Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Damdamin

mio_hurman
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.2k
Views
Synopsis
Hindi lahat ng bagay ay may katapusan, hindi lahat ng bagay ay may magandang simula. Ang istoryang ito ay nagpapakita ng kahalagahan sa buhay ng bawat isa. Dito matutuklasan ang tunay na buhay.

Table of contents

Latest Update1
Muerte4 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - Muerte

Dumating si amien sa kanilang high school reunion nakasuot ng bistidang pula, porselas sa mga braso, at may dala-dalang maliit na bag na punong-puno ng mga kolorete at bente pesos na lukot-lukot pa.

Napansin si Amien na mukhang asensado na ang mga ka-batchmate niya tila nalulunod sa mga maayos na porma at payabangang usapan ng mga ito. Hinanap ni Amien ang kanyang mga kakilala at naging kalapit niyang mga kaklase pero napagtanto niyang hindi siya pala-kaibigan miski isa ay wala siyang nakahalo-bilo o nakausap tanging sarili niya lang ang kanyang kilala simula ng taon ng pag-aaral niya sa hayskul. Dahil siguro sa isang kakaibang nagawa niya na hindi malilimutan ng eskwelahan

Parang isang halaman ang kanyang dating sa reunion na naganap tila mga pagkain at lobo lang ang kanyang kasama. May isang himala ang nangyari sa kanya may lumapit sa kanya na isang ka batchmate niyang nag-ngangalang lucio, sabi ni lucio na may hatid na ngiti

"Uy kumusta ka na Amien?"

"ito mabuti naman, nakakatawa lang na kinausap mo ko" "oh bakit naman? Masama bang kausapin at kumustahin ka?" bigla na lang napangiti si Amien sa kanilang kumustahan.

Tanong ni Amien "anong seksyon mo dati? At tsaka paano mo naman ako nakilala sa pangalan ko e miski isa walang kumakaibigan sa akin" .

Hindi sumagot ng bahagya si Lucio at inaya niyang sumayaw si Amien.

Pumayag naman si Amien na isayaw siya sa tugtugin na sumikat nung sila'y hayskul pa. todo giling ang iilan, may iba nalalasing sa kanilang mga kilos at kung saan-saan na humahawak sa kanilang kapareha sumayaw, may iilan din na hindi marunong sumayaw na bara-bara lang.

Tinapik ni Amien si Lucio sa kanyang balikat at muling nagtanong "Uy nakalimutan mo na ata yung tanong ko sayo"

Hinatid ni Lucio si Amien palabas sa entablado at dinala sa veranda. "ang seksyon ko dati ay acacia" nagulat si Amien sa sagot ni Lucio "edi kilala mo pala yun". Napansin ni Lucio na may peklat si Amien sa kanyang kaliwang pulso. Naiintindihan niya kung bakit naglalagay siya ng madaming porselas sa kanyang kaliwang kamay. "Ah, Amien, yung kaliwang kamay mo ba ay?". "Huwag na nating pag-usapan pa ito Lucio. Kinalimutan ko na ang nangyari dito". Unti- unting lumamig ang kanilang pakikitungo sa isa't isa

Pero hindi hinayaan ni Lucio at sinabi "hayaan mo na iyon amien matagal na yun alam ko naman kung ano ang totoo sadyang napangunahan lang ng iba".

Lumabas si Amien ng veranda at pinagtitinginan ng mga ka-batchmate nila at may naririnig siyang mga salitang hindi magaganda tulad ng dating sinasabi nila noong hayskul pa sila.

Hinanap siya ni Lucio at nakita niyang naglalakad palabas si amien at sumigaw "Amien sandali".

Tumigil si amien at hinintay makalapit si Lucio, "Bakit mo pa ako sinundan? Diba dapat nagsasaya ka ngayon?". Tugon ni lucio "Amien may ipagtatapat ako sa iyo" tila may pagkalito napipinta sa mukha ni Amien "ano iyon Lucio?".

Dinala ni lucio si Amien sa kanyang sasakyan at sinabi "Amien, naalala mo yung gabing iyon? Simula ng nangyari sa inyo ni Anthony".

"Ano tungkol dun Lucio? Ipapamukha mo ba sa akin na halimaw o anumang nakakasuklam na salita sa ginawa ko dun sa tarantadong iyon". "hindi Amien" sabi ni Lucio habang may pagkadismaya sa kanyang mukha.

"Nakita kita sa eskinita ng Victorino na naglalakad mag-isa at sinusundan ka ng tropa ni Anthony, nais ko sanang puntahan ka at alalayan umuwi kaya lang naunahan ako nang hiya ".

"Bakit pa ba natin pinag-uusapan ito diba matagal na iyon at tapos na ang nangyari".

"Amien, tungkol dun sa nangyari wala ka talagang ginawa nun. Sa totoo lang ako ang may gawa nun".

"Ano iyon Lucio ang dami mong sinasabi!". Iyak na may halong galit na pagkakasabi ni amien.

"Amien, ako ang demonyong tinutukoy nila hindi ikaw. Sadyang ikaw lang ang nakita at napagbintangan nila, sa totoo lang amien ako ang gumawa nun kung bakit namatay si Anthony at mga tropa niya ". Sabi ni Lucio.

Nagulat si Amien sa kanyang narinig. "Pero papaano? Bigla lang silang bumulagta sa harapan ko at nagsisigaw ng demonyo habang nanlilisik ang mga mata at lumuluha ng dugo bakit mo ko bibiruin ng ganyan lalo't yun ang dahilan kung bakit miserable ang buhay ko".

Iyak na pagkakasabi ni Amien. "parang awa mo na Lucio tapusin na natin ito". Dagdag ni Amien.

"Amien, kaya nangyari ang bagay na iyon dahil nakita nila ako ang tunay kong anyo, anyong gutom na gutom sa kaluluwa ng makasalanan. Kaya hindi mo nakita yun kasi malinis ang iyong kalooban."

Desididong pagkakasabi ni Lucio. "niloloko mo ba ako? Paano mo mapapatunayan yang sinabi mo".

Halatang nalilito at naguguluhan si Amien habang tinatanong si Lucio. Hinawakan ni Lucio ang kanyang mukha at lumiyab at nakita ni Amien ang demonyong anyo ni Lucio na nakakahindik-hindik at di mapatawaran. "Huwag mo itong ipagsabi sa iba amien kung hindi matutulad ka kila Anthony". Bantang sabi ni lucio.

"Halos sinira mo ang buhay ko, nawalan ako ng gana mabuhay dahil sa lungkot at pagiging mag-isa ko sa mundong kinagagalawan ko. Hindi ko kinaya lucio ang mga paratang nila sa akin pati mga kamag-anak at pinakamamahal kong pamilya ikinamunghi ako dahil lang sa iyong ginawa". Gigil na pagkasabi ni Amien.

"Patawarin mo ko amien kaya nandito ako sa harap mo at sinasabi itong katotohanan sa iyo dahil nais kong bumawi sa iyo, gagawaran kita ng anim na kahilingan".

"Hindi ako naniniwala sa iyo Lucio, palabasin mo na ako dito". Sabi ni amien na nagpupumilit umalis.

"Kung totoo ang sinasabi mo hinihiling kong palabasin mo ko dito sa sasakyan mo". Pinitik ni Lucio ang kanyang daliri at napunta si Amien sa labas ng sasakyan.

"Teka lang, paano? Akala ko talaga nagbibiro ka, pwede mo namang ipagbuksan mo ko ng pinto at hindi gawin ang ganung bagay".

"Sinasabi ko sayo amien totoo ang sinasabi ko kahit demonyo tumutupad sa usapan".

"Sabihin mo nga sa akin lahat ng kung anong meron sayo". Sabi ni Amien.

Lumabas si Lucio sa kanyang sasakyan at sinabing "kahilingan ba yan o natural na tanong?".

"Malamang tinatanong kita!".

"sige sasabihin ko sayo lahat kung nais mong pumunta sa aking bahay".

Sumama si Amien papunta sa bahay ni Lucio at natatanaw niya rito ang magara at malaking bahay. Tanong ni Amien "bahay mo ba ito Lucio?".

"Oo, Amien". Sagot ni Lucio. Sa isip-isip ni Amien na hindi ito ang tipikal na bahay ng demonyo. "gusto mo ba ng maiinom?". Lambing na tanong ni Lucio.

"Tubig na lamang, salamat". Sagot ni Amien. Nililibot ni Amien ang kanyang mata sa loob ng bahay ni Lucio na sobrang kanais-nais at maaliwalas. "maupo ka Amien, ito na pala ang tubig mo". Sabi ni Lucio habang sabay silang naupo.

"Amien ikukuwento ko lahat sa iyo para maintindihan mo". Sabi ni lucio. Hinawi ni lucio ang kanyang kamay at nagbago ang paligid nila na tila'y memorya ni Lucio.

"Ang pamilyang blanco ay isang mayaman na angkan sa lahat ng paraan ay umaasenso sila. Pero sa pagiging sakim ng aming angkan ay tila naparusahan at binigyan kami nang sumpa ng isang sugo at galing raw iyon sa apoy ng kasarinlan ng impyerno na lumilibot sa balat ng lupa upang kumitil ng buhay ng mga makasalanan sa pamamagitan ng pagkuha ng kaluluwa. Dahil sa pagdami ng mga kaluluwa sa ilalim. Kami ang sinumpa ang kumukuha sa mga madudungis na kaluluwa ito ang bubuo sa aming sumpa dahil kung hindi kami makakakuha o makakain ng kaluluwa ay magugutom at magiging abo kami ng tuluyan. Sa ilang dekada ng aming sumpa wala pang nakakasira nito may mga kakumpetansya kaming ibang angkan na tila'y tuluyan ng umanib at sinuko ang sarili sa alab ng kasarinlan ng impyerno. Pero ang aming angkan ay gusto tanggalin ang sumpang ito na nananlaytay sa aming angkan. Patuloy pa rin namin hinahanap ang sagot para mawala itong sumpa. Wala pang nakakaalam nito maliban na lang sa opisyales ng alab ng kasarinlan".

Wala nang nasabi si Amien kung hindi idilat na lamang ang kanyang mga mata habang pinapanuod ang mga memorya ni lucio na napapanud sa kanilang kinauupuan.

Tinanggal na ni Lucio ang kanyang memorya sa silid at kinamusta si Amien "ayos ka pa ba Amien?".

"Oo, Lucio okay pa naman ako pero may katanungan ako bakit mo ko binigyan ng anim na kahilingan?".

"Sa totoo lang, lima na lang ang iyong kahilingan". Pinutol muna ni Amien ang sinasabi ni Lucio.

Teka lang? bakit lima na lang? Napakadaya mo naman". "Hiniling mong ilabas kita sa aking sasakyan".

Pumunta si Lucio sa harap ni Amien. "Kaya may kahilingan ka dahil nagkasala ako sayo nasa kautusan yun ng alab ng kasarinlan na kung sinuman ang magkasala sa mortal ay bibigyan ng anim na kahilingan at magdurusa sa pagkalabis na pagkagutom habang hindi natutupad ang kanyang lahat anim na kahilingan".

"Pero bakit kayo nabigyan ng sumpa? Madami namang mas malala ang kasalanan kaysa sa inyo ah?"

"Matagal nang gumagawa ng kasalanan ang aming angkan, para sa pangsarili lamang. Kung gaano karami o kalala ang kasalanan ng mortal na iyon, maari siyang isumpa ng sugo".

Naliwanagan na si Amien sa sinabi ni Lucio tungkol sa sumpa at sugo.

Unti-unting ngumingisi si Amien at humiling ng

"Hinihiling kong burahin mo sa alaala ng ating mga kabatchmate sa nangyari sa tropa ni Anthony!!". agad-agarang pinitik ni Lucio ang kanyang kamay.

"Natupad ko na ang iyong kahilingan Amien". Tugon ni Lucio. "salamat Lucio"

"Amien maari na ba tayong bumalik kasi kakanta pa ako sa ating reunion sinama kasi ako sa magpeperform". "Sige Lucio sasamahan kita".

Sabi ni Amien habang palabas na sila sa kanilang bahay.

Nang makarating na sila ulit sa reunion madami ng nakakakilala kay Amien na bago sa pakiramdam niya. Habang pinapakilala na si Lucio at kakanta na napapansin ni Amien na nahihilo at bumabagsak ang iilan sa kanyang mga kabatchmate at bumagsak sila sa sahig at nagkakagulo ang mga tao pero si lucio ay patuloy pa rin sa pagkanta. Kita sa mukha ni Amien ang takot dahil sa pangyayari.