong sakin ni Raymond at saka naglakad na kami papunta sa Lucky Leaf Mall kung san kami nagkita ni Jervien nung August 20. May sakayan kasi ng tricycle dun sa tapat ng entrance ng mall na un, eh.

"Kumain ka na?"

Tanong sakin ni Raymond habang naglalakad pa rin kami kasabay sila Kraven, Madera, Carl, Arvin, Isaac at iba pa. Yep. Napapaligiran ako ng mga malalaking lalake. Para akong may mga bodyguard.

"Oo."

Kanina pa sa bahay, which means lagpas isang oras na. Pero salamat na rin sa pag tatanong.

"Ikaw lang mag-isa Tagum?"

"Oo."

Sagot ko sa tanong sakin ni Arvin. Okay…? Bakit feeling ko ang weird ng sitwasyon na 'to?

"Baket 'di mo kasama sila Violado?"

"Nauna na sila, eh."

Sagot ko naman sa tanong sakin ni Kraven. Oh, okay. Back to normal na ulet.

Lumipas ang mga oras ay natapos na rin kaming mag practice at on the way na ako sa samgyeopsal! Samgyeopsal, here I come! Hehehe~

~OCT 5 AT 5:30 PM~

Ashley: Ano Yvonne? Makakarating ka pa ba?

Hendric: Hindi na ata makakarating yan eh

Kiyoshi: Ikain na lang natin siya

: Hoy wag niyo ko ubusan!!!

: Trapik lang kaya matagal!!!

Anna: Sabihan mo ung driver paki bilisan

Ashley: Taena neto

Hendric: Sabihin mo may importante kang lakad

: Edi sakin pa nagalit ung driver

Kiyoshi: Akin na lang ung iyo, ha

: Hoy ang kapal ng mukha mo Kiyo!!!

Kiyoshi: Salamat

Hendric: Inuubos na talaga ni Kiyo

Ashley: Bilisan mo na Yvonne para maka abot ka pa

Anna: Dalawang oras lang kami dito, ha

: Teka lang naman kase!!!

: Di ko naman kasalanan na trapik dito, eh!!!

Ashley: Nasaan ka na ba?

: Malapit na sa sakayan ng jeep papunta dyan

Anna: Kakababa mo pa lang ba ng bus galing dun sa bahay ng kaklase mo?

: Oo

Hendric: Ay wala na inuubos na talaga Yvon ni Kiyo

: KIYOSHI!

Hendric: AHAHAHAHHAHAHA

Ashley: Ano nakasakay ka na ba ng jeep?

: Oo

: San ako bababa???

Anna: Sa tapat ng simbahan

Hendric: Tanga chapel

: Ano ba talaga??? Simbahan o chapel???

Ashley: Basta pag may nakita ka nang krus bumaba ka na dun

Hendric: Pota para namang gusto mo na ipasundo si Yvon sa langit ah

: Ano baaa gusto ko pa makakain ng samgyeop!!!

Anna: Basta bumaba ka na lang sa tapat ng simbahan o chapel kase katapat lang nun ung samgyeopsal

: Sige sigeee

Ashley: Hoy magiingat ka, ha

: Yes pooo

At sinarado ko na ung data ng phone ko para may magamit pa ako bukas. Baka kase maubos, eh. So kailangan ko na lang maghanap ng simbahan or chapel para makapunta dun sa kinaroroonan nila Anna.

Maya-maya pa ay nakakita na ako ng simbahan kaya bumaba na ako. Pagka babang pagkababa ko ay nakita ko na agad sila Hendric, Ashley, Yohan at Andrea na nakaupo sa may bintana ng samgyeopsal. Finally! Dali-dali na akong pumasok na dun sa kainan para makakain na!

"Nakaabot ka rin sa wakas!"

"Ay, sayang. Balak ko na sana ubusin ung iyo, eh."

"Buti hindi ka naligaw."

"Hello, Yvon~!"

"Anong oras na teh! Malapit na lang matapos ung oras natin dito!"

"Pinayagan ka ni mama mo, bunso?"

Salubong sakin nila Anna, Kiyo, Dric, Andrea, Ashley at Yohan nung nakaupo na ako sa lamesa nila. Nginitian ko na sila at saka tumango na lang sa tanong sakin ni Yohan.

"Oo, pinayagan ako ni mama. Hello, Andrea~!"

Sagot ko sa tanong sakin ni Yohan at bati ko pabalik kay Andrea. Kung nagtataka kayo bakit wala si Joaquin, well, sabi niya sakin sa chat ay ayaw niya raw pumunta kesyo raw wala siyang pamasahe.

Bayaan na muna naten si Joaquin, ang mahalaga… nakakain na rin ako sa wakas ng samgyeopsal~! Alam niyo ba, ung mga kinain ko… si Dric ung nagluto nun sa ihawan. Wuahahahha! Di po kase ako marunong magluto at hindi ko rin po alam kung kelan masasabing luto na ung niluluto ko or hindi.

Buong oras ay kumain at nagkwentuhan kaming magkakaibigan at sobrang saya ko talaga kahit na natalsikan na ng mga maliliit na butil ng mantika ung puti kong damit. Ngayong araw na 'to ay naka experience ako ng bagong… anong word ba pwede? Experience? Ahahahhaha! Basta yon!

Nung magbabayad na si Anna kase tapos na ung dalawang oras namin dun sa samgyeopsal ay kinantahan namin siya, kasabay ung staff ng kainan na un ng happy birthday. Ang cute nga kase dun sa tv nila nag play rin sila ng mga clips galing sa mga Kdrama na nagse celebrate din ng birthday tapos inabutan pa nila si Anna ng cupcake na may nakasinding kandila.

Papauwi na sana kami at nag-aabang na ng jeep sa tapat ng simbahan kaso punuan na lahat kaya nagka sundo na lang kaming pito na maglakad na lang papunta dun sa highway. Mahaba-habang lakarin 'to pero worth it naman kasi kasama ko mga kaibigan ko na tinuturing ko na ring mga kapatid.

Mga alas siyete na ng gabi nung nakarating na kami sa highway at kani-kaniya nang sumakay ng jeep kasi may pupuntahan pa ung iba, sila Ashley at Yohan may date pa ata at ako naman ay deretso uwi na.

Alam niyo ba, habang naglalakad kami nagkaron pa kami ng jamming session kaso acapella. Ahahahhaha! Tsaka feeling ko ligtas ako kasi kasama ko sila kahit na gabi na tapos ung nilalakaran namin ay madilim na kasi hindi umilaw ung ibang poste. Hay… sana maulit pa 'to.