Chereads / Litte Actress Shin is a Stalker / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Sa labas ng gusali ng Diamond Entertainment.

"Exposure... check. ISO... check. Focus... check."

Kasabay ng humuhuni niyang mga bulong sa sarili, malambot sumayaw ang kanyang mga daliri sa kanyang camera habang mabilis niya itong sinet-up.

Dagling pinunas ni Shaina ang namumuong mga pawis sa kanyang noo. Ano pa nga naman ang mangyayari kundi ang maligo siya ng pawis dahil sa kanyang suot.

Black jacket. Black cap. Black facial mask. Kung hindi dahil sa kanyang mamahaling camera na nakabitay sa kanyang leeg, tiyak na mapagkakamalan siyang mandurukot.

"Done." Tumaas bigla ang mga dulo ng kanyang labi. At ang malamlam niyang mga mata'y napalitan ng nagbabagang ekspresyon. Habang ang nananamlay na niyang mga kasukasuan, agad na nasindihan ng lakas.

Finally, it is time.

Tila isa siyang linta na nabudburan ng asin. Nanlalaway na sa pananabik.

Gayun pa man, para sa mga taong nakahalata sa kanyang mala-nakuryenteng kilos, napakanormal lamang ito para sa kanila. Datapwat, pati rin ang mga taong nakapaligid kay Shaina'y nagpupumiglas na sa kasabikan.

Nagmistulang isang maitim na mantya si Shaina sa halos magsasandaang mga fans na nakasuot ng kulay pink na tshirt at sabik na naghihintay sa pagdating ng isang sikat na artista -- si Penelope.

Makikitang rin sa unahin ang kumpol ng mga reporters na naghihintay ng magandang interbyu.

Di man intensyon, hindi pa rin maiwasan ni Shaina na mapansin ang malalaking tarpaulins at mga regalo na dala-dala ng mga fans.

Napakurap si Shaina.

Damn. Ang lakas ng fan base ni Penelope.

Mukhang mahihirapan talaga siyang bahiran ng dumi ang pangalan ni Penelope.

Sa entertainment industry, maituturing na rising eagle si Penelope dahil sa napakabilis nitong pagsikat. Mula sa una nitong pelikula, hanggang sa mga endorsement projects, makikitang halos walang hirap na nakukuha ni Penelope ang magagandang offers.

At ito na rin ang dahilan kung bakit puspos ang mga papuri ng mga tao kay Penelope.

Hindi kalayuan mula kay Shaina, hindi na nakapaghintay ang mga estudyanteng mga fans kaya nagsimula na itong magkwentuhan.

"Tingin niyo, si Penelope ba ang kukunin ni Direk Leo sa panibago niyang rom-com na pelikula?"

Nang marinig ito ni Shaina, agad siyang nahuli ng tsismis. Talaga nga naman. Kung nasaan ang tsismis, nandun ang manok na tumatalak.

Narinig ni Shaina ang pangalang Direk Leo.

Napataas bigla ang kanyang kilay.

Sino nga ba naman ang hindi nakakikilala kay Direk Leonardo Natividad? Si Direk Leo lang naman kasi ang direktor na nakasungkit ng Best Director Award sa Golden Pearl of the East Awards ng nakaraang buwan.

Kaya ngayon, halos sa kanya nakatuon ang atensyon lalo na nang mabalitaang nasa audition period na ang kanyang susunod na gagawing pelikula.

"Ha? Seriously? Tinatanong pa ba yan? Syempre, si Penelope na ang kukunin."

"Hindi natin alam. Baka may ibang artistang makakuha."

"Lol. Andyan pa ba utak mo? Fan ka ba talaga ni Penelope? Nakalimutan mo na ba, na bawat na pinapasukan ni Penelope sa audition, walang artistang kumukuha!"

"Right. Ibig lang sabihin niyan, alam nang ibang artista na wala na silang pag-asa kung kakalabanin nila si Penelope. Haa. Goddess Penelope, maganda na, talented pa. Tsk. Hindi ko alam kung maiinggit ako o mapapaproud."

"Oo nga eh. Ah. Nabalitaan ko rin na kasali siya sa mga naging volunteers na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo sa South. Ahh. Kurutin mo nga ko. Feeling ko maiinlove na ako kay Goddess Penelope!"

Saka mas umigting pa ang pagpupuri ng mga teenagers na ito namang hindi na nakayanan ni Shaina na pakinggan kaya agad siyang kumaripas papalayo.

Tila ba isang virus ang kanyang naririnig, sobra upang mahimatay na siya sa mismong kinatatayuan niya.

Damn. Ang lagkit ng kapit ng impluwensya ni Penelope.

Kung alam lang ng mga fans ang totoo. Ano kaya kung magiging fans parin sila ni Penelope.

Walang gustong maging kalaban si Penelope sa audition?

Syempre, sino ba namang gustong kumalaban sa anak ng presidente ng senado ng bansa. Mayroon ngang isa na naglakas loon na talbugan si Penelope, ngunit dahil dito ay walang hamak itong napatalsik sa industriya.

Subalit hindi ito alam ng mga tao, Penelope's relationship to the senate president alone, tila isang butil ng asin na itinago sa isang kilos bigas.

Kung mayroon mang nakakaalam, yung lang mga nasa entertainment industry.

Sa kabila nito, kung mayroon mang mga artistang naghuhulos-dili dahil sa galit kay Penelope, hindi rin maiaalis ang mga artistang tuta na walang tigil na pinapaypay ang mga buntot upang makuha lamang ang good side ni Penelope.

"Si Penelope!!!"

Isang sigaw lamang at ang buong batalyon ang nagsitakbuhan papunta sa entrance ng gusali ng Diamond Entertainment.

Hindi rin magkamayaw ang mga fans sa pagtawag sa iisang pangalan ng kanilang idolo.

Maya't maya pa, malumanay na lumabas ang isang dilag sa ilalim ng isang silver dress. Mahabang slight wavy at brown na buhok ang iconic description na matatandaan kay Penelope. Anupa't halos lahat ng hair products endorsement, nag-offer siya kanya para sa promotion.

Mas lalong nagtilian ang mga die-hard fans.

Shaina: "..."

The hell. Anong nang nangyari sa kabataan ngayon?