Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

THE THIRDS BOOK 1: THE LAST WALTZ

🇵🇭JessicaAdamsPhr
20
Completed
--
NOT RATINGS
78.5k
Views
Synopsis
Sa kanilang apat siya ang talagang naniniwala sa magic at happy ending. Naniniwala rin siyang ang lahat ng nangyayari gaano man kasakit ay may magandang dahilan. At para kay JV ay si Vinnie iyon. Isang simple, mahinhin at mahiyaing babaeng nagpaligalig sa puso niya. At gaano man kasimple ang ayos nito, hindi niya maitatangging napakalakas ng dating nito sa kanya. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya napigilan ang sariling isayaw ito nang gabi ng Foundation Ball. Naniniwala siya sa destiny noon pa man. At matapos ang ilang ulit nang pagkukrus ng mga landas nila at tila pagiging maliit ng mundo para sa kanilang dalawa ay noon nabigyan ng justification ang kakaibang damdaming naramdaman niya para sa dalaga habang isinasayaw nila ang The Last Waltz. Naging sobrang mailap si Vinnie at isa iyon sa mga dahilan kung bakit nahirapan siyang mag-isip ng paraan para ligawan ito. Pero gaya nga ng laging nangyayari, pagkakataon rin ang nagbigay sa kanya ng idea kung ano ang dapat gawin. Sa simula palang ay alam na niyang hindi pwedeng makipag-nobyo si Vinnie until makapagtapos ito ng kolehiyo. Pero sa kabila ng lahat ay wala parin siyang maramdamang kulang kahit sabihing patago ang kanilang relasyon. Everything was so perfect at tanging sa piling lang ni Vinnie niya naramdaman iyon. Pero noon naman biglang pumasok sa eksena ang kuya ni Vinnie na may malalim palang galit sa kanya. At ang galit na iyon ang naging dahilan kung bakit nalagay sa panganib ang buhay ng babaing pinakamamahal niya.
VIEW MORE

Chapter 1 - PART 1

FOUNDATION Ball, bahagi iyon ng pagdiriwang ng Foundation Month sa St. Joseph University. Wala talaga sa plano niya ang pumunta kundi lang niya naipangako sa bestfriend niyang si Hara dahil hindi siya nakapanood noong nagdaang Rock Fest.

Napabuntong hininga si Vinnie saka nangalumbabang pinanood ang maraming pares na nagsasayaw sa dance floor ng malaking auditorium ng SJU. At dahil sa lamyos ng mga tugtugin ay hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang naghikab dala ng antok at boredom.

"Hey, are you okay?" si Hara nang daluhan siya nito.

"Mukha ba akong okay? Gusto ko ng umuwi, inaantok nako" angal niya.

"Ang kj mo ah! Bakit kasi panay ang tanggi mo sa mga nag-aalok sayo ng sayaw?"

"Eh sa hindi ko sila type eh!" inis niyang sagot.

Umikot ang mga mata ni Hara. "Wow ah, alam mo bang iyong tinanggihan mo kaninang naka pulang long sleeves ay Mr. Business Administration?"

���Kahit anong Mister pa siya, wala talaga ako sa mood. Sana di nalang ako pumunta di sana nananaginip nako ngayon" nakasimangot niyang turan.

Magsasalita pa sana si Hara pero napigil ang mga sasabihin pa nito nang lapitan nanaman ito ng isang gwapong binata.

"Wait lang ah?" nakangiti nitong sabi na tinanguan lang niya.

Naiwan siyang nanunulis ang nguso saka dinampot ang baso ng juice at uminom.

Kung may isang Prince Charming na lalapit sakin ngayon para alukin akong magsayaw ng waltz, pwede pa siguro.

"ANO nakailan ka? Nabilang mo ba?" ang tanong sa kanya ni Dave nang daluhan niya ito sa mesa nila.

"Hindi eh, pero isa lang ang sigurado. Lahat magaganda at seksi" may kapilyuhan niyang turan.

Tinawanan iyon ni Dave. "Mabuti pa si Raphael ano?" anitong tinapunan ng tingin ang kababata nilang nagsasayaw kasama ang tatlong linggo narin nitong nobya na si Louise.

"Darating din iyong para satin, huwag kang mainip" aniya.

"Darating, e diba may Irene kana? Oo nga pala ba't hindi mo siya kasama?"

"Galit sakin, para natanong ko lang kung sino iyong madalas na tumatawag sa kanya bigla ng nagtaas ng boses at inaway ako kahit nasa restaurant kami" napabuntong hininga pa siya nang maalala ang ginawang iyon ng nobya.

Nangalatak si Dave. "Iba yan pare, baka siya na ang karma mo?"

Tumawa siya ng mahina at piniling huwag ng sagutin ang sinabi ng kaibigan. Kahit gusto niyang sabihing wala siyang ibang nararamdaman kay Irene maliban sa simpleng atraksyon.

Nasa ganoong ayos siya nang may mahagip ang kanyag mga mata sa di kalayuan makalipas ang ilang sandali. Kasabay niyong pumailanlang ang hudyat na ng pagtatapos ng programang iyon. Isa iyong waltz music o mas kilala sa tawag na The Last Waltz.

Tradisyon na ang The Last Waltz sa SJU sa kahit anong pagtitipon sa unibersidad na may pasayaw. Sariling komposisyon ito ng namayapa na at dating musical director ng SJU Orchestra at tinugtog rin mismo ng SJU Orchestra.

Hindi siya nag-aksaya ng panahon. Tumayo siya saka naglakad palapit sa kinaroroonan ng babaeng kahit may suot na salamin sa mata ay napakalakas ng dating sa kanya. Kulay dilaw ang simpleng dress na suot nito at maganda ang naging contrast niyon sa itiman nitong buhok.

Nang makalapit siya rito ay nakita niya ang pagkailang sa mga mata nito. Napangiti siya, halatang mahiyain ang dalaga.

"Hi," aniyang nakangiti. Noon siya nito nilingon saka pinaglipat-lipat ang paningin sa mukha at kamay niyang noon ay nakalahad sa harapan nito. "napansin ko mag-isa ka. Can I have this dance with you?"

Isang pilit na ngiti ang pumunit sa mga labi ng dalaga. At sa kabila ng nakikita niyang pag-aalinlangan sa mga mata nito ay malugod parin nitong tinanggap ang alok niya. Weird pero lihim niya iyong ipinagpasalamat dahil kung tumanggi ito, iyon ang unang pagkakataong tinanggihan siya ng isang babae.

Mahusay itong magsayaw ng waltz. At habang nagsasayaw sila ay nanatili lang itong nakayuko at hindi siya tinapunan ng sulyap minsan man. Ramdam niya ang panginginig ng kamay nito kaya naisip niyang huwag nalang magsalita para hindi ito mailang sa kanya. The same reason kung bakit minabuti niyang huwag ng tanungin ang pangalan nito. Why he had this strange feeling na hindi iyon ang una at huli nilang waltz. Kahit iyon din ang unang pagkakataong hindi siya nambola ng babaeng kasayaw niya.

It seems that, my wait is over.

Naisip pa niya pagkuwan saka wala sa loob na napangiti.

TWO WEEKS LATER

PANAY ang tingin ni Vinnie sa suot na relo. Talagang late na siya, dahil kahit paliparin pa ng traysikel driver ang motor nito ay hindi parin siya aabot.

Bakit naman kasi nagpuyat pa ako kagabi eh alam ko namang may report ako ngayon!

Hilig kasi niya ang manood ng mga drama sa TV tuwing gabi. At iyon ang dahilan kung bakit siya tinanghali ng gising. Bukod sa traffic na ay nasa may simbahan palang sila ng St. Joseph Cathedral na may kalayuan pa sa St. Joseph University kaya hindi napigilan ang mapasimangot.

Kahit naman kasi itext ko si Hara para ipasabi kay sir Giron na male-late ako hindi rin 'yun panigurado ng tatanggaping ni sir. Ano ako boss na pwedeng hintayin ng mga empleyado kahit late na sa meeting?

Dahil doon ay lalong sumidhi ang nararamdaman niyang inis sa sarili.

First year BS Psychology student siya sa SJU. Iyon ay sa kabila ng pagpipilit ng tatay niya na maging Accountant siya. Wala kasi doon ang interes niya, kahit pa sabihing mahilig siyang mag-ipon ng pera.

Paaral siya ng kuya niyang si Lloyd. Walong taon ang gap nila ni Lloyd, pero hindi iyon naging hadlang para maging malapit sila ng husto. SJU graduate rin ito at ngayon ay isa ng magaling na Arkitekto sa Amerika. Doon ito ipinadala ng pinagtatrabauhan nitong kumpanya sa Maynila.

Hindi sila hirap sa buhay dahil maganda naman ang kita ng babuyan nila na parehong pinagyayaman ng mga magulang nilang sina Melchor at Selma. Pero dahil nga binata at walang nobya, si Lloyd na ang sumasagot sa lahat ng gastusin niya sa pag-aaral. Kapalit ang pangako niyang hindi makikipagnobyo hangga't hindi pa nakakapagtapos. Bagay na sinang-ayunan naman niya dahil kung siya ang tatanungin wala pa naman talaga sa isip niya ang pakikipag-nobyo.

Kumusta na kaya siya ngayon? Naiisip kaya niya ang kuya ko? Sinayang lang niya ang pagmamahal ni kuya sa kanya.

Si Cassandra ang babaing tinutukoy niya. Ang long time college girlfriend noon ni Lloyd na binalak pa nitong pakasalan. Naging saksi siya mismo sa pagmamahalan ng dalawa kahit nang mga panahong iyon kung tutuusin ay napakabata pa niya.

Nakita niya kung paano minahal ng kuya niya ang dating nobya. At masaya siya kapag nakikita niya ang kakaibang kislap sa mga mata ni Lloyd noon. Hindi naman nakakapagtaka iyon, kasi magkapatid sila. Gaya nga ng madalas niyang marinig sa nanay nila. Isa lang ang pusod nila kaya kung ano ang maramdaman ng kuya niya ay ganoon rin ang sa kanya.

Kaya naman nasaktan din siya ng husto nang malamang ipinagpalit ito ni Cassandra sa ibang lalaki na napag-alaman pa niyang mas bata ng apat na taon sa kuya niya.

Maraming gwapo, maraming ring mayaman. Pero iyong magmamahal ng husto. Iyong kahit buhay niya kaya niyang ibigay para sayo. Iyon siguro ang mahirap hanapin. Parang si Kuya. Sana may makilala akong kagaya niya someday.

Sa isiping iyon ay napalabi ng wala sa loob.

Wow top down Audi! Nang matanawan niya ang kulay silver na kotseng nakaparada sa tapat ng gate ng simbahan, hindi iyon malayo sa kanilang kinaroroonan. At iyon rin ang tila nagpabalik ng isip niya sa kasalukuyan.

Muli niyang sinipat ang suot na wrist watch. Saka walang anumang sinuri ang repleksyon niya sa rear view mirror na nasa loob ng traysikel. Pagkatapos ay hopeless na nagbuntong hininga saka isinandal ang ulo sa headrest ng traysikel.

Lord, maghimala kayo please? Pikit mata niyang dasal.

SUNOD-SUNOD na napailing si JV nang mapagmasdan ang gulong ng kanyang sasakyan.

Kapag minamalas ka nga naman! Aniya saka sinulyapan ang suot na relo. Noon niya dinukot ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Papupuntahin nalang niya doon ang kanilang family driver.

"Manong Jun" tawag niya sa matandang janitor na nakita niyang nagwawalis malapit sa may gate ng malaking simbahan.

Ngumiti ito nang makita siya. "Oh JV hijo, mukha yatang problemado ka?" nang makalapit ito.

Natawa siya, dati siyang sakristan noong bata pa siya kaya kilala siya ng mga tao sa simbahan. "Oo nga po eh, teka Manong may ipapakiusap po sana ako sa inyo?" aniya sa nahihiyang tinig.

Tumango ang matanda. "Oo naman, ikaw talagang bata ka. Ano ba iyon?"

"Ipapakisuyo ko ho sana itong kotse ko sa inyo" aniyang iniabot sa matanda ang susi. "parating na po si Manong Manny, siya na po ang magdadala nito sa casa. Hindi ko na po siya mahihintay kasi malelate na ako sa klase ko."

"Sige ako na ang bahala. Ang mabuti pa sumakay kana ng traysikel at baka mahuli ka pa."

"Oo nga pala" aniyang dinukot ang pitaka. "heto po, pambili ninyo ng gamot. Pasensiya na po nahuli ako nga bigay ngayon" paumanhin pa niya.

Sandaling pinagmasdan ng matanda ang bills na iniabot niya. "Ang laki naman nito hijo?" anito. "nakakahiya na, hindi mo naman obligasyong sagutin ang gamot ko."

Kinindatan niya ang matanda. "Dinagdagan ni Papa ang allowance ko, kaya dapat lang na i-share ko ang blessing sa inyo."

"Napakaswerte ng babaeng pakakasalan mo hijo, napakabait mo. Kung tutuusin wala naman akong nagawang malaki sayo maliban nalang sa pagiging malapit natin noon pa mang bata ka, pero mula nang magkasakit ako ikaw na ang sumasagot sa gamot ko" nangingilid ang luhang sinabi ng matanda.

"Pamilya ang turing ko sa inyo Manong Jun, iyon nalang ang iisipin ninyo." aniyang nakangiti pa itong tinapik sa balikat. "mauna na po ako" paalam pa niya bago tinalikuran ang tumango lang na matanda.

Matandang binata si Manong Jun. Nang mamatay sa aksidente ang katipan nito ay hindi ito nag-asawa. Wala narin itong kamag-anak kaya mag-isa nalang ito sa buhay. Ang kinikita nito sa simbahan bilang janitor ang tanging kabuhayan ng matanda. Kaya naman nang mapag-alaman niya ang tungkol sa sakit nitong diabetes ay siya na ang nagkusang bigyan ito ng pambili ng gamot monthly.

Sa laki kasi ng allowance niya ay hindi naman kabawasan ang perang ibinibigay niya sa matanda. Naniniwala rin kasi siyang kahit sinong tao deserving para tulungan nagawan ka man nito ng pabor o hindi. At isa pa masarap sa pakiramdam ang nakakagawa siya ng mabuti kahit pa sa SJU ang tingin sa kanya ay playboy.

Well, sino ba naman sa mga naging nobya niya ang totoong nakakakilala sa kanya? Wala pa yata? Iyong tipong kahit hindi siya magsalita ay nagagawang basahin ang iniisip niya. At higit sa lahat alam kung ano ang totoong nararamdaman ng puso niya.

Napabuntong hininga pa siya nang maalala ang naging ending nila ni Irene kagabi nang maihatid niya ang dalaga.

"OH hayan dinelete ko na ang number ng lalaking pinagseselosan mo" ang inis na sabi ni Irene bago ibinalik sa loob ng bag nito ang hawak na cellphone.

"Ako magseselos? Bakit naman? Marami kang pwedeng lokohin pero hindi ako. Sige na bumaba kana, I'm breaking up with you" aniya.

Noon niya naramdaman ang kamay nito sa kaniyang hita. "JV, please. I love you" anito.

Kulang ang mga daliri niya sa kamay at paa para mabilang ang lahat ng babaeng nagdaan na sa kanya. Pero ang isang ito lang ang parang walang contentment. Committed sa kanya and yet nagagawa pang makipag-flirt sa iba? At iyon ang pinaka-ayaw niya sa lahat. Kahit sinong lalaki din naman siguro.

Hindi si Irene ang unang spoiled brat na nakarelasyon niya. Pero sa lahat ito ang pinaka-eskandalosa.

Galing ng Maynila ang pamilya nito na matagal na nanirahan doon. At ang ina nitong si Mayen ay bestfriend ng Mama niya. Ang Mama niya ang nag-utos sa kaniyang kaibiganin si Irene. Last summer lang niya ito nakilala at dahil nga laking siyudad, madali niyang nagustuhan ang tipo nito pagdating sa pakikipagrelasyon at well, sa huling naisip ay malisyoso siyang napangiti.

First year ito sa SJU at kumukuha ng Hotel and Restaurant Management. Girlfriend na niya ang dalaga for almost two months. At aminado siyang kahit napakaganda nito at gusto ng Mama niya ay wala siyang nararamdamang ano mang espesyal na damdamin para rito. Siguro dahil wala namang kakaiba kay Irene at sa ibang babaeng nagdaan na sa buhay niya.

"Kahit maghubad ka pa ngayon sa harapan ko hindi mo na mababago ang desisyon ko, so please get out of my car at uuwi na ako" mababa ang tinig niyang sinabi.

"No! Pagkatapos ng lahat ganito pa ang makukuha ko sayo? How dare you!" ang galit na turan ni Irene.

"Ano bang sinasabi mo? Sa pagkakaalam ko lahat ng ginagawa natin gusto mo, hindi kita pinilit kahit minsan. And besides patas lang naman tayo di ba? Mas lamang ka pa nga kung tutuusin dahil nagagawa mong maging unfaithful ng hindi ko alam."

"Napaka walanghiya mo talaga! Sumosobra kana!" anitong galit siyang pinagsusuntok sa dibdib.

"Hey! Please huwag kang mag-eskandalo? Baka marinig ng parents mo nakakahiya" aniyang hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga nang mapunang nakatawag ang ginawang iyon ni Irene sa ilang naglalakad sa labas ng malaking bahay ng dalaga.

"Hindi ako papayag na basta mo nalang akong iiwan! At isa pa ako ang gusto ng Mama mo para sayo!" giit nito saka padaskol na bumaba ng kotse.

Halos magiba ang gate sa lakas ng pagkakatulak doon ng dalaga. Napailing siya sa nakita saka mabilis na pinatakbo palayo ang sasakyan.

Totoo naman ang sinabing iyon ni Irene kung tutuusin, kadalasan kasi ang Mama nilang si Carmela ang kumokontrol sa buhay nilang magkakapatid.

Panganay siya at may dalawa pang kapatid na babae. Ang sumunod sa kanya ay si Hara na nasa unang taon nito sa SJU sa kursong BS Psychology habang si Savana ay graduating naman sa elementary. Sa parehong angkan ng mga magulang nila, siya ang unang apo kaya siya rin ang pinakamatanda sa kanilang magpi-pinsan. At sa totoo lang, ngayon palang ay ramdam na niya ang pressure sa lahat ng obligasyong naka-atang na sa balikat niya bilang pinakamatanda sa ikatlong henerasyon ng mga De Vera, particularly.

Paggawa ng furnitures na yari sa rattan ang negosyong pinasok ng mga magulang nilang sina Jovic at Carmela. Mga produktong ine-export nila hindi lang sa mga bansa sa Asya kundi maging sa Amerika at kamakailan lang ay napasok na nito ang Europa. Sa dalawa, ay mas tutok rito ang Mama nila dahil mas maraming oras ang ginugugol ni Jovic sa pagpapatakbo ng SJU kung saan ito kasalukuyang nakaupo bilang isa sa mga direktor ng unibersidad.

Kasalukuyan parin siyang nag-aabang ng traysikel na masasakyan nang marinig na tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon saka binasa ang mensaheng galing kay Joey. Ang head ng SJU Theater Arts Guild kung saan siya active member.

Elementary days nang magkaroon siya ng interes sa pag-arte. Pero nagsimula iyon hindi sa eskwela kundi sa simbahan. Nang mga panahong iyon kasi ay kasalukuyan pa siyang sakristan sa St. Joseph Cathedral. At maraming event sa simbahan na kadalasan ay mga dulang galing mismo sa Bibliya na kinatatampukan ng mga tao ng simbahan kung saan siya kabilang.

Gaya ng iba, he started from small to heavy roles. At ipinagpatuloy niya ang paggiging active sa acting nang mag-high school siya . Hindi niya pinlanong maging artista at wala siyang balak na i-pursue ang pag-arte after college. Pero dahil nga interes niya, hindi siya nagdalawang isip na ipagpatuloy ang pagsali sa mga acting workshops ng SJU tuwing summer. And that made him qualified as one of the best actors of the SJU Theater Arts Guild when he entered college.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit bukod sa pagiging the third niya, gaya nina Raphael, Lemuel at Dave ay nakilala siya ng husto sa SJU, partikular na sa mga babae. Doon ay napangiti siya ng wala sa loob.

BS Electronics and Communication Engineering ang course nilang apat at graduating na sa taong- aralang iyon. At dahil nga nasa second floor ng College of Environmental Design and Engineering building ang classroom nila. Madalas kapag wala pa ang prof nila ay nasa corridor silang apat at nagsa-sightseeing. Mula kasi doon ay tanaw ang buong quadrangle kaya napagsasawa nila ang mga mata nila sa naggagandahang estudyante. At iyon ang masasabi niyang naging hobby narin nilang apat.

Noong hindi pa nito nakikilala at nagiging nobya si Louise. Si Raphael na siyang lead vocalist ng SJU Rock Band ang masasabi niyang pinakamabilis magpalit ng nobya sa kanila. Hindi na nakapagtataka iyon, because he sings beautifully. At kahit siya mismo ay aminadong napaka-soulful ng boses ng binata na hindi mahirap ihalintulad sa tinig ni Ben Adams ng A1.

Bukod kay Raphael ay si Lemuel ang isa pang mahilig sa musika. Mahusay itong tumugtog ng violin at active rin bilang miyembro ng SJU Orchestra. Bukod pa roon ay may talent rin ito sa pagsusulat ng kanta. Kung minsan ito ang tinatawag nilang tatang. Hindi niya alam kung nagkataon lang pero hindi ito mahirap ihalintulad sa paborito nitong musical instrument. Likas kasi sa binata ang pagiging seryoso at tahimik. Man of few words ika nga nila, at iyon ang nakikita niyang magnet na humihila sa mga babae palapit rito.

Kabaligtaran naman ni Lemuel si Dave dahil napaka-hyper ng binata at laging nakangiti. Iyon ay sa kabila ng pagiging notorious playboy type ng karisma nito. Nag-re-reflect naman sa mga galaw at pitik ni Dave ang totoong personalidad nito kapag sumasayaw ito. At isa iyon mga dahilan kung bakit nakilala ito bilang Justin Timberlake ng SJU Dance Troope.

Habang siya? Sa kabila ng pagiging plaboy niya, sa kanilang apat siya lang ang masasabi niyang sa simula palang ay naniniwala na sa magic at destiny. Hindi niya alam kung bunga ba iyon ng maraming kasalan at magagandang wedding vows na narinig na niya noong sakristan pa siya, o baka naman na-inspire lang siya sa nakikitang pagsasama ng mga magulang niya.

Isang matamis na ngunit ang pumunit sa mga labi niya dahil sa isiping iyon saka walang anumang pinara ang isang traysikel saka sumakay.