Chereads / my_own_love_story / Chapter 2 - Chapter 2: 1st conversation

Chapter 2 - Chapter 2: 1st conversation

Natapos na ang recess kaya pumasok na kaming lahat sa kanya kanya naming classroom.

"Uyy, kausapin mo kaya si Justin" pangaasar ni Tep.

"ehhh!, ayoko nga. Ayokong maunang magsalita baka mautal pa ako."sagot ko.

"hahaha....Si maam English!."

Natawa lang ako sa sinabi niya.

"Good Morning ma'am." bati naming lahat.

"All of you are not allowed to speak tagalog when English is our subject. Understood?." -Ma'am Angela. Medyo maliit siya, panglalaki yung buhok, cute at masungit.

"Yes ma'am." sagot naming lahat.

"We will not have today's class because you need to know each other."

Ginawa nga namin ang sinabi ni ma'am. Habang nag uusap kami ni Lyka, katabi ko, biglang lumapit si Justin.

"Hi"

Natulala ako sa kanya. Ni hindi ko alam kung ano nang itsura ng mukha ko. Hindi ko kasi alam na pwede palang lumipat ng pwesto. Aghhhh. Justin Alisin mo yang mata mo sakin. Baka tuluyan na kong ma-fall. Saka lang natanggal ang titig sakin ng biglang nagsalita si Tep.

"Ahmmm, Justin dito ka muna umupo para makapag-usap kayo ng maayos. hehe." alok ni Tep. Bago lumipat ng upuan si Tep, bumulong muna siya sakin. "Ayieee, bigyan muna kita ng chance ahhh, pero wag so-sobra baka mapuno si Leah, 'di mo pa yun kilala."

"ok." Dila kaylangan ko Ng tulong mo. Magsalita ka ng hindi nauutal, makisama ka sakin ok.

"Hi, I'm Justin" pagkatapos niyang sabihin iyon bigla niyang tinaas ang kaniyang kamay para makipagkamay.

"He-hello, Nerianne pero tawagin mo nalang ako ng Anne. hehe." Lang hiya Naman ohh. Inis. Nautal kasi ako.

Habang nakikipagkamayan sa kanya bigla kong naramdaman na pawis na pawis na pala ako. Nakita ko rin na tumingin si Leah kaya tinanggal ko ang aking kamay. Ang lambot ng kamay niya.

"Transferred ka diba?"

"Ahh..oo." Umiwas ako ng tingin sa kanya kase nakita kong nakatingon si Leah sakin ng masama. Naku po lordd!!! ingatan niyo po ako mamaya baka mapahamak ako ng dahil dito.

Nag usap kami ng tagalog pero hindi namin pinaparinig sa teacher namin baka mapagalitan pa kami.

"Ahmmm, anong nakuha mong pinakamataas na grade, anong subject?"

"98, Filipino at E.S.P. Ikaw ba?"

"grabe ang taas ahhh. Sana oll nalang. haha. 95 lang akin ehh, Math. May pinsan ka bang Vansai, kasi nabanggit niya samin na may kamag-anak daw sila na Pajalla?"

"Ahh, oo, si Kuya Vansai. Bakit mo siya kilala?"

"Tropa ko yun. May pinakita pa nga saming picture yun ehhh. Yung kasama yung kapatid at pinsan niya, Yung nasa kasalan kayo tapos lavender yung kulay ng damit

Napalunok ako bigla sa sinabi niya kasi hindi ko alam kung anong itsura ko doon.

"Ahh. Anong picture, ito ba?"

Kinuha ko ang litrato mula sa aking wallet kase medyo pamilyar yung sinabi niya.

"Oo yan yun. Saan ka diyan??.

Buti nalang at maganda ang kuha ko sa litrato. Hehe.

Tinuro ko kung nasaan ako. Habang tinitignan niya ang litrato, lumalapit din siya. At habang lumalapit siya mas lalo akong pinagpapawisan. My Gosh lumayu ka plsss.

"Ang cute mo. haha"

Hindi ako makapaniwalang sinabi niya yon sakin. Ahhhhgg.

"Ok class, back to your own seats." Utos ni ma'am. Nakakainis bakit ngayon pa hay naku!!.

"Goodbye class"

"Goodbye ma'am"

Inisssssssssssssssssssssss